Home / Romance / The Substitute Mrs. Craig / Kabanata 121 - Kabanata 130

Lahat ng Kabanata ng The Substitute Mrs. Craig: Kabanata 121 - Kabanata 130

265 Kabanata

CHAPTER 121

MADALING ARAW ay naramdaman niyang may humahalik sa kanya, pupungas-pungas siyang nagmulat ng kanyang mga mata, “Damian. . .? Anong oras ka dumating? Gusto mo bang igawa kita ng kape?”Babangon na sana siya ngunit pinigilan siya nito at siniil ng halik sa mga labi. Nag-init na rin ang pakiramdam niya at tinugon ang mga halik nito. Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. Napaliyad siya sa kiliting idinulot niyon, waring kinukuryente siya ng mga labi nitong gumagapang sa maseselang parte ng kanyang katawan habang ang mga kamay nito ay abala sa pagtatanggal ng kasuotan niya.Napaungol siya nang paglaruan nito ang dungot ng kanyang kaliwang dibdib, “I missed you so much, Janice,” narinig niyang sabi nito, muling tumaas ang mga labi nito para hagilapin ang kanyang mga labi. Matagal bago ito bumitaw at muling pumaibaba sa kanyang dibdib, sa kanyang pusod hanggang makarating iyon sa pagitan ng kanyang mga hita.Basang-basa na siya nang ipasok duon ni Damian ang dila nito at naglabas m
last updateHuling Na-update : 2024-06-20
Magbasa pa

CHAPTER 122

PAGLABAS NI DAMIAN PARA SUNDAN sana si Janice ay nakita niya itong sumakay sa taxi kasama ng isang lalaki. Biglang nagdilim ang mukha niya. Tinawagan niya si Rex para utusan itong sundan si Janice at alamin kung sino ang lalaking kasama nito. “Opo Sir,” sabi ni Rex, kaagad na sumakay sa kanyang motorsiklo para sundan si Janice. Nakita niyang dumiretso ang sinasakyan nitong taxi sa isang motel. Kaagad niya iyong itinawag sa amo, “Sir, pumasok sila sa isang motel dito sa Cubao.”Naningkit ang mga mat ani Damian, parang sasabog ang dibdib niya habang tinitingnan ang larawang ipinadala sa kanya ni Rex. “Alamin mo ngayon din kung sino ang lalaking kasama nya. Kung pano mo yun gagawin, bahala ka na. Gusto kong malaman kung sino ang lalaking kasama nya, ngayon din,” utos niya rito saka parang nawala na sa mood na umuwi na siya.Nasasaktan siya sa ginagawang pagtataksil sa kanya ni Janice. Buong akala niya ay malinaw na para dito kung ano ang mayroon sila. Ilang sandali pa ay tumawag
last updateHuling Na-update : 2024-06-21
Magbasa pa

CHAPTER 123

DINALA SILA ng mga armadong lalaki sa labas ng Maynila, tantiya niya ay mga dalawang oras ang layo mula Maynila. Huminto ang sinasakyan nila sa isang malaking warehouse at duon ay pinababa silang mag-ina. Iyak ng iyak sa takot si Alexa ngunit wala siyang magawa para pawiin ang takot nito dahil maging siya ay takot na takot rin. Nagulat siya nang makita duon si Alex, nakagapos ito at bugbog sarado.“Alex. . .” Sigaw niya, mas lalo siyang napaiyak nang makita itong duguan at hirap na hirap huminga.“Putang ina, sinabi ko naman sa inyong ako na lang ang saktan ninyo!” Sigaw ni Alex sa mga armadong lalaki ngunit nagsipagtawanan lang ang mga ito.“Mommy, papatayin ba nila tayo?” Tanong ni Alexa sa kanya, napakagat labi siya at tinakpan ang mga tainga nito upang hindi marinig ang kung anumang sasabihin ng mga armadong lalaki.Itinaboy silang mag-ina ng mga ito sa tabi ni Alex. May pait sa mga labing napangiti si Alex habang nakatingin kay Alexa, “Siya na ba ang anak ko? Ang ganda, kamu
last updateHuling Na-update : 2024-06-21
Magbasa pa

CHAPTER 124

MALUNGKOT NA MALUNGKOT SI DON FERNANDO habang binabagtas nila ang daan pabalik ng Maynila. Isang taon na ang nakakalipas simula nang mamatay ang kanyang kaisa-isang anak na si Linda subalit nandito pa rin ang sakit sa puso niya at hindi na yata iyon maiibsan kahit na kailan. Namatay sa cancer ang kanyang 26-taong gulang na anak at habang may sakit ito ay dito sa kanilang hacienda nito piniling manirahan. Ito ang kanyang nag-iisang tagapagmana at ngayong wala na ito, alam niyang nagbubunyi ng husto ang kanyang kanyang dalawang kapatid at mga pamangkin. Nuon pa man ay pinag-iinteresan na ng mga ito ang lahat ng kanyang mga kayamanang maiiwan. Ngunit nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya ibibigay ang lahat ng kanyang pinaghirapan sa mga ganid niyang kamag-anak. Si Don Fernando ay kilala bilang isang napakabait at matulunging nilalang kaya walang puwang para sa kanya ang mga ganid at mapangsamantalang gaya ng kanyang mga kamag-anak. Sa kanyang paniniwala, hindi maaring magta
last updateHuling Na-update : 2024-06-22
Magbasa pa

CHAPTER 125

“ATE JANICE?” Bakas ang pagkagulat at kaligayahang naramdaman ni Jasmine nang tawagan niya ito, “Sobra kaming nag-aalala saiyo. . . lahat na ng lugar na maari mong puntahan ginalugad namin pero hindi ka namin mahanap. Pati ang contact number mo, patay at. . .”“Maari bang ilihim mo ang tungkol sa pagtawag ko saiyo. Kahit kay Denver huwag mong ipaalam.” Aniya sa kapatid, “Muntik na kaming mamatay nang dahil sa ama ni Damian.”Nagulat ito sa ibinalita niya.“Kaya nakikiusap ako saiyo. Walang dapat makaalam na nagkakausap tayo. Pakidelete rin ng number ko sa phone mo. Ako na lang ang tatawag saiyo. Huwag kang mag-alala, maayos ang lagay namin ni Alexa pero pasensya na, hindi ko maaring sabihin kung nasaan kami.”“Oo, ate. . basta mag-iingat ka at palagi mo akong tatawagan. Malaman ko lang na safe kayong mag-ina para hindi ako nag-aalala.” Sabi ni Jasmine sa kabilang linya.“Ligtas kami at nasa mabuti na kaming kalagayan ngayon. Mag-iingat ka rin,” bilin niya rito saka mabilis nan
last updateHuling Na-update : 2024-06-22
Magbasa pa

CHAPTER 126

NAGING ISANG MATAGUMPAY ANG KAKA-LAUNCH LAMANG NA APPAREL BUSINESS ni Janice sa Amerika. Ngunit kasabay ng tagumpay niyang iyon ay nabalitaan niya mula kay Jasmine na nasa ospital ang kanilang ina at nag-aagaw buhay na kung kaya’t kinailangan niyang magbalik ng Pilipinas. Ang sabi ni Jasmine, ang findings ng doctor ay nasa stage five lung cancer na ang sakit nito. Baka kapag pinatagal pa niya ang pamamalagi sa Amerika ay hindi na niya ito maabutang buhay.Sa kanyang pagbabalik, pinakiusapan niya ang kakambal na ilihim kahit kay Denver ang pagdating niya kung kaya’t sila lamang dalawa ni Jasmine ang nagkita sa ospital kung saan nakaratay ang kanilang ina. Nagyakap sila ng mahigpit ni Jasmine. “Ate Janice,” umiiyak na wika nito pagkakita sa kanya, “Ang tagal nating hindi nagkita. Gusto sana kitang pasyalan sa Amerika nuong nagbakasyon kaming mag-anak pero sabi mo’y ayaw mong malaman kahit ni Denver ang lahat ng tungkol saiyo kaya tinikis ko na lamang na hindi ka makita.”“Pasensya
last updateHuling Na-update : 2024-06-23
Magbasa pa

CHAPTER 127

ISINALYA NI DON DOM ang isa sa kanyang business asscociates nang malamang nagpull out na ito ng mga investments nito sa kanyang itinatag na kompanya. “Wala ka talagang utang na loob. Ako ang tumulong saiyo para mapasok mo ang global market, pagkatapos ngayong umaalagwa ka na, basta mo na lang akong iiwan sa ere?” Galit na galit na sabi niya rito.Hindi umimik ang kaibigan nito sa halip ay nagsilapitan ang mga tauhan nito at inawat si Don Dom. Nangangatal sa galit si Don Dom Craig habang tila nanghihinang napaupo. Mula sa kanyang pagsusumikap ay naitayo niya ang Craig Apparels at namayagpag ito hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Asya. Hindi kailanman nagkaroon ng interes si Damian na pangasiwaan ito. Maski ang kanyang kapatid na ama ni Denver ay hindi naniniwalang makakaya niyang palaguin ang negosyong ito kung kaya’t kinailangan niya ang tulong ng kanyang mga kaibigan at mga magulang ni Rochelle para lumawak at mapasok ang international market. Nuong mga panahon kasing iyo
last updateHuling Na-update : 2024-06-24
Magbasa pa

CHAPTER 128

“KAILANGAN MONG DUMALO SA KAARAWAN NG ANAK NI DON FERNANDO!” Matigas ang tonong sabi ng ama ni Damian sa kanya nang tawagan siya nito sa telepono. Parang walang narinig na itinuloy niya ang panunuod ng tv. Simula nang umalis si Janice, sa kanyang mga farm na siya naglalagi. Binitiwan na niya ang kahit na anong may kinalaman sa mga negosyo ng pamilya Craig. Maski ang itinayong negosyo ng ama na Craig’s Apparel ay hindi niya pinag-interesan kahit pa ilang beses itong nakiusap sa kanya na tulungan siya sa pagpapatakbo lalo na ngayong dumadaan ito sa malaking financial crisis.Malungkot na malungkot siya ngayon dahil kaarawan ngayon ni Janice. Ang daming bumabalik na mga alaala sa kanya. Parang nagsisikip na naman ang dibdib niya.“Damian, naririnig mo baa ko?” dinig niyang sigaw ng ama mula sa kabilang linya ng telepono.“Naririnig ko ho kayo,” matabang na sagot niya rito.“Malaking investor si Don Fernando at gusto kong magpa-impress sa kanya lalo na sa anak niya. Tulungan mo ako.
last updateHuling Na-update : 2024-06-24
Magbasa pa

CHAPTER 129

INIS NA INIS NA LUMABAS NG DRESSING ROOM NI JANICE si Gesel. Sa isip niya ay may araw rin sa kanya ang mag-amo na iyon. Gigil siya kay Janice dahil pati ang atensyon ni Jeffrey ay naagaw na rin nito sa kanya. Nagtungo siya sa kanyang dressing room at tiniyak na mas maganda ang kanyang kasuotan kaysa kay Janice. Ngunit sa isipan niya ay kahit anong ganda ng suot niya, di niya matatalbugan si Janice lalo pa at kapos siya sa height. Bakit ba kasi ng magsabog ng kagandahan ang Diyos, sinalong lahat ng babaeng iyon? Pati height nito, ang perfect. Samantalang siya. . .ayaw niyang laitin ang kanyang sarili pero kahit anong gawin niya, hindi niya ito magawang talbugan. Kaya mas lalo lamang siyang namumuhi dito.Samantala, nang matapos siyang make-apan ni Jovan ay sinilip niya ang bulwagan sa ibaba. Nakasimpleng bestida pa lamang siya, mamaya pa niya isusuot ang kanyang magagarang gown. Unti-unti nang nagsisipagdatingan ang mga panauhin. Napangiti siya. Tiniyak niya kay Don Fernando
last updateHuling Na-update : 2024-06-25
Magbasa pa

CHAPTER 130

BAHAGYANG NATULALA SI DAMIAN nang makita si Janice. Nilampasan lamang niya ang kaibigang tumawag sa pangalan niya. Tumakbo siya para lapitan si Janice ngunit tila nagmamadali itong umalis at naglahong parang bula.“Buhay pa rin pala ang babaeng iyon,” sabi ni Rochelle sa kanya, “Todo make up na akala mo sya ang birthday celebrant eh taga hugas lang naman sya ng pinggan dito,” tumatawa pang sabi nito.Naisipan ni Damian na pumunta sa likuran para hanapin ito sa mga staff duon ngunit hindi niya nakita duon si Janice. Damn. Damn. Damn. Hindi siya huminto sa paghahanap dito.Kinakabahan si Janice habang pabalik ng kanyang dressing room. Mabuti na lamang at mabilis niyang napagtaguan si Damian. Parang gusto niyang mapaiyak habang waring bumabalik ang lahat ng mga masasaya nilang alaala.Pero dapat na niya itong kalimutan. Hindi maaring mabago ang lahat niyang mga plano. Narito siya para maghiganti. Hindi na siya si Janice na isang pole dancer. Isa na siyang matagumpay na busines
last updateHuling Na-update : 2024-06-25
Magbasa pa
PREV
1
...
1112131415
...
27
DMCA.com Protection Status