“TINATAWAGAN kita kahapon pero hindi mo na sinagot ang tawag ko, Akala ko may nagawa na naman akong kasalanan saiyo,” sabi ni Damian kay Janice. Hindi niya sinagot ang sinabi nito sa halip ay sinalinan niya itong muli ng alak sa baso.Naka-check in sila ngayon sa isang sikat at pinakamahal na hotel para maisakatuparan niya ang kanyang plano kung kaya’t nilalasing niya si Damian. “Uminom ka muna, magcelebrate tayo para sa tagumpay ng kompanya,” itinaas niya ang hawak na kopita at matamis na ngumiti kay Damian. Itinaas rin nito ang hawak na baso saka mabilis nitong tinungga ang laman niyon. Pagkatapos ay sinimulan siya nitong halikan ngunit inilayo niya ang kanyang mukha dito.“Hmm, may gusto sana akong hilingin saiyo, Damian,” aniya habang nang-aakit ang kanyang mga mata.“Ano iyon?” Muli siya nitong sinubukang halikan. This time ay hinayaan lang niyang gawin nito ang gusto nito.“Mas magiging okay sana kung ibibigay mo sa akin ang hundred percent pamamahala ng kompanya. . .t-tut
ISANG malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Damian. Kitang-kita niyang nangangatal sa galit ang kanyang ama habang nagpupuyos ang mga matang nakatingin sa kanya, “Nagpaloko ka sa babaeng iyon? Ibinigay mo ang share mo sa kompanya ng ganun-ganun na lang! Talagang kahit kailan, napakatanga mo.”Hindi makapagsalita si Damian. Ni hindi sumagi sa utak niya na magagawa sa kanya ni Janice ang ganun. Buong akala niya, mahal rin siya nito. Iyon pala ay ginamit lamang siya nito para makuha nito ang share niya at magkaroon ito ng hundred percent control sa kompanya.Ni hindi niya maisip na gagawin iyon sa kanya ni Janice.Buong akala niya ay nagmamahalan sila?“Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang kompanya. . .alam mo naman kung paano ako alipustain ng mga kapatid ko dahil anak lang ako sa labas,” umiiyak nang sabi sa kanya ng matanda, “Pero anong ginawa mo?”Tahimik lang siya. This time ay aminado siyang pagkakamali niya ito.“Nang dahil lang s
GULAT NA GULAT SI DAMIAN SA ipinagtapat sa kanya ni Janice. Parang gusto niyang manliit sa ginawang iyon ng kanyang Papa. “Namatay ang baby natin nang dahil sa kanya?” Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng ama. Ni hindi niya akalaing ganuon ito kagahaman sa pera, “Para lang takutin ka nyang layuan ako at kami ni Rochelle ang magkatuluyan?”“Kung hindi kami natagpuan ni Don Fernando, b-baka hindi kami naka-survive,” sabi ni Janice sa kanya, “At isinakripisyo ni Alex ang buhay nya para lang mailigtas kaming mag-ina.”Napapikit si Damian, “Pinakawalan niya si Alex para guluhin tayong dalawa,” napapailing na sabi nito, “Bakit ngayon mo lang ito sinabi?”“That time, mas pinili ko ang maghiganti. . .” Matapat na sabi ni Janice, “At nung handa na akong ipagtapar saiyo ang katotohanan, nagdalawang isip ako lalo pa at alam ko kung ano ang pakiramdam na traydurin ng magulang dahil naranasan ko yan kay Mama. Kaya mas pinili ko na lang manahimik p-para hindi na lumaki pa ang gap ninyong m
“Hindi ako makapaniwalang aabot sa ganun ang pagiging gahaman mo, Papa!” galit na galit na sita ni Damian sa ama, “Nang dahil sa inyo, namatay ang batsng dinadala ni Janice. Pinatay nyo ang anak ko! Ang dapat sana ay magiging apo nyo!”Nagimbal si Don Dom sa sinabi ni Damian, punong puno ng pagsisising tiningnan niya ang anak, “Hindi ko alam. . .ang gusto ko lang naman ay takutin si Janice para layuan ka niya. Hindi ko akalaing aabot sa ganun ang lahat.”“Takutin? Iyon lang ba talaga ang pakay nyo, Don Dom? Namatay si Alex at ang baby sa sinapupunan ko nang dahil sa kasamaan ninyo!” sumbat ni Janice sa matanda, muling dumaloy ang luha sa kanyang mga mata nang maalala ang mga nangyari. Inakbayan siya ni Damian para kalamayin ang kanyang kalooban.“Patawarin ninyo ako,” unti unting lumuhod si Don Dom sa harapan ni Janice. “Patawarin mo ako. Sa kagustuhan kong maipagmalaki ako ng pamilya Craig, naging gahaman ako sa salapi at kapangyarihan,” unti unting pumatak ang mga luha nito. Sa kaun
NAPATIKOM NANG kanyang mga palad si Damian nang makumpirma kung sino ang taong nais na pumatay kay Janice.“Hayaan mong ako ang gumawa ng kanyang magiging sentensya, Damian,” sabi ni Janice sa kanya nang ipaalam niya rito ang tungkol doon.“Pero. . .”Tiningnan siya ni Janice ng matiim, “Pinagkakatiwalaan mo ba ako?”Napabuntong hininga ng malalim si Damian. Bagama’t natatakot siya para sa kaligtasan ni Janice, alam niyang hindi ito gagawa ng hakbang na ikakapahamak nito. Tumango siya rito.Napangiti si Janice, “Thank you, Damian,” sabi nitong siniil siya ng maalab na halik sa kanyang mga labi. Muling nag-init ang kanyang pakiramdam at nabuhay ang kanyang pagkalalaki ngunit bago pa siya tuluyang madarang ay lumayo na si Janice sa kanya. Nagproprotesta ang kanyang mukha nang tingnan ito.“That can wait, Damian. Kailangan muna nating tapusin ang lahat ng mga problemang kinakaharap natin ngayon,” nakangiting sabi ni Janice sa kanya, “And kailangan ko ring asikasuhin ang nalalapit na
SABAY na nagsindi ng kandila sa puntod ng kanyang Mama at Papa sina Janice at Damian. Umusal siya ng taimtim na panalangin para sa kanyang mga magulang. Kasabay niyon ay ang paghingi niya ng blessings sa mga ito sa panibagong buhay na haharapin niya kasama ni Damian.Hinawakan niya ang isang kamay ni Damian habang napapaluhang kinakausap ang kanyang ama, “I’m so sorry Pa kung hindi ako nakahingi ng sorry sa inyo bago kayo mamatay. H-hindi ko rin nasabi kung gaano ko kayo kamahal dahil nabulag ako ng maling paniniwala ko tungkol sa inyo. . .pero pangako, Papa. Itutuwid ko ang lahat ng mga naging pagkakamali ko. At pangako ring this time, magiging maayos na ang buhay ko para maging proud kayo sa akin kung nasaan man kayo ngayon. Sayang at hindi ninyo nakilala si Damian. . .pero alam ko namang aprub siya sa inyo.”“Pangako po, aalagaan at pakakamahalin ko ang anak ninyo,” sabi naman ni Damian, pinisil ng bahagya ang isang kamay niya at dinala sa mga labi nito, “Mahal na mahal ko p
HINDI MAPAKALI SI JOVAN, tiniyak niyang areglado ang lahat ng ipinag-utos sa kanya ni Janice. Maging si Ellen ay kinakabahan habang kinakausap isa-isa ang mga staff na namamahala ng production.Sinigurado naman ni Jeffrey na maayos ang lahat ng mga products na itatanghal sa gabing iyon at hindi magkakaroon ng bulilyaso habang si Damian naman ay tsinek na mabuti ang safety ng lahat ng mga panauhin. Tiniyak rin niya ang kaligtasan ni Janice kung kaya’t hindi siya umaalis sa tabi nito kahit pa nga napakarami na nitong body guards sa paligid. Hindi na baleng masabihan siyang paranoid.Mas mainam na iyong wala siyang pagsisihan.Nang magsimula ang programa at tawagin si Janice sa unahan ay binulungan siya nito, “I’ll be alright. Magmumukha kitang body guard ko kung tatayo ka sa likuran ko, sige na. Kaya ko ang sarili ko.”Hindi pa rin siya gumagalaw. Hindi niya ito gustong iwan sa gitna ng entablado kung kaya’t bahagya itong napatawa sa kanya. “Damian, don’t be so paranoid. . .” aniya
WALANG PAGSIDLAN ng katuwaan si Jasmine habang pinagmamasdan si Janice na inihahatid sa altar ni Don Fernando. Ang guwapo-guwapo naman ni Damian na halatang hindi mapakali habang naghihintay ito sa altar kasama ng bestman nitong si Denver.Napapaiyak siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang magiging masaya ang love life nila ni Janice. At kung nasaan man ang kanilang mga magulang, alam niyang masaya ang mga ito sa naging kapalaran nila.“Sayang Papa, hindi mo na kami naihatid ni ate Janice sa altar,” mahinang sambit niya sa sarili. Napangiti siya nang matanawan sina Debbie at Alexa na excited habang naglalakad rin patungo sa altar. Ang mga ito ang bridesmaid ni Janice, kumaway pa ang dalawa sa kanya.Panalangin niyang maging maswerte rin ang mga ito sa magiging kapalaran ng mga ito sa pag-ibig gaya nilang magkapatid.PARANG HINAHALUKAY ang tiyan ni Janice habang naglalakad patungo sa altar, sa tabi niya ang proud na proud na si Don Fernando na halos ipagsigawan kun
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na