Home / Romance / ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO: Chapter 21 - Chapter 30

438 Chapters

Chapter 0013.1

Dahan-dahang iminulat ni Annie ang kanyang mga mata at ang puting pintura ang sumalubong sa paningin niya. Nakita na nakaupo ilang metro sa kaniya si Lucas at nang makita siya nitong gising na ay kaagad itong tumayo upang lapitan siya.“Kamusta na ang pakiramdam mo?” agad na tanong nito sa kaniya.Hindi siya kaagad na sumagot at pinakiramdaman muna ang kanyang sarili kung may masakit pa ba pero wala naman na.“Okay na ang pakiramdam ko.” mahina niya sagot.Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya at maging ang mga labi niya. Nakita niya na may binuksan si Lucas sa ibabaw ng isang lamesa sa kanyang tabi at kaagad niyang naamoy ang nilagang baka.“Nagpaluto ako ng nilagang baka dahil baka gutom ka pagkagising mo.” sabi nito at handa na sanang iabot sa kaniya ang nakahandang sabaw nang umiling siya.“Ayokong kumain. Wala akong gana.” sagot niya rito ngunit hindi ito nagpatinag.Hinila nito ang lamesa na may gulong pala at inilagay sa kanyang tabi at pagkatapo
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0013.2

Nang magising si Annie ay umaga dahil maliwanag na sa labas ng bintana. Mabilis siyang umupo at pagkatapos ay napainat. Nagulat siya nang malingunan niya na nakaupo sa mahabang sofa si Lucas habang gulo-gulo ang buhok, may itim sa ilalim ng mata na mukhang hindi nakatulog ng maayos. Suot pa rin nito ang damit niya kagabi kaya kaagad siyang napakunot noo. Gising na rin ito at nakatitig sa kaniya.“Hindi ka umuwi kagabi” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Hindi niya inaasahang babantayan siya nito sa loob ng magdamag. Parang nakakapanibago yata iyon para sa kaniya. Hindi pa man ito sumasagot sa tanong niya nang may marinig silang kumatok sa pinto.Dahil rito ay mabilis itong tumayo at binuksan ang pinto. Akala niya ay ang doktor iyon ngunit nakita niya na si Kian pala ang pumasok. Ang personal assistant ni Lucas. Iniabot nito ang isang maliit na bag at sa ibabaw nito ay nakalagay ang isang tuwalya at napagtanto niyang damit ang laman ng bag na iyon dahil kaagad itong dumiretso sa ba
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0014.1

Hindi nakasagot kaagad si Lucas dahil sa tanong niya at ilang minutong nakatitig lamang sa kaniya hanggang sa tuluyan din naman nitong naibuka ang bibig upang magsalita.“Sigurado ka ba na isandaang milyon ang gusto mo?” tanong nito sa kaniya.“Bakit hindi mo ba kayang ibigay?” tanong niya na may halong panunuya ang tinig.“Kung iyon talaga ang gusto mo ay handa kong ibigay iyon sayo.” sagot nito sa kaniya na hindi man lang kumukurap.Inaasahan na niya na iyon ang magiging sagot nito sa kaniya pero hindi niya pa rin naiwasan na hindi masaktan. Handa talaga itong gawin at ibigay sa kaniya ang lahat para lang pumayag siya sa pakikipaghiwalay rito. Umahon ang galit sa dibdib niya at walang sabi-sabing pinunit ang hawak niyang mga dokumento.Hindi niya lang basta pinunit dahil siniguro niya na nagkandapira-piraso ang mga ito at pagkatapos ay mabilis na pinulot ang bawat napilas na papel at nilukot pagkatapos ay mabilis na ibinato kay Lucas.“Talagang pera lang ang alam mong habol ko sayo
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0014.2

Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Lucas. Napabuntung-hininga siya. Ilang sandali pa ay may narinig siya katok mula sa pinto at pagkatapos ay pumasok si Kian, ang personal assistant ni Lucas. Nakita niyang may hawak itong mga papel sa kamay nito.Nang makita siya nito ay kaagad siya nitong nginitian at binati at ganun din ang ginawa niya. Nang lumaon ay inilibot nito ang paningin sa buong silid.“Si sir?” tanong nito sa kaniya.“Lumabas siya saglit e. Ano ba yang hawak mo? Yung divorce agreement ba?” tanong niya na bahagya nitong ikanagulat at pagkatapos ay napatango.“Ibinilin niya sa akin na ako na ang tatanggap, kanina pa niya hinihintay e.” sabi niya rito.Dahil kilala siya nito at ang alam nito ay ikakasal na sila pagkatapos lamang na maghiwalay ni Lucas at Annie ay tiwala nitong iniabot sa kaniya ang divorce agreement at mabilis na nagpaalam. Ipinangako niya na lamang rito na siya na lang ang mag-aabot nito kay Lucas.Pagkaalis nito ay mabilis niyang bi
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0015.1

“Anong deal?” takang tanong ni Annie kay Trisha.“Ibenta mo sa akin ang bracelet na yan sa akin sa halagang sampung milyon.” sabi ni Trisha.Napangisi si Annie ng wala sa oras. “Sampung milyon? Gusto mong ibenta ko sayo ito ng sampung milyon?” natawa siya at pagkatapos ay napailing. “Bakit ko naman ito ibebenta sayo ng sampung milyon lang? Samantalang isandaang milyon ang halaga nito, 90% ang lugi ko kapag pumayag ako na ibenta sayo ito.” sagot niya.Nakita niya kung paano nagngalit ang ngipin ng kaharap niya at pagkatapos ay taas noong nagsalita. “Okay, sige. Isandaang milyon. Ano deal?” tanong nito sa kaniya.Talagang matapang ito, handa itong gumastos ng isandaang-milyon para lang sa bracelet niya. Kahit pa bigyan siya nito ng isang bilyon ay hindi siya magpapasilaw sa pera nito, isa pa ay bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ng kanyang biyenan noong nakaraang araw lang.Tumaas ang sulok ng labi niya. “Gusto mo na bilhin ang bracelet ko ng ganuong halaga? Saan ka naman kukuha
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0015.2

Pagkatapos makipagtalo sa lalaking iyon ay nagmadali siyang pumunta ng ospital. Hindi na niya hinabol pa ang lalaki dahil wala siyang oras na makipag-argumento sa lasing na kagaya nito. Isa pa ay nag-aalala siya sa kalagayan ni Trisha lalo pa at may nakita siyang dugo na tumutulo kanina sa ulo nito.Bigla siyang napalunok, buhay pa kaya ito? Napailing siya sa kanyang naisip. Ano bang iniisip niya. Kapag nangyari iyon ay tiyak na hindi siya mapapatawad ni Lucas kahit pa hanggang sa kamatayan, nasisiguro niya iyon.Mabilis siyang nag-apura na makarating sa loob ng ospital. Dumiretso siya kaagad sa emergency room. Habang nakatitig sa nakasarang pinto ay tila ba naramdaman niya na nawalan ng lakas ang kanyang mga binti.Binuksan niya ang kanyang bag upang maghanap ng pwede niyang pamunas sa cellphone ni Trisha na may bahid nang dugo ngunit bigla na lamang nanginig ang kanyang kamay. Pagkatapos ng tatlong minuto ay wala pa ring siyang nahanap na pwede niyang ipangpunas sa natutuyo ng dugo.
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0016.1

Pagkalipas ng dalawang oras ay biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang dokto na nakasuot pa ng mask at nang makita sila ay kaagad na hinubad ito.“Kaano-ano niyo ang pasyente?” tanong nito kay Lucas.“Fiance niya ako.” mabilis na sagot nito.Fiance? Tanong niya sa kanyang isip. Gusto niyang matawa ng mga oras na iyon. Hindi pa sila naghihiwalay pero sinasabi na nitong fiance niya si Trisha. Isang malaking kalokohan talaga.“Mabuti na lamang at naisugod siya rito kaagad. Naagapan ang pagdurugo sa tamang oras. Pero kailangan pa siyang ma-obserbahan ng kahit tatlong oras. Sa ngayon ay kailangan na muna niyang magpahinga.” sabi nito at pagkatapos ay nagpaalam na sa kanila.Nakahinga ng maluwag si Annie nang marinig na nasa maayos ng kalagayan si Trisha. Maging si Lucas ay ganuon din ang naramadaman dahil sa sinabi ng doktor.Hindi nga nagtagal ay inilabas na mula sa emergency room si Trisha.“Lucas nasa akin ang plate number ng sasakyan…” hindi na niya naituloy pa ang kanyang susunod na mg
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0016.2

Medyo hapon na pagkalabas ni Annie ng ospital at kaagad niyang tinawagan ang kanilang driver upang magpasundo. Kahit naman siguro magmakaawa siya sa harap ni Lucas na ihatid siya ay hinding-hindi siya nito ihahatid.Pagkarating niya sa kanilang bahay ay agad niyang inutusan ang kanilang mga kasambahay na magluto ng ibat-ibang masasarap na ulam. Ang sabi kasi ng iba ay kapag malungkot ko ay kumain ka lang ng kumain para mawala ang lungkot na nararamdaman mo.Ngunit nang maihain na sa harapan niya ang lahat ng ulam na ipinaluto niya ay bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo at tila ba gustong bumaliktad ng sikmura niya. Sa huli ay nagkulong na lamang siya ulit sa banyo upang sumuka ng sumuka.Nang mahimasmasan siya ay agad din siyang lumabas. Dahil nga wala ng laman ang tiyan niya ay kailangan niyang kumain ng marami para may isusuka na naman siya mamaya.Pagbaba niya ay inutusan niya ang mga ito na tanggalin sa mesa ang mga mamantikang mga ulam at ang mga ulam na matatapang ang a
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0017.1

“Annie huwag kang matakot, ako to.” sabi ng pamilyar na tinig mula sa harap niya.Tama ba ang naririnig niya o pinglalaruan lang siya ng pandinig niya? Dahan-dahan ngang binuksan ni Annie ang kanyang mga mata at ang gwapong mukha nito ang kinamulatan niya. Halos ilang pulgada lamang ang layo nito sa kaniya, napakurap-kurap siya dahil hindi pa rin siya makapaniwala at baka pinaglalaruan lamang siya ng kanyang mga mata ngunit pagmulat niya ng ilang beses ay naroon pa rin ito nakatitig sa kaniya. Natigilan siya.“Bakit nandito ka?” iyon ang unang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.Bahagya itong lumayo sa kaniya at nangunot noo. “Anong ibig mong sabihin? Wala na ba akong karapatang umuwi?” tanong nito sa kaniya.Nagulat siya sa naging sagot nito kaya napailing siya.“Akala ko ay hindi ka uuwi at doon ka sa ospital magpapalipas ng gabi.” linaw niya sa kanyang sinabi.Hindi niya inaasahang uuwi ito, isa pa ay hindi rin naging maganda ang pag-uusap nila kanina kaya nagulat talaga siya.
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0017.2

“Ang lalaking minamahal mo, alam niya ba lahat ng tungkol sa bagay na ito?” hindi sinasadyang tanong ni Lucas kay Annie.Sa madilim na silid ay hindi siya nakatanggap ng sagot mula rito. Nang ibaba niya ang kanyang ulo ay nakita niyang mariin na ang pagkakakapikit ng mga mata nito at mukhang mahimbing na ang tulog nito.Napatitig siya sa maputi nitong mukha na bahagyang naiilawan ng lampshade sa tabi ng kama, napakaamo. Ang mahahaba nitong pilikmata na perpekto ang pagkakakulot. Hanggang sa pagtulog ay napakaganda nito na tila ba isang diwataNatuon ang kanyang paningin sa mga labi nito at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili na haplusin ito ngunit nang dumampi ang kanyang mga daliri rito ay mabilis niya itong binawi dahil tila ba siya nakuryente sa ginawa niyang paghaplos rito. Napabuntung-hininga siya at inis na napapikit. Lucas baka nakakalimutan mong malapit na kayong maghiwalay? Tanong ng isang bahagi ng isip niya.Hindi niya akalaing magtatanong siya rito tungkol sa lal
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more
PREV
123456
...
44
DMCA.com Protection Status