“Anong deal?” takang tanong ni Annie kay Trisha.“Ibenta mo sa akin ang bracelet na yan sa akin sa halagang sampung milyon.” sabi ni Trisha.Napangisi si Annie ng wala sa oras. “Sampung milyon? Gusto mong ibenta ko sayo ito ng sampung milyon?” natawa siya at pagkatapos ay napailing. “Bakit ko naman ito ibebenta sayo ng sampung milyon lang? Samantalang isandaang milyon ang halaga nito, 90% ang lugi ko kapag pumayag ako na ibenta sayo ito.” sagot niya.Nakita niya kung paano nagngalit ang ngipin ng kaharap niya at pagkatapos ay taas noong nagsalita. “Okay, sige. Isandaang milyon. Ano deal?” tanong nito sa kaniya.Talagang matapang ito, handa itong gumastos ng isandaang-milyon para lang sa bracelet niya. Kahit pa bigyan siya nito ng isang bilyon ay hindi siya magpapasilaw sa pera nito, isa pa ay bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ng kanyang biyenan noong nakaraang araw lang.Tumaas ang sulok ng labi niya. “Gusto mo na bilhin ang bracelet ko ng ganuong halaga? Saan ka naman kukuha
Pagkatapos makipagtalo sa lalaking iyon ay nagmadali siyang pumunta ng ospital. Hindi na niya hinabol pa ang lalaki dahil wala siyang oras na makipag-argumento sa lasing na kagaya nito. Isa pa ay nag-aalala siya sa kalagayan ni Trisha lalo pa at may nakita siyang dugo na tumutulo kanina sa ulo nito.Bigla siyang napalunok, buhay pa kaya ito? Napailing siya sa kanyang naisip. Ano bang iniisip niya. Kapag nangyari iyon ay tiyak na hindi siya mapapatawad ni Lucas kahit pa hanggang sa kamatayan, nasisiguro niya iyon.Mabilis siyang nag-apura na makarating sa loob ng ospital. Dumiretso siya kaagad sa emergency room. Habang nakatitig sa nakasarang pinto ay tila ba naramdaman niya na nawalan ng lakas ang kanyang mga binti.Binuksan niya ang kanyang bag upang maghanap ng pwede niyang pamunas sa cellphone ni Trisha na may bahid nang dugo ngunit bigla na lamang nanginig ang kanyang kamay. Pagkatapos ng tatlong minuto ay wala pa ring siyang nahanap na pwede niyang ipangpunas sa natutuyo ng dugo.
Pagkalipas ng dalawang oras ay biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang dokto na nakasuot pa ng mask at nang makita sila ay kaagad na hinubad ito.“Kaano-ano niyo ang pasyente?” tanong nito kay Lucas.“Fiance niya ako.” mabilis na sagot nito.Fiance? Tanong niya sa kanyang isip. Gusto niyang matawa ng mga oras na iyon. Hindi pa sila naghihiwalay pero sinasabi na nitong fiance niya si Trisha. Isang malaking kalokohan talaga.“Mabuti na lamang at naisugod siya rito kaagad. Naagapan ang pagdurugo sa tamang oras. Pero kailangan pa siyang ma-obserbahan ng kahit tatlong oras. Sa ngayon ay kailangan na muna niyang magpahinga.” sabi nito at pagkatapos ay nagpaalam na sa kanila.Nakahinga ng maluwag si Annie nang marinig na nasa maayos ng kalagayan si Trisha. Maging si Lucas ay ganuon din ang naramadaman dahil sa sinabi ng doktor.Hindi nga nagtagal ay inilabas na mula sa emergency room si Trisha.“Lucas nasa akin ang plate number ng sasakyan…” hindi na niya naituloy pa ang kanyang susunod na mg
Medyo hapon na pagkalabas ni Annie ng ospital at kaagad niyang tinawagan ang kanilang driver upang magpasundo. Kahit naman siguro magmakaawa siya sa harap ni Lucas na ihatid siya ay hinding-hindi siya nito ihahatid.Pagkarating niya sa kanilang bahay ay agad niyang inutusan ang kanilang mga kasambahay na magluto ng ibat-ibang masasarap na ulam. Ang sabi kasi ng iba ay kapag malungkot ko ay kumain ka lang ng kumain para mawala ang lungkot na nararamdaman mo.Ngunit nang maihain na sa harapan niya ang lahat ng ulam na ipinaluto niya ay bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo at tila ba gustong bumaliktad ng sikmura niya. Sa huli ay nagkulong na lamang siya ulit sa banyo upang sumuka ng sumuka.Nang mahimasmasan siya ay agad din siyang lumabas. Dahil nga wala ng laman ang tiyan niya ay kailangan niyang kumain ng marami para may isusuka na naman siya mamaya.Pagbaba niya ay inutusan niya ang mga ito na tanggalin sa mesa ang mga mamantikang mga ulam at ang mga ulam na matatapang ang a
“Annie huwag kang matakot, ako to.” sabi ng pamilyar na tinig mula sa harap niya.Tama ba ang naririnig niya o pinglalaruan lang siya ng pandinig niya? Dahan-dahan ngang binuksan ni Annie ang kanyang mga mata at ang gwapong mukha nito ang kinamulatan niya. Halos ilang pulgada lamang ang layo nito sa kaniya, napakurap-kurap siya dahil hindi pa rin siya makapaniwala at baka pinaglalaruan lamang siya ng kanyang mga mata ngunit pagmulat niya ng ilang beses ay naroon pa rin ito nakatitig sa kaniya. Natigilan siya.“Bakit nandito ka?” iyon ang unang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.Bahagya itong lumayo sa kaniya at nangunot noo. “Anong ibig mong sabihin? Wala na ba akong karapatang umuwi?” tanong nito sa kaniya.Nagulat siya sa naging sagot nito kaya napailing siya.“Akala ko ay hindi ka uuwi at doon ka sa ospital magpapalipas ng gabi.” linaw niya sa kanyang sinabi.Hindi niya inaasahang uuwi ito, isa pa ay hindi rin naging maganda ang pag-uusap nila kanina kaya nagulat talaga siya.
“Ang lalaking minamahal mo, alam niya ba lahat ng tungkol sa bagay na ito?” hindi sinasadyang tanong ni Lucas kay Annie.Sa madilim na silid ay hindi siya nakatanggap ng sagot mula rito. Nang ibaba niya ang kanyang ulo ay nakita niyang mariin na ang pagkakakapikit ng mga mata nito at mukhang mahimbing na ang tulog nito.Napatitig siya sa maputi nitong mukha na bahagyang naiilawan ng lampshade sa tabi ng kama, napakaamo. Ang mahahaba nitong pilikmata na perpekto ang pagkakakulot. Hanggang sa pagtulog ay napakaganda nito na tila ba isang diwataNatuon ang kanyang paningin sa mga labi nito at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili na haplusin ito ngunit nang dumampi ang kanyang mga daliri rito ay mabilis niya itong binawi dahil tila ba siya nakuryente sa ginawa niyang paghaplos rito. Napabuntung-hininga siya at inis na napapikit. Lucas baka nakakalimutan mong malapit na kayong maghiwalay? Tanong ng isang bahagi ng isip niya.Hindi niya akalaing magtatanong siya rito tungkol sa lal
Mabilis na tumalikod si Annie at pagkatapos ay tumakbo palayo. Hindi niya kayang panuorin ang eksenang iyon dahil sa sobrang sakit ng dibdib niya.Labis niyang pinagsisisihan na binuksan niya ang pinto. Kung sana ay hindi na lang niya iyon basta itinulak at kumatok na lang, siguro ay hindi ganuon ang nabuksan niya. Marahil na matataranta ang mga ito kapag kumatok siya.Tumakbo siya ng tumakbo at pagkatapos ay nanghihinang napasandal sa pader ng hallway napapikit siya ng mariin at napahawak sa tapat ng kanyang dibdib at diniinan ito dahil sa sobrang sakit. Wala siyang pakialam sa mga taong dumadaan ng mga oras na iyon. Sobra siyang nasasaktan.Napakalupit mo talaga Lucas, napakagaling mo! Sabi niya sa kanyang isip.Sobrang sakit ng puso niya ng mga oras na iyon na tila ba may pumipiga. Pilit niyang diniinan ito at nagbabakasaling mamanhid na ito ng tuluyan at hindi na muling sumakit pa.Nasa ganuon siyang ayos nang bigla niyang maramdaman ang pag-asim ng sikmura niya at tila ba gusto n
Binasa niya ang kanyang labi at pagkatapos ay nagsalita. “Ang mga binata ay may magagandang pangangatawan, isa pa ang mga mas bata ay mga understanding kaya ang mga ito ang kalimitang nagugustuhan ng mga kakabihan.”Pero kahit na ligawan siya ng napakaraming binata ay nasisiguro niyang wala siyang magugustuhan kahit na isa man sa kanila. Pinili na lamang niyang sarilin ang bagay na iyon at hindi na sinabi pa kay Lucas.Lumambot ang ekspresyon ni Lucas pagkatapos niyang marinig ang isinagot niya. Marahil ay napansin nito na nagbibiro lamang siya at iniinis niya lamang ito.“Bakit ka nga pala nagpunta rito sa ospital?” pag-iiba ni Lucas ng usapan.Bigla niyang naalala ang dahilan ng kanyang pagpunta doon. “Tumawag sa akin si Lolo at guso niyang pumunta tayo sa mansiyon at manatili doon hanggang sa birthday niya. Nag-promise ako sa kaniya na sasabayan natin siya mag-lunch ngayon.” medyo nag-aalangang sabi niya rito. Baka kasi magalit ito sa kaniya dahil nangako na siya kaagad sa lolo nit