“Sinabi ko sa kaniya.” pag-amin ni Lucas.Mapait na ngumiti si Annie, sa totoo lang ay alam na niya kaagad na ito ang nagsabi rito ng tungkol sa bagay na iyon dahil nahulaan na niya ngunit gusto niya pa ring marinig mula sa bibig nito ang mga salitang iyon.“Lucas, hindi ka ba talaga makapaghintay? Nangako na nga ako sayo na sasabihin ko kaagad kay lolo ang tungkol sa plano nating paghihiwalay pagkatapos ng birthday niya hindi ba? Isa pa alam kong kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol doon ay natural na kukunin ko ang marriage certificate natin. Hindi mo na dapat pang ipaalala sa akin.” mahabang sabi niya.Hindi ito sumagot. “Hinding-hindi ko iyon makakalimutan, huwag kang mag-alala.” sabi niya pa.Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtubig ang kanyang mga mata ngunit tumingala na lamang siya para hindi mahulog ang mga iyon sa kanyang mga mata. Nalulungkot siya ng sobra, durog na durog pati ang pagkatao niya.Gusto niyang malaman lahat ng plano ng mga ito mula sa bibig nito, bakit ka
Sa dalawang taon nilang pagsasama bukod sa nagniniig nga sila pero kailanman ay hindi pa sila naghahalikang dalawa. Bukod dito ay malapit na silang maghiwalay kaya mas tama lang din na hindi na sila dapat maghalikan pa.Nang makita ni Lucas na nag-alangan ito dahil sa sinabi niya ay bigla siyang nataranta at bahagyang nahiya dahil sa sinabi niya kaya mabilis niyang ibinaba si Annie sa lupa.“Wala lang, gusto lang kitang subukan. Talagang pinoprotektahan mo ang sarili mo para sa lalaking minamahal mo ah.” sabi niya rito.Biglang napatitig si Annie kay Lucas, naguguluhan. So sinabi lang nito ang bagay na iyon para asarin siya? Pero bakit sa tono ng boses nito ay parang nagseselos ito.Asa.Ang lalaking tinutukoy nito ay walang iba kundi siya rin mismo. Kainin mo ang sarili mong sselos, sabi niya sa kanyang isip. Sigurado siya na kahit hindi siya mahal ni Lucas ay hindi pa rin siya papayag na mahawakan siya ng ibang lalaki.Sabay silang pumasok sa loob at pagdating sa sala ay nakahanda n
Pagbalik ni Annie sa hapag kainan ay nakita na niya kaagad na may dalang isang baso ng maligamgam na tubi ang asawa ng Tito Alex nila. Sinalubong siya nitong nakangiti at pagkatapos ay inabot nga sa kaniya nito ang baso na hawak nito.“Balita ko ay naospital ka nitong nakaraang araw hija, mukhang matamlay ka. Sa tantiya ko ay baka may laman na ang tiyan mo at malapit ng matupad ang pangarap ni Papa na mahawakan niya ang kanyang apo sa tuhod.” nakangiting sabi nito sa kaniya.Biglang natigilan si Annie dahil sa sinabi ng asawa ni Tito Alex nang akmang magsasalita na sana siya para sagutin ito nang marinig niya ang tinig ni Lucas.“Tita Malou, hindi siya buntis. Sumama lang siguro ang tiyan niya.” agap nito.“Pero Lucas, base sa experience ko ang pagsusuka kapag nakakaamoy ng pagkain ay isang sintomas na maaaring buntis ang isnag babae at nakita mo naman kung paano siya nagtatakbo—”“Imposible ang sinasabi mo Tita Malou.” putol nito sa sinasabi ng kanilang tiyahin. Nakita niya rin kung
Biglang napatitig si Lucas sa mukha ng kanyang lolo na bakas ang sobrang kaligayahan. Halos hindi niya alam kung ilang beses na nga ba niyang nakita na ganito kasaya ang kanyang lolo. Habang pinapanuod niya ito ay gusto niyang magpasalamat kay Annie.Sa totoo lang ay parang isang bata ang kanyang lolo habang tumatanda at pabago-bago ang ugali. Ganun pa man si Annie ay napakatyaga at laging gumagawa ng paraan para mapasaya lang ang kanyang lolo.Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya sa kanyang sarili dahil siya ang sariling apo pero wala siyang magawa. Nang mahila siya mula sa kanyang pag-iisip ay wala na ang mga kasama niya sa silid at siya na lang ang naiwan doong mag-isa.Ni hindi man lang siya napansin ng kanyang lolo dahil nakatuon ang buong atensiyon nito kay Annie. Sa buong hapon na iyon ay hindi humiwalay sa tabi ng kanyang lolo si Annie. Sinamahan niya itong magkape, manuod ng tv at nakipagkwentuhan rin ito rito ng walang kasawa-sawa.Para siyang isang happy pill sa kanyang lo
Pakiramdam ni Annie ng mga oras na iyon ay tila ba nagkakamali siya ng kanyang narinig. Bakit naman nito itatapon ang kanyang pajama?“Anong sabi mo? Itinapon mo ang mga pajama ko?” ulit niyang tanong rito. Pinigil niya ang kanyang sarili na huwag magalit dahil hindi pa naman siy sigurado sa narinig niya.“Oo.” sagot nito na malinaw na malinaw niyang narinig.“Lucas…” galit na banggit niya sa pangalan nito. Napahawak siya sa kanyang beywang at humarap rito. “Ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit kailangan mong itapon ang mga yun? Alam mo namang sinusuot ko ang mga iyon.” sabi niya rito habang salubong ang mga kilay niya. “Ang mga design nun ay mga napaka-cute pagktapos ay itinapon mo lang.” hindi makapaniwalang sabi niya.“Ano ka bata?” tanong naman nito na mas lalo lamang nagpagalit sa kaniya.Anong sinasabi nitong bata? Napaka-cute ng mga iyon!“Si doraemon, si pikachu at may tom and jerry pa. Annie dalaga ka pa noong binili mo ang mga pajama mong iyon pero ngayon…” ibinitin nito ang
Dumating na nga ang araw ng birthday ng matanda. Inagahan ni Annie na gumising ng maaga para maaga siyang makapagbihis at siya ang unang babati sa matandan ngunit nang bumangon siya sa kama ay nagulat siya dahil siya na pala ang huli ng gumising dahil si Lucas nang bumangon siya ay nakabihis na at nakasuot na ng suit na may ribbon pa sa leeg.Napatitig siya kay Lucas habang nakasuot ng suot at pinagmamasdan ang kabuuan nito, wala man lang makikitang kahit na anumang gusot sa suot nitong kulay itim na suit na mas lalong nagpamukha sa kaniya na napaka-elegante at napakagwapo nito.Habang pinagmamasdan niya ito ay hindi niya mapigilan na hindi mapabuntung-hininga. May mga tao talagang ipinanganak na kahit na anumang idamit ay napakagwapo at napakaganda pa rin at may iba naman na kahit anong ganda ng damit ay hindi pa rin nagbabago ang itsura. Masasabi niya na napakaswerte ng mga ito dahil biniyayaan sila ng mga napagagandang mga mukha.Bigla tuloy niyang naisip ang bata sa kanyang tiyan,
Sa isang iglap, ang mainit na hininga ni Lucas ay tumama sa kanyang ilong, labi at pati na rin sa kanyang buong mukha. Namula siya ng husto habang hawak-hawak ang niya gamit ang isa niyang kamay ang ribbon. Hindi ito gumalaw ng mga oras na iyon at ang tibok ng kanyang puso ay naging abnormal na tila ba may tumatakbong kabayo dahil sa bilis ng tahip ng dibdib niya.“Tu-tumayo ka ng maayos.” namumula ang mukhang sabi niya rito.“Are you sure?” marahang tanong nito sa kaniya.Hindi pa rin ito gumagalaw at ang mga labi nito ay malapit pa rin sa ilong niya. Napalunok siya. Ni hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan nito.“Yeah.” maikling sagot niya at pilit na pinagtatakpan ang pamumula ng mukha niya.“Okay.” maikling sagot rin naman nito at pagkatapos ay mabilis na tumayo ito ulit ng tuwid.Namumula pa rin ang kanyang mukha dahil sa labis na kahihiyang nararamdaman niya. Nitong mga nakaraang araw at buwan ay madalas din naman silang magkasama ni Lucas pero hindi niya napapansin na mas
Biglang nagsalita si Lucas. “Well, tama naman siya dahil kapag ipinakilala na natin siya ngayon habang nag-aaral pa siya ay baka pagsamantalahan lang siya sa school, para na rin maprotektahan natin siya.” sabi nito.Hindi niya alam kung makukumbinsi niya ang mga ito na paniwalaan ang sinasabi niya o ipipilit pa rin ng mga ito na magpalit siya ng kanyang damit?Biglang napatango ang matanda sa harap nila. “Well may sense naman ang sinabi ni Annie, isa pa ay hindi lang naman ito ang araw dahil madami pang ibang araw. Anyway, siya ang asawa ni Lucas at hindi naman siya pwedeng tumakas sa pagiging asawa ni Lucas kaya hayaan niyo siyang gawin ang gusto niya.” nakangiting sabi nito.“Okay Papa, as you say syempre ay susundin ko ang sinabi ninyo.” nakangiting sabi rin ni Lian sa kanilang lolo.…Pagkatapos nun ay sabay-sabay na silang umalis sa harap ng kanyang lolo at pagkatapos ay nagulat na lamang siya ng bigla na lamang siyang hinawakan sa braso ng kanyang ina at mabilis na hinila sa i
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka