Home / Romance / ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO: Chapter 1 - Chapter 10

438 Chapters

Chapter 0001

Napalingon siya sa pinto ng banyo nang marinig niya ang tunog ng lagaslas ng tubig na nagmumula roon at alam niyang si Lucas ay naliligo. Tumayo si Annie mula sa kama habang hawak- hawak niya ang kumot at bahagyang namula pa ang kaniyang mukha ng maalala niya ang mga nangyari kagabi sa pagitan nila ng kaniyang asawa. Bagamat dalawang taon na silang kasal ay hindi pa rin niya maiwasan ang hindi makaramdam ng hiya tuwing nagniniig sila. Napatayo siya ng tuwid at binitawan ang kumot na hawak niya nang bigla na lamang tumigil ang tunog ng gripo sa banyo. Ilang sandali pa nga ay mabilis na lumabas mula sa banyo si Lucas na nakatapis lamang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi niya maiwasan ang hindi pamulahan ng mukha nang mapatitig sa hubad na katawan nito lalong- lalo na sa mga abs nito. Iniiwas niya ang kaniyang tingin mula rito. Nang makita siya nito na nakatayo sa tabi ng kama ay biglang napatanong ito sa kaniya. “May kailangan ka ba?” tanong nito sa kaniya habang nagp
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Chapter 0002

Tatlong taon ang ipinangako nito ngunit ngayon ay bumalik na ang pinakamamahal nitong babae na sa loob ng dalawang taon nila bilang mag- asawa ay nananatili pa rin pala ito sa puso nito at iyon na ang tamang oras para bumitaw siya sa pagsasama nilang dalawa.Yumuko siya at pagkatapos ay inabot ang divorce agreement na inilapag niya sa lamesa ng ilang sandali. Hindi pa niya natatapos ang kaniyang kinakain ngunit nawalan na siya ng gana dahil sa mga sinabi nito sa kaniya at plano na sana niyang bumalik sa kaniyang silid nang bigla na lamang hilahin ni Lucas ang kamay niya upang pigilan siya sa kaniyang pag- alis.Bahagyang may tono ng pagkainis ang boses nito nang pahintuin siya nito.“Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko.” galit na sabi nito sa kaniya. “Kapag nagsabi ka kay Lolo na gusto mo ng makipaghiwalay ay tatanungin niya talaga ang dahilan sigurado ako. Nung nagpakasal ka sakin, di ba sabi mo ay may napupusuan ka sa loob ng maraming taon? Ngayong pinalaya na kita ay hanapin mo na la
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Chapter 0003

Bigla siyang napatitig sa gwapong mukha nito at pagkatapos ay napabulong sa kaniyang isip. ‘Walang iba kundi ikaw iyon Lucas. Sampung taon na kitang minamahal.’ Matinding kirot ang naramdaman ni Annie sa kaniyang puso ng mga oras na iyon. Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at sumagot ng mahinahon. “Hindi na mahalagang malaman mo pa kung sino siya dahil mayroon na siyang ibang mahal at balak na magpakasal muli.” …BAHAGYANG kumunot ang noo ni Lucas nang marinig niya ang sagot ni Annie. “Magpakasal muli? Nag- asawa na siya?” gulat na tanong niya sa naging sagot nito. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya mapapantayan ang lalaking iyon na may asawa na sa puso nito.Bahagya itong tumango. “Napilitan siya sa pagpapakasal sa babaeng pinakasalan niya dahil sa pamilya niya na pakasalan ang isang taong hindi naman niya mahal. Ngayon ay bumalik na ang babaeng totoong minahal nito at malapit na silang ikasal.” sagot nito.Nang marinig niya ang sinabi nito ay hindi niya maiw
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Chapter 0004

Ilang sandali pa nga pagkatapos nilang mag- usap ni Lucas sa telepono ay kaagad na dumating sa kanilang bahay si Kian. Agad nitong inabot sa kaniya ang regalong sinabi nito kaninang magkausap sila sa telepono.Regalo? Muli niyang naitanong sa kaniyang isip habang nakatitig sa hawak niya. Naghanda siya ng isang regalo niya na ilang araw niyang pinag- isipan kaya nga lang ang nakakalungkot ay hindi nito ito gusto. Aalis na sana si Kian pagkatapos na pagkatapos nitong maibigay sa kaniya ang regalo ni Lucas nang pigilan niya ito.Hinila niya ito hanggang sa kusina at pagkatapos ay binuksan niya ang ref at maingat na inilabas doon ang cake.“Ako mismo ang gumawa nitong cake at gutso kong tulungan mo ako at dalhin natin ito sa kaniya.” sabi niya kay Kian na bahagyang natigilan dahil sa sinabi niya.…Biglang naalala ni Kian ang mga salita na sinabi sa kaniya kanina ng kaniyang boss na si Lucas.“Kung sabihin niya na dalhan mo ako ng cake ay tumanggi ka.” bilin nito sa kaniya kanina.Napatin
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Chapter 0005.1

“Ingatan mo ang sarili mo…” sabi ni Lucas sa kaniya at bago nito tuluyang ibaba ang telepono.“Sige salamat.” sagot niya rito kahit na hindi niya alam kung narinig ba siya nito.Kahit na mahina lamang ang tinig ni Trisha sa background ay rinig na rinig niya ang binanggit nitong candlelight dinner. Sa kanilang ikalawang anibersaryo ay nakipag- candlelight dinner ito sa iba. Napakasaklap ng kalagayan niya kung tutuusin dahil totoo ngang nagbalik na ang babaeng minahal nito kahit na napakahirap niyang paniwalaan ang bagay na iyon pero iyon ang totoo.At ang katotohang iyon ang sumampal at gumising sa kaniya sa ginawa niyang pantasya niya. Wala na siyang kailangang sabihin pa dahil sa loob ng dalawang taon ay wala pa rin siyang panama kay Trisha. Bakit nga ba kasi iniisip niya na pipiliin siya ni Lucas? Kapag ba sinabi niya rito na buntis siya?Bigla siyang nakaramdam ng tuwa dahil sa hindi niya sinabi rito ang tungkol sa pagbubuntis niya kung hindi ay pinahiya niya siguro ang sarili niya
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Chapter 0005.2

Nagtatakang napatingin sa kaniya si Annie. Naguguluhan. “Naaalala ko pa noong pinakasalan ko siya ay ikaw ang unang- unang tumutol sa kasal namin pero ngayong nalaman mong naghiwalay kami ay nagagalit ka pa. Hindi ba dapat ay ikaw ang unang maging masaya dahil tuluyan na kaming maghihiwalay?” tanong niya rito.“Noon iyon, iba na ngayon. Noong una aaminin ko na hindi talaga kita gusto noon para kay Lucas pero noong makilala kita ay nag- iba ang pagtingin ko sayo. Isa pa ay kasal na kayo, ang kasal ay dapat ninyong pahalagahan dahil hindi naman isang laro ang pagpapakasal. At isa pa…” ibinitin nito ang sinasabi at nagpatuloy, “Mas bagay ka pa rin naman para kay Lucas kaysa sa Trisha na iyon.” makahulugang sabi nito sa kaniya bago siya nito tinalikuran. Hindi na niya nagawang magsalita pa o ni sumagot man lang rito.Naipilig na lamang niya ang kanyang ulo at mabilis na tumalikod din doon upang tawagin na lamang niya ang driver. Kailangan na niyang maiuwi ang kanyang asawa. Mabilis niya
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more

Chapter 0006.1

Mabilis na bumangon si Lucas nang marinig niya ang sinabi nito at agad na kinuha mula sa kaniya ang cellphone. Umalis ito sa kama at pagkatapos ay lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina. Nanatili siyang nakahiga sa kama at pinanuod lamang ito. Ilang minuto itong nakipag- usap kay Trisha at medyo malayo si Lucas sa kanya kaya hindi niya marinig ang pinag- uusapan ng mga ito. Tanging ang ekspresyon lamang nito ang kanyang nakikita. Pagkatapos nitong tapusin ang tawag ay lumapit sa kaniya si Lucas. Tiningnan niya ito na nakataas ang kilay.  “Hindi ko sinasadyang masagot ang tawag ni Trisha. Hindi ba siya nagalit?” tanong niya rito. “Hindi naman. Ipinaliwanag ko sa kaniya kung bakit,” huminto ito at pagkatapos ay sumulyap sa kaniya. “At sinabi ko na mag- asawa tayo kaya normal lang na sa iisang kama tayo matulog.” sabi nito. “Yeah.” sarkistong sagot
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0006.2

“Doc, ano kasi buntis ako. Safe ba na inumin ko ang mga gamot na ibibigay mo sa akin?” napakunot ang noong tanong nito at muling tumayo. “Papalitan ko itong gamot at sa halip na inumin mo ay bibigyan na lang kita ng pangpahid.” sabi nito at muling naglakad paalis sa harap niya. “Pasensiya na po.” tanging nasabi na lamang niya. Pagkaalis ng doktor ay iyon naman ang eksaktong pagpasok sa loob ni Lucas. Bakas sa mukha nito ang galit kaya napalunok na lamang siya. Malamig na tumingin ito sa kaniya. “Marunong kana palang magsinungaling ngayon Annie.” malamig na sabi nito sa kaniya. Alam na niya kaagad kung ano ang tinutukoy nito. Ang pagsisinungaling niya tungkol sa pag- inom niya ng gamot. Mabilis siyang nag- iwas ng tingin rito at napayiko dahil alam niya na mali talaga siya. “Pasensiya na hindi ko intensiyon na magsinungaling sa
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0007.1

“Kailan kapa natutong magpa-cute—” hindi pa natatapos magsalita si Lucas nang bigla na lamang silang nauntog pareho dahil sa biglaang pagpreno ng kanilang driver. Mabuti na lamang sa dibdib siya ni Lucas napasubsob dahil kung hindi ay baka nagkabukol na siya ng wala sa oras. “Pasensiya na po Sir hindi ko po sinasadya.” paghingi ng tawad ng driver kay Lucas. Wala naman itong nagawa kundi ang mapabuntung hininga na lamang. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” tanging sabi na lamang nito. Ilang sandali pa ay lumayo siya mula kay Lucas at umayos ng upo. “Kailan ka pa natutong magpa-cute ng ganuon?” muling tanong nito sa kaniya na ikinakibit balikat niya lamang. “Ikaw ang nagsabi sa akin na pakiusapan ka diba?” saad niya na gamit muli ang malambing niyang tinig at pagkatapos ay napangisi.  Sa loob ng
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more

Chapter 0007.2

Pagkaalis ni Lucas ay mabilis din naman sinenyasahan ni Trisha ang kasama nitong babae na si Lucy na iwan muna sila sandali. Naiwan silang dalawa na magkaharap. Akmang magsasalita na sana si Annie nang maunahan siya ni Trisha sa pagsasalita. “Ganun talaga si Lucas kapag ako na ang pinag-uusapan handa siyang gawin kahit ano para sa akin.” sabi nito na may halo pang pagmamayabang ang tinig. “Nakita mo naman na sinabi ko ng si Lucy na lang ang kukuha ngunit hindi siya pumayag.” dagdag nito at kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya sanang marinig ang mga sinasabi nito at mga susunod na sasabihin pa nito dahil ayaw niyang marinig pa mula rito kung paano ito mahalagahan ni Lucas. Bigla niyang naalala ang mga mahahalagang araw sa kanila bilang mag-asawa. Hindi nga nakakalimutan ni Lucas ang kahit na anumang okasyon sa buhay nila ngunit laging si Kia lamang ang gumagawa ng paraan sa lahat, ang pumipili
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more
PREV
123456
...
44
DMCA.com Protection Status