Home / Urban / The Girlboss Begs for Remarriage / Kabanata 881 - Kabanata 890

Lahat ng Kabanata ng The Girlboss Begs for Remarriage: Kabanata 881 - Kabanata 890

1084 Kabanata

Kabanata 881

Sumama ang mukha ni Frank at sumigaw, “Hindi ako magsasalita kung ano lang ang iniinsulto mo, pero iniinsulto mo ang tradisyon ng Draconia, at dapat kong patunayang mali ka.”Natuto siya ng medisina mula sa Mystic Sky Sect, at ito ang pinakawasto at pinakamatandang disiplina sa Draconia. At ano ang ginagawa ng mga manggagamot sa ibang bansa habang nagliligtas na ng buhay ang Draconia medicine? Ang solusyon nila sa clubfoot ay putulin ang paa nila at nang walang pampamanhid, at tadhana na ang bahala sa pasyente! Tapos ngayon minamaliit nila ang tradisyon ng Draconia?Gayunpaman, ang reaksyon mismo ni Frank ang gustong makita ni Titus. Sobra siyang napahiya sa Riverton, at wala siyang lakas ng loob na sabihin sa pamilya niya ang nangyari. Pero ngayong nakasalubong niya si Frank sa Morhen, maayos niya itong ipapakita sa kanya. Ibabalik niya ang kahihiyang naranasan niya sa mga kamay ni Frank nang isandaang beses, at ang saktan ang pride niya ay unang hakbang pa lamang. Bilang
last updateHuling Na-update : 2024-09-22
Magbasa pa

Kabanata 882

Sandaling nanahimik si Frank bago tumango at pumayag dito. Malinaw na ito ang hangganan ng mga Turnbull, at handa silang lumaban kung patuloy niya silang hahamunin. At tiyak na minalas siya ngayon matapos makasalubong si Titus Lionheart at ang Ascendant rank retainers niya—malulugi siya kapag nagsimula ang isang laban. Kahit na ganun, kailangan niyang makita si Vicky sa ngayon dahil may mga tanong siya para sa kanya. Halatang nakahinga nang maluwag si Glen na sumang-ayon si Frank. Pinapahiwatig ng mga detalye mula kay Zac na nasa Ascendant rank si Frank… Baka nga peak Ascendant rank pa. Kung talagang sasagarin nila siya, talagang mawawala sa kontrol ang sitwasyon. “Nasaan ang pasyente… Di ba kayo pwedeng nagmadali?” Naiinip na sabi ni Professor Roberts sa sandaling iyon, malinaw na hindi siya sanay sa magulong diplomasya ng Draconia. “Tama ang professor. Halika, mas mahalaga ang tatay ko.” Tumango si Glen. Nang nagkasundo sila, pinakuha ni Glen ng kotse ang mga tao ni
last updateHuling Na-update : 2024-09-22
Magbasa pa

Kabanata 883

“Ano…” Kumunot ang noo ni Frank. “Mahalaga ang pagsusuri sa Draconian traditional medicine, at hindi parte rito ang gloves. Kailangan ko ng direktang paghawak para masuri ang temperatura, balat, at iba pang detalye ng pasyente para matignan siya—”“Manahimik ka!” Halatang hindi matiis ni Kendra ang mahabang paliwanag niya at muntik pa niyang mailuwa ang pustiso niya. “Suotin mo yang gloves, o lumayas ka rito! Hindi ka namin pinapunta rito! Hindi pwedeng hawakan ng isang probinsyanong kagaya mo ang asawa ko—may pakialam ako sa kalinisan kahit na wala kang pakialam!”Muntik nang sumabog si Frank sa sigaw ni Kendra. May intensyon siyang tulungan si George, pero paulit-ulit siyang pinahirapan ng pamilya niya, malinaw na wala silang intensyon na hayaan siyang mabuhay!"Hmph."Suminghal siya, pero nagpasya siyang tiisin ito at isuot ang gloves para makita si Vicky. “Wag kang ganyan, Mr. Lawrence.” Tumawa si Titus habang sinuot niya ang gloves. “Wag mong sisihin ang gloves na yan kung
last updateHuling Na-update : 2024-09-23
Magbasa pa

Kabanata 884

“Wag kayong magmadali.” Hinimas ni Frank ang baba niya habang nagpatuloy siya, “Kung deer musk ito, nakahalo ito sa tubig, tama ba?”“Walang sa sinabi mo ang tama!” Naubos na ang pasensya ni Kendra at lumapit siya kay Frank. Tinuro niya siya habang sumigaw, “Lumayas ka rito at wag mo nang sayangin ang oras namin!”“Bakit di ka na lang sumuko?” Masayang dagdag ni Titus Lionheart. “Tama—dapat umalis ka na,” sumang-ayon si Glen na tumindig bilang head ng mga Turnbull. “Hindi ka naming pipigilan, pero wag mo nang babanggitin pa si Vicky at wag ka na ring aapak pa sa bahay na'to, narinig mo?”Naningkit ang mga mata ni Frank, ngunit sa huli ay tumango siya. “Hindi ko alam kung anong nagdala ng sakit kay Mr. Turnbull. Nagsimula ang sintomas isang linggo ang nakaraan, pinabilis ito ng deer musk na madalas niyang iniinom, at hindi sa solidong anyo…”Nang binunot niya ang mga karayom na madalas niyang dala, tumingin siya sa kanilang lahat at nagsabing, “Magsasagawa na ako ng acupuncture. K
last updateHuling Na-update : 2024-09-23
Magbasa pa

Kabanata 885

Pagkatapos ay lumapit si Glen sa tainga ng nanay niya para bumulong, “Ito na ang pagkakataon natin—pwede nating sisihin si Frank para kaarawan siya ni Vicky, at mas magkakaroon tayo ng laban sa kanya.”Nawala ang kunot ng noo ni Kendra sa sandaling iyon, pagkatapos ay tumango siya. “Magaling. Gagawin natin yan!”Narinig sila ni Frank na nagbubulungan at alam niya kaagad kung anong binabalak nila. Kahit na wala siyang pakialam, nainis pa rin siya. Kung hinayaan siya ni Kendra na hawakan ang asawa niya sa umpisa pa lang, hindi niya kakailanganing gumamit ng mga taktika para makakuha ng detalye mula sa kanila, at masusuri niya nang mas maayos si George. Kahit na ganun, hula niya ay nagkasakit si George dahil sa isang earwig mula sa South Sea. Hindi ito isang malalim na technique, pero kapag nakain ang mga itlog ng earwig, mapipisa ang mga itlog gamit ng gamit o martial technique. Mula roon, dadami ang uod sa loob ng biktima, gagawa ng bahay, at sa huli ay kakainin ang laman-lo
last updateHuling Na-update : 2024-09-24
Magbasa pa

Kabanata 886

Inasahan ni Frank na magigising si George sa ilalim ng limang minuto gamit ng panggagamot niya ngayong namatay na ang mga itlog sa laman-loob niya. Sinabi niya lang na sampung minuto para may oras pa siya—magkakaiba ang pangangatawan ng lahat, at estilo niyang maging konserbatibo. Gayunpaman, lumipas ang sampung minuto, ngunit hindi nagpakita ng senyales ng paggaling si George at madilim pa rin ang pisngi niya. Tinignan ni Frank ang pill na ginawa niya at sa huli ay may naisip na nakakainis na kongklusyon. “Sandali… Hindi kaya nagsisinungaling sila sa'kin?”Kung nagsinungaling sila, hindi magiging eksakto ang pagsusuri niya at magiging mali ang solusyon niya. Kung talagang ganun, walang halaga ang ginawa niya sa maliit na kaso, pero pwedeng mamatay si George kung seryoso ito. Pero bago nakapagtanong si Frank, tinaas ni Glen ang braso niya para tignan ang Patek Philippe niya at umiling. “Labindalawang minuto na ang lumipas, Dr. Lawrence,” sabi niya habang dinidiin ang salit
last updateHuling Na-update : 2024-09-24
Magbasa pa

Kabanata 887

Kahit na ganun, nagpasya si Frank na magtiyaga sa huling beses at tahimik na nagsabing, “Isa akong manggagamot, hindi ako diyos. Hindi ko kayang suriin ang pasyente nang hindi siya hinahawakan, o kapag nagsisinungaling kayo sa'kin tungkol sa sintomas niya! Minalas si Mr. Turnbull na magkaroon ng asawang kagaya mo!”Talagang malaking pasabog ang huling pangungusap niya. Kaagad na tumayo si Kendra at sumugod diretso kay Frank. Handa siyang kalmutin ang mukha at mga mata niya. “Hayop ka! Ayusin mo ang pananalita mo!” sigaw niya nang wala sa katwiran. “P-Papatayin kita! Glen, tawagin mo ang bawat isang taong mayroon ka—hihilingin niyang sana namatay na lang siya!”Hindi siya pinigilan ni Glen at tumitig pa nga nang masama kay Frank. “Narinig mo ba ang sinabi mo?! Ulitin mo yun, hinahamon kita!”Sinalubong ni Frank ang galit na titig niya, huminga nang malalim, at tumawa nang malamig. “Gusto mong marinig ulit? Sige—uulitin ko to hanggang sa gusto niyo! Mamamatay si George Turnbull dahi
last updateHuling Na-update : 2024-09-25
Magbasa pa

Kabanata 888

Habang tinaas ni Glen ang baba niya kay Frank, lumapit si Titus. “Sandali, Mr. Turnbull.” Malamig siyang tumawa. “Makakapaghintay si Frank Lawrence. Ngayong nakita na ni Professor Roberts kung gaano kawalang kwenta ang Draconia traditional medicine, oras na para ipakita kay Mr. Lawrence kung paano magtrabaho ang mga tunay na eksperto—hindi tayo mawawalan ng oras na patayin siya mamaya.”Iyon mismo ang gusto niya—ang bugbugin si Frank sa pisikal at sikolohikal na paraan, para lang tanggalin ang ngisi sa mukha niya at paluhurin siya sa harapan niya. “Tapos na ba kayong magsalita?” Tanong ni Professor Roberts nang naiinip na. “Oo.” Tumango si Glen. “Pakitulungan ang tatay ko.”Malamig na suminghal si Kendra. “Kita mo? Hindi ginagawa ng palusot ang professor para sa kabiguan niya, hindi kagaya ng walanghiyang yun.”Kasabay nito, pinalibutan ng mga retainer ng Turnbull at Lionheart si Frank at walang ibang ginawa dahil hindi susuway si Glen kay Titus ngayong gusto niya ang tulong n
last updateHuling Na-update : 2024-09-25
Magbasa pa

Kabanata 889

“Ano?! Imposible… Imposible to…”Nakanganga si Professor Roberts, umiiling-iling at halatang hindi inasahang mangyayari iyon kay George. Kahit habang mabilis niyang hinalughog ang briefcase niya, nagmamadaling nagtanong si Glen sa kanya, “Professor Roberts? Anong nangyayari sa tatay ko?”“Hindi ko alam… Ito ang pinakabagong serum na ginawa ng team namin, at papatay dapat ito ng mga parasitiko, hindi ganito…”Natatarantang nagsaksak si Professor Roberts ng dilaw na tube sa siringgilya at sumigaw, “Lumapit kayo rito! Hawakan niyo siya!”Sa pagtawag ni Professor Roberts, mabilis na pinalapit ni Glen ang mga retainer na nakapalibot kay Frank para pigilan si George habang nagkombulsyon siya. “Hawakan niyo siyang maigi!” Sumigaw si Professor Roberts habang pinunasan niya ang pawis mula sa kilay niya at tinurok ang dilaw na serum kay George. “Urgh…” Sa wakas ay kumalma si George at tumigil sa pagkombulsyon at pagbula ng itim na dugo mula sa bibig niya. "Phew…" Bumuntong-hininga
last updateHuling Na-update : 2024-09-26
Magbasa pa

Kabanata 890

“Hup!” Sumigaw si Frank habang hinampas niya ng palad ang dibdib ni George at sumirit ang kulay madilim na berdeng dugo nang parang isang geyser. "Argh!!!" Sumigaw si George pero hindi nagtagal ay kumalma siya habang mas maraming dugo ang lumabas. Pagkatapos ay tumingin si Frank nang walang emosyon kay Professor Roberts. “Isang antibiotic ang serum mo. Napisa nito ang mga itlog ng earwig at ngayon ay nilulusob ng mga uod ang laman-loob ni Mr. Turnbull.”Natauhan si Professor Roberts sa prangkang mga salita niya at lumingon siya kay Frank nang hindi makapaniwala. “Paano mo—”“Inaalam ko rin ang tungkol sa dayuhang medisina,” mahinang sagot ni Frank. “Hindi ko lang ito ginagamit dahil hindi ito masyadong mabisa.”Sa huli, naging pula ang dugong sumisirit mula sa dibdib ni George, pagkatapos ay tinapik ni Frank ang katawan niya nang dalawang beses para isara ang dumudugong ugat. “Hup!” sigaw niya at ibinagsak ang palad niya sa dibdib ng matandang lalaki. “Bleurgh!” Sumuka si
last updateHuling Na-update : 2024-09-26
Magbasa pa
PREV
1
...
8788899091
...
109
DMCA.com Protection Status