Nang malungkot na nakatingin kay Frank, nagtanong si Vicky, “Kailan ka aalis, darling?”“Hindi pa sa ngayon,” sabi ni Frank pagkatapos mag-isip sandali. “Kailangan ko pang gamutin ang lolo mo, at sa tingin ko aabutin ng tatlong araw bago ko matanggal ang lahat ng itlog ng rot earwig sa loob niya. Pagkatapos nito, akong bahala sa problema mo.”“Problema ko?” Medyo nabigla si Vicky. “Oo.” Tumango si Frank at ngumiti. “Sabi mo tensyonado ang pamilya mo dahil sa South Sea Crow, di ba? Nandito na ako, at hindi kita hahayaang magdusa—akong bahala sa kanya, tapos babalik tayo sa Riverton nang magkasama, okay?”Natulala si Vicky sa nakaunat niyang kamay at sa matapat na alok niya. Nilagay niya ang palad niya sa mainit niyang kamay, ngunit hindi nagtagal ay nahimasmasan siya at yumuko para mapunasan ang luha niya nang hindi nakikita ni Frank. Pinilit niyang ngumiti, pagkatapos ay umiling at nagsabing, “Darling, alam kong magaling ka at marami kang narating na hindi ko kailanman pinanga
Last Updated : 2024-10-01 Read more