Home / Urban / The Girlboss Begs for Remarriage / Chapter 911 - Chapter 920

All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 911 - Chapter 920

1084 Chapters

Kabanata 911

"Hmm…?"Nabigla si Marit at hindi nagtagal ay naglaho ang makarismang ekspresyon niya nang naging seryoso siya. “Mukhang hindi ko ito maitatago sa'yo.” Bumuntong-hininga siya, ngunit ay tumawa rin kaagad kagaya ng ginawa niya kanina. “Pero totoo ang sinasabi kong nahulog ako sa'yo matagal na. Kaya ano na? Bakit di na lang natin patayin ang mga walanghiyang Turnbull, tapos pwede tayong pumunta sa kahit saan mo gusto?”“Kilala mo ako.” Bahagyang ngumiti si Frank habang umiiling. “Umaasa lang ako na sukuan mo na ang paghihiganti mo sa kanila at lumayo ka na.”“Imposible yun.” Lumamig ang ekspresyon ni Marit. “Pinatay nila ang kapatid ko, at may kasunduan ako… Sandali.”Bigla siyang huminto at ngumisi nang napakalaki. “Tama… Makakatulong kaya ito?”“Ano yun?” Kumunot ang noo ni Frank na bigla ring naging seryoso. Napakalaki ng ngisi ni Marit hanggang sa naningkit ang mga mata niya. “Habang pinapatay ko ang mga Turnbull dahil sa sarili kong paghihiganti, nakatali rin ako sa isang k
last updateLast Updated : 2024-10-04
Read more

Kabanata 912

Maingay na lumuha si Marit at lumingon siya sa nakatulalang si Zac sa malayo nang nakasimangot. “Darling, hindi ka naman naniniwala sa kanya, di ba? Bakit ako magiging kalaban ng mga Turnbull?”"Hmm…?" Nabigla si Frank—hindi ito parte ng plano. Lumingon sa kanya si Marit sa sandaling iyon, at bahagyang bumuka ang mga labi niya para magsalita sa tonong si Frank lang ang nakakarinig. “Para yan sa pagsama mo sa babaeng yan.”Habang walang nasabi si Frank, sumigaw si Zac, “Frank Lawrence! Bitawan mo ang asawa ko, hayop ka!”Sumugod siya kay Frank nang parang isang galit na tigre, ngunit madaling umiwas si Frank at tinisod siya. “Baliw ka ba?” Suminghal si Frank nang bumagsak sa lapag si Zac. “Patay na ang asawa mo. Isa lang yang walang lamang bangkay na kinokontrol ng mga insekto.”“Hindi ako naniniwala sa'yo!” Sige ni Zac habang nagmadali siyang tumayo at sumugod muli kay Frank. “Darling, tulong!” Miserableng iyak ni Marit na sumabay sa tono niya. Gayunpaman, bahagyang lumit
last updateLast Updated : 2024-10-05
Read more

Kabanata 913

Napaatras si Zac sa nakakapangilabot na ngiti ni Marit. “Ano?!”“Ang tanga mo, Zac…”Nagpatuloy na ngumiti si Marit habang umiling siya sa kanya at bumuntong-hininga sa dismaya. “Pero baka pwede akong magsabi ng isang bagay na ikakatuwa mo.”Bigla siyang tumawa, sa sobrang lakas ng hagalpak niya ay para siyang maiiyak. “Nang sinabi ng asawa mong pupunta siya sa ibang bansa, ang ibig niyang sabihin ay makikipagsaya siya kasama ng iba niyang mga lalaki, nang wala kang kaalam-alam! Sa hotel pa nga na pagmamay-ari mo! Hahaha…”“Ano?!” Natulala si Zac nang hindi makapaniwala. “Imposible! Hindi ganun si Marit!”“Sigurado akong alam to ng lahat ng tao rito, tama?”Lumingon lang si Marit sa ilan sa mga binata sa mga Turnbull, at nasa lima sa kanila ang yumuko sa sandaling iyon. “Ano… P-Paano mong…” Hindi ganun katanga si Zac para hindi ito maintindihan. Ang totoo, nakilala niya ang isa sa kanila na sarili niya mismong pamangkin!Tumawa pa si Marit. “Alam mo, nang pinatay ko siya, ma
last updateLast Updated : 2024-10-05
Read more

Kabanata 914

Hindi alam ni Frank kung paano nakalabas si Ciaran, o kung paano siya gumaling nang ganito kabilis sa loob ng maikling panahon, pero may kinalaman siguro ito sa technique na pinangkontrol niya sa mga insekto.Maliban roon, binanggit ni Ciaran kay Frank ang katotohanang walang iba kundi ang mga Lionheart ng Morhen ang umarkila sa kanyang atakihin ang mga Turnbull. Kasama ng katotohanang ikakasal na ang sariling tagapagmana ng mga Lionheart kay Vicky, kailangan nilang simulang isipin ang mga katotohanan. Kapag “nagkataong” naubos ang mga Turnbull pagkatapos ng kasal, ang bawat isang estate ng mga Turnbull ay walang dudang mapupunta sa mga kamay ng mga Lionheart. Plano itong lahat ng mga Lionheart, ngunit ignorante ng pinagpipilitan ng mga Turnbull na ipakasal si Vicky at sumakay sila sa pagpapaikot ng mga Lionheart. Nang natapos na si Frank na panatilihin buhay si Zac, tumingin siya sa paligid ng banquet hall. Isa itong eksena ng tunay na kaguluhan. Walang makakapigil sa mga
last updateLast Updated : 2024-10-05
Read more

Kabanata 915

Kaagad na natigil ang family dinner ng mga Turnbull. Isa dapat itong handaan para sa mga miyembro at mga kasosyo ng pamilya kung saan makikipaghalubilo sila sa isa't-isa. Pagkatapos nito ay mga meeting at ulat ng financial standings, na sinundan ng pagpapasya sa estratehiyang gagamitin nila para sa paglago ng pamilya. Gayunpaman, nangyari ang South Sea Crow. Hindi lang sa karamihan sa kanila ay napilitang uminom ng tubig na pinagbabaran ng mop, pinasabog din ni Marit ang sarili niya, na nag-iwan ng mga paso at mga pangit na peklat. Higit pa roon, hindi lang sila napilitang kalimutan ang annual dinner, kinailangan ring ipagpaliban ang pakikipaghalubilo nila sa iba pang mayayaman at importanteng indibidwal at pamilya ng Morhen. Dapat ay iaanunsyo ni Glen ang kasal sa pagitan nina Titus at Vicky sa handaan, ngunit talagang hindi umayon sa gusto nila ang nangyari. Sa kasalukuyang kalagayan nila, pagtatawanan ng lahat ang mga Turnbull!Kung kaya't magalang na sinabihan ang marami
last updateLast Updated : 2024-10-06
Read more

Kabanata 916

Nang makitang nanahimik si Frank, nagpatuloy si Glen, “Walang kalaban-laban ang pamilya namin sa South Sea Crow. Kaya kailangan namin ang tulong ng mga Lionheart, kundi ay mas maraming mawawala sa'min. Sana'y maintindihan mo…”“Hindi iyon kailangan,” natural na sabi ni Frank. “May kasunduan kami ng South Sea Crow. Hindi niya na kayo guguluhin.”“Ano?!”Nagulat ang lahat sa mga salita ni Frank. “Haha…” Nanahimik sandali ang Turnbull executive na nangmata kay Frank kanina, ngunit di nagtagal ay lumingon siya kay Glen. “Sinabi ko na sa'yo, Mr. Turnbull—kasama siya ng South Sea Crow. Kita ko? Ang dami na niyang inamin ngayon. Bakit maayos lang siya ngayong nadamay tayong lahat?”“Oo nga. Ang lapit niya rin sa South Sea Crow nang sumugod siya kay Zac. Bakit di siya natamaan?”“Wag na kayong magtaka. Tiyak na kakampi niya siya!”Sumimangot si Frank sa usap-usapan sa paligid niya at nagsisi siyang sinabihan niya ang kapwa niya apprentice na huwag galawin ang mga taong ito. “Hindi ha
last updateLast Updated : 2024-10-06
Read more

Kabanata 917

“Sinong pinakamakikinabang?”Napaisip ang mga Turnbull executive sa tanong ni Frank, pero hindi nagtagal ay nagkatinginan silang lahat sa gulat. “Mukhang alam niyo na ang sagot.”Tumawa si Frank. “Hindi ko sana sasabihin sa inyo, pero dahil nagpupumilit kayong magpakatanga, mukhang kailangan kong linawin ang lahat. Pinupuntirya kayo ng South Sea Crow sa dalawang dahilan—ang una ay dahil sa personal niyang hinanakit, at ang pangalawa ay dahil inarkila siya ng isang malaking pamilya. Para naman sa kung aling pamilya iyon, alam kong wala sa inyo ang ganun katanga para hindi malaman kung sino sila.”“Imposible!” Tumayo ang isang Turnbull executive at sumagot. “Ang mga Lionheart ay kakampi ng pamilya namin sa loob ng maraming henerasyon. Bakit sila magpaplano laban sa'min?”“Tama! Brothers-in-arms kami. Di sila gagawa ng kahit na anong ikakapahamak namin!”“Sa nakikita ko, sinusubukan lang ng batang yan na gumawa ng hidwaan sa pagitan natin!”Kahit na tumindi ang mga sumbat at nagin
last updateLast Updated : 2024-10-06
Read more

Kabanata 918

Gayunpaman, may isang bagay na nakalimutan ang mga Turnbull—may hangganan ang pasensya ni Frank. “Makinig ka.” Ngumiti siya, sabay umiling nang inalok ni Glen si Vicky bilang gantimpala. “Dahil siguradong-sigurado kayo ng pamilya mo na tinutulungan ko ang South Sea Crow, hindi ko na sana tinulungan ang kahit na sino sa inyo.”Tinuro niya si Glen at malamig na nagsabi, “Pinapahirapan at kinukutya niyo kong lahat simula nang dumating ako rito, at sa totoo lang, pagod na ako. Pero, paulit-ulit ko tong tiniis para kay Vicky.”Suminghal siya nang malamig at nagpatuloy, “Ito na ang huling beses. Hahanap ako ng ebidensya na nagpaplano ang mga Lionheart laban sa inyo. Pero kapalit nito, wala sa inyo ang pwedeng makipagnegosasyon—pakakawalan niyo si Vicky nang walang kondisyon, kundi ay kakalabanin ko kayo. At pwede niyo kong pagkatiwalaan kapag sinabi kong mas brutal ang pamamaraan ko kaysa sa South Sea Crow.”Bumuntong-hininga nang mahaba si Glen sa nakakatakot na titig ni Frank, alam ni
last updateLast Updated : 2024-10-07
Read more

Kabanata 919

“Titus,” nagsalita ang isang malinaw na boses sa sandaling iyon. Lumingon si Titus at nakita niya si Sif Lionheart na naglalakad papunta sa kanya suot ang isang puting bestida. “Nandito ka rin, Sif?”“Syempre. Kasal to ng minamahal kong kapatid.” Abot tainga ang ngiti niya. “At siya nga pala, hindi makakarating si Ehud dahil nagsasanay siya, pero pinapadala niya ang pagbati niya.”Pagkatapos ay naglabas siya ng isang baul mula sa kotse niya at ipinasa ito kay Titus. “Heto. Ito ang Hyperion Root na binili ko para kay Ehud. Masyado pa itong bata nang nabili ko to, pero pinabilis ng paraan ng Hundred Bane Sect ang paglaki nito at ngayon ay ibinibigay ito ni Ehud para sa'yo sa mahalagang araw mo.”“Hahaha. Salamat.” Tumawa si Titus habang kinuha niya ang baul. "Huh?" Hindi sinasadyang nakita ni Sif ang isang pamilyar na mukha kasama ng mga Turnbull at napabulalas siya, “Frank Lawrence?! Anong ginagawa niya rito?!”“Ano?” Gulat na sabi ni Titus. “Kilala mo siya, Sif?”“Hindi ko l
last updateLast Updated : 2024-10-07
Read more

Kabanata 920

“Wag mong isiping di ko alam,” malamig na nagsalita si Aesop habang lumingon siya kay Frank na nakatayo kasama ng mga Turnbull. “Ang batang yan ang nanggugulo at nagpapatagal sa kasal, hindi ba? Hindi niyo man lang kayang disiplinahin ang mga anak niyong mga Turnbull, hinayaan niyong magloko si Ms. Turnbull kasama ng isang walanghiyang bata! Nakakahiya!”“Tama!”Lumapit si Titus nang narinig niyang magtalo sina Glen at Aesop. “Fiancee ko si Vicky, at walang makakatanggi roon. Hindi lang kayo pumalpak na disiplinahin siya, hinayaan niyo pa ang isang estrangherong kagaya niya na magpakita sa araw ng kasal ko. Isa itong malinaw na panghahamon sa dangal ng pamilya ko! Tanggapin ba namin itong isang deklarasyon ng giyera?!”“Deklarasyon ng giyera?!”Nanahimik ang lahat sa mga salita ni Titus, at napalunok ang bawat isang Turnbull sa malayo. Hindi nila maisip ang isang giyera laban sa mga Lionheart—babaha ng dugo kung ibubuhos nila ang lahat. At nagpadala ng higit sa isandaang bodygu
last updateLast Updated : 2024-10-07
Read more
PREV
1
...
9091929394
...
109
DMCA.com Protection Status