“Sinong pinakamakikinabang?”Napaisip ang mga Turnbull executive sa tanong ni Frank, pero hindi nagtagal ay nagkatinginan silang lahat sa gulat. “Mukhang alam niyo na ang sagot.”Tumawa si Frank. “Hindi ko sana sasabihin sa inyo, pero dahil nagpupumilit kayong magpakatanga, mukhang kailangan kong linawin ang lahat. Pinupuntirya kayo ng South Sea Crow sa dalawang dahilan—ang una ay dahil sa personal niyang hinanakit, at ang pangalawa ay dahil inarkila siya ng isang malaking pamilya. Para naman sa kung aling pamilya iyon, alam kong wala sa inyo ang ganun katanga para hindi malaman kung sino sila.”“Imposible!” Tumayo ang isang Turnbull executive at sumagot. “Ang mga Lionheart ay kakampi ng pamilya namin sa loob ng maraming henerasyon. Bakit sila magpaplano laban sa'min?”“Tama! Brothers-in-arms kami. Di sila gagawa ng kahit na anong ikakapahamak namin!”“Sa nakikita ko, sinusubukan lang ng batang yan na gumawa ng hidwaan sa pagitan natin!”Kahit na tumindi ang mga sumbat at nagin
Gayunpaman, may isang bagay na nakalimutan ang mga Turnbull—may hangganan ang pasensya ni Frank. “Makinig ka.” Ngumiti siya, sabay umiling nang inalok ni Glen si Vicky bilang gantimpala. “Dahil siguradong-sigurado kayo ng pamilya mo na tinutulungan ko ang South Sea Crow, hindi ko na sana tinulungan ang kahit na sino sa inyo.”Tinuro niya si Glen at malamig na nagsabi, “Pinapahirapan at kinukutya niyo kong lahat simula nang dumating ako rito, at sa totoo lang, pagod na ako. Pero, paulit-ulit ko tong tiniis para kay Vicky.”Suminghal siya nang malamig at nagpatuloy, “Ito na ang huling beses. Hahanap ako ng ebidensya na nagpaplano ang mga Lionheart laban sa inyo. Pero kapalit nito, wala sa inyo ang pwedeng makipagnegosasyon—pakakawalan niyo si Vicky nang walang kondisyon, kundi ay kakalabanin ko kayo. At pwede niyo kong pagkatiwalaan kapag sinabi kong mas brutal ang pamamaraan ko kaysa sa South Sea Crow.”Bumuntong-hininga nang mahaba si Glen sa nakakatakot na titig ni Frank, alam ni
“Titus,” nagsalita ang isang malinaw na boses sa sandaling iyon. Lumingon si Titus at nakita niya si Sif Lionheart na naglalakad papunta sa kanya suot ang isang puting bestida. “Nandito ka rin, Sif?”“Syempre. Kasal to ng minamahal kong kapatid.” Abot tainga ang ngiti niya. “At siya nga pala, hindi makakarating si Ehud dahil nagsasanay siya, pero pinapadala niya ang pagbati niya.”Pagkatapos ay naglabas siya ng isang baul mula sa kotse niya at ipinasa ito kay Titus. “Heto. Ito ang Hyperion Root na binili ko para kay Ehud. Masyado pa itong bata nang nabili ko to, pero pinabilis ng paraan ng Hundred Bane Sect ang paglaki nito at ngayon ay ibinibigay ito ni Ehud para sa'yo sa mahalagang araw mo.”“Hahaha. Salamat.” Tumawa si Titus habang kinuha niya ang baul. "Huh?" Hindi sinasadyang nakita ni Sif ang isang pamilyar na mukha kasama ng mga Turnbull at napabulalas siya, “Frank Lawrence?! Anong ginagawa niya rito?!”“Ano?” Gulat na sabi ni Titus. “Kilala mo siya, Sif?”“Hindi ko l
“Wag mong isiping di ko alam,” malamig na nagsalita si Aesop habang lumingon siya kay Frank na nakatayo kasama ng mga Turnbull. “Ang batang yan ang nanggugulo at nagpapatagal sa kasal, hindi ba? Hindi niyo man lang kayang disiplinahin ang mga anak niyong mga Turnbull, hinayaan niyong magloko si Ms. Turnbull kasama ng isang walanghiyang bata! Nakakahiya!”“Tama!”Lumapit si Titus nang narinig niyang magtalo sina Glen at Aesop. “Fiancee ko si Vicky, at walang makakatanggi roon. Hindi lang kayo pumalpak na disiplinahin siya, hinayaan niyo pa ang isang estrangherong kagaya niya na magpakita sa araw ng kasal ko. Isa itong malinaw na panghahamon sa dangal ng pamilya ko! Tanggapin ba namin itong isang deklarasyon ng giyera?!”“Deklarasyon ng giyera?!”Nanahimik ang lahat sa mga salita ni Titus, at napalunok ang bawat isang Turnbull sa malayo. Hindi nila maisip ang isang giyera laban sa mga Lionheart—babaha ng dugo kung ibubuhos nila ang lahat. At nagpadala ng higit sa isandaang bodygu
“Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi mo, Mr. Turnbull.”Yumuko si Aesop kay Glen bago lumingon at tinawag ang prusisyon. “Magligpit na kayo—uuwi na tayo. Babalik tayo sa susunod na linggo!”“Opo, sir.” Sabay-sabay na sumagot ang lahat. Malinaw na may kapangyarihan rin si Aesop—sa mga utos niya, maging sina Sif at Titus ay nanahimik kahit na may gusto silang sabihin.Ang nagawa lang nila ay bumalik sa mga kotse nila nang masama ang loob at umuwi. Sa daan, pinapahiya ni Titus ang mga mata niya sa likuran habang walang katapusan ang pagdada ni Sif. Sinabi niya kay Aesop ang lahat ng tungkol sa galit niya kay Frank. “Hmph.” Suminghal si Aesop. “Nagulat akong may ibubuga pala ang batang yun.”Pagkatapos mapaisip sandali, lumingon siya sa pagitan nina Titus at Sif. “Wala naman sa inyong nagsalita tungkol sa plano natin, tama?”“Imposible.” Umiling si Sif. “Kakaunti lang sa'min ang nakakaalam dun. Walang makakahuli sa'tin. At imposibleng magsasabi ang baliw na bruhang yun sa mga T
“Magaling,” sagot ni Titus na naningkit ang mga mata. “Sa susunod na linggo, pwede nang simulan ng mga tao nating nakabantay sa buong bansa ang pagkamkam habang bumabalik sa mga base nila ang bawat isang Turnbull at family executive nila.”Lumingon siya kay Sif at nagsabing, “Ikaw ang bahala sa pagligpit kay Frank. Ang tagumpay ng mga plano natin ay nakasalalay sa mangyayari sa susunod na linggo… kailangan lang nating gumamit ng dahas kung may maiba na naman sa plano.”Lalo na't ideya ni Titus ang lahat ng ito, ang pagpapabagsak sa mga Turnbull o sa mga Janko. Kahit na hindi siya kasing-talentado ng nakababata niyang kapatid na si Ehud pagdating sa martial arts, mas malakas ang pag-iisip niya. Ang totoo, imposibleng may nakakitang pagpapanggap lang ang panggagalaiti niya sa Turnbull House kanina. Maging si Frank ay hindi mababasa ang masamang intensyong nasa isip niya. "Titus…" Kumunot ang noo ni Sif at nagtanong, “Sigurado ka bang hindi mo gustong parusahan si Frank kapag nahu
Lumapit si Frank para batiin si Ned at pasalamatan siya, pero hindi nagtagal ay nakatanggap siya ng biglaang tawag mula kay Gavin Lane, ang panganay na tiyuhin ni Helen Lane. Mas magalang si Gavin kumpara kay Glen, marespeto siyang nagtanong pagkatapos sumagot si Frank, “Me. Lawrence, maaari ko bang maitanong kung kumusta ang farm? Isang buwan na lang ang natitira para sa financial statement. Kung nahihirapan ka, pwede kong sabihan ang tatay kong bigyan ka ng palugit—”“Palugit?! Bakit ka ba palaging kumakampi sa kung sino-sino, Gavin?!” Narinig na sumisigaw si Jade Zahn sa kabilang linya. “Manahimik ka. Usapang lalaki to!” Sigaw ni Gavin sa kanya bago mahinang sinabihan si Frank, “Pwede mong ibenta ang lupa kung kailangan. Sigurado akong hindi makikipagtalo ang tatay ko basta't mabawi mo ang ilan sa mga gastos.” Sa kabilang linya, hindi nagpapatalo si Jade. “Sina Frank at Helen ang nagyayabang na kikita sila ng pera mula sa farm. Bakit natin sila dapat tulungan—”“Jade!” Sigaw
Tumawa si Helen. “Pwede tayong magkita sa Springhill Hotel kung di ka busy. Sa South Morhen yun.”“Sige.” Binaba ni Frank ang tawag at sumakay sa Maserati na binigay ni Hux Darman sa kanya bago nagmadaling umalis. Pagdating niya sa Springhill Hotel, nakita ni Frank si Helen na nakasuot ng business suit.Nakaupo sa tabi niya si Gina Zonda habang nakaupo naman sa harapan nila sina Luna Lane at isang lalaking hindi kilala ni Frank. May tatak ang suit niya, makintab ang buhok niya, at maputi ang balat niya—malinaw na nagmula siya sa yaman. “Ano ba! Kagaya ng sabi ko, walang magiging problema kung ibigay natin kay Cato ang subcontract. Ano bang pinag-aalala mo?!”Nagkataong malakas na nagrereklamo si Luna nang dumating si Frank at nakatawag ng atensyon ng marami. “Dito, Frank.” Masigla siyang tinawag ni Helen. Sumimangot si Gina nang nakita niya si Frank, ngunit wala siyang sinabi dahil nasa labas sila. Sa kabilang banda, hindi ganun si Luna na tinuro si Frank at nagsabing, “
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang