“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Maaaring ang bato ay talagang isang kayamanan, pero baka sinadyang pababain ni Frank ang halaga nito para hindi makipagkumpetensya ang ibang bisita?Sa isip na iyon, biglang naging interesado ang lahat, habang si Travis ay natuwa.Ang ginawa ni Frank ay talagang nagpo-promote ng bato!Ngumingiti, tinanong niya, "Patawarin mo ang aking kamangmangan, Ginoong Lawrence, pero palagi ko itong tinatrato bilang isang pulang batong mahalaga. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ito, kung hindi ito isang batong mahalaga?""Talagang isang normal na bato lang ito," sabi ni Frank nang kalmado, sa kabila ng naguguluhang tingin sa kanyang mga mata. "Gayunpaman, may espesyal na kahulugan ito sa akin, kaya't bibilhin ko ito.""Pfft."Tumatawa si Hugh—talaga bang iniisip ni Frank na mga tanga sila?Isa man itong gemstone o hindi, ang katotohanan na sinabi ni Frank na wala itong halaga habang sinusubukan niya itong bilhin ay nangangahulugan na may kakaibang nangyayari dito.Malamang nag-aalala
Walang kaduda-duda, ang kahoy na iskultura ay hindi gaanong mahalaga, at ito ay binili sa halagang 400 grand.Pagkatapos noon, nagpakita si Travis ng isang set ng porselanang pinggan.Tumango si Frank, na walang nakitang depekto—kahit na wala namang tumatawag sa kanyang pansin, hindi peke ang mga pinggan, at ito ay ibinenta sa halagang 150 milyon.Sa simula, huminga ng maluwag si Travis dahil hindi nagsasalita si Frank—tila ang pagpipinta ang naging eksepsyon.Habang ang kanyang isip ay napakalma, ipinakita niya ang isa pang bagay mula sa kanyang koleksyon: isang pulang coral na kristal."Mga kaibigan, ang pulang kristal na korales na ito ay hinugot mula sa Timog Dagat," sabi niya nang may pagmamalaki. "Ito ay isang tunay na bihira at nagkakahalaga ng kayamanan ng isang hari, at hindi ko ito kailanman ibebenta kung hindi dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.""Sinasabing nagdadala ito ng aura at puno ng spiritrons—ilagay mo lang ito sa bahay mo, at magdadala ito ng magandang
Iba't ibang ekspresyon ang nagpalitan sa mukha ni Travis, at muling sumigaw siya sa mga stewardess, "Pumunta kayo, bilhan niyo ako ng kahon ng posporo!" "Oo, Mr. Dali…" Napaatras ang mga stewardess at nagmadaling umalis.Si Hugh ay galit na galit na nakatitig kay Frank. "Frank, hindi mo ba narinig ang kasabihang 'live and let live'?""Magpaka-buhay at hayaan ang iba, talaga?"Tumawa si Frank bilang sagot. "Pinakinggan mo ba ako nang sinubukan kong pigilan ka na ipa-appraise mo sa akin ang painting na iyon? Akala mo ba nagtatakbo ako, kahit na hinihingi mong lumuhod ako sa lahat?"Naguluhan si Hugh. Wala siyang magawa kundi humiyaw at kuminang ang kanyang panga.Maya-maya, bumalik ang mga stewardess na may dalang posporo.Tumatagilid ang mga kamay ni Travis, pero sa huli ay sinunog niya ang painting habang pinapanood ng lahat.Kahit na ang canvas ay naging abo, ang pisngi ni Travis ay kumunot sa sakit ng puso.Ngunit wala nang magagawa—nangako siya, at kailangan niyang tuparin
Humarap si Frank, pagkatapos ay lumapit siya sa painting at agad niyang napansin ang ilang mga depekto sa isang sulyap lang."Heh. So, may naisip ka na bang pakulo ngayon, Frank?" Ngumisi si Hugh na puno ng paghamak, galit na galit siya mula pa sa simula sa hindi malamang dahilan.Hindi siya pinansin ni Frank at kampante siyang tumango habang tinuturo ang pirma sa sulok."Tingnan niyo ang pirma," sabi niya. "Kahit na pinagmukha pa itong luma, malinaw na hindi ito tumutugma sa edad ng canvas. Sa katunayan, hindi pa ganun katanda ang pirma sa canvas—anong painting ang pipirmahan pagkaraan ng daan-daang taon matapos itong makumpleto at matagal na panahon na pagkatapos mamatay ng artist nito?""Ano?!"Agad na nabalisa ang lahat, lalo na si Travis.Inilabas niya ang isang magnifying glass at lumuhod habang sinisiyasat ang painting.Pagkatapos, habang tinitingnan niya itong maigi, itinuro ni Frank ang mga brush strokes at tahimik na idinagdag, "Marami na akong nakitang mga oil painti
”Hmph!” Suminghal ng malamig si Travis.Kapag pinayagan niya si Frank na umalis pagkatapos ng sinabi nito, papatunayan lang nito ang sinabi ni Frank—na binebenta niya ang kanyang reputasyon, hindi mga kayamanan.At dahil buong buhay niyang sinuri ang mga antigong bagay, tiyak na hindi niya matanggap ang insultong iyon!Galit siyang nagsalita, "Sisirain ng mga salita mo ang reputasyon ng aking establisimyento, sir, tapos inaasahan mong makakaalis ka dito ng payapa?""Talaga? At hindi pwedeng masira ang reputasyon mo?"Ngumisi ng may panghahamak si Frank. "Pinahahalagahan niyo ang mga pekeng bagay na parang tunay ang mga ito, ginagamit niyo ang reputasyon niyo para sa mga kalakal at nagagalit kayo kapag may kumontra sa inyo… Nakakahiya—hindi mahalaga sa’kin ang reputasyon niyo, at hindi ako natatakot sa pagbabanta niyo."Nagulat si Travis—sa kabila ng lahat ng iyon, inaakusahan pa rin siya ni Frank na nagbebenta siya ng mga pekeng produkto?!Nakaramdam siya ng kaunting inis, dahan
Ang tanging panauhin na hindi nagsalita ay si Frank.Subalit, nang lumingon ang lahat kay Frank, inunahan siyang magsalita ni Hugh. "Hah! Anong alam ng isang ignoranteng p*ta tungkol sa sining? Kahit na may kaunti siyang alam, hindi pa rin niya ito kayang bilhin.”Nagtawanan ang ilan sa loob ng silid sa mga sinabi ni Hugh, dahil naging masyadong halata ang pang-iinsulto sa ‘p*ta’.Gayunpaman, nanatiling kalmado si Frank habang nakatingin siya sa ibang mga panauhin at nagtanong siya, "Tapos na ba kayong tumawa? Kung tapos na kayo, ibabahagi ko ang opinyon ko.”“Syempre naman, iho. Huwag kang mahiyang magsalita.”Nagulat si Travis na hindi nag-bid si Frank, at sa halip ay nagsalita siya upang ibahagi ang kanyang opinyon.Aakusahan ba niya siya na peke ang binebenta niya?Para bang sinadya, lumingon si Frank sa painting sa tabi ni Travis habang lahat ay nakatingin, tumango siya at sinabi, "Hindi tunay ang painting na 'yan… O kalahating tunay, kung tutuusin.""Hahaha!!!" Naunang tu
Nang makita na hindi siya binabati ni Frank, hindi na lang siya pinansin ng matanda at napilitang ngumiti. "Sigurado akong alam ng lahat dito na ako, si Travis Dali, ay kamakailan lang nagkamali ng desisyon, bumili ng pekeng jade na estatwa ng fox na nagkakahalaga ng higit sa isang bilyong dolyar."Huminto siya, nagbuntong-hininga. "Ibig sabihin, hindi ko pa natutugunan ang utang kong 600 milyong dolyar. At upang makabawi, inilalabas ko na ang mga kayamanan sa aking koleksyon. Sana'y handa kayong bilhin ang mga ito sa mabuting presyo—may utang na loob na ako sa inyo."Si Hugh ang unang tumayo, iniunat ang kanyang mga kamay at ngumiti. "Haha… nagmamalabis ka, Ginoong Dali—alam ng lahat na ikaw ang dealer na may pinakamagagandang mata sa Blooming Junction, at ang iyong mga kayamanan ay talagang pambihira. Bibilhin namin ang mayroon ka sa tamang presyo.""Exactly.""Ang utang mo ay mababayaran nang walang problema!"Sumang-ayon ang ibang mga bisita."Sige." Parang humilom ang nakatu
Ang mga salita ng tindera ay nagpapaalala kay Frank sa matandang lalaki kanina na may dilaw na mga ngipin, at tumango siya bilang pagsang-ayon.Ang lugar na ito ay isang magulong walang batas, at nakita niya ang hindi bababa sa tatlong biktima na naloko o nanakawan sa gitna ng araw.Kung may makakuha talaga ng totoong kayamanan, kakainin sila nang buhay.Nang makita ng tindera ang pagkaunawa ni Frank, ngumiti siya. "Parang nauunawaan mo, ginoo. Malalim ang mga tubig ng Blooming Junction—ang tunay na kayamanan ay laging nakatago sa mga tindahan na isang daang taon na sa halip na ipakita.""Talaga? At bakit mo sinasabi 'yan sa akin?" Sulyap ni Frank sa tindera nang pahilig na may pagkamangha.Ipinagkalat ng lalaki ang kanyang mga kamay at umamin, "Magsasabi ako ng totoo, sir. Nagtatrabaho ako sa Jade Dragon—yung tindahan na nandiyan. Ang trabaho ko ay bantayan ang mga potensyal na customer na naglalakad-lakad sa Blooming Junction at dalhin sila dito.""Nakikita ko na mataas ang iyo
Hugh ay ngumisi nang may pang-aasar. "Nabalitaan ko na ang asawa ni Vicky ay isang hindi matitinag na espiritu na kayang talunin kahit ang panganay na kapatid ni Sif Lionheart. Hindi walang dahilan ang iyong reputasyon, ngayon na nakita na kita.""At sino ka?" tanong ni Frank nang walang emosyon.Hugh Turnbull, tagapagmana ng mga Norsedam Turnbull."Mag-ingat ka sa pagsasalita mo kay Ginoong Turnbull!" banta ng bodyguard ni Hugh kay Frank kaagad pagkatapos magsalita ni Hugh."Norsedam…" bulong ni Frank, naaalala lamang noon.Ang Norsedam at Riverton ay magkalapit lang sa tulay, ngunit ang Norsedam ay mas masagana kaysa sa Riverton.At ang unang pagkakataon na nakilala niya si Sif Lionheart ay sa isang auction sa Norsedam, kahit na hindi niya alam na may isang sangay ng pamilya ng mga Turnbull na nakabase rin sa Norsedam.Tumango, tahimik na nagtanong si Frank, "Ano ang dahilan ng iyong pagbisita, Ginoong Turnbull?""Wala," malamig na sagot ni Hugh. "Nagkataon lang na nakita kit