Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
“Teka, wag kayong magbigay-galang sa'kin.” Kumaway si Frank sa kanila. “Hindi ako interesadong maging gang leaders. Bantayan niyo lang ang mga sarili niyo at lumayo kayo sa gulo.” Pagkatapos, hinablot ni Frank ang mohawk ni Ted at inalog ito, sabay sabing, “At saka, ayusin niyo ang itsura nito. Maghahanda ako ng uniporme para sa lahat—mula sa araw na'to, mga empleyado na kayong lahat ng health and security department ng Lanecorp!”“Ano?” Bulalas ni Ted, na hindi masyadong naintindihan kung anong nangyayari. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ano’?! May sasabihin ka ba tungkol diyan?” Tanong ni Frank habang tinitigan ang mga siga. Karamihan sa kanila ay mabilis na lumuhod sa pasasalamat. Hindi nila pinangarap na maging mga siga, dahil karamihan sa kanila ay sinusubukan lang na mabuhay. Minalas lang sila sa kapanganakan nila, kakulangan ng edukasyon, at kakayahan. Dahil dito, kahit na may ilang nag-aalangang sumailalim sa isang malaking kumpanya, karamihan sa kanila ay mukhang napuno
Pagkatapos kunin ang Blue Fangs at ihanda sila para bantayan ang mga proyekto, mayroong kakaibang namomroblemang ekspresyon si Frank sa mukha niya asa sandaling nakasakay siya sa kotse niya. “Anong problema, Frank?” mabilis na tanong ni Frank. “Hindi…” Namomroblemang tumingin si Frank sa kanya, ngunit sa huli ay sumuko siya at bumuntong-hininga. “Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo—Ang kliyente mong si Ms. Clarity ay isang assassin na pinakamataas sa Blackrank.”“Ano?!”Nagulat si Helen—nakikita niya mula sa presensya ni Clarity na espesyal siya, pero wala sa hinagap niya ang pagiging top assassin. Nanahimik siya, tuyo ang lalamunan niya habang lumingon siya kay Frank at nahirapang magsalita. “Sinasabi mo bang dapat tanggapin ng Lanecorp ang pagiging kliyente niya?”“Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin.” Umiling si Frank at nagpaliwanag, “Sinabi niya lang sa'kin kung sino siya at hindi man lang tinago ang pagkatao niya.”“Kung ganun, ano palang habol niya?”Natawa si Helen
Talagang hindi kapani-paniwalang naloko si Gina na bilhin ang lupang ito na nabanggit ni Juno Enigma kay Frank tungkol sa pagtaas ng halaga nito nang sampung beses. Kahit na binili ito ni Frank sa halagang limandaang milyong dolyar, tataas ang halaga nito at magiging limang bilyon sa loob ng dalawang buwan!Tumatawa pa sina Gina at Cindy kay Frank sa pagiging talunan, ngayong sila ang tunay na talunan dito. Kapag nalaman nila, talagang aatakihin sila sa puso… Ang totoo, maging si Helen ay napanganga sa gulat pagkatapos sabihin sa kanya ni Frank ang tungkol sa impormasyon ni Juno Enigma. “Totoo ba yan?”Tumango si Frank. “Walang duda.”Para lang makasigurado, tinawagan niya si Will Zeller habang nanood si Helen. Kahit na isa siyang bureaucrat na nagtitingin ng lease bids, may kaugnayan siya sa urban development ng Zamri at tiyak na may narinig na siya tungkol dito.Habang nagtaka siya sa tanong ni Frank, sabi niya, “Hindi ko alam ang tungkol sa mga proyektong iyon, Mr. Law
Kahit na ganun, sira naman na ang pagkakataon, kaya tinapat ni Frank ang phone sa tainga niya at nagsabing, “Nagtingin ako. Napakalaki ng halaga ng lupang iyon.”“Talaga? Paano?” Suminghal si Gina mula sa kabilang linya. Naririnig ni Frank si Cindy na tumawa nang tuwang-tuwa at suminghal pa nga. “Tita Gina, napansin siguro ng talunang yun na nawalan siya nang malaking halaga ng pera at gusto niya ulit itong ibenta sa'yo!”Gayunpaman, hindi nang-away si Frank at kalmadong nagpaliwanag, “May maaasahan akong pinagmulan ng impormasyon. Malapit nang gibain ang mga nakatayo roon dahil magpapagawa sila ng highway sa malapit, at dadagdag nang sampung beses ang halaga nito!”Tumigil si Cindy sa pagtawa sa sandaling iyon at nanahimik si Gina. Pagkatapos, nagtanong si Gina, “Kung ganun, ibig mong sabihin sinasabihan mo kong bilhin ulit ang lupa mula sa'yo?”“Ganun ang ideya ko.” Tumango si Frank. “Tiyak na kikita ka nang malaki kapag ikaw ang naging may-ari, at hindi mo na kailangang umas
Sumigaw si Cindy nang galit na galit sa sandaling iyon, “Ginawa namin yun para turuan ng leksyon si Frank! Kasalanan niyang palagi siyang nagyayabang sa'min! Dapat niyang akuin ang pagkalugi niya dahil hilig na hilig naman siyang magyabang!”“Tama na yan,” tahimik na sabi ni Frank habang binawi niya ang phone kay Helen sa pag-aalalang baka ma-stroke siya. “Gina, tatanungin kita ulit—maniwala ka sa'kin at bawiin mo ang lupa, at kikita ka ng sampung beses ng halagang pinambili mo rito. Kapag di mo yan ginawa ngayon, wag kang gagawa ng eksena at mag-uutos na ibenta ulit namin yan sa'yo mamaya.”Galit na sumigaw si Gina sa sandaling iyon, “Anong ibig sabihin niyan? Mukha ba akong palengkera para sa'yo?”“Tama,” sabi ni Helen, na pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang dismayadong-dismayado siya sa sarili niyang nanay. Huminto sandali Gina, na halatang nagalit. “Helen Lane!” Sigaw niya at kinalimutan ang ugnayan nila. “Talagang sumosobra ka na… Para sa'yo ang lahat ng gi
“Frank, dalhin mo ko sa opisina ko.”Yakap ni Helen ang mga binti niya, nang may ekspresyon na puno ng lungkot at dismaya. Sabi ni Frank, “Helen, ang totoo—”“Wag mong sabihin, Frank. Naiintindihan ko,” bulong ni Helen, na lumingon sa labas ng bintana para hindi niya siya makitang umiyak. “Wala akong pinagsisisihan.”Pagkatapos manahimik sandali, pinaandar ni Frank ang kotse habang umambon sa labas. Tahimik siyang nagmaneho nang hindi makapali habang dinala niya si Helen sa opisina ng Lanecorp. Bumaba sila, at huminto si Helen sa labas ng pintuan. “Binibigyan kita ng dalawang araw na leave, Mr. Lawrence. Nakakapagod ang nagdaang mga araw… Dapat maghinga ka nang maayos.”Narinig ni Frank ang hikbi sa boses niya at nakita niyang pinilit niya ang sarili niyang ngumiti sa kabila ng pagpipigil ng luha. “Sige.” Tumango siya at nagsimulang umalis dahil alam niyang kailangan niyang mapag-isa.“Oh, at wag mong isipin ang sinabi ng nanay ko,” dagdag ni Helen. “Kahit na baboy ka pa,
Maraming nagmamaneho ang napanganga sa inggit. Samantala, inapakan ni Frank ang gas pedal, at dumagundong ang Maybach niya habang naglaho ito sa paningin ng lahat. -Kinabukasan sa Riverton University, nakaupo si Winter sa baba ng stage, na kaagad namang nadismaya nang hindi niya narinig ang pangalan ni Frank na nakalista sa mga propesor na naroon. Mukhang umasa siya masyado, pero may katwiran ito—sino ba siya kumpara sa mga taong nakasalamuha ni Frank ngayon?Hindi siya kasing halaga nila, at magiging bastos siya kapag pinilit niya siya sa ganito kaliit na bagay kagaya ng convocation niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang toga niya at humapdi and mga mata niya habang inisip niya sa sarili niyang dapat siyang humingi ng tawad kay Frank mamaya. “Ayos lang yan, Winter.” Tinapik ni Jean Zims, ang pinakamatalik na kaibigan niya, ang kamay niya para pagaanin ang loob niya. “Ayos lang kung hindi siya pumunta. Marami kang oras… Ngayon, kumalma ka—kailanngan mong magbigay ng speech
"Sige, naintindihan ko." Ngumiti si Frank at seryosong nagtanong, "So? Magaling ka na ba?""Oo, pero may mga bakas pa." sabi ni Vicky. "Ayaw kong makita ‘to ni Helen. Kaya kung namimiss mo ako, kailangan mo lang maghintay ng ilang araw pa.""Sige," sabi ni Frank at ibinaba ang phone habang nag-iisip.Pupunta sana siya kasama si Helen pero nagpasya siyang huwag na lang dahil sobrang abala ito.Tinawagan niya si Trevor Zurich. "Ikuha mo ako ng sasakyan."Tila naguguluhan si Trevor. "Wala akong branch sa Zamri, Mr. Lawrence. Sa tingin ko wala akong kahit anong nababagay sayo—""Para lang hindi na ako maglakad. Ikuha mo na lang ako ng sasakyan.""Sige…" sagot ni Trevor, at hindi nagtagal, may dumating na Audi sa ibaba.Hindi alintana ni Frank ang simpleng sasakyan.Matapos dalhin ang regalo na ipinadala ni Vicky, naisip niya ito at dinala rin ang jade fox na natanggap niya mula kay Travis.Ito ay isang depektibong iskultura, ngunit pagkatapos ng masusing pagmamasid, natuklasan ni
Si Frank ay nag-aaksaya ng oras sa susunod na linggo, ginagabayan si Terry Cotton mula sa kanyang opisina sa Lanecorp upang isama ang natitira sa Blood Wolves.Kasabay nito, masigasig siyang nag-eensayo, nag-aaklimat sa kanyang nagbabagong pangangatawan.Ngayon ay kapantay na siya ng mga martial elites sa buong Draconia. Habang ang mga tagapaglingkod at mga katiwala ng Lionhearts ay banta kay Frank noon, ngayon ay wala na silang halaga.Ngayon, tanging ang mga Transcendent ranks na nasa tuktok ng bansa—si Simon Lionheart, ang pinuno ng sambahayan ng Lionheart, at ang sariling ama ni Frank, ang Panginoon ng Southern Woods—ang may pagkakataong makalaban si Frank.At habang bumubuti ang kanyang lakas, nagbago rin ang hangin sa paligid niya.Habang siya ay bahagyang nakakaakit noon, dala rin niya ang presensya ng isang maestro, na parang siya ay lumalampas na sa mga makamundong bagay.Tiyak na hindi pa nangyayari na may ganitong kabata na nagdadala ng napakalakas na presensya.Inabo
”Ah, tama…”Mukhang problemado ang mga stewardess, ngunit dahil hindi nagsalita si Frank, wala silang pagpipilian kundi damputin ang mga piraso sa paligid niya, at nilagay nila ang lahat ng ito sa isang bag bago nila ito ibinigay sa kanya.“Salamat." Pinasalamatan sila ni Frank.Nagulat ang mga stewardess, dahil inakala nila na magagalit si Frank, ngunit sa halip ay nagpasalamat siya sa kanila.“Sige na, sigurado ako na may sariling dahilan si Mr. Lawrence, at hindi na mahalaga kahit na mga piraso lang ito.” Agad na sinubukang magdahilan ni Travis para kay Frank.Kung sabagay, nabasag ang bato sa mga kamay ni Frank—sapat na iyon para depensahan ang kanyang sarili kung sakaling magreklamo si Frank.Gayunpaman, kailangan niyang maging mabait kay Frank, at agad niyang inilabas ang susunod na item sa kanyang koleksyon.Sa kabilang banda, nakatuon ang buong atensyon ni Frank sa sarili niyang katawan, hindi siya interesado sa anumang bagay na pinapakita ni Travis mula sa puntong iyon.
At ang dugo sa bato ay ang essence ng chief ng Mystic Sky Sect, na nabigo sa kanyang transcendence nang salakayin siya ng hukbo ng mga martial artist.Sa kabila ng pagkabigo niya, ang chief ng Mystic Sky Sect—ang guro ni Frank—ay nagawang magcultivate ng kaunting sage aura.At taglay ito ng dugo na nasa batong ito.Mula man ito sa prinsipyo o sentimyento, hindi hinayaan ni Frank na mapunta ang bato sa mga kamay ng ibang tao.Ang dugo sa batong iyon ay kumakatawan sa poot at galit ng kanyang guro.Ang kumakatawan sa trahedyang nangyari sa Mystic Sky Sect.Ang kumakatawan sa tatlong taon na nagpalutang-lutang si Frank.Kaya naman, napakahalaga ng batong ito para kay Frank—bibilhin niya ito kahit sa halagang isang trilyon, lalo na sa halagang limang bilyon.Nang makabayad na si Frank, ibinigay sa kanya ang pulang bato gaya ng hiling niya.Naramdaman niya na mainit ito nang mahawakan niya ito, para bang hindi pa tuyo ang dugo sa batong ito.Halos hindi mapigilan ni Frank ang kany
Maaaring ang bato ay talagang isang kayamanan, pero baka sinadyang pababain ni Frank ang halaga nito para hindi makipagkumpetensya ang ibang bisita?Sa isip na iyon, biglang naging interesado ang lahat, habang si Travis ay natuwa.Ang ginawa ni Frank ay talagang nagpo-promote ng bato!Ngumingiti, tinanong niya, "Patawarin mo ang aking kamangmangan, Ginoong Lawrence, pero palagi ko itong tinatrato bilang isang pulang batong mahalaga. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ito, kung hindi ito isang batong mahalaga?""Talagang isang normal na bato lang ito," sabi ni Frank nang kalmado, sa kabila ng naguguluhang tingin sa kanyang mga mata. "Gayunpaman, may espesyal na kahulugan ito sa akin, kaya't bibilhin ko ito.""Pfft."Tumatawa si Hugh—talaga bang iniisip ni Frank na mga tanga sila?Isa man itong gemstone o hindi, ang katotohanan na sinabi ni Frank na wala itong halaga habang sinusubukan niya itong bilhin ay nangangahulugan na may kakaibang nangyayari dito.Malamang nag-aalala
Walang kaduda-duda, ang kahoy na iskultura ay hindi gaanong mahalaga, at ito ay binili sa halagang 400 grand.Pagkatapos noon, nagpakita si Travis ng isang set ng porselanang pinggan.Tumango si Frank, na walang nakitang depekto—kahit na wala namang tumatawag sa kanyang pansin, hindi peke ang mga pinggan, at ito ay ibinenta sa halagang 150 milyon.Sa simula, huminga ng maluwag si Travis dahil hindi nagsasalita si Frank—tila ang pagpipinta ang naging eksepsyon.Habang ang kanyang isip ay napakalma, ipinakita niya ang isa pang bagay mula sa kanyang koleksyon: isang pulang coral na kristal."Mga kaibigan, ang pulang kristal na korales na ito ay hinugot mula sa Timog Dagat," sabi niya nang may pagmamalaki. "Ito ay isang tunay na bihira at nagkakahalaga ng kayamanan ng isang hari, at hindi ko ito kailanman ibebenta kung hindi dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.""Sinasabing nagdadala ito ng aura at puno ng spiritrons—ilagay mo lang ito sa bahay mo, at magdadala ito ng magandang
Iba't ibang ekspresyon ang nagpalitan sa mukha ni Travis, at muling sumigaw siya sa mga stewardess, "Pumunta kayo, bilhan niyo ako ng kahon ng posporo!" "Oo, Mr. Dali…" Napaatras ang mga stewardess at nagmadaling umalis.Si Hugh ay galit na galit na nakatitig kay Frank. "Frank, hindi mo ba narinig ang kasabihang 'live and let live'?""Magpaka-buhay at hayaan ang iba, talaga?"Tumawa si Frank bilang sagot. "Pinakinggan mo ba ako nang sinubukan kong pigilan ka na ipa-appraise mo sa akin ang painting na iyon? Akala mo ba nagtatakbo ako, kahit na hinihingi mong lumuhod ako sa lahat?"Naguluhan si Hugh. Wala siyang magawa kundi humiyaw at kuminang ang kanyang panga.Maya-maya, bumalik ang mga stewardess na may dalang posporo.Tumatagilid ang mga kamay ni Travis, pero sa huli ay sinunog niya ang painting habang pinapanood ng lahat.Kahit na ang canvas ay naging abo, ang pisngi ni Travis ay kumunot sa sakit ng puso.Ngunit wala nang magagawa—nangako siya, at kailangan niyang tuparin
Humarap si Frank, pagkatapos ay lumapit siya sa painting at agad niyang napansin ang ilang mga depekto sa isang sulyap lang."Heh. So, may naisip ka na bang pakulo ngayon, Frank?" Ngumisi si Hugh na puno ng paghamak, galit na galit siya mula pa sa simula sa hindi malamang dahilan.Hindi siya pinansin ni Frank at kampante siyang tumango habang tinuturo ang pirma sa sulok."Tingnan niyo ang pirma," sabi niya. "Kahit na pinagmukha pa itong luma, malinaw na hindi ito tumutugma sa edad ng canvas. Sa katunayan, hindi pa ganun katanda ang pirma sa canvas—anong painting ang pipirmahan pagkaraan ng daan-daang taon matapos itong makumpleto at matagal na panahon na pagkatapos mamatay ng artist nito?""Ano?!"Agad na nabalisa ang lahat, lalo na si Travis.Inilabas niya ang isang magnifying glass at lumuhod habang sinisiyasat ang painting.Pagkatapos, habang tinitingnan niya itong maigi, itinuro ni Frank ang mga brush strokes at tahimik na idinagdag, "Marami na akong nakitang mga oil painti
”Hmph!” Suminghal ng malamig si Travis.Kapag pinayagan niya si Frank na umalis pagkatapos ng sinabi nito, papatunayan lang nito ang sinabi ni Frank—na binebenta niya ang kanyang reputasyon, hindi mga kayamanan.At dahil buong buhay niyang sinuri ang mga antigong bagay, tiyak na hindi niya matanggap ang insultong iyon!Galit siyang nagsalita, "Sisirain ng mga salita mo ang reputasyon ng aking establisimyento, sir, tapos inaasahan mong makakaalis ka dito ng payapa?""Talaga? At hindi pwedeng masira ang reputasyon mo?"Ngumisi ng may panghahamak si Frank. "Pinahahalagahan niyo ang mga pekeng bagay na parang tunay ang mga ito, ginagamit niyo ang reputasyon niyo para sa mga kalakal at nagagalit kayo kapag may kumontra sa inyo… Nakakahiya—hindi mahalaga sa’kin ang reputasyon niyo, at hindi ako natatakot sa pagbabanta niyo."Nagulat si Travis—sa kabila ng lahat ng iyon, inaakusahan pa rin siya ni Frank na nagbebenta siya ng mga pekeng produkto?!Nakaramdam siya ng kaunting inis, dahan