Sumigaw si Cindy nang galit na galit sa sandaling iyon, “Ginawa namin yun para turuan ng leksyon si Frank! Kasalanan niyang palagi siyang nagyayabang sa'min! Dapat niyang akuin ang pagkalugi niya dahil hilig na hilig naman siyang magyabang!”“Tama na yan,” tahimik na sabi ni Frank habang binawi niya ang phone kay Helen sa pag-aalalang baka ma-stroke siya. “Gina, tatanungin kita ulit—maniwala ka sa'kin at bawiin mo ang lupa, at kikita ka ng sampung beses ng halagang pinambili mo rito. Kapag di mo yan ginawa ngayon, wag kang gagawa ng eksena at mag-uutos na ibenta ulit namin yan sa'yo mamaya.”Galit na sumigaw si Gina sa sandaling iyon, “Anong ibig sabihin niyan? Mukha ba akong palengkera para sa'yo?”“Tama,” sabi ni Helen, na pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang dismayadong-dismayado siya sa sarili niyang nanay. Huminto sandali Gina, na halatang nagalit. “Helen Lane!” Sigaw niya at kinalimutan ang ugnayan nila. “Talagang sumosobra ka na… Para sa'yo ang lahat ng gi
“Frank, dalhin mo ko sa opisina ko.”Yakap ni Helen ang mga binti niya, nang may ekspresyon na puno ng lungkot at dismaya. Sabi ni Frank, “Helen, ang totoo—”“Wag mong sabihin, Frank. Naiintindihan ko,” bulong ni Helen, na lumingon sa labas ng bintana para hindi niya siya makitang umiyak. “Wala akong pinagsisisihan.”Pagkatapos manahimik sandali, pinaandar ni Frank ang kotse habang umambon sa labas. Tahimik siyang nagmaneho nang hindi makapali habang dinala niya si Helen sa opisina ng Lanecorp. Bumaba sila, at huminto si Helen sa labas ng pintuan. “Binibigyan kita ng dalawang araw na leave, Mr. Lawrence. Nakakapagod ang nagdaang mga araw… Dapat maghinga ka nang maayos.”Narinig ni Frank ang hikbi sa boses niya at nakita niyang pinilit niya ang sarili niyang ngumiti sa kabila ng pagpipigil ng luha. “Sige.” Tumango siya at nagsimulang umalis dahil alam niyang kailangan niyang mapag-isa.“Oh, at wag mong isipin ang sinabi ng nanay ko,” dagdag ni Helen. “Kahit na baboy ka pa,
Maraming nagmamaneho ang napanganga sa inggit. Samantala, inapakan ni Frank ang gas pedal, at dumagundong ang Maybach niya habang naglaho ito sa paningin ng lahat. -Kinabukasan sa Riverton University, nakaupo si Winter sa baba ng stage, na kaagad namang nadismaya nang hindi niya narinig ang pangalan ni Frank na nakalista sa mga propesor na naroon. Mukhang umasa siya masyado, pero may katwiran ito—sino ba siya kumpara sa mga taong nakasalamuha ni Frank ngayon?Hindi siya kasing halaga nila, at magiging bastos siya kapag pinilit niya siya sa ganito kaliit na bagay kagaya ng convocation niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang toga niya at humapdi and mga mata niya habang inisip niya sa sarili niyang dapat siyang humingi ng tawad kay Frank mamaya. “Ayos lang yan, Winter.” Tinapik ni Jean Zims, ang pinakamatalik na kaibigan niya, ang kamay niya para pagaanin ang loob niya. “Ayos lang kung hindi siya pumunta. Marami kang oras… Ngayon, kumalma ka—kailanngan mong magbigay ng speech
Kahit na mapagpakumbabang pumasok si Bill sa Riverton University para sa mataas na reputasyon nito, nakarinig si Winter ng mga tsismis na tinuturuan rin siya ni Dan. Bilang estudyante ng may-ari ng Flora Hall ay talagang nakakamangha, at base sa sinabi ni Bill, hindi lang ito basta tsismis at si Dan nga ang guro ni Bill. Sa maikling salita, maliwanag ang kinabukasan niya. Kahit na ganun, malaking sakit sa ulo si Bill para kay Winter, dahil patuloy niya siyang kinukulit sa sandaling nagbalik siya. Hindi niya siya kinaaayawan dahil palagi siyang mabait at magalang, at inudyukan pa nga siya ni Jean na maging kasintahan niya. Kahit na malinaw na naniwala si Jean na mas bagay si Bill kay Winter, hindi napigilan ni Winter na ikumpara siya kay sa bawat isang paraan. At malinaw na wala siyang binatbat, kung kaya't hindi mapilit ni Winter ang sarili niyang tanggapin ang panliligaw ni Bill. Gayunpaman, kahit na patuloy niyang ginamit ang palusot na kamakailan lang sila nagkita, ala
Sa entablado, nakangiti si Mr. Zims, ang tito ni Jean at isa sa mga head ng department sa Riverton University, habang nag-anunsyo siya, “Medyo iba ang convocation sa taong ito. Inimbitahan ng isang VIP ang maraming mahahalagang panauhin para maggawad ng mga sertipiko. Ngayon, pakalkapan natin si Dan Zimmer, ang chief ng Flora Hall!”Lumabas mula sa back door ang nakangiting si Dan sa imbitasyon ni Mr. Zim at kumaway sa mga estudyante bilang pagbati. “Eh?” Nanigas ang ngiti ni Bill sa ngiti ni Dan. Sa isip niya, palaging seryoso at strikto si Dan. Kaya bakit siya biglang nakangiti ngayon?!Gayunpaman, hindi alam iyon ng ibang mga estudyante at pinalakpakan nila nang napakalakas si Dan hanggang sa namula ang mga kamay nila. Lalo na't sa Riverton, ang lalaking iyon ay isang awtoridad sa medisina! Isang malaking karangalan na siya ang maggawad sa kanila ng mga sertipiko nila, at baka hindi maniwala ang iba sa kanila kapag sinabi nila ang balita!Higit pa roon, dumating siguro si
Isa itong convocation ng medical school, kaya maiintindihan nilang iimbitahan ang isang awtoridad na kagaya ni Dan Zimmer bilang panauhin. Pero ang Senador ng Riverton? Talagang pambihira ang convocation ceremony na ito!Habang nakatitig sa gulat ang mga estudyante nang lumabas ang isang nakangiting Gerald Simmons na kumaway sa kanila, pumalakpak sila nang malakas nang natauhan sila. “Inimbitahan rin siya ni Bill?” may bumulong sa sandaling iyon. Napasigaw ang lahat at lumingon sa nakatulalang si Bill. “Ano? Oh, oo…” Wala namang nakakagulat, hehe…”Mabilis na tinaas ni Bill ang mga kamay niya para senyasan silang kumalma at parang inamin niya rin ito. "Whoa…"Napanganga ang maraming estudyante—hindi na nga kapanipaniwalang naimbitahan ni Bill si Dan, pero maski ang senador?! Talagang pambihira na iyon!Ano ba talagang koneksyon ang mayroon siya?Habang nagsuspetsa ang mga estudyante, kuminang ang mga mata ng mga babae habang tumingin sila kay Bill. Nagulat silang naitago n
“Ano?!”Napanganga ang mga estudyante nang narinig nilang may ibang VIP, at lumingon sila ulit kay Bill. Naramdaman ng lalaki ang konsensya niya, ngunit pinilit niya ang sarili niyang ngumiti at pumalakpak nang para bang alam niya ito. Habang napasigaw at napalingon na naman nang may paghanga ang ibang mga estudyante, hindi pa tapos ang lahat. “Ngayon, imbitahan natin si Robert Quill, ang police commissioner ng Riverton!”“Noel York, ang top actress ng Draconia!”“Kim White, ang head ng White Enterprises!”“Mr. Turnbull ng Grande Pharma…”Habang nagpatuloy si Mr. Zim na banggitin ang mga mahahalagang taong dumating doon, para bang nandito ang lahat ng importanteng tao ng Riverton. Lahat sila ay mga taong kumakatawan sa iba’t-ibang industriya sa Riverton, mga matataas na opisyal ng gobyerno, o mga susing miyembro ng mahalagang pamilya. And bawat isa sa kanila ay kayang payanigin ang Riverton kapag pinandyak nila ang mga paa nila!Sa maikling salita, ang convocation ceremony
Natulala si Bill, ngunit mabilis niyang hinalughog ang utak niya habang nanood ang lahat at nagpasyang magpatuloy na magpanggap pagkatapos ng kalahating segundo. Kung hindi, hindi lang niya ipapahiya ang sarili niya sa harapan ni Winter, magiging biro rin siya ng bawat isang estudyante at kukutyain sa buong Riverton. Sa puntong iyon, wala na siyang pag-asang makakuha ng trabaho sa larangan ng medisina sa Draconia, kahit sa dami ng henerasyon ng mga doktor sa pamilya niya. Baka nga magdala ito ng matinding pinsala sa negosyo ng tatay niya, dahil walang mag-aabalang bumisita sa ospital niya. Kung kaya't mabilis na naging galit ang gulat niya at kaagad siyang sumigaw kay Frank, sa intensyong palayasin siya. “Sino ka? Sinong nagpapasok sa'yo sa hall na'to?! Bawal pumasok ang mga kung sino rito!”Kaagad na kumampi si Winter kay Frank, “Kapatid ko siya, Bill. Hindi siya kung sino lang.”Tumango ang ibang mga estudyante. “Oo, Bill. Hindi mo siya kilala dahil palagi kang nasa ibang
Halatang sinusubukang umiwas ni Peter sa responsibilidad. Gayunpaman, tumayo si Kit, naglakad papunta kay Peter, at hinablot siya sa kwelyo habang sumigaw siya, “Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito! Niloko mo ang nanay mo gamit ng lupang yun para makuha ang pera niya—tignan mo ang nangyari! Binigyan mo lang sila ngayon ng pera!” Binato niya si Peter sa sofa at sumigaw, “May tatlong araw ka. Bawiin mo ang lupang iyon sa kung magkano mo ito ibinenta, kundi ay pupugutan kita ng ulo!”"Security!"Habang hinampas ulit ni Kit ang mesa niya, bumukas ang mga pinto ng opisina niya. Pumasok ang dalawang maskuladong bodyguard na may taas na dalawang metro habang tinuro ni Kit si Peter at sumigaw, “Iitsa niyo siya palabas!” “Masusunod, Mr. Jameson,” sagot ng mga bodyguards, pagkatapos ay dinampot si Peter nang parang pusa at initsa siya sa kalsada. “Sumosobra na kayo!” Sumigaw si Peter habang bumangon siya, pinaglaban ang damit niya, at sumigaw sa opisina ng Zomber Group, “Paano ko nam
Pagkatapos ay iniabon ni Frank si Winter mula sa bathtub at nilagay siya sa kama. Pwede niya siyang iwan nang ganyan, pero nang makitang malalim ang tulog niya at basang-basa siya, sumuko siya pagkatapos ng mahabang pagdadalawang-isip. Tiyak na magkakasipon siya kapag nagpatuloy siyang matulog nang ganito, at wala siyang malalaman dahil tulog siya. Pinunasan siya ni Frank, pagkatapos ay kumuha ng damit mula sa damitan niya at tinulungan siyang magbihis. Ginawa niya ang lahat para hindi tumingin, pero nakita pa rin naman niya. Nakakailang ito, pero natapos niya ito sa huli at nakahinga nang maluwag habang tumakas siya mula sa kwarto ni Winter. -Natakot din si Frank na manatili sa Skywater Bay dahil magiging nakakailang ang sitwasyong paggising ni Winter, kung kaya't tumakas siya ng Riverton pagsapit ng gabi. Sa sumunod na araw, nagpakita siya sa opisina ng Lanecorp sa Zamri at maagang pumasok sa trabaho. Kahit na ganun, bilang head ng health and security department ng
“Nadroga ka. Magtiis ko na lang muna—tutulungan kita pag-uwi natin.”Pinagngitngit ni Frank ang ngipin niya para tiisin ang lambot habang nakatuon ang mga mata niya sa daan. “Oh… Sige…” umungol si Winter habang maamo siyang tumango. Nang nakauwi na sila sa wakas sa Skywater Bay, dinala niya si Winter sa kwarto niya. Mabuti na lang at walang ibang tao sa mansyon. Aligaga si Carol Zims sa snackbar niya, habang bumalik sina Noel York at Kat Yego sa opisina ni Noel pagkatapos ng perfomance nila sa convocation at hindi pa sila nakakauwi. Isa itong pambihirang pagkakataon…Sinampal ni Frank ang sarili niya at mapait na tumawa—pambihirang pagkakataon?! Ano yun?!Hinanda niya ang pampaligo, tinunaw niya ang antidote dito at pinalakas ang solusyon gamit ng pure vigor niya. Hindi nagtagal, isang sariwang bango ang nagmula sa bathtub. “Sige na, Winter. Ngayon—”Lumingon si Frank, ngunit nakita niya si Winter na nakasuot lang ng underwear at parang lasing na nakangiti sa kanya n
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n
Whoosh!Inihampas ni Frank ang machete pababa ngunit huminto sa tapat ng mukha ng sanggano. Kaagad na natakot ang sanggano at naihi sa pantalon niya sa sandaling iyon. “Lumayas kayo!” Sigaw ni Frank na tumingin sa paligid—huminto lang siya dahil maraming mga estudyante sa paligid, at matatakot sila kapag pinagpapatay niya silang lahat. At nang dahil nakita nila kung anong nangyari naintindihan ng mga sangganong kayang lumaban ni Frank at baka nga isa pa siyang martial artist. Hindi magiging banta sa kanya ang mga mahihinang kagaya nila at malulumpo lang sila habangbuhay. Nang maisip iyon, nagsimulang tumakas ang bawat isang sanggano, nang hindi nababahala sa pagsigaw nang malakas ni Bill, “Tumigil kayong mga hayop kayo! Hindi ko kayo binayaran para maging duwag! Sugurin niyo siya!”Nahuli pa nga niya ang isa sa mga tumatakas na sanggano. Hinawakan niya siya sa manggas at pinigilan siya tumakbo. Nakatitig ang sanggano habang naglakad si Frank papunta sa kanya at tumitig na
“Wag mo kong alalahanin, Frank! Umalis ka na!”Sigaw ni Winter, kahit na nanlalaban siya sa hawak ni Bill. Isa talaga siyang mabuting bata. Kumbinsido siyang walang laban si Frank sa limampung nakakatakot na sanggano!“Hah!” Suminghal naman si Bill. “Kasalanan mo to sa pagpapahiya mo sa'kin, pero wag kang mag-alala—pagkatapos ko sa'yo, mamahalin ko nang maayos ang kapatid mo.”Hinila niya si Winter sa buhok, pagkatapos ay pinadaan ang ilong niya sa pisngi niya at huminga nang malalim bago umungol, “Oh, ang kababaihan ng Draconia. Napakatamis talaga ng amoy nila, di ba? Tsk, tsk… Nakakahanga talaga ang kapatid mo! Hahaha!”Habang tumawa si Bill, tumulo ang mga luha ni Winter sa sakit ng anit niya, ngunit nanlaban pa rin siya. “Takbo, Frank!” sigaw niya. “Pasensya ka na talaga… hindi na dapat kita sinabihang pumunta…”Nanatili lang si Frank sa kinatatayuan niya. Pumikit siya at huminga nang matagal. Nang binuksan niya ulit ang mga mata niya, napakalamig ng titig niya. “Bibigya
“Mas magaling kaysa sa'yo?”Tumaas ang kilay ni Jean at tumawa siya nang malakas. “Nakakatawa ka talaga, Mr. Lawrence—mas magaling ka pang manloko kaysa sa mga negosyante. Ang ganda ngang pakinggan, pero gaano karaming tao ba sa mundong ito ang mas magaling kaysa sa'yo?”“Ahem. Masasabi kong… napakarami nila.” Kinamot ni Frank ang tungki ng ilong niya. “Alam mo talaga kung paano mambola ng lalaki, Jean, pero isa lang akong lalaking ikinasal sa pamilya ng asawa niya at pinalayas pagkatapos.”“Sige, wala nang halong nito.” Naging seryoso ang ekspresyon ni Jean habang tinitigan niya siya nang maigi. “Sapat na ang pag-oobserba ko kay Winter para makitang seryoso siya sa'yo. Pero kung may pakialam ka kay Winter, hindi ka dapat magpakita ngayong araw o masyadong nagyabang. Ngayong ginawa mo yan, kailangan mong maging responsable—naiintindigan mo ba yun, Mr. Lawrence?”Gayunpaman, nahiya si Frank. Mas bata si Winter sa kanya, at ipinagkatiwala siya ng mentor niya sa kanya. Kapag nagka
Halatang marami pang sasabihin si Winter, pero wala siyang nagawa kundi umalis sa entablado. Pagkatapos niya, habang tinanggap ni Jean ang sertipiko niya, nagtanong siya nang pabulong, “Mr. Lawrence, sabihin mo sa'kin—anong tingin mo kay Winter?”“Kay Winter?” Kampanteng ngumiti si Frank. “Siya ang nakababata kong kapatid na ipinagkatiwala sa'kin ng mentor ko para alagaan habangbuhay.”“Ah, naiintindihan ko na.”Tumango si Jean, na yumuko kay Frank bago umalis sa entablado kasama ng sertipiko niya. Nanood si Frank habang umalis siya. Inisip niyang mas matanda siyang mag-isip kumpara sa mga kaedaran niya. -May aftershow pagkatapos ng convocation ceremony, kung saan tumayo si Noel sa entablado para kumanta sa mga tao. Isa talaga siyang sikat na bituin, natulala ang lahat sa kanya niya kahit na pag-arte ang espesyalidad niya. Pagkatapos niyang umalis sa entablado, isang nakakagulat na mukha ang lumitaw. “Hoy, Master Lawrence! Pumasa ako sa entrance exams para sa Riverton
Pagkatapos lumabas ni Bill ng convocation hall, tahimik na tahimik ang seremonya—sa sobrang tahimik ay baka kaya nilang marinig ang karayom na bumagsak sa lapag. “Urgh… Ang tigas ng ulo niya. Sayang lang ang pagsisikap ng tatay niya.” Bumuntong-hininga si Dan habang nanood siya. May talento si Bill at ginusto niyang kunin siya bilang estudyante. Ang totoo, ginawa ni Dan iyon para palusugin ang isip ni Bill, para matutunan niya ang pagpapakumbaba at katapatan. Natural na binalak niya ring ipakita kay Frank ang iniisip niya sa usaping ito, at malay nila baka palampasin ni Frank ang ginawa ni Bill at magbigay pa ng ilang payo?Gayunpaman, hindi ito tinanggap ng batang iyon, na lumayas pa nga at iniwang dismayado si Dan. Nahimasmasan rin si Dan. “Umalis siya, at yun na yun. Walang pagkadismaya rito—malinaw na masama ang pag-iisip niya sa kabila ng talento niya.”Gayunpaman, ang hindi alam ni Dan, binigyan si Bill ng tatay niya ng malinaw na utos na kunin ang Riverton University g