Umayos nang tindig si Glen na biglang naging malamig at makapangyarihan muli habang tinitigan niyang maigi si Walter. “Hindi pwedeng mamatay ang isang anak ng pamilya natin sa ilalim ng misteryosong pagkakataon.”“Tama,” sagot ni Zac na pinipigilan ang galit niya. “Hindi ko hahayaang mawalan ng kasagutan ang pagkamatay ng anak ko. At gusto kong malaman kung bakit!”“Natural na dumating ako nang handa,” sabi ni Walter na bumunot ng makapal na dokumentong naglalaman ng ebidensya ng mga krimen nina Les Turnbull at Neil Turnbull, pati ang mga larawang ebidensya. “Uy. Tignan mo,” napansin ni Susan si Frank na nakaupo sa sulok nang walang pakialam at siniko si Walter para lumingon. Nagkatagpo ang mga mata nina Walter at Frank eksakto nang lumingon si Walter. Pagkatapos nito, tumayo si Frank at dahan-dahang naglakad sa gitna ng mga tao para marating sila. “Mr. Turmbull, Mrs. Turnbull. Nagkita tayong muli.” Nakangiti siyang bumati. Gayunpaman, pareho silang mukhang naiilang dahil a
Nagkagulo ang banquet hall sa sigaw ni Glen. “Ano?! May pumatay kay Les Turnbull?”“Imposible, patay na siya? At binatay siya ng batang to?!”“Ang anak ng family head ang pinag-uusapan natin rito… Sinong nagpapasok sa kanya rito?”Naramdaman ni Frank ang tingin ng lahat sa kanya. Tumingin siya nang malamig kay Walter at kalmadong nagsabi, “Oo, pinatay ko siya.”“Ang kapal ng mukha mo!” Sigaw ni Glen na halatang hindi na napigilan ang sarili niyang galit. Pinatay ng lalaking ito ang pinakamamahal niyang anak tapos malaya siyang nakapasok sa teritoryo niya nang parang walang nangyari?!Paano niya maitataas ang mukha niya kapag kumalat ang balitang ito?Kahit na ganun, tumawa nang malakas si Frank at umiling. “Pero nabasa mo ba ang parte kung bakit ko siya pinatay? Isa ka talagang palpak na ama.”Rinig na rinig ng lahat ang pagngitngit ng ngipin ni Glen. Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Frank, pagkatapos ay lumingon kay Walter habang dismayadong bumuntong-hininga. “Hindi
Hindi kagaya ni Les, mataas ang tingin ng pamilya kay Neil. Hindi katanggap-tanggap na makitang nakatayo kasama nila si Frank, ang mismong pumatay sa kanya, nang walang pakialam!Doon walang takot na ngumiti ang magarang si Marit. “Hindi kaya siya ang South Sea Crow?”“Ano?!”“Ang South Sea Crow?!”Natakot ang bawat isang Turnbull sa pangalang iyon at natural lang ito dahil isa itong bangungot na patuloy na bumulabog sa kanila nang tatlong taon. At magkakaroon rin ng linaw ang lahat kung si Frank ang kalabang iyon… at sinasabi ring isa siyang peak Ascendant rank!“Ganun pala…”Mabangis na hinarap ni Zac si Frank nang may nanglilisik na mga mata. “Kaya pala biglang nagkasakit si Papa. At nagkataong nasa Morhen ka para lang patunayang ikaw lang ang kayang gumamot sa kanya. Sa nakikita ko, inakit mo siguro si Vicky gamit ng gayuma kaya sobra siyang nahumaling sa'yo. Pero hindi ka na makakatakas ngayong nabuking ka na! Retainers!”Nabasag ang salaming kisame sa taas nang sumigaw
“Kailan mo…” ungol ng isa sa Ascendant ranks habang nagngingitngit ang ngipin. Kahapon lang siya binayaran ng mga Turnbull at hindi pa siya kumain mula sa mesa niya. Kaya paano siya napasukan ng insekto kagaya ng iba?“Darling…” Hawak din ni Vicky ang tiyan niya, malinaw na naapektuhan rin siya. “Halika rito, kunin mo ang antidote na'to at pakilusin mo ang vigor na ibibigay ko sa'yo para linisin ang bituka mo,” sabi ni Frank habang pinasa kay Vicky ang itim na pill.Kinuha ni Vicky ang pill nang walang pag-aalinlangan at umupo para mag-mediate nang tinanggap niya ang isang patak ng vigor mula kay Frank, pagkatapos ay pinaikot ito sa buong katawan niya. Isa siyang martial artist na nawalan ng cultivation dahil sa pagkalason. Kahit na ganun, gamit ng vigor ni Frank, para bang nasira ang dam sa katawan niya at nagpatuloy na bumaha ang vigor niya mula sa meridian nexus niya. Mabilis nitong pinatay ang mga insekto. “Vicky… Wag kang magtiwala sa kanya…”Sinubukan ni Glen na pigi
Malay mo? Baka nga pumalakpak pa si Frank at magpaputok ng fireworks para ipagdiwang ang sandaling mapatay ng South Sea Crow ang mga Turnbull. Lalo na't hindi nila siya trinato nang maayos simula nang dumating siya sa Morhen, at hindi siya ang klase ng nananahimik sa harapan ng pang-aapi. Patuloy nila siyang kinukutya habang pinagmamalaki ang mga sarili nila bilang isa sa Four Families ng Morhen, at hindi pa sila tumutupad sa mga pangako. Dahil dito, paanong magpapakabait si Frank sa mga kagaya nila?Gayunpaman, kahit na tumibay siya sa lahat ng pangmamaltrato sa kanya, hanggang doon lang iyon. Sa ibang salita, minsan ay malambot ang puso ni Frank. “Urgh, bahala na nga…” Nanlumo ang mga balikat niya pagkatapos siyang hilahin ni Vicky at nagmakaawa nang matagal. Matapos niyang magdusa nang ganito, wala lang ang kaunti pang paghihirap at kung para sa kapakanan ni Vicky. Nilabas niya ang dalawang natitirang antidote pills, iniabot ito kay Walter, at nagsabing, “Hindi magiging
Pagkatapos nito, sina Zac naman at ang iba pang executives ng mga Turnbull. Nagsikap ang pamilya ni Walter at hindi nagtagal, naubos ang buong timba ng pinagbabaran ng mop. Sa kabila ng masangsang na amoy, napakamabisa nito—kahit na hindi sila kaagad na gumaling kagaya nila Vicky, hindi nagtagal ay nagkamalay sila lalo na sa tulong ng vigor ni Vicky. Karamihan sa kanila ay nakabangon na, kabilang na si Glen mismo, ngunit hinimatay siyang muli at tumirik ang mga mata niya sa matinding inis nang sinabihan siyang iniligtas ni Frank ang pamilya niya gamit ng isang timba ng tubig na pinagbabaran ng mop. Kahit si Titus ay di nakalampas. Nalukot ang mukha niya sa matinding galit habang pinigilan niyang masuka sa pag-inom ng kalahating mangkok ng mabahong tubig. -Habang aligaga sina Walter at ang iba pa sa pagligtas sa mga kamag-anak nila, natagpuan ni Frank ang South Sea Crow na nakatayo sa tuktok ng bubong ng banquet hall habang sumasayaw sa hangin ang buhok niya. At ang iba p
"Hmm…?"Nabigla si Marit at hindi nagtagal ay naglaho ang makarismang ekspresyon niya nang naging seryoso siya. “Mukhang hindi ko ito maitatago sa'yo.” Bumuntong-hininga siya, ngunit ay tumawa rin kaagad kagaya ng ginawa niya kanina. “Pero totoo ang sinasabi kong nahulog ako sa'yo matagal na. Kaya ano na? Bakit di na lang natin patayin ang mga walanghiyang Turnbull, tapos pwede tayong pumunta sa kahit saan mo gusto?”“Kilala mo ako.” Bahagyang ngumiti si Frank habang umiiling. “Umaasa lang ako na sukuan mo na ang paghihiganti mo sa kanila at lumayo ka na.”“Imposible yun.” Lumamig ang ekspresyon ni Marit. “Pinatay nila ang kapatid ko, at may kasunduan ako… Sandali.”Bigla siyang huminto at ngumisi nang napakalaki. “Tama… Makakatulong kaya ito?”“Ano yun?” Kumunot ang noo ni Frank na bigla ring naging seryoso. Napakalaki ng ngisi ni Marit hanggang sa naningkit ang mga mata niya. “Habang pinapatay ko ang mga Turnbull dahil sa sarili kong paghihiganti, nakatali rin ako sa isang k
Maingay na lumuha si Marit at lumingon siya sa nakatulalang si Zac sa malayo nang nakasimangot. “Darling, hindi ka naman naniniwala sa kanya, di ba? Bakit ako magiging kalaban ng mga Turnbull?”"Hmm…?" Nabigla si Frank—hindi ito parte ng plano. Lumingon sa kanya si Marit sa sandaling iyon, at bahagyang bumuka ang mga labi niya para magsalita sa tonong si Frank lang ang nakakarinig. “Para yan sa pagsama mo sa babaeng yan.”Habang walang nasabi si Frank, sumigaw si Zac, “Frank Lawrence! Bitawan mo ang asawa ko, hayop ka!”Sumugod siya kay Frank nang parang isang galit na tigre, ngunit madaling umiwas si Frank at tinisod siya. “Baliw ka ba?” Suminghal si Frank nang bumagsak sa lapag si Zac. “Patay na ang asawa mo. Isa lang yang walang lamang bangkay na kinokontrol ng mga insekto.”“Hindi ako naniniwala sa'yo!” Sige ni Zac habang nagmadali siyang tumayo at sumugod muli kay Frank. “Darling, tulong!” Miserableng iyak ni Marit na sumabay sa tono niya. Gayunpaman, bahagyang lumit
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang