“Ano?! Imposible… Imposible to…”Nakanganga si Professor Roberts, umiiling-iling at halatang hindi inasahang mangyayari iyon kay George. Kahit habang mabilis niyang hinalughog ang briefcase niya, nagmamadaling nagtanong si Glen sa kanya, “Professor Roberts? Anong nangyayari sa tatay ko?”“Hindi ko alam… Ito ang pinakabagong serum na ginawa ng team namin, at papatay dapat ito ng mga parasitiko, hindi ganito…”Natatarantang nagsaksak si Professor Roberts ng dilaw na tube sa siringgilya at sumigaw, “Lumapit kayo rito! Hawakan niyo siya!”Sa pagtawag ni Professor Roberts, mabilis na pinalapit ni Glen ang mga retainer na nakapalibot kay Frank para pigilan si George habang nagkombulsyon siya. “Hawakan niyo siyang maigi!” Sumigaw si Professor Roberts habang pinunasan niya ang pawis mula sa kilay niya at tinurok ang dilaw na serum kay George. “Urgh…” Sa wakas ay kumalma si George at tumigil sa pagkombulsyon at pagbula ng itim na dugo mula sa bibig niya. "Phew…" Bumuntong-hininga
“Hup!” Sumigaw si Frank habang hinampas niya ng palad ang dibdib ni George at sumirit ang kulay madilim na berdeng dugo nang parang isang geyser. "Argh!!!" Sumigaw si George pero hindi nagtagal ay kumalma siya habang mas maraming dugo ang lumabas. Pagkatapos ay tumingin si Frank nang walang emosyon kay Professor Roberts. “Isang antibiotic ang serum mo. Napisa nito ang mga itlog ng earwig at ngayon ay nilulusob ng mga uod ang laman-loob ni Mr. Turnbull.”Natauhan si Professor Roberts sa prangkang mga salita niya at lumingon siya kay Frank nang hindi makapaniwala. “Paano mo—”“Inaalam ko rin ang tungkol sa dayuhang medisina,” mahinang sagot ni Frank. “Hindi ko lang ito ginagamit dahil hindi ito masyadong mabisa.”Sa huli, naging pula ang dugong sumisirit mula sa dibdib ni George, pagkatapos ay tinapik ni Frank ang katawan niya nang dalawang beses para isara ang dumudugong ugat. “Hup!” sigaw niya at ibinagsak ang palad niya sa dibdib ng matandang lalaki. “Bleurgh!” Sumuka si
Hindi nagtagal pagkatapos magsalita ni Frank, nagising si George. Umubo siya nang malakas habang nakatulalang tumingin sa paligid niya. “Papa!”"George!"Parehong natuwa sina Glen Turnbull at Kendra na makita siyang magising. Sa kabilang banda, sumimangot si Titus habang sumama ang ekspresyon niya. "Hmph."Suminghal siya at wala nang sinabi habang lumabas sila ng mga tao niya mula sa kwarto. “Titus, sandali…”Kakapasok lang ni Zac Turnbull at pinanood niyang umalis si Titus, habang kaagad naman siyang sinigawan ni Glen, “Dali, Zac! Pigilan mo si Titus—pasalamat sa kanya sa pagdala niya kay Professor Roberts dito, kundi ay makakaranas nang matinding paghihirap ang tatay natin!”Nang walang sabi-sabi, nilampasan ni Zac si Frank para habulin si Titus. Pinakiusapan niya siyang manatili roon nang may naiilang na ngiti. Sa kabilang banda, hindi umalis si Professor Roberts kasama ni Titus. Ang totoo, tumingin siya nang may pagtataka kay Glen at nagsabing, “Anong sinasabi mo,
Huminto si Frank sandali at tinapos ang pahayag niya, “Ang gusto ko lang ay ang tuparin mo ang usapan natin at hayaan mo kong makita si Vicky.”“Hindi!” Sabay na sumigaw sina Glen at Kendra. Si George, na nasa kama pa rin, ay walang kaalam-alam sa nangyayari. “Sino to…?” tanong niya, sabay nanghihinang lumingon kay Frank habang tinulungan siyang umupo ng isang katulong. “Siya ang lalaking nagligtas sa buhay mo.”Ang nakakagulat doon, si Professor Roberts ang kumampi kay Frank. Tinitigan niya pa siya nang may respeto at magalang na tumango habang nagsalita siya nang hindi matatas ngunit malakas. “Hindi ko alam kung anong problema nito at pinapahirapan niyo masyado si Mr. Lawrence ngayong iniligtas niya ang pasyente nang hindi nagtatanim ng galit. Magaling siya at misteryoso, pinakita niya ang katapatan at pagiging maaasahan niya. Talagang binago mo ang opinyon ko sa Draconian traditional medicine—napakamahiwaga ng ginawa mo. Maaari mo ba akong turuan?”Gumanda ang impresyon n
“Tama na!” Sigaw ni Glen na napuno na. Talagang napuno na siya sa nagmamatigas na dayuhang propesor na dumadaldal nang walang katapusan at hindi marunong makiramdam ng sitwasyon. “Mr. Hampton, palabasin mo si Professor Roberts. Bayaran niyo siya ayon sa kasunduan at ipadala niyo siya sa malayo!”“Opo, Mr. Turnbull.” Lumapit ang isang matandang Turnbull family retainer at tinitigan nang malamig si Professor Roberts. “Sumama ka sa'kin, professor.”“M-Mali ito!” Nagpatuloy na sumigaw si Roberts. “Hindi niyo pwedeng gawin to, hindi sa manggagamot na pinatunayan lang ang kabutihan at katapatan niya! Kakasuhan ko kayo!”“Sige lang.” Nanatiling walang pakialam si Glen, malamig ang tono niya at medyo namumuhi pa nga. Talagang wala siyang pakialam sa banta ni Professor Roberts. May katwiran rin ito, dahil isa ang mga Turnbull sa Four Families ng Morhen at naghari nang matagal sa ekonomiya ng Draconia. Tiyak na may mga alas sila at hindi mananalo sa kaso ang isang dayuhang prospero kahit
“Sa ibang salita…” Tinaas ni Frank ang noo niya at namumuhing tinignan si Glen. “Labinlimang bilyon lang ang halaga ni Vicky para sa'yo?”“Ano, hindi pa ba yun sapat para sa'yo?” Kumunot ang noo ni Glen sa tumitinding inis—talagang ambisyoso si Frank!“Hindi.” Ngumiti si Frank habang umiiling. “Sa mundo mo, kayang bilhin ng pera ang lahat… Pero para sa'kin, papel lang yan. Hindi ko susukuan si Vicky kahit magkano pa ang ibayad niyo sa'kin, dahil hindi siya mapapantayan ng kahit na ano.”“Frank Lawrence!” Nagwala si Kendra, tinuro niya si Frank habang sumigaw siya, “Tapos na kaming magpakabait, walanghiya ka!”“Maging makatwiran ka naman!” Sigaw din ni Glen kay Frank. “Ang dami ko nang ibinigay na pagkakataon para sa'yo, pero ang tigas pa rin ng ulo mo…”“Ano?” Mayabang na tumingin si Frank sa galit na mga mata ni Glen. “Retainers! Damputin niyo siya—ipapatupad natin ang batas ng pamilya natin!” Sigaw ni Glen, sumuko na siya sa pagpapanggap dahil hindi sumusuko si Frank. Papata
”Pirmahan mo ‘to para ma-finalize ang divorce niyo kung wala ka nang mga katanungan,” ang sabi ng babaeng nakasuot ng bulaklaking damit at itinulak niya ang isang piraso ng papel papunta may Frank Lawrence. Nakaupo sila sa Lane Manor, at nagsalubong ang matatalas na kilay ni Frank habang nakatitig siya sa divorce agreement bago siya lumingon sa babae na mother-in-law niya, na si Gina Zonda. “Ano ‘to?”Itinupi ni Gina ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at sinabing, “Kakatapos lang maging pampubliko ang Lane Holdings—ibig sabihin lang nito na lalo lang lumalaki ang agwat sa pagitan ninyo ni Helen. Tutal wala ka namang maitutulong sa kanya sa career niya, ang tanging magagawa mo lang ay hilahin siya pababa, at dahil dito ay mas mabuting hiwalayan mo na siya sa lalong madaling panahon.”Ngumiti ng mapait si Frank. “Ito ba ang iniisip ni Helen, o ito ba ang iniisip mo?”Sumimangot si Gina. “Ito ang iniisip ng bawat miyembro ng pamilya ko. Siguro nga si Henry ang nagtakda
Paglabas ni Frank ss Lane Manor, lumingon siya upang tingnan ang lugar kung saan siya tumira ng tatlong taon. Mag-isa siyang pumunta dito at ngayon ay umalis siya ng walang kahit ano. Sa sandaling iyon, isang Rolls-Royce ang mabilis na umaandar papunta sa kanya mula sa malayo, na huminto sa may tabi niya. Bumukas ang pinto, at isang lalaki na nakasuot ng isang suit ang bumaba, at ngumiti habang naglalakad siya papunta kay Frank. “Mr. Lawrence…”“Anong ginagawa mo dito?” Nagtanong si Frank habang pinagmamasdan niya ang lalaki—siya si Trevor Zurich, ang CEO ng Trevor International. “Nakipag-partner ako sa asawa mo kamakailan para sa isang development project sa West City, at nagpunta ako upang pag-usapan ang mga detalye kasama siya,” ang sabi ni Trevor. Tumango si Frank ngunit sinabi niya na, “Hindi niyo kailangang mag-usap—nakuha na ni Helen ang suporta ng Wesley family at hindi na niya kailangan ang suporta natin, at hindi ko na siya asawa.”“Ano?!” Napasigaw si Trevor, hin