Natural na ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Vicky. Hindi siya nagdalawang-isip na tumalon kay Frank sa sandaling nakita niya siya, at nang nagkatinginan sila nang ilang segundo, inilapat niya ang mga labi niya sa kanya nang may matinding damdaming magpapamula sa mukha ng kahit na sino. "Ahem…"Walang makakapagsabi kung gaano katagal na ang lumipas at sa wakas ay naghiwalay na sila nang umubo ang isang tagapagsilbi. “Madam Zims, pwede ba sa ibang lugar ka umubo? Nakakainis ka!” Inirapan ni Vicky ang babae at tinitigan siya nang masama. “Ang totoo, Ms. Turnbull…” Sumilip si Madam Zims sa malapit at lumingon naman si Vicky. Nakita niyang nakatayo roon si Titus mismo. Kitang-kita ang malagim na ekspresyon sa mukha niya—hindi lang tumalon si Vicky kay Frank at hinalikan siya, nilinaw ng katotohanang malamang na sinabihan siyang naroon si Titus na wala talagang pakialam si Vicky sa kanya. “Sa tingin ko dapat ko sa'yong ipaalala na ikakasal tayo sa susunod na tatlong araw,
Bihasa si Vicky sa usaping iyon. Gayunpaman, hindi siya nagkagusto kay Frank nang dahil lang sa itsura niya—ang estilo, pag-uugali at pamamaraan niya ang nakapang-akit kay Vicky. Kung hindi niya siya nakilala, baka talagang pumayag siya sa plano ng pamilya niyang pakasalan si Titus. Pero ngayong nakilala niya si Frank, wala na siyang pakialam kay Titus. Higit pa roon, ang mga narating at ang kasalukuyang posisyon ni Titus at nakuha niya lang nang dahil sa pamilya niya, habang si Frank ay umasa lang sa sarili niya para makapunta sa kinatatayuan niya ngayon. Pagdating ng oras, mahihigitan niya nang sobra-sobra si Titus—isang bagay na pinanghahawakan nang mahigpit ni Vicky. Habang nakatitig nang masama kay Titus, sinabi niya, “Hindi ako naniniwala sa kalokohang kagaya ng tadhana—ako ang may hawak sa buhay ko, kaya sasabihin ko to sa'yo ngayon: hinding-hindi kita pakakasalan. Mahal ko si Frank at pinahahalagahan ko siya, at siya lang ang papakasalan ko. Yung engagement natin? H
Nakita ni Titus na wala rin siyang mapapala rito at sumakay siya sa kotse. Bago siya umalis, binaba niya ang bintana at mahinang nagsalita, “Vicky, ikaw ang bahala—kung pipiliin mo ang proteksyon ng pamilya mo, o hahayaan mong burahin ng South Sea Crow ang pamilya mo. Hindi kita sasabihan kung anong dapat mong gawin.”“Pag-isipan mo to nang tatlong araw—sa taunang handaan ng pamilya mo, pupunta sa'yo ang isang envoy mula sa pamilya ko. Kapag tumanggi ka, putol na ang alyansa sa pagitan ng pamilya natin… sa puntong iyon, pwede mo na talagang gawin ang kahit na anong gusto mo.”Pagkatapos nito, sumandal siya sa upuan niya habang sinabihan niya ang driver niya na magmaneho. Naiwang nakatayo roon si Vicky nang nakasimangot. Hindi siya tanga—sa katotohanan, matalino siya. Hindi siya magiging pinakasikat na independiyenteng babae sa Riverton sa pagiging mangmang. Ang totoo, nakita na niya si Titus sa sandaling nakita niya si Frank. Iyon ang dahilan kung kaya't kaagad niyang naisi
“Oh, oo nga pala…”Lumingon si Vicky kay Frank nang nakakunot ang noo nang may maalala siya. “Darling… Hinayaan ka ba ni Tito Glen na makita ako dahil lang nakiusap ka? Hindi ganun ang estilo niya.”“Oh, wag mo kong simulan…”Mangangako na sana si Frank kay Vicky na siya na ang bahala sa South Sea Crow, ngunit ginago niya ang usapan. Dahil dito, wala siyang nagawa kundi ikwento sa kanya ang tungkol sa mga ‘hamon’ na kailangan niyang lampasan para makita siya. Nagpapadyak si Vicky sa inis nang nasa kalahati na siya ng kwento. “Sinabi ko sa kanyang wag kang galitin anoman ang gawin niya at wag kang pagbantaan gamit ng pamilya mo. Hindi talaga siya nakikinig… At si Tito Zac din! Sino bang nanghihingi ng pabor nang ganun?!”“Heh. Maghintay ka lang—hindi pa ako nakakarating sa masayang parte.” Tumawa si Frank. Umiling siya, sabay sinabi kay Vicky ang tungkol sa pustahan nila nina Titus at Glen, ang paghihirap na pinagdaanan niya kasama ni Professor Roberts para lang gamutin si Geo
Nang malungkot na nakatingin kay Frank, nagtanong si Vicky, “Kailan ka aalis, darling?”“Hindi pa sa ngayon,” sabi ni Frank pagkatapos mag-isip sandali. “Kailangan ko pang gamutin ang lolo mo, at sa tingin ko aabutin ng tatlong araw bago ko matanggal ang lahat ng itlog ng rot earwig sa loob niya. Pagkatapos nito, akong bahala sa problema mo.”“Problema ko?” Medyo nabigla si Vicky. “Oo.” Tumango si Frank at ngumiti. “Sabi mo tensyonado ang pamilya mo dahil sa South Sea Crow, di ba? Nandito na ako, at hindi kita hahayaang magdusa—akong bahala sa kanya, tapos babalik tayo sa Riverton nang magkasama, okay?”Natulala si Vicky sa nakaunat niyang kamay at sa matapat na alok niya. Nilagay niya ang palad niya sa mainit niyang kamay, ngunit hindi nagtagal ay nahimasmasan siya at yumuko para mapunasan ang luha niya nang hindi nakikita ni Frank. Pinilit niyang ngumiti, pagkatapos ay umiling at nagsabing, “Darling, alam kong magaling ka at marami kang narating na hindi ko kailanman pinanga
Natural na ang ibang mga Turnbull ay hindi palakaibigan kay Frank. Maliban kay Vicky, lahat sila ay nakangiwi tuwing tumitingin sila sa direksyon ni Frank. Masakit siya sa mata, pero hindi nila siya masigawan o mapalayas. Sasaktan nila siya? Umaasa pa rin sila sa kanya para mapagaling si George!Ang nagawa lang nila ay siraan siya nang palihim, sinisi pa nga nila siya sa kondisyon ni George nang nagsimula siyang magkasakit anim na buwan ang nakaraan. Walang pakialam si Frank—ito na ang huling araw ng pagpapagamot ni George at ang araw ng taunang handaan ng mga Turnbull. Simula umaga, pumarada ang magagarang kotse sa Turnbull estate at pumasok ang mga kalalakihan at kababaihan para dumalo sa prestihiyosong handaan. Lahat sila ay mga pamilya o regional executives, kinakatawan nilang lahat ang lakas ng mga Turnbull bilang isa sa Four Families ng Morhen.Natural na nakikita ni Frank na hindi pa kumpleto roon ang buong pamilya. -Sa gitna ng nakakasilaw na banquet hall, hin
Uminom ng wine si Frank pagkatapos ibangga ang braso niya kay Titus pero hindi nagtagal ay may napansin niya nang dumaloy ang likido pababa sa lalamunan niya. “Anong…” Kumunot ang noo niya at tumingin sa wine na kulay madilim na pula. “May problema ba?” Tanong ni Titus. “Isa yang special grade na Romanee-Conti na nagmula sa Franconia. Mas mababa pa sa 400 na bariles lang ang mayroon sila kada taon, pero ang 200 roon ay dinala rito para sa handaang ito.”Pagkatapos ng paliwanag niya, dramatikong umarte si Titus na parang may napagtanto siya. “Oh, pasensya na talaga, Mr. Lawrence—nakalimutan kong hindi nararanasan ng mga probinsyanong kagaya mo ang ganito kamahal na wine, lalo na ang namnamin ang sarap nito.”Sa malapit, tinago ni Yonca ang tawa niya sa likod ng kamay niya habang kumunot din ang noo ng iba pang miyembro ng Turnbull family kay Frank. Sino ba siya? Bakit di pa nila siya nakita noon?Ang presensya niya ay salungat sa kinang at kagarbuhan ng banquet hall kaya hindi
“Haha! Nagbalik na rin si Walter? Mabuti naman!”Lumingon si Frank at nakita niya ang isang pares ng pamilyar na mukhang pumasok sa banquet hall sa sandaling iyon. Natural na sila ang mga magulang ni Vicky, sina Walter Turnbull at Susan Redford. Mukhang kailangan nilang dumalo sa handaang ito kahit na sa Riverton sila nakatira. Lumapit si Glen Turnbull para salubungin sila, ngunit hindi nagtagal ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat at tumingin siya sa paligid para maghanap. “Nasaan sina Les at Neil? Hindi ba sila pupunta?” tanong niya. “Sila…”Naiilang ang mukha ni Walter na hindi sigurado kung anong sasabihin. Siniko siya ni Susan sa likod, malinaw na gusto niya siyang magsalita. "Ahem."Umubo si Walter, naglabas ng dalawang reports, at iniabot ang mga ito kay Glen habang nagpaliwanag siya, “Nakipagsabwatan si Les sa mga kalaban natin at ninakaw ang recipe para sa Beauty Pill na pinagkagastusan ni Vicky para makuha… Namatay siya sa isang away pagkatapos.”“Ano?!”
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a