Share

Kabanata 895

Gayunpaman, nakikita rin ni Glen ang naluluha at miserableng itsura ng tatay niya.

Sa huli, nagngingit ang ngipin niya at sumuko. “Hahayaan kitang makita si Vicky kung tuluyan mong gagamutin ang tatay ko, narinig mo?!”

“Hindi ako naniniwala sa'yo.” Ngumiti si Frank at umiling.

“Ano—” sambit ni Glen.

Tinaas ni Frank ang kamay niya para pigilan siya. Malamig ang ekspresyon niya nang sinabi niyang, “Nakita ko na kung paano ka umangat bilang isang makapangyarihang negosyante—walang punto ang mga kasunduang napag-usapan lang dahil hindi mo yun tutuparin. Akala mo ba talaga may magagawa ang mga salita mo sa'kin? Kawawa ka naman.”

Halos maistroke si Glen nang binisto ni Frank ang tunay na ugali niya, ngunit tinibayan niya ang sarili niya para sa tatay niya at hirap na tinanong si Frank, “Ano pala ang gusto mo?”

“Gusto kong makita si Vicky ngayon din,” kalmadong sabi ni Frank.

Kahit na hindi siya tinanggihan kaagad ni Glen, umiling siya at tahimik na nagsabi, “Bakit kita pagkakatiwa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status