Nang malungkot na nakatingin kay Frank, nagtanong si Vicky, “Kailan ka aalis, darling?”“Hindi pa sa ngayon,” sabi ni Frank pagkatapos mag-isip sandali. “Kailangan ko pang gamutin ang lolo mo, at sa tingin ko aabutin ng tatlong araw bago ko matanggal ang lahat ng itlog ng rot earwig sa loob niya. Pagkatapos nito, akong bahala sa problema mo.”“Problema ko?” Medyo nabigla si Vicky. “Oo.” Tumango si Frank at ngumiti. “Sabi mo tensyonado ang pamilya mo dahil sa South Sea Crow, di ba? Nandito na ako, at hindi kita hahayaang magdusa—akong bahala sa kanya, tapos babalik tayo sa Riverton nang magkasama, okay?”Natulala si Vicky sa nakaunat niyang kamay at sa matapat na alok niya. Nilagay niya ang palad niya sa mainit niyang kamay, ngunit hindi nagtagal ay nahimasmasan siya at yumuko para mapunasan ang luha niya nang hindi nakikita ni Frank. Pinilit niyang ngumiti, pagkatapos ay umiling at nagsabing, “Darling, alam kong magaling ka at marami kang narating na hindi ko kailanman pinanga
Natural na ang ibang mga Turnbull ay hindi palakaibigan kay Frank. Maliban kay Vicky, lahat sila ay nakangiwi tuwing tumitingin sila sa direksyon ni Frank. Masakit siya sa mata, pero hindi nila siya masigawan o mapalayas. Sasaktan nila siya? Umaasa pa rin sila sa kanya para mapagaling si George!Ang nagawa lang nila ay siraan siya nang palihim, sinisi pa nga nila siya sa kondisyon ni George nang nagsimula siyang magkasakit anim na buwan ang nakaraan. Walang pakialam si Frank—ito na ang huling araw ng pagpapagamot ni George at ang araw ng taunang handaan ng mga Turnbull. Simula umaga, pumarada ang magagarang kotse sa Turnbull estate at pumasok ang mga kalalakihan at kababaihan para dumalo sa prestihiyosong handaan. Lahat sila ay mga pamilya o regional executives, kinakatawan nilang lahat ang lakas ng mga Turnbull bilang isa sa Four Families ng Morhen.Natural na nakikita ni Frank na hindi pa kumpleto roon ang buong pamilya. -Sa gitna ng nakakasilaw na banquet hall, hin
Uminom ng wine si Frank pagkatapos ibangga ang braso niya kay Titus pero hindi nagtagal ay may napansin niya nang dumaloy ang likido pababa sa lalamunan niya. “Anong…” Kumunot ang noo niya at tumingin sa wine na kulay madilim na pula. “May problema ba?” Tanong ni Titus. “Isa yang special grade na Romanee-Conti na nagmula sa Franconia. Mas mababa pa sa 400 na bariles lang ang mayroon sila kada taon, pero ang 200 roon ay dinala rito para sa handaang ito.”Pagkatapos ng paliwanag niya, dramatikong umarte si Titus na parang may napagtanto siya. “Oh, pasensya na talaga, Mr. Lawrence—nakalimutan kong hindi nararanasan ng mga probinsyanong kagaya mo ang ganito kamahal na wine, lalo na ang namnamin ang sarap nito.”Sa malapit, tinago ni Yonca ang tawa niya sa likod ng kamay niya habang kumunot din ang noo ng iba pang miyembro ng Turnbull family kay Frank. Sino ba siya? Bakit di pa nila siya nakita noon?Ang presensya niya ay salungat sa kinang at kagarbuhan ng banquet hall kaya hindi
“Haha! Nagbalik na rin si Walter? Mabuti naman!”Lumingon si Frank at nakita niya ang isang pares ng pamilyar na mukhang pumasok sa banquet hall sa sandaling iyon. Natural na sila ang mga magulang ni Vicky, sina Walter Turnbull at Susan Redford. Mukhang kailangan nilang dumalo sa handaang ito kahit na sa Riverton sila nakatira. Lumapit si Glen Turnbull para salubungin sila, ngunit hindi nagtagal ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat at tumingin siya sa paligid para maghanap. “Nasaan sina Les at Neil? Hindi ba sila pupunta?” tanong niya. “Sila…”Naiilang ang mukha ni Walter na hindi sigurado kung anong sasabihin. Siniko siya ni Susan sa likod, malinaw na gusto niya siyang magsalita. "Ahem."Umubo si Walter, naglabas ng dalawang reports, at iniabot ang mga ito kay Glen habang nagpaliwanag siya, “Nakipagsabwatan si Les sa mga kalaban natin at ninakaw ang recipe para sa Beauty Pill na pinagkagastusan ni Vicky para makuha… Namatay siya sa isang away pagkatapos.”“Ano?!”
Umayos nang tindig si Glen na biglang naging malamig at makapangyarihan muli habang tinitigan niyang maigi si Walter. “Hindi pwedeng mamatay ang isang anak ng pamilya natin sa ilalim ng misteryosong pagkakataon.”“Tama,” sagot ni Zac na pinipigilan ang galit niya. “Hindi ko hahayaang mawalan ng kasagutan ang pagkamatay ng anak ko. At gusto kong malaman kung bakit!”“Natural na dumating ako nang handa,” sabi ni Walter na bumunot ng makapal na dokumentong naglalaman ng ebidensya ng mga krimen nina Les Turnbull at Neil Turnbull, pati ang mga larawang ebidensya. “Uy. Tignan mo,” napansin ni Susan si Frank na nakaupo sa sulok nang walang pakialam at siniko si Walter para lumingon. Nagkatagpo ang mga mata nina Walter at Frank eksakto nang lumingon si Walter. Pagkatapos nito, tumayo si Frank at dahan-dahang naglakad sa gitna ng mga tao para marating sila. “Mr. Turmbull, Mrs. Turnbull. Nagkita tayong muli.” Nakangiti siyang bumati. Gayunpaman, pareho silang mukhang naiilang dahil a
Nagkagulo ang banquet hall sa sigaw ni Glen. “Ano?! May pumatay kay Les Turnbull?”“Imposible, patay na siya? At binatay siya ng batang to?!”“Ang anak ng family head ang pinag-uusapan natin rito… Sinong nagpapasok sa kanya rito?”Naramdaman ni Frank ang tingin ng lahat sa kanya. Tumingin siya nang malamig kay Walter at kalmadong nagsabi, “Oo, pinatay ko siya.”“Ang kapal ng mukha mo!” Sigaw ni Glen na halatang hindi na napigilan ang sarili niyang galit. Pinatay ng lalaking ito ang pinakamamahal niyang anak tapos malaya siyang nakapasok sa teritoryo niya nang parang walang nangyari?!Paano niya maitataas ang mukha niya kapag kumalat ang balitang ito?Kahit na ganun, tumawa nang malakas si Frank at umiling. “Pero nabasa mo ba ang parte kung bakit ko siya pinatay? Isa ka talagang palpak na ama.”Rinig na rinig ng lahat ang pagngitngit ng ngipin ni Glen. Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Frank, pagkatapos ay lumingon kay Walter habang dismayadong bumuntong-hininga. “Hindi
Hindi kagaya ni Les, mataas ang tingin ng pamilya kay Neil. Hindi katanggap-tanggap na makitang nakatayo kasama nila si Frank, ang mismong pumatay sa kanya, nang walang pakialam!Doon walang takot na ngumiti ang magarang si Marit. “Hindi kaya siya ang South Sea Crow?”“Ano?!”“Ang South Sea Crow?!”Natakot ang bawat isang Turnbull sa pangalang iyon at natural lang ito dahil isa itong bangungot na patuloy na bumulabog sa kanila nang tatlong taon. At magkakaroon rin ng linaw ang lahat kung si Frank ang kalabang iyon… at sinasabi ring isa siyang peak Ascendant rank!“Ganun pala…”Mabangis na hinarap ni Zac si Frank nang may nanglilisik na mga mata. “Kaya pala biglang nagkasakit si Papa. At nagkataong nasa Morhen ka para lang patunayang ikaw lang ang kayang gumamot sa kanya. Sa nakikita ko, inakit mo siguro si Vicky gamit ng gayuma kaya sobra siyang nahumaling sa'yo. Pero hindi ka na makakatakas ngayong nabuking ka na! Retainers!”Nabasag ang salaming kisame sa taas nang sumigaw
“Kailan mo…” ungol ng isa sa Ascendant ranks habang nagngingitngit ang ngipin. Kahapon lang siya binayaran ng mga Turnbull at hindi pa siya kumain mula sa mesa niya. Kaya paano siya napasukan ng insekto kagaya ng iba?“Darling…” Hawak din ni Vicky ang tiyan niya, malinaw na naapektuhan rin siya. “Halika rito, kunin mo ang antidote na'to at pakilusin mo ang vigor na ibibigay ko sa'yo para linisin ang bituka mo,” sabi ni Frank habang pinasa kay Vicky ang itim na pill.Kinuha ni Vicky ang pill nang walang pag-aalinlangan at umupo para mag-mediate nang tinanggap niya ang isang patak ng vigor mula kay Frank, pagkatapos ay pinaikot ito sa buong katawan niya. Isa siyang martial artist na nawalan ng cultivation dahil sa pagkalason. Kahit na ganun, gamit ng vigor ni Frank, para bang nasira ang dam sa katawan niya at nagpatuloy na bumaha ang vigor niya mula sa meridian nexus niya. Mabilis nitong pinatay ang mga insekto. “Vicky… Wag kang magtiwala sa kanya…”Sinubukan ni Glen na pigi
Pinanatili ni Frank at Lanecorp ang mababang profile habang hinihintay nila ang bagyo.Habang lumipas ang dalawang buwan, unti-unting kumalma si Zamri nang umalis ang spiritron vein sa lungsod, na makikita sa kawalan ng mga martial elites na tinatanggap sa Zamri Hospital.Gayunpaman, hindi ang spiritron vein ang alalahanin ni Frank—sa halip, ito ay si Silverbell.Siya ang pinuno ng Martial Alliance, may sariling lakas at maraming mga martial artist sa ilalim ng kanyang pamumuno.At gayunpaman, nag-aalala si Frank nang marinig niyang hindi na pag-aari ng Martial Alliance ang spiritron vein.Kahit na nakakainis ang isip na iyon, nakatanggap si Frank ng tawag mula kay Fenton—ama ni Silverbell—isang hapon."Master Frank." Kalma si Fenton na parang dati, pero sapat ang talas ni Frank para mapansin ang bahid ng pag-aalala."Magsalita ka," sagot ni Frank, mas kalmado at hindi gaanong nag-aalala.Pagkatapos ng lahat, tunay na natutunan niya na may mga tao na mas malakas kaysa sa kanya
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe
At kapag nalaman ng mga Sorano na babae ni Gene Pearce ang nag-opera sa kanilang retainer, mas mabilis na babagsak si Winter.Ito ang patibong na inihanda ni Paco para kay Winter—katapusan na niya, gawin man niya ito o hindi.Ngumisi siya, dahil naniniwala siya na imposible para kay Winter na mailigtas ang buhay ni Gus Zeller.Bago dumating si Winter, sinuri na niya si Gus—bali-bali ang mga buto sa buong katawan niya at naputol ang isang braso niya, habang dumudugo naman ang mga organs niya.Maging ang pagtibok ng puso niya ay lubhang napakahina.Para kay Paco, kahit na marami na siyang karanasan, dinaig pa ni Gus yung nasagasaan ng tren.Isa siyang patay na naglalakad, at hindi magiging maganda ang mga bagay para sa sinumang tatanggap sa kaso niya.At nagkataon namang magagamit ito ni Paco laban sa bago niyang chief, na kasisimula pa lang ng kanyang unang araw sa trabaho.“Gaano man kakakaiba ang sitwasyon, ang pagliligtas sa buhay ng pasyente ang prayoridad natin,” sabi ni Wi
Bagaman nangangahulugan iyon na hindi kayang hawakan ni Winter ang mga komplikadong kaso at hindi niya kayang linangin ang mga pill, ang kanyang kaalaman sa mga acupoint, masahe, at kasanayan sa acupuncture ay kayang hawakan ang karamihan sa lahat, kahit na hindi ito kasing epektibo ng kay Frank.Pagkatapos ng lahat, ang mga tao tulad ni Frank na nagmaster sa parehong martial arts at medisina ay isang pambihira.Sa kabilang banda, nagulat si Paco na kinuha ni Winter ang scalpel nang walang kaalam-alam, ngunit hindi nagtagal ay tumatawa na siya kasama ang kanyang mga katulong.Ang surgical wing ay isang lugar ng kaseryosohan, at sinisira nila ito."Sandali, chief." Ngumisi si Paco habang lumalapit kay Winter."Hindi ko naman sinasadyang maliitin ka, pero kakagraduate mo lang sa unibersidad at hindi ka pa nakapag-internship. Ito ang unang beses mong humawak ng scalpel, tama ba?"Tumango si Winter nang mahinahon at hindi nagalit."Pfft…"Pinigilan ni Paco ang pagtawa, habang ang kany
Pareho nang higit-kumulang na napagtanto nina Vicky at Helen na ang pagpapanatili ng spiritron vein ay hindi naman talaga mabuti para sa kanila, lalo na't nagdudulot ito ng walang katapusang mga problema.Ang pagkaligaw sa oras ay, mula sa isang pananaw, ang matalinong hakbang.Naiintindihan ni Frank kung ano ang iniisip ni Silverbell.Tanging isang malaking organisasyon tulad ng Martial Alliance at ang kanilang mga tagasuporta ang may lakas na mapanatili ito—ang pagbibigay kay Frank sa kanyang kasalukuyang estado ay makakasama sa kanya sa halip."Ano ang gagawin natin ngayon, Frank?" tanong ni Vicky nang may pag-aalala."Umupo at huwag gumawa ng kahit ano," sabi ni Frank matapos mag-isip ng matagal tungkol dito, lumingon sa pagitan nina Vicky at Helen."Kung may makakahanap ng eksaktong lokasyon ng spiritron vein, problema na nila iyon at hindi natin. Ang lungsod ng Zamri ay gulo na dahil sa spiritron vein, kaya hindi pa panahon para tayo ang magpakita. Sa puntong ito, ang pinakama
Samantala, sa isang conference room sa tuktok ng Lanecorp Tower, nakasimangot sina Vicky at Helen.Pagkatapos ng lahat, pareho silang may mga espada na nakatutok sa kanilang mga makikinis na leeg."Ano'ng ginagawa mo, Silverbell?!" sigaw ni Helen."Heh. Nagulat ako... may isang malapit na tao na nakapagpalusot sa akin." Tumatawa si Vicky, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap ng malamig."Pasensya na, ladies," si Silverbell ay nakadamit ng puti tulad ng dati, hawak ang kanyang espada sa isang kamay at isang nagniningning na alahas na kahawig ng isang anting-anting sa kanyang kabila.Iyon ang spiritron vein na binanggit ni Helen sa phone.Nang bumalik sila, Vicky, at Silverbell sa Lanecorp Tower, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na nag-aabang ang sumugod sa kanila.At nang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim ang spiritron vein at ibinigay ito kay Silverbell, napagtanto nina Vicky at Helen na sila ay niloko.Kahit na siya ang kaibigan ni Frank mula pagkabata at l