Hindi nagtagal pagkatapos magsalita ni Frank, nagising si George. Umubo siya nang malakas habang nakatulalang tumingin sa paligid niya. “Papa!”"George!"Parehong natuwa sina Glen Turnbull at Kendra na makita siyang magising. Sa kabilang banda, sumimangot si Titus habang sumama ang ekspresyon niya. "Hmph."Suminghal siya at wala nang sinabi habang lumabas sila ng mga tao niya mula sa kwarto. “Titus, sandali…”Kakapasok lang ni Zac Turnbull at pinanood niyang umalis si Titus, habang kaagad naman siyang sinigawan ni Glen, “Dali, Zac! Pigilan mo si Titus—pasalamat sa kanya sa pagdala niya kay Professor Roberts dito, kundi ay makakaranas nang matinding paghihirap ang tatay natin!”Nang walang sabi-sabi, nilampasan ni Zac si Frank para habulin si Titus. Pinakiusapan niya siyang manatili roon nang may naiilang na ngiti. Sa kabilang banda, hindi umalis si Professor Roberts kasama ni Titus. Ang totoo, tumingin siya nang may pagtataka kay Glen at nagsabing, “Anong sinasabi mo,
Huminto si Frank sandali at tinapos ang pahayag niya, “Ang gusto ko lang ay ang tuparin mo ang usapan natin at hayaan mo kong makita si Vicky.”“Hindi!” Sabay na sumigaw sina Glen at Kendra. Si George, na nasa kama pa rin, ay walang kaalam-alam sa nangyayari. “Sino to…?” tanong niya, sabay nanghihinang lumingon kay Frank habang tinulungan siyang umupo ng isang katulong. “Siya ang lalaking nagligtas sa buhay mo.”Ang nakakagulat doon, si Professor Roberts ang kumampi kay Frank. Tinitigan niya pa siya nang may respeto at magalang na tumango habang nagsalita siya nang hindi matatas ngunit malakas. “Hindi ko alam kung anong problema nito at pinapahirapan niyo masyado si Mr. Lawrence ngayong iniligtas niya ang pasyente nang hindi nagtatanim ng galit. Magaling siya at misteryoso, pinakita niya ang katapatan at pagiging maaasahan niya. Talagang binago mo ang opinyon ko sa Draconian traditional medicine—napakamahiwaga ng ginawa mo. Maaari mo ba akong turuan?”Gumanda ang impresyon n
“Tama na!” Sigaw ni Glen na napuno na. Talagang napuno na siya sa nagmamatigas na dayuhang propesor na dumadaldal nang walang katapusan at hindi marunong makiramdam ng sitwasyon. “Mr. Hampton, palabasin mo si Professor Roberts. Bayaran niyo siya ayon sa kasunduan at ipadala niyo siya sa malayo!”“Opo, Mr. Turnbull.” Lumapit ang isang matandang Turnbull family retainer at tinitigan nang malamig si Professor Roberts. “Sumama ka sa'kin, professor.”“M-Mali ito!” Nagpatuloy na sumigaw si Roberts. “Hindi niyo pwedeng gawin to, hindi sa manggagamot na pinatunayan lang ang kabutihan at katapatan niya! Kakasuhan ko kayo!”“Sige lang.” Nanatiling walang pakialam si Glen, malamig ang tono niya at medyo namumuhi pa nga. Talagang wala siyang pakialam sa banta ni Professor Roberts. May katwiran rin ito, dahil isa ang mga Turnbull sa Four Families ng Morhen at naghari nang matagal sa ekonomiya ng Draconia. Tiyak na may mga alas sila at hindi mananalo sa kaso ang isang dayuhang prospero kahit
“Sa ibang salita…” Tinaas ni Frank ang noo niya at namumuhing tinignan si Glen. “Labinlimang bilyon lang ang halaga ni Vicky para sa'yo?”“Ano, hindi pa ba yun sapat para sa'yo?” Kumunot ang noo ni Glen sa tumitinding inis—talagang ambisyoso si Frank!“Hindi.” Ngumiti si Frank habang umiiling. “Sa mundo mo, kayang bilhin ng pera ang lahat… Pero para sa'kin, papel lang yan. Hindi ko susukuan si Vicky kahit magkano pa ang ibayad niyo sa'kin, dahil hindi siya mapapantayan ng kahit na ano.”“Frank Lawrence!” Nagwala si Kendra, tinuro niya si Frank habang sumigaw siya, “Tapos na kaming magpakabait, walanghiya ka!”“Maging makatwiran ka naman!” Sigaw din ni Glen kay Frank. “Ang dami ko nang ibinigay na pagkakataon para sa'yo, pero ang tigas pa rin ng ulo mo…”“Ano?” Mayabang na tumingin si Frank sa galit na mga mata ni Glen. “Retainers! Damputin niyo siya—ipapatupad natin ang batas ng pamilya natin!” Sigaw ni Glen, sumuko na siya sa pagpapanggap dahil hindi sumusuko si Frank. Papata
Gayunpaman, nakikita rin ni Glen ang naluluha at miserableng itsura ng tatay niya. Sa huli, nagngingit ang ngipin niya at sumuko. “Hahayaan kitang makita si Vicky kung tuluyan mong gagamutin ang tatay ko, narinig mo?!”“Hindi ako naniniwala sa'yo.” Ngumiti si Frank at umiling. “Ano—” sambit ni Glen. Tinaas ni Frank ang kamay niya para pigilan siya. Malamig ang ekspresyon niya nang sinabi niyang, “Nakita ko na kung paano ka umangat bilang isang makapangyarihang negosyante—walang punto ang mga kasunduang napag-usapan lang dahil hindi mo yun tutuparin. Akala mo ba talaga may magagawa ang mga salita mo sa'kin? Kawawa ka naman.”Halos maistroke si Glen nang binisto ni Frank ang tunay na ugali niya, ngunit tinibayan niya ang sarili niya para sa tatay niya at hirap na tinanong si Frank, “Ano pala ang gusto mo?”“Gusto kong makita si Vicky ngayon din,” kalmadong sabi ni Frank. Kahit na hindi siya tinanggihan kaagad ni Glen, umiling siya at tahimik na nagsabi, “Bakit kita pagkakatiwa
Sa mga salitang iyon, tumawa nang malamig si Frank at nagsimulang umalis. “Sandali… Maghintay ka!” Sigaw ni George sa hinagpis. Bumagsak siya mula sa kama at gumapang papunta kay Frank. “Pakiusap, kailangan mo akong tulungan! Ayaw kong mamatay… Wag sa ganung paraan!”Nataranta si Kendra sa mga sigaw niya. Tumakbo siya at hinawakan ang anak niya sa braso habang nagmakaawa siya, “Oh, hayaan mo na siyang makita si Vicky! Hindi naman malaking bagay yun!”“Hindi ito kasing simple ng inaakala mo, Mama!”Nagpaliwanag si Glenn kahit habang kumawala siya sa hawak niya at uminit ang pisngi niya nang parang isang takure, “Alam mo ang ugali ni Vicky—kapag nakita niya siya at nagpasya siyang umalis kasama niya, sa tingin mo mapipigilan natin sila? Ginawa ko ang lahat para makumbinsi siyang tanggapin ang plano ng pamilya. Paano kung pagsisisihan niya ito sa sandaling makita niya siya?”Bumuntong-hininga siya at nagdagdag, “At wag mong kalimutang nasa labas pa rin si Titus. Sa tingin mo pwede n
Natural na ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Vicky. Hindi siya nagdalawang-isip na tumalon kay Frank sa sandaling nakita niya siya, at nang nagkatinginan sila nang ilang segundo, inilapat niya ang mga labi niya sa kanya nang may matinding damdaming magpapamula sa mukha ng kahit na sino. "Ahem…"Walang makakapagsabi kung gaano katagal na ang lumipas at sa wakas ay naghiwalay na sila nang umubo ang isang tagapagsilbi. “Madam Zims, pwede ba sa ibang lugar ka umubo? Nakakainis ka!” Inirapan ni Vicky ang babae at tinitigan siya nang masama. “Ang totoo, Ms. Turnbull…” Sumilip si Madam Zims sa malapit at lumingon naman si Vicky. Nakita niyang nakatayo roon si Titus mismo. Kitang-kita ang malagim na ekspresyon sa mukha niya—hindi lang tumalon si Vicky kay Frank at hinalikan siya, nilinaw ng katotohanang malamang na sinabihan siyang naroon si Titus na wala talagang pakialam si Vicky sa kanya. “Sa tingin ko dapat ko sa'yong ipaalala na ikakasal tayo sa susunod na tatlong araw,
Bihasa si Vicky sa usaping iyon. Gayunpaman, hindi siya nagkagusto kay Frank nang dahil lang sa itsura niya—ang estilo, pag-uugali at pamamaraan niya ang nakapang-akit kay Vicky. Kung hindi niya siya nakilala, baka talagang pumayag siya sa plano ng pamilya niyang pakasalan si Titus. Pero ngayong nakilala niya si Frank, wala na siyang pakialam kay Titus. Higit pa roon, ang mga narating at ang kasalukuyang posisyon ni Titus at nakuha niya lang nang dahil sa pamilya niya, habang si Frank ay umasa lang sa sarili niya para makapunta sa kinatatayuan niya ngayon. Pagdating ng oras, mahihigitan niya nang sobra-sobra si Titus—isang bagay na pinanghahawakan nang mahigpit ni Vicky. Habang nakatitig nang masama kay Titus, sinabi niya, “Hindi ako naniniwala sa kalokohang kagaya ng tadhana—ako ang may hawak sa buhay ko, kaya sasabihin ko to sa'yo ngayon: hinding-hindi kita pakakasalan. Mahal ko si Frank at pinahahalagahan ko siya, at siya lang ang papakasalan ko. Yung engagement natin? H
Nahuli ni Helen si Frank at nagseselos na nagtanong, “Anong sinasabi mo sa babaeng yun?”“Ano?” Nabigla si Frank—ganito ba talaga siya kaselosa noon?Kahit na ganun, tumawa siya pagkatapos mag-isip. “Inimbitahan niya ako sa isang masquerade ball.”“Isang masquerade ball?!” Sumama ang mukha ni Helen, halatang alam na alam niya ang ibig sabihin nito. “Ano? Pumayag ka ba?”“Bakit di ka manghula?” Tumawa si Frank at mabilis na tumakbo papasok ng manor. “Hoy!” Sigaw ni Helen sa inis. Kahit na ganun, kumalma siya kaagad—kilala niya si Frank, at hindi siya mangangahas na pumunta sa ganung klaseng lugar. Lalo na't hindi niya siya pinagsamantalahan kahit noong…Namula si Helen at uminit ang pisngi niya nang naalala niya ang gabing iyon. “Hmph!” Suminghal siya bago nagmadali ring pumasok sa manor. Puno ng tao ang manor, at lahat ng tao roon ay nakatitig nang maigisa iisang tao.Natural na ito ay wala nang iba kundi si Will Zeller.Nakatayo siya sa hagdan suot ng itim na suit niy
Si Frank ang nagmamaneho, at nang dumating sila ni Helen, nakita nilang isa pala itong pribadong hardin. Pinalamutian ang lugar na para bang para ito sa isang social ball, kasama ang buffet, wine, at classical music. Naglabas-masok ang mga waiter sa gitna ng mga tao at nagsilbi para sa mga bisita. Natural na ang lahat ng naroon ay mga representante ng malalaking negosyo sa Zamri—kahit na hindi mahina ang Lanecorp kumpara sa kanila, wala rin silang maipagmamayabang. Ang bawat isang bisita ay may tag na nagpapakita ng grupong kinakatawan nila, at napansin pa nga ni Frank si Victor Sorano mula sa malayo. “Hmm…? Hindi na si Kallum ang kumakatawan sa Lanecorp ngayon?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak na red wine habang nilapitan niya si Helen kasama ng isang babaeng nasa dalawampung taong gulang na nakakapit sa braso niya. Isa itong malinaw na kaso ng pagiging sugar daddy—nasa animnapung taong gulang na ang lalaki. Magalang naman siyang binati ni Helen. “Ikaw si Mr.
Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n
Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a