Share

Kabanata 893

“Tama na!” Sigaw ni Glen na napuno na.

Talagang napuno na siya sa nagmamatigas na dayuhang propesor na dumadaldal nang walang katapusan at hindi marunong makiramdam ng sitwasyon. “Mr. Hampton, palabasin mo si Professor Roberts. Bayaran niyo siya ayon sa kasunduan at ipadala niyo siya sa malayo!”

“Opo, Mr. Turnbull.” Lumapit ang isang matandang Turnbull family retainer at tinitigan nang malamig si Professor Roberts. “Sumama ka sa'kin, professor.”

“M-Mali ito!” Nagpatuloy na sumigaw si Roberts. “Hindi niyo pwedeng gawin to, hindi sa manggagamot na pinatunayan lang ang kabutihan at katapatan niya! Kakasuhan ko kayo!”

“Sige lang.” Nanatiling walang pakialam si Glen, malamig ang tono niya at medyo namumuhi pa nga.

Talagang wala siyang pakialam sa banta ni Professor Roberts. May katwiran rin ito, dahil isa ang mga Turnbull sa Four Families ng Morhen at naghari nang matagal sa ekonomiya ng Draconia. Tiyak na may mga alas sila at hindi mananalo sa kaso ang isang dayuhang prospero kahit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status