Home / Urban / The Girlboss Begs for Remarriage / Chapter 661 - Chapter 670

All Chapters of The Girlboss Begs for Remarriage: Chapter 661 - Chapter 670

1119 Chapters

Kabanata 661

Wala nang mas madali pa kaysa sa pag-iwas ni Quinn sa mga gwardiya at pumuslit papasok sa bahay ni Dahok. Naghiwalay sila ni Frank dahil kukunin niya ang atensyon ng mga lider ng Sage Lake Sect. Naglakad siya papunta sa mountain gates at kaagad na nakita ang karatulang may pangalang ‘Sage Lake Sect' na nakaukit dito—talagang nakakamangha ang mga sektang ilang daang taon nang nakatayo. Sumama ang mukha ng mga apprentice na nakabantay at sumigaw nang nakita nila si Frank, “Sinong nandiyan?!”“Si Frank Lawrence ng Riverton.”Bumagsak ang ekspresyon ng mga apprentice sa sandaling sumagot si Frank at pinalibutan nila siua habang tumakbo ang isa sa kanila para mag-ulat. Hindi nagtagal, lumabas sina Maron Ocean at isang grupo ng mga Elder ng Sage Lake Sect at tumayo sa taas ng hagdan habang tinignan si Frank nang may pangmamata. Nakasuot pa rin si Maron ng puting suit. Pumalakpak siya nang nakita niya si Frank. “Di na masama. Ang tapang mong pumunta mo rito para mamatay.”Sumama
last updateLast Updated : 2024-07-11
Read more

Kabanata 662

“Bibigyan kita ng pagakakataon ngayon,” sumbat ni Frank kay Maron at ibinalik ang banta niya sa kanya. “Pakawalan mo sila, o mamamatay ka!”Bumagsak ang ekspresyon nina Elder Huxley at Elder Randel sa banta ni Frank, ngunit mukhang kalmado lang si Maron. Para bang inasahan niyang aatake si Frank at gagawin siyang hostage kaya hindi siya nanlaban. Ang totoo, mukha pa nga siyang kuntento bilang hostage ni Frank. “Wag kayong kikilos!” sigaw niya kina Elder Huxley at Elder Randel habang handa silang iligtas siya bago lumingon kay Frank at ngumiti. “Sige lang, gawin mo. Patayin mo ako!”“Ano?” Natulala si Frank na walang kinakatakutan si Maron. “Oh, wag kang masyadong magulat.” Tumawa si Maron. “Patayin mo ko ngayon din kung may tapang ka, Frank Lawrence—pero kailangan mo tong pag-isipan: wala sa mga babae mo ang makakalabas nang buhay kapag ginawa mo yun. Kung yun ang gusto mo, gawin mo.”Kampante si Maron na aatras si Frank—kahit na kayang durugin ni Frank ang leeg niya kagaya
last updateLast Updated : 2024-07-12
Read more

Kabanata 663

Walang katapusan ang kayabangan ni Maron, malinaw na sinasabi niya ang lahat ng masasabi niya para galitin si Frank. “Nagkataong mayroon akong bisita mula sa Morhen, pero paano ko ba sasabihin ito? Hindi namin kayang magalit siya.”Bumuntong-hininga si Maron at umiling nang dramatiko habang naglakad siya paikot kay Frank. “Napakaganda niya, pero masyado siyang makapangyarihan. Papatayin niya lang ako kapag pinilit ko ang sarili ko sa kanya—kaya kailangan ko ng kampeong walang kinakatakutan, at isang taong walang kinalaman sa Sage Lake Sect para pabagsakin siya. Pero hindi ko siya gustong saktan, gusto ko lang siyang mawalan ng depensa—mawalan ng malay sana.”“Pagkatapos nun, ako nang bahala sa lahat,” pagtatapos niya, sabay tinapik ang balikat at pisngi ni Frank. “Umaasa ako sa'yo, Mr. Lawrence! Kapag nagawa mo yun, pa…”Napahinto si Maron habang nagbago ang isip niya. “Sandali, sayang naman kung pakakawalan ko nang ganun kadali ang isang martial elite na kagaya mo—may limang host
last updateLast Updated : 2024-07-12
Read more

Kabanata 664

May ere si Silverbell ng isang dalisay na diyosa, kasing puti ng niyebe ang kutis niya, at nanatili ang mga kamay niya sa hita niya habang tinitigan niyang maigi si Maron. “Kung tama ang alaala ko, ang chief dapat ng sect mo ang kikitain ko, Mr. Maron. O baka wala siyang pakialam sa disposisyon ko bilang chief ng Martial Alliance, na magpapaliwanag sa kawalan niya?”Matalim ang mga salita niya sa kanila ng dalisay na itsura niya. Kasing lamig ng tagsibol ang boses niya at nanigas ang mukha ni Maron kahit na pinilit niyang ngumiti. “Hindi totoo yan, Lady Silverbell. Palaging napag-iisa ang tatay ko sa bahay niya araw-araw, pero nasaktan siya kamakailan at nagpapagaling. Ibinigay niya rin ang mga gawain niya sa'kin—”“Kung ganun, sa ibang araw na lang ako babalik.” Tumayo si Silverbell sa sandaling iyon at handa nang umalis. Mabilis siyang pinigilan ni Maron at mapagpaumanhing ngumiti. “Pakiusap, Lady Silverbell. Hindi ibig sabihin nito ay wala kaming kahit na anong kampeon para ku
last updateLast Updated : 2024-07-12
Read more

Kabanata 665

"Hahaha…"Tumatawa si Maron habang papalapit siya, sabay inakbayan si Frank. “Lady Silverbell, ito ang kaibigan ko, si Frank Lawrence.”“Frank Lawrence…?! Hindi, imposible yan.”Humina sandali ang malamig na mga mata ni Silverbell na nagpakita ng pagtataka at pag-alala. Gayunpaman, nagtagal lang ito ng isang sandali habang nanatili siyang kalmado at itinapon ang mga kaisipang iyon. Nagpunta siya sa East Draconia para kay Frank Lawrence—o Donn Lawrence, sa ibang salita. Si Donn ang anak ni Godwin Lawrence, ang Lord of the Southern Woods. Sinabihan si Silverbell na nakahanap ng tagumpay si Donn sa Riverton at kailangan niyang maglakbay dito para makita siya… para linawin ang lahat at tapusin ang engagement na pinagdesisyunan para sa kanila ng mga magulang nila simula noong mga bata pa sila. Para naman sa lalaking nasa harapan niya… Kahit na pareho sila ng pangalan, hindi dapat nandito sa Southdam si Frank, lalo na ang masangkot sa Sage Lake Sect. Lalo na't ang Sage Lake Sect a
last updateLast Updated : 2024-07-12
Read more

Kabanata 666

Nakasalalay sayo kung magagawa ko ‘yun ngayong gabi. Hahaha…”Masayang tumawa si Maron habang naglalakad siya palayo, at naiwan si Frank na nakatayo doon, ikinuyom niya ang kanyang mga kamao habang puno ng pagnanais na pumatay ang ekspresyon ng kanyang mukha.Anuman ang mangyari, mamamatay si Maron ngayong gabi!-Hindi nagtagal, sinundan ni Frank ang mga apprentice ng Sage Lake Sect sa isang dojo, kung saan agad niyang nakita ang isang babaeng nakasuot ng puti na bumubunot ng kanyang espada.Binalot ng mahinang pure vigor ang mga elder ng Sage Lake Sect habang pinalilibutan nila ang babae, nagresonate sila ng maayos."Isang combat ward…?" Naningkit ang mga mata ni Frank.Karaniwan itong sinasanay ng mga sect apprentice, nangangailangan ito ng pagsasama ng pure vigor at psyche. Higit pa rito, karamihan ng mga combat ward ay may kakayahang palakasin ang mga indibidwal sa loob nito habang binabawasan ang anumang kahinaan—dahilan upang malampasan nila ang karaniwang kakayahan nila.
last updateLast Updated : 2024-07-12
Read more

Kabanata 667

Nang makita niya na alam ni Maron kung saan siya lulugar, tumango si Silverbell. “Kung ganun, forfeited na ang application niyo sa Martial Alliance. Lumapit lang kayo ulit sa’min sa Morhen kapag naabot na ng isa sa inyo ang Ascendant rank. Ngayon, ipagpaumanhin niyo, may ibang bagay pa akong kailangan asikasuhin.”Nagsimula siyang umalis, ngunit muli siyang pinigilan ni Maron. “Pakiusap sandali lang, Lady Silverbell.”“Ano?” Lumamig ang ekspresyon ni Silverbell, tumingin siya ng matalim sa mga apprentice ng Sage Lake Sect. “May iba ka pa bang gustong sabihin?”“Oo naman.” Naglakad palapit sa kanya si Maron habang umiiling. “Gaya ng sinabi mo, forfeited na ang karapatan ng sect ko. Pero hindi ka ba sang-ayon na nakakapanghinayang na walang kakayahang lumaban ang tatay ko ngayon, at masasayang lang ang pagkakataong ipinaglaban ng Cloudnine Sect para sa’min?”“Anong sinusubukan mong sabihin?” Naiinis na nagsalita si Silverbell.“Sandali lang, Lady Silverbell.” Magalang na ngumiti si
last updateLast Updated : 2024-07-13
Read more

Kabanata 668

Habang tumingala si Frank para salubungin ang mga mata ni Silverbell, tahimik niyang sinabi, "Hindi, Lady Silverbell. Ito ang una nating pagkikita, dahil ito ang unang beses kong marinig ang tungkol sa Martial Alliance.""Ang Martial Alliance." Saglit na huminto si Silverbell at nagsimulang magpaliwanag sa ilang kadahilanan, "Ang South Sea Four ang nagtatag ng alyansa, at tanging mga kilalang sekta o paksyon sa Draconia ang inaalok ng isang lugar..."Sa dulo lang siya natauhan, nakasimangot habang iniisip kung bakit niya ipapaliwanag ang Martial Alliance sa isang punk na hindi niya kilala.Swish!Hinampas niya ang kanyang espada, tahimik na nagsalita, "Hindi gaanong nagsasalita. Dahil kinakatawan mo ang Sage Lake Sect para sa kanilang paglilitis, dapat kang maging handa. Ipakita sa akin kung ano ang mayroon ka at kung ang Sage Lake Sect ay sulit sa oras ng alyansa!""Go, go, Frankie!" Pinasaya ni Maron si Frank nang may pekeng sigasig, sabay wagayway ng kanyang telepono kay Frank
last updateLast Updated : 2024-07-13
Read more

Kabanata 669

Lumapit si Elder Huxley kay Maron, nag-aalangan ang kanyang tono. "Master Maron, hindi ba si Frank Lawrence..."Nagkibit balikat si Maron. "Mas mahusay siya kaysa sa inakala ko, kaya niyang tapatan sa laban ang babaeng ‘yun.""Pero paano ang chief—""Tahimik," sabi ni Maron habang tinitigan niya siya ng masama. "Naghihingalo na siya, kaya tumahimik ka maliban na lang kung gusto mong mamatay tayong lahat!""Masusunod, Master Maron." Bumuntong-hininga si Elder Huxley."Halika, Elder Huxley." Natawa si Maron, nakita ang kanyang pag-aalala. "Alam kong nahihirapan ka bilang isang elder ng ating sekta, nakikita kung ano ang nangyari... pero mas gugustuhin mo bang manatili ang Sage Lake Sect sa maliit na Southdam ng isa pang daang taon?!""Isipin mo na lang sa ibang paraan," patuloy niya na may nakakatakot na ngiti. "Patay na si Bocek Ocean, at malapit na ring mamatay ang tatay ko. Sino pa ba ang makakaalam ng ginawa natin? At kapag natapos na ang laban na ito at napunta na ako kay Silv
last updateLast Updated : 2024-07-13
Read more

Kabanata 670

Habang tumitindi ang sword duel nina Frank at Silverbell, mas naging maingat si Maron sa alinman sa kanila.Kasabay nito, nadama niyang masuwerte siya na hindi niya nakipag-away nang direkta kay Frank... o magiging bangkay na siya!"Kunin mo ito—Thousand Mile Burst!"Isang blur ang bumagsak mula sa itaas. Sa sobrang bilis para makaiwas si Frank, kinailangan niyang itaas ang kanyang espada para makalaban sa init ng sandali.Clang!Ang pilak na sinag ay nabasag ang espada kahit na tumingin si Frank, at hindi ito tumigil habang patuloy itong nakadiin patungo sa mukha ni Frank."Oof—" ungol ni Frank habang umaatras, at hinawakan niya ang kanyang noo para maramdaman ang pag-agos ng dugo mula sa isang mababaw na gasgas."Natalo ako," sabi niya, ibinato ang hawak sa sahig at lantarang inamin ang pagkatalo."Hindi, nanalo ka," sabi ni Silverbell kahit na lumapag siya, ang kanyang mga daliri ay kumikibot sa kanyang espada.Naghalong emosyon ang tingin niya kay Frank bago umiling. "It
last updateLast Updated : 2024-07-13
Read more
PREV
1
...
6566676869
...
112
DMCA.com Protection Status