หน้าหลัก / Urban / The Girlboss Begs for Remarriage / บทที่ 1191 - บทที่ 1200

บททั้งหมดของ The Girlboss Begs for Remarriage: บทที่ 1191 - บทที่ 1200

1343

Kabanata 1191

Pagkatapos kunin ang Blue Fangs at ihanda sila para bantayan ang mga proyekto, mayroong kakaibang namomroblemang ekspresyon si Frank sa mukha niya asa sandaling nakasakay siya sa kotse niya. “Anong problema, Frank?” mabilis na tanong ni Frank. “Hindi…” Namomroblemang tumingin si Frank sa kanya, ngunit sa huli ay sumuko siya at bumuntong-hininga. “Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo—Ang kliyente mong si Ms. Clarity ay isang assassin na pinakamataas sa Blackrank.”“Ano?!”Nagulat si Helen—nakikita niya mula sa presensya ni Clarity na espesyal siya, pero wala sa hinagap niya ang pagiging top assassin. Nanahimik siya, tuyo ang lalamunan niya habang lumingon siya kay Frank at nahirapang magsalita. “Sinasabi mo bang dapat tanggapin ng Lanecorp ang pagiging kliyente niya?”“Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin.” Umiling si Frank at nagpaliwanag, “Sinabi niya lang sa'kin kung sino siya at hindi man lang tinago ang pagkatao niya.”“Kung ganun, ano palang habol niya?”Natawa si Helen
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1192

Talagang hindi kapani-paniwalang naloko si Gina na bilhin ang lupang ito na nabanggit ni Juno Enigma kay Frank tungkol sa pagtaas ng halaga nito nang sampung beses. Kahit na binili ito ni Frank sa halagang limandaang milyong dolyar, tataas ang halaga nito at magiging limang bilyon sa loob ng dalawang buwan!Tumatawa pa sina Gina at Cindy kay Frank sa pagiging talunan, ngayong sila ang tunay na talunan dito. Kapag nalaman nila, talagang aatakihin sila sa puso… Ang totoo, maging si Helen ay napanganga sa gulat pagkatapos sabihin sa kanya ni Frank ang tungkol sa impormasyon ni Juno Enigma. “Totoo ba yan?”Tumango si Frank. “Walang duda.”Para lang makasigurado, tinawagan niya si Will Zeller habang nanood si Helen. Kahit na isa siyang bureaucrat na nagtitingin ng lease bids, may kaugnayan siya sa urban development ng Zamri at tiyak na may narinig na siya tungkol dito.Habang nagtaka siya sa tanong ni Frank, sabi niya, “Hindi ko alam ang tungkol sa mga proyektong iyon, Mr. Law
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1193

Kahit na ganun, sira naman na ang pagkakataon, kaya tinapat ni Frank ang phone sa tainga niya at nagsabing, “Nagtingin ako. Napakalaki ng halaga ng lupang iyon.”“Talaga? Paano?” Suminghal si Gina mula sa kabilang linya. Naririnig ni Frank si Cindy na tumawa nang tuwang-tuwa at suminghal pa nga. “Tita Gina, napansin siguro ng talunang yun na nawalan siya nang malaking halaga ng pera at gusto niya ulit itong ibenta sa'yo!”Gayunpaman, hindi nang-away si Frank at kalmadong nagpaliwanag, “May maaasahan akong pinagmulan ng impormasyon. Malapit nang gibain ang mga nakatayo roon dahil magpapagawa sila ng highway sa malapit, at dadagdag nang sampung beses ang halaga nito!”Tumigil si Cindy sa pagtawa sa sandaling iyon at nanahimik si Gina. Pagkatapos, nagtanong si Gina, “Kung ganun, ibig mong sabihin sinasabihan mo kong bilhin ulit ang lupa mula sa'yo?”“Ganun ang ideya ko.” Tumango si Frank. “Tiyak na kikita ka nang malaki kapag ikaw ang naging may-ari, at hindi mo na kailangang umas
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1194

Sumigaw si Cindy nang galit na galit sa sandaling iyon, “Ginawa namin yun para turuan ng leksyon si Frank! Kasalanan niyang palagi siyang nagyayabang sa'min! Dapat niyang akuin ang pagkalugi niya dahil hilig na hilig naman siyang magyabang!”“Tama na yan,” tahimik na sabi ni Frank habang binawi niya ang phone kay Helen sa pag-aalalang baka ma-stroke siya. “Gina, tatanungin kita ulit—maniwala ka sa'kin at bawiin mo ang lupa, at kikita ka ng sampung beses ng halagang pinambili mo rito. Kapag di mo yan ginawa ngayon, wag kang gagawa ng eksena at mag-uutos na ibenta ulit namin yan sa'yo mamaya.”Galit na sumigaw si Gina sa sandaling iyon, “Anong ibig sabihin niyan? Mukha ba akong palengkera para sa'yo?”“Tama,” sabi ni Helen, na pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya habang dismayadong-dismayado siya sa sarili niyang nanay. Huminto sandali Gina, na halatang nagalit. “Helen Lane!” Sigaw niya at kinalimutan ang ugnayan nila. “Talagang sumosobra ka na… Para sa'yo ang lahat ng gi
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1195

“Frank, dalhin mo ko sa opisina ko.”Yakap ni Helen ang mga binti niya, nang may ekspresyon na puno ng lungkot at dismaya. Sabi ni Frank, “Helen, ang totoo—”“Wag mong sabihin, Frank. Naiintindihan ko,” bulong ni Helen, na lumingon sa labas ng bintana para hindi niya siya makitang umiyak. “Wala akong pinagsisisihan.”Pagkatapos manahimik sandali, pinaandar ni Frank ang kotse habang umambon sa labas. Tahimik siyang nagmaneho nang hindi makapali habang dinala niya si Helen sa opisina ng Lanecorp. Bumaba sila, at huminto si Helen sa labas ng pintuan. “Binibigyan kita ng dalawang araw na leave, Mr. Lawrence. Nakakapagod ang nagdaang mga araw… Dapat maghinga ka nang maayos.”Narinig ni Frank ang hikbi sa boses niya at nakita niyang pinilit niya ang sarili niyang ngumiti sa kabila ng pagpipigil ng luha. “Sige.” Tumango siya at nagsimulang umalis dahil alam niyang kailangan niyang mapag-isa.“Oh, at wag mong isipin ang sinabi ng nanay ko,” dagdag ni Helen. “Kahit na baboy ka pa,
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1196

Maraming nagmamaneho ang napanganga sa inggit. Samantala, inapakan ni Frank ang gas pedal, at dumagundong ang Maybach niya habang naglaho ito sa paningin ng lahat. -Kinabukasan sa Riverton University, nakaupo si Winter sa baba ng stage, na kaagad namang nadismaya nang hindi niya narinig ang pangalan ni Frank na nakalista sa mga propesor na naroon. Mukhang umasa siya masyado, pero may katwiran ito—sino ba siya kumpara sa mga taong nakasalamuha ni Frank ngayon?Hindi siya kasing halaga nila, at magiging bastos siya kapag pinilit niya siya sa ganito kaliit na bagay kagaya ng convocation niya. Hinawakan niya nang mahigpit ang toga niya at humapdi and mga mata niya habang inisip niya sa sarili niyang dapat siyang humingi ng tawad kay Frank mamaya. “Ayos lang yan, Winter.” Tinapik ni Jean Zims, ang pinakamatalik na kaibigan niya, ang kamay niya para pagaanin ang loob niya. “Ayos lang kung hindi siya pumunta. Marami kang oras… Ngayon, kumalma ka—kailanngan mong magbigay ng speech
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1197

Kahit na mapagpakumbabang pumasok si Bill sa Riverton University para sa mataas na reputasyon nito, nakarinig si Winter ng mga tsismis na tinuturuan rin siya ni Dan. Bilang estudyante ng may-ari ng Flora Hall ay talagang nakakamangha, at base sa sinabi ni Bill, hindi lang ito basta tsismis at si Dan nga ang guro ni Bill. Sa maikling salita, maliwanag ang kinabukasan niya. Kahit na ganun, malaking sakit sa ulo si Bill para kay Winter, dahil patuloy niya siyang kinukulit sa sandaling nagbalik siya. Hindi niya siya kinaaayawan dahil palagi siyang mabait at magalang, at inudyukan pa nga siya ni Jean na maging kasintahan niya. Kahit na malinaw na naniwala si Jean na mas bagay si Bill kay Winter, hindi napigilan ni Winter na ikumpara siya kay sa bawat isang paraan. At malinaw na wala siyang binatbat, kung kaya't hindi mapilit ni Winter ang sarili niyang tanggapin ang panliligaw ni Bill. Gayunpaman, kahit na patuloy niyang ginamit ang palusot na kamakailan lang sila nagkita, ala
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1198

Sa entablado, nakangiti si Mr. Zims, ang tito ni Jean at isa sa mga head ng department sa Riverton University, habang nag-anunsyo siya, “Medyo iba ang convocation sa taong ito. Inimbitahan ng isang VIP ang maraming mahahalagang panauhin para maggawad ng mga sertipiko. Ngayon, pakalkapan natin si Dan Zimmer, ang chief ng Flora Hall!”Lumabas mula sa back door ang nakangiting si Dan sa imbitasyon ni Mr. Zim at kumaway sa mga estudyante bilang pagbati. “Eh?” Nanigas ang ngiti ni Bill sa ngiti ni Dan. Sa isip niya, palaging seryoso at strikto si Dan. Kaya bakit siya biglang nakangiti ngayon?!Gayunpaman, hindi alam iyon ng ibang mga estudyante at pinalakpakan nila nang napakalakas si Dan hanggang sa namula ang mga kamay nila. Lalo na't sa Riverton, ang lalaking iyon ay isang awtoridad sa medisina! Isang malaking karangalan na siya ang maggawad sa kanila ng mga sertipiko nila, at baka hindi maniwala ang iba sa kanila kapag sinabi nila ang balita!Higit pa roon, dumating siguro si
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1199

Isa itong convocation ng medical school, kaya maiintindihan nilang iimbitahan ang isang awtoridad na kagaya ni Dan Zimmer bilang panauhin. Pero ang Senador ng Riverton? Talagang pambihira ang convocation ceremony na ito!Habang nakatitig sa gulat ang mga estudyante nang lumabas ang isang nakangiting Gerald Simmons na kumaway sa kanila, pumalakpak sila nang malakas nang natauhan sila. “Inimbitahan rin siya ni Bill?” may bumulong sa sandaling iyon. Napasigaw ang lahat at lumingon sa nakatulalang si Bill. “Ano? Oh, oo…” Wala namang nakakagulat, hehe…”Mabilis na tinaas ni Bill ang mga kamay niya para senyasan silang kumalma at parang inamin niya rin ito. "Whoa…"Napanganga ang maraming estudyante—hindi na nga kapanipaniwalang naimbitahan ni Bill si Dan, pero maski ang senador?! Talagang pambihira na iyon!Ano ba talagang koneksyon ang mayroon siya?Habang nagsuspetsa ang mga estudyante, kuminang ang mga mata ng mga babae habang tumingin sila kay Bill. Nagulat silang naitago n
อ่านเพิ่มเติม

Kabanata 1200

“Ano?!”Napanganga ang mga estudyante nang narinig nilang may ibang VIP, at lumingon sila ulit kay Bill. Naramdaman ng lalaki ang konsensya niya, ngunit pinilit niya ang sarili niyang ngumiti at pumalakpak nang para bang alam niya ito. Habang napasigaw at napalingon na naman nang may paghanga ang ibang mga estudyante, hindi pa tapos ang lahat. “Ngayon, imbitahan natin si Robert Quill, ang police commissioner ng Riverton!”“Noel York, ang top actress ng Draconia!”“Kim White, ang head ng White Enterprises!”“Mr. Turnbull ng Grande Pharma…”Habang nagpatuloy si Mr. Zim na banggitin ang mga mahahalagang taong dumating doon, para bang nandito ang lahat ng importanteng tao ng Riverton. Lahat sila ay mga taong kumakatawan sa iba’t-ibang industriya sa Riverton, mga matataas na opisyal ng gobyerno, o mga susing miyembro ng mahalagang pamilya. And bawat isa sa kanila ay kayang payanigin ang Riverton kapag pinandyak nila ang mga paa nila!Sa maikling salita, ang convocation ceremony
อ่านเพิ่มเติม
ก่อนหน้า
1
...
118119120121122
...
135
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status