“Wag mo kong alalahanin, Frank! Umalis ka na!”Sigaw ni Winter, kahit na nanlalaban siya sa hawak ni Bill. Isa talaga siyang mabuting bata. Kumbinsido siyang walang laban si Frank sa limampung nakakatakot na sanggano!“Hah!” Suminghal naman si Bill. “Kasalanan mo to sa pagpapahiya mo sa'kin, pero wag kang mag-alala—pagkatapos ko sa'yo, mamahalin ko nang maayos ang kapatid mo.”Hinila niya si Winter sa buhok, pagkatapos ay pinadaan ang ilong niya sa pisngi niya at huminga nang malalim bago umungol, “Oh, ang kababaihan ng Draconia. Napakatamis talaga ng amoy nila, di ba? Tsk, tsk… Nakakahanga talaga ang kapatid mo! Hahaha!”Habang tumawa si Bill, tumulo ang mga luha ni Winter sa sakit ng anit niya, ngunit nanlaban pa rin siya. “Takbo, Frank!” sigaw niya. “Pasensya ka na talaga… hindi na dapat kita sinabihang pumunta…”Nanatili lang si Frank sa kinatatayuan niya. Pumikit siya at huminga nang matagal. Nang binuksan niya ulit ang mga mata niya, napakalamig ng titig niya. “Bibigya
더 보기