May ere si Silverbell ng isang dalisay na diyosa, kasing puti ng niyebe ang kutis niya, at nanatili ang mga kamay niya sa hita niya habang tinitigan niyang maigi si Maron. “Kung tama ang alaala ko, ang chief dapat ng sect mo ang kikitain ko, Mr. Maron. O baka wala siyang pakialam sa disposisyon ko bilang chief ng Martial Alliance, na magpapaliwanag sa kawalan niya?”Matalim ang mga salita niya sa kanila ng dalisay na itsura niya. Kasing lamig ng tagsibol ang boses niya at nanigas ang mukha ni Maron kahit na pinilit niyang ngumiti. “Hindi totoo yan, Lady Silverbell. Palaging napag-iisa ang tatay ko sa bahay niya araw-araw, pero nasaktan siya kamakailan at nagpapagaling. Ibinigay niya rin ang mga gawain niya sa'kin—”“Kung ganun, sa ibang araw na lang ako babalik.” Tumayo si Silverbell sa sandaling iyon at handa nang umalis. Mabilis siyang pinigilan ni Maron at mapagpaumanhing ngumiti. “Pakiusap, Lady Silverbell. Hindi ibig sabihin nito ay wala kaming kahit na anong kampeon para ku
"Hahaha…"Tumatawa si Maron habang papalapit siya, sabay inakbayan si Frank. “Lady Silverbell, ito ang kaibigan ko, si Frank Lawrence.”“Frank Lawrence…?! Hindi, imposible yan.”Humina sandali ang malamig na mga mata ni Silverbell na nagpakita ng pagtataka at pag-alala. Gayunpaman, nagtagal lang ito ng isang sandali habang nanatili siyang kalmado at itinapon ang mga kaisipang iyon. Nagpunta siya sa East Draconia para kay Frank Lawrence—o Donn Lawrence, sa ibang salita. Si Donn ang anak ni Godwin Lawrence, ang Lord of the Southern Woods. Sinabihan si Silverbell na nakahanap ng tagumpay si Donn sa Riverton at kailangan niyang maglakbay dito para makita siya… para linawin ang lahat at tapusin ang engagement na pinagdesisyunan para sa kanila ng mga magulang nila simula noong mga bata pa sila. Para naman sa lalaking nasa harapan niya… Kahit na pareho sila ng pangalan, hindi dapat nandito sa Southdam si Frank, lalo na ang masangkot sa Sage Lake Sect. Lalo na't ang Sage Lake Sect a
Nakasalalay sayo kung magagawa ko ‘yun ngayong gabi. Hahaha…”Masayang tumawa si Maron habang naglalakad siya palayo, at naiwan si Frank na nakatayo doon, ikinuyom niya ang kanyang mga kamao habang puno ng pagnanais na pumatay ang ekspresyon ng kanyang mukha.Anuman ang mangyari, mamamatay si Maron ngayong gabi!-Hindi nagtagal, sinundan ni Frank ang mga apprentice ng Sage Lake Sect sa isang dojo, kung saan agad niyang nakita ang isang babaeng nakasuot ng puti na bumubunot ng kanyang espada.Binalot ng mahinang pure vigor ang mga elder ng Sage Lake Sect habang pinalilibutan nila ang babae, nagresonate sila ng maayos."Isang combat ward…?" Naningkit ang mga mata ni Frank.Karaniwan itong sinasanay ng mga sect apprentice, nangangailangan ito ng pagsasama ng pure vigor at psyche. Higit pa rito, karamihan ng mga combat ward ay may kakayahang palakasin ang mga indibidwal sa loob nito habang binabawasan ang anumang kahinaan—dahilan upang malampasan nila ang karaniwang kakayahan nila.
Nang makita niya na alam ni Maron kung saan siya lulugar, tumango si Silverbell. “Kung ganun, forfeited na ang application niyo sa Martial Alliance. Lumapit lang kayo ulit sa’min sa Morhen kapag naabot na ng isa sa inyo ang Ascendant rank. Ngayon, ipagpaumanhin niyo, may ibang bagay pa akong kailangan asikasuhin.”Nagsimula siyang umalis, ngunit muli siyang pinigilan ni Maron. “Pakiusap sandali lang, Lady Silverbell.”“Ano?” Lumamig ang ekspresyon ni Silverbell, tumingin siya ng matalim sa mga apprentice ng Sage Lake Sect. “May iba ka pa bang gustong sabihin?”“Oo naman.” Naglakad palapit sa kanya si Maron habang umiiling. “Gaya ng sinabi mo, forfeited na ang karapatan ng sect ko. Pero hindi ka ba sang-ayon na nakakapanghinayang na walang kakayahang lumaban ang tatay ko ngayon, at masasayang lang ang pagkakataong ipinaglaban ng Cloudnine Sect para sa’min?”“Anong sinusubukan mong sabihin?” Naiinis na nagsalita si Silverbell.“Sandali lang, Lady Silverbell.” Magalang na ngumiti si
Habang tumingala si Frank para salubungin ang mga mata ni Silverbell, tahimik niyang sinabi, "Hindi, Lady Silverbell. Ito ang una nating pagkikita, dahil ito ang unang beses kong marinig ang tungkol sa Martial Alliance.""Ang Martial Alliance." Saglit na huminto si Silverbell at nagsimulang magpaliwanag sa ilang kadahilanan, "Ang South Sea Four ang nagtatag ng alyansa, at tanging mga kilalang sekta o paksyon sa Draconia ang inaalok ng isang lugar..."Sa dulo lang siya natauhan, nakasimangot habang iniisip kung bakit niya ipapaliwanag ang Martial Alliance sa isang punk na hindi niya kilala.Swish!Hinampas niya ang kanyang espada, tahimik na nagsalita, "Hindi gaanong nagsasalita. Dahil kinakatawan mo ang Sage Lake Sect para sa kanilang paglilitis, dapat kang maging handa. Ipakita sa akin kung ano ang mayroon ka at kung ang Sage Lake Sect ay sulit sa oras ng alyansa!""Go, go, Frankie!" Pinasaya ni Maron si Frank nang may pekeng sigasig, sabay wagayway ng kanyang telepono kay Frank
Lumapit si Elder Huxley kay Maron, nag-aalangan ang kanyang tono. "Master Maron, hindi ba si Frank Lawrence..."Nagkibit balikat si Maron. "Mas mahusay siya kaysa sa inakala ko, kaya niyang tapatan sa laban ang babaeng ‘yun.""Pero paano ang chief—""Tahimik," sabi ni Maron habang tinitigan niya siya ng masama. "Naghihingalo na siya, kaya tumahimik ka maliban na lang kung gusto mong mamatay tayong lahat!""Masusunod, Master Maron." Bumuntong-hininga si Elder Huxley."Halika, Elder Huxley." Natawa si Maron, nakita ang kanyang pag-aalala. "Alam kong nahihirapan ka bilang isang elder ng ating sekta, nakikita kung ano ang nangyari... pero mas gugustuhin mo bang manatili ang Sage Lake Sect sa maliit na Southdam ng isa pang daang taon?!""Isipin mo na lang sa ibang paraan," patuloy niya na may nakakatakot na ngiti. "Patay na si Bocek Ocean, at malapit na ring mamatay ang tatay ko. Sino pa ba ang makakaalam ng ginawa natin? At kapag natapos na ang laban na ito at napunta na ako kay Silv
Habang tumitindi ang sword duel nina Frank at Silverbell, mas naging maingat si Maron sa alinman sa kanila.Kasabay nito, nadama niyang masuwerte siya na hindi niya nakipag-away nang direkta kay Frank... o magiging bangkay na siya!"Kunin mo ito—Thousand Mile Burst!"Isang blur ang bumagsak mula sa itaas. Sa sobrang bilis para makaiwas si Frank, kinailangan niyang itaas ang kanyang espada para makalaban sa init ng sandali.Clang!Ang pilak na sinag ay nabasag ang espada kahit na tumingin si Frank, at hindi ito tumigil habang patuloy itong nakadiin patungo sa mukha ni Frank."Oof—" ungol ni Frank habang umaatras, at hinawakan niya ang kanyang noo para maramdaman ang pag-agos ng dugo mula sa isang mababaw na gasgas."Natalo ako," sabi niya, ibinato ang hawak sa sahig at lantarang inamin ang pagkatalo."Hindi, nanalo ka," sabi ni Silverbell kahit na lumapag siya, ang kanyang mga daliri ay kumikibot sa kanyang espada.Naghalong emosyon ang tingin niya kay Frank bago umiling. "It
Ang sigaw ni Silverbell ay talagang nagpahinto kay Maron, ngunit muli niyang hinabol si Frank. "Iyon ay sa huling suntok—naglabas si Frank ng isang uri ng pulbos mula sa kanyang manggas. Akala ko ay may nakikita ako, ngunit ito ay totoo!""Nakita ko rin!" Sumigaw si Elder Huxley at hinila ang manggas ni Frank, na natanggal ang isang tumpok ng Passion Dust mula sa manggas ni Frank."Ano..." Natulala si Frank, dahil nakita niyang idiniin ni Elder Huxley ang pulbos sa kanyang manggas noon.Nilapitan lang ni Elder Huxley, bumuntong hininga, "Huwag kang mangahas na makipagtalo. Alam mo kung ano ang mangyayari kung gagawin mo iyon.""F-Frank? Bakit...?!" Si Silvebell ay humihingal, pinagpapawisan ng mga balde habang ang kanyang mga tingin ay hindi nakatuon.Nanatiling tahimik si Frank—kung mananatili siyang inosente, gaganti si Maron sa pamamagitan ng pananakit kay Helen at sa iba pa."See? Natahimik siya kasi nahuli siya!" Tinawanan ng masama ni Maron si Frank at binuhat si Silverbell
Pagkatapos kunin ang Blue Fangs at ihanda sila para bantayan ang mga proyekto, mayroong kakaibang namomroblemang ekspresyon si Frank sa mukha niya asa sandaling nakasakay siya sa kotse niya. “Anong problema, Frank?” mabilis na tanong ni Frank. “Hindi…” Namomroblemang tumingin si Frank sa kanya, ngunit sa huli ay sumuko siya at bumuntong-hininga. “Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo—Ang kliyente mong si Ms. Clarity ay isang assassin na pinakamataas sa Blackrank.”“Ano?!”Nagulat si Helen—nakikita niya mula sa presensya ni Clarity na espesyal siya, pero wala sa hinagap niya ang pagiging top assassin. Nanahimik siya, tuyo ang lalamunan niya habang lumingon siya kay Frank at nahirapang magsalita. “Sinasabi mo bang dapat tanggapin ng Lanecorp ang pagiging kliyente niya?”“Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin.” Umiling si Frank at nagpaliwanag, “Sinabi niya lang sa'kin kung sino siya at hindi man lang tinago ang pagkatao niya.”“Kung ganun, ano palang habol niya?”Natawa si Helen
“Teka, wag kayong magbigay-galang sa'kin.” Kumaway si Frank sa kanila. “Hindi ako interesadong maging gang leaders. Bantayan niyo lang ang mga sarili niyo at lumayo kayo sa gulo.” Pagkatapos, hinablot ni Frank ang mohawk ni Ted at inalog ito, sabay sabing, “At saka, ayusin niyo ang itsura nito. Maghahanda ako ng uniporme para sa lahat—mula sa araw na'to, mga empleyado na kayong lahat ng health and security department ng Lanecorp!”“Ano?” Bulalas ni Ted, na hindi masyadong naintindihan kung anong nangyayari. “Anong ibig mong sabihin sa ‘ano’?! May sasabihin ka ba tungkol diyan?” Tanong ni Frank habang tinitigan ang mga siga. Karamihan sa kanila ay mabilis na lumuhod sa pasasalamat. Hindi nila pinangarap na maging mga siga, dahil karamihan sa kanila ay sinusubukan lang na mabuhay. Minalas lang sila sa kapanganakan nila, kakulangan ng edukasyon, at kakayahan. Dahil dito, kahit na may ilang nag-aalangang sumailalim sa isang malaking kumpanya, karamihan sa kanila ay mukhang napuno
Pagkatapos mag-isip sandali, sabi n Frank, “Kung ganun, may iaalok ako kung gusto niyo kong pakinggan.”“May iaalok ka?” Nabigla si Ted, ngunit lumitaw ang pag-asa sa mga mata niya habang tumingin siya kay Frank. Hindi talaga sila aalis ng Zamri kung hindi kailangan!Tumango si Frank. “Tutulungan kitang pabagsakin ang dalawa pang gang para makabalik ka sa Zamri. Ang kondisyon naman para roon ay pagsisilbihan niyo ang Lanecorp. Sa ibang salita…”Pagkatapos, nakangiti niyang tinuro si Helen at tinapos ang pangungusap niya, “Susundin niyo siya, ang board chairwoman ng Lanecorp.”“Ano?!” Napanganga si Helen. Sa kabilang banda, sinadya rin ni Frank na sumimangot nang nakita niyang nakanganga rin sina Ted at ang mga tauhan niya. “Ano, umaayaw ba kayo?”“Syempre hindi!” Sagot ni Ted. “Hindi kami aalis ng Zamri maliban na lang kung kailangan dahil nandito ang mga kaibigan at pamilya namin. Pero…”Habang naiilang na huminto si Ted, nagpatuloy si Frank, “Pero ano?”“Pero…”Napatitig
Nang makitang handa nang tumakbo ang Blood Wolves, pinigilan ni Frank ang lider nilang si Terry ‘Ted’ Cotton na sumunod sa kanila. Aaminin niyang napabilib siya sa lalaking ito, lalo na't napakadramatiko niya sa suntok niya kanina. Kahit na ganun, napansin ni Ted mula sa isang suntok na iyon na hindi nila kayang manalo laban kay Frank, at sumuko siya. Dito pa lang ay isa na siyang desididong tao. “Sinusubukan niyo bang tumakas? Pwes, huli na ang lahat.” Ibinalik ni Frank ang banta ni Terry, pero di nagtagal ay ngumiti. “Siya nga pala, hindi ito ang buong gang mo, hindi ba?”“Ano…?” Nagbutil-butil ang pawis ni Terry sa tanong ni Frank—atatakihin niya ba ngayon ang Blood Wolves?!Kahit na ganun, lumunok siya at hinanda ang sarili para sumagot. “Tama ka, sir. Maliit na grupo lang kami ng Blood Wolves… merong hindi pagkakasundo sa loob ng gang, at wala akong nagawa kundi lumipat dito kasama ng mga bata ko…”“Hindi pagkakasundo? Talaga?” Lumapit si Frank habang hinihimas ang baba
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita