Home / Romance / Chasing Athena / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Chasing Athena: Chapter 11 - Chapter 20

90 Chapters

Chapter 11: The Decision

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Vanessa nang papasok na kami sa entrance ng school.Tumango ako bilang sagot at maliit na ngumiti sa kan'ya. "Tama na rin 'yon para maka-focus ako sa pag-aalaga sa magiging anak ko," sabi ko.Balak kong tumigil sa pag-aaral. Pagkatapos ng mga nangyari sa'kin mas pinili ko ang magpahinga muna at umiwas sa mga taong balak lamang na husgahan at insultuhin ako. Lalo na ngayon na buntis ako, kailangan kong mag-ingat at alagaan ng husto ang sarili ko."Pero p'wede ka pa namang mag-aral habang buntis ka tutal maliit pa naman ang tiyan mo," aniya."Alam ko pero alam mo naman na maselan ang pagbubuntis ko, 'di ba? Kaunting stress lang maaaring mawala sa'kin ang baby ko at ayokong mangyari 'yon. Ayoko mang tumigil sa pag-aaral pero kailangan kong gawin para sa baby ko," mahinahon na sambit ko.Alam ko naman kung ano ang gustong iparating sa'kin ni Vanessa. Gusto niya na sabay kaming magtapos.Nangako kami noon sa isa't isa na sabay kaming magtatapos
last updateLast Updated : 2023-12-30
Read more

Chapter 12: Big Revelation

"Sino ang may gawa nito?!" Asik ko na ikinagulat ng mga tao sa paligid lalo na ni sir Lim. Lumapit kaagad si Vanessa sa akin at bumulong sa tenga ko."Si .. Lauren," aniya.Hindi na 'ko nagulat pero nakaramdam na kaagad ako ng galit sa katawan. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa niya 'to sa'kin. Wala akong ginawang masama sa kan'ya para ipahiya ako ng ganito.Ito na siguro ang tinutukoy niya kanina pero paano niya nalaman? Sino ang nakapagsabi sa kan'ya kung si tiya Rosa, ninang Lydia, at Vanessa lang ang sinabihan ko tungkol doon?"Y-You're .. pregnant?"Biglang napunta ang tingin ko kay sir Lim na ngayon ay nakatingin sa cellphone niya. Kaagad siyang nag-angat ng tingin ngunit may bahid na ng pagkagulat ang mukha niya.Dumagundong ang kaba sa dibdib ko, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin na hindi niya mapapansin na nagsisinungaling ako sa kan'ya. Hindi niya p'wedeng malaman na buntis ako kasi may posibilidad na sabihan niya kaagad ang kaibigan niya."Uhm.. huwag po ka
last updateLast Updated : 2024-01-02
Read more

Chapter 13: New Life, New Problem?

Nakangiti habang pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa playground. Parang nakakawala ng stress at pagod kapag ganito ang mga nakikita mo. 'Yong tawa at ngiti nila na nagpapasaya at bumubuo ng araw mo.After ng mga ilang oras na paglilinis sa bahay, dito ko naisipang pumunta para makapag-relax at makapag-enjoy naman kahit papa'no. Sinusulit ko na lang ang day-off ko kasi bukas may pasok na ulit sa trabaho at for sure nakakapagod na naman 'yan. Pero kinakaya ko naman para sa kinabukasan ng pamilya ko."Heto na ang ice cream, Thena," nakangiting sambit ni Vanessa sabay abot sa'kin ng isang cone ng ice cream. Kinuha ko naman kaagad ito at nagpasalamat sa kan'ya."Salamat, akala ko pa naman balot ang bibilhin mo," sabi ko."Eh, wala pang nagtitinda baka mamayang hapon pa 'yon," aniya.Bigla siyang huminto at tumingin sa'kin nang may pang-aasar. Ano na naman kaya ang iniisip niya?"Don't tell me .. buntis ka ba?" Tanong niya na ikinagulat ko."Anong buntis ka d'yan? G-Gusto ko lang k
last updateLast Updated : 2024-01-05
Read more

Chapter 14: Aaron Sandoval

"Anak.."Napalingon ako agad nang marinig ko ang boses ni tiya Rosa. Kararating niya lang galing palengke. Sumabay siya kanina kay Vanessa no'ng umalis na ito at sabi niya bibili lang daw siya ng uulamin namin.Kaagad ko siyang sinalubong sa may pinto nang makita ko siya na maraming bitbit na malalaking plastics na may laman ng mga pinamili niya at dalawang paper bag. Nakapagtataka man pero hindi na muna ako nagtanong."Salamat anak, nasa'n nga pala ang anak mo? Hindi ko siya nakitang naglalaro doon sa kapitbahay natin," aniya habang nililibot ang tingin sa buong bahay."Nando'n po siya sa kwarto niya, inaayos ang mga gamit niya sa school. Bukas po kasi may pasok na siya," tugon ko at nilapag ang mga dala nito sa ibabaw ng mesa."Oo nga pala .. ang sipag naman ng batang 'yon, hindi na umaasa sa 'yo sa pag-aayos ng mga gamit niya.""Kaya nga po, hindi ko na siya tinulungan kasi kaya niya naman na raw kaya ayun iniwan ko na lang siya sa kwarto niya. Babalikan ko na lang maya-maya pero p
last updateLast Updated : 2024-01-06
Read more

Chapter 15: Strange

"Nak, nandito na sa loob ng bag mo ang baon mo, okay? Then ang tumbler mo nandito na rin. Inom ka nang maraming tubig at ubusin mo ang pagkain mo, okay?" Paalala ko sa anak ko. Tumango naman ito bilang sagot at ngumiti sa akin.Nagsusuot siya ng kan'yang sapatos. Balak ko sana siyang tulungan pero ayaw niya, big boy na raw siya at kaya niya na. Natutunan ng maging independent nang anak ko."Thank you po, mommy," pasalamat nito at niyakap ako pagkatapos niyang magsuot ng sapatos."You're welcome, anak .. be a good boy, hmm? Huwag makulit at makinig ng mabuti kay teacher.""Yes po, mommy," nakangiting sambit niya at sumaludo pa ito na parang sundalo. Tumawa na lang ako at sabay na kinurot siya sa pisnge.Nang masigurado ko na wala na 'kong nakalimutang dalhin, lumabas na rin kaming dalawa ni Aaron sa bahay. Matapos kong ma-lock ang pinto nagtungo na rin kami sa garahe ng sasakyan. Nandoon na si tiya Rosa at naghihintay sa amin.'Yong sasakyan, regalo sa akin 'yon no'ng birthday ko noong
last updateLast Updated : 2024-01-08
Read more

Chapter 16: New CEO

Pagkatapos naming mag-log in ni Maurice, pumasok na rin kami kaagad sa office at nagsitungo sa mga table namin. Pagkaupo ko, nag-retouch lang ako konti ng sarili at nilabas na rin ang ilang mga gamit ko including laptop, notebook, at ballpen."Good morning, Thena," bati sa'kin ni Paula, isa rin sa mga ka trabaho ko."Good morning, Pau, kumusta ang biyahe?" Tugon ko habang sinusuklay ang nakalugay kong mahabang buhok.Naupo kaagad siya matapos ibaba ang dalang bag sa ibabaw nang mesa. Hindi nito napigilan ang mapabuntong hininga. Siguro pagod sa biyahe at lalo na sa iba pang gawain."Hays, super nakakapagod .. naabutan ako ng traffic sa may EDSA pero buti nalang nakaalis din kung hindi baka na late na 'ko," aniya pero bakas ang inis sa boses niya. "Nakasabay ko pa sa elevator 'yong bagong boss natin. Diyos ko 'yong kaba ko umaapaw dahil sa presensiya niya. 'Yong tingin pa lang niya masasabi mo nang hindi mabait," dugtong niya.Parang bigla rin akong kinabahan. Paano nga kung gano'n? Ay
last updateLast Updated : 2024-01-08
Read more

Chapter 17: Worries

Bago pa 'ko makagawa ng eksena rito ay kaagad na 'kong nagdesisyon na lisanin ang silid na ito. Kahit ang daming tao rito sa loob at sobrang siksikan ay nagawa kong makatakbo at makalabas.Nang makalabas ako sa conference room, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sobrang ramdam ko ang panginginig ng buong katawan at pagsikip ng dibdib ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.Kaya ko pala nararamdaman 'to kasi nand'yan siya, kasi malapit lang siya sa'kin. Hindi ko inaasahan na siya ang tinutukoy ni Mrs. Montero kasi buong akala ko 'yong lalaki na nakasabay namin sa elevator kanina ang magiging bagong CEO ng kompanya at bagong boss namin. Pero nagkamali pala ako, hindi siya 'yon kundi 'yong lalaki na ayoko nang makita pa habambuhay.Ano ang gagawin ko?Magre-resign na ba 'ko sa trabaho?Babalik na ba ulit kami ng Bukidnon?Diyos ko, ano'ng gagawin ko? Ayoko namang mag-resign sa trabaho dahil lang sa kan'ya.Pero paano kung matatandaan niya 'ko? Paano kung kausapin niya
last updateLast Updated : 2024-01-13
Read more

Chapter 18: Zachariah Elliott Montero

Kanina ko pa pinag-iisipan ang sinabing pabor ni Mrs. Montero. Pero kahit humindi ako hindi naman na mababago kasi pumayag na 'ko kanina. Parang nagsisi tuloy ako sa naging desisyon ko. Ipagdarasal ko na lang na sana walang mangyaring problema sa opisina niya para hindi ko siya makita."Mommy."Napalingon kaagad ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng anak ko. At nakita ko siyang may dalang bondpaper. Parang alam ko na kung ba't siya nandito."Yes, anak? Lapit ka kay mommy," sagot ko at agad naman siyang lumapit sa akin. "Ano bang kailangan ng baby boy ko?" Malambing na sambit ko na ikinatawa niya."Mommy, hindi na po ako baby," nakangusong tugon niya. "Big boy na po ako," dugtong pa niya at dahilan para halikan ko siya sa pisnge."Alam ko pero ikaw pa rin ang baby boy ni mommy, hmm? Hindi na magbabago 'yon. So, ano ang kailangan mo kay mommy?""Pinapabigay po 'to ni teacher tapos sabi po niya kailangan niyo po raw permahan." Aniya sabay abot sa'kin ng bondpaper.Binasa ko naman aga
last updateLast Updated : 2024-01-17
Read more

Chapter 19: Ruthless CEO

Nandito pa rin ako sa clinic, nagpapahinga. Mga isang oras at kalahati na yata akong nandito pero hindi pa 'ko makaalis kasi sabi ng nurse manatili raw muna ako.Pagkarating ko rito kanina kasama ang secretary ng boss ko, tiningnan kaagad ang blood pressure ko tapos ang daming tanong nong nurse pero puro oo at hindi lang naman ang sagot ko kan'ya. Wala naman kasi akong nararamdamang masakit sa katawan ko. Sad'yang puyat lang talaga ako at pagod. Kaso ang lalaking 'yon, mas'yadong OA at dito talaga ako dinala.Pero nagpapasalamat pa rin naman ako kasi kung hindi ako dinala rito hindi ko malalaman na biglang bumaba ang blood pressure ko dahil lang sa matinding puyat at pagod. Kaya pinagpahinga muna ako rito ng nurse at pinainom rin ako ng gamot."Miss Athena, aalis po muna ako. May gagawin lang po ako saglit," paalam nito."O sige, Nurse Anne, aalis na rin naman ako maya-maya. Salamat sa tulong mo," sagot ko."Walang anuman, miss Athena. Kapag nahilo po kayo tumawag lang po kayo kaagad
last updateLast Updated : 2024-01-21
Read more

Chapter 20: Important File

Nandito na 'ko sa harap ng office ni boss. Pero wala akong lakas ng loob para kumatok. Kinakabahan ako baka kasi sigawan niya rin ako. Ayaw ko kasi ng gano'n, ayoko na sinisigawan ako.Bago ako pumunta rito, kinausap muna ako ng supervisor ko. Sabi niya, gawin ko raw ang lahat para ma-retrieve 'yong file na nabura ni Paula. Bigla akong na pressure nang sabihin niya 'yon. Paano kasi kung hindi ko magawa? Baka bigla rin akong tanggalin sa trabaho."Kaya mo 'to, Athena," sabi ko sa sarili at kumatok ng tatlong beses sa pinto bago pumasok.Nadatnan ko siyang nakatayo habang may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya mula sa'kin kaya hindi ko makita kung ano ang reaksiyon nito. Pero paniguradong galit pa rin ito dahil sa nagawa ng ka trabaho ko.Napabuntong hininga ako ng malalim bago lumapit sa table niya. Ayoko na muna siyang tawagin baka makaistorbo lang ako at magalit pa ito. Pero ngayon, nakaramdam na naman ako ng galit dahil sa kan'ya."Athena, 'wag ngayon," sabi ko sa sarili at mulin
last updateLast Updated : 2024-01-23
Read more
PREV
123456
...
9
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status