Pagkatapos naming mag-log in ni Maurice, pumasok na rin kami kaagad sa office at nagsitungo sa mga table namin. Pagkaupo ko, nag-retouch lang ako konti ng sarili at nilabas na rin ang ilang mga gamit ko including laptop, notebook, at ballpen."Good morning, Thena," bati sa'kin ni Paula, isa rin sa mga ka trabaho ko."Good morning, Pau, kumusta ang biyahe?" Tugon ko habang sinusuklay ang nakalugay kong mahabang buhok.Naupo kaagad siya matapos ibaba ang dalang bag sa ibabaw nang mesa. Hindi nito napigilan ang mapabuntong hininga. Siguro pagod sa biyahe at lalo na sa iba pang gawain."Hays, super nakakapagod .. naabutan ako ng traffic sa may EDSA pero buti nalang nakaalis din kung hindi baka na late na 'ko," aniya pero bakas ang inis sa boses niya. "Nakasabay ko pa sa elevator 'yong bagong boss natin. Diyos ko 'yong kaba ko umaapaw dahil sa presensiya niya. 'Yong tingin pa lang niya masasabi mo nang hindi mabait," dugtong niya.Parang bigla rin akong kinabahan. Paano nga kung gano'n? Ay
Bago pa 'ko makagawa ng eksena rito ay kaagad na 'kong nagdesisyon na lisanin ang silid na ito. Kahit ang daming tao rito sa loob at sobrang siksikan ay nagawa kong makatakbo at makalabas.Nang makalabas ako sa conference room, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sobrang ramdam ko ang panginginig ng buong katawan at pagsikip ng dibdib ko. Hindi ko na rin napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko.Kaya ko pala nararamdaman 'to kasi nand'yan siya, kasi malapit lang siya sa'kin. Hindi ko inaasahan na siya ang tinutukoy ni Mrs. Montero kasi buong akala ko 'yong lalaki na nakasabay namin sa elevator kanina ang magiging bagong CEO ng kompanya at bagong boss namin. Pero nagkamali pala ako, hindi siya 'yon kundi 'yong lalaki na ayoko nang makita pa habambuhay.Ano ang gagawin ko?Magre-resign na ba 'ko sa trabaho?Babalik na ba ulit kami ng Bukidnon?Diyos ko, ano'ng gagawin ko? Ayoko namang mag-resign sa trabaho dahil lang sa kan'ya.Pero paano kung matatandaan niya 'ko? Paano kung kausapin niya
Kanina ko pa pinag-iisipan ang sinabing pabor ni Mrs. Montero. Pero kahit humindi ako hindi naman na mababago kasi pumayag na 'ko kanina. Parang nagsisi tuloy ako sa naging desisyon ko. Ipagdarasal ko na lang na sana walang mangyaring problema sa opisina niya para hindi ko siya makita."Mommy."Napalingon kaagad ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng anak ko. At nakita ko siyang may dalang bondpaper. Parang alam ko na kung ba't siya nandito."Yes, anak? Lapit ka kay mommy," sagot ko at agad naman siyang lumapit sa akin. "Ano bang kailangan ng baby boy ko?" Malambing na sambit ko na ikinatawa niya."Mommy, hindi na po ako baby," nakangusong tugon niya. "Big boy na po ako," dugtong pa niya at dahilan para halikan ko siya sa pisnge."Alam ko pero ikaw pa rin ang baby boy ni mommy, hmm? Hindi na magbabago 'yon. So, ano ang kailangan mo kay mommy?""Pinapabigay po 'to ni teacher tapos sabi po niya kailangan niyo po raw permahan." Aniya sabay abot sa'kin ng bondpaper.Binasa ko naman aga
Nandito pa rin ako sa clinic, nagpapahinga. Mga isang oras at kalahati na yata akong nandito pero hindi pa 'ko makaalis kasi sabi ng nurse manatili raw muna ako.Pagkarating ko rito kanina kasama ang secretary ng boss ko, tiningnan kaagad ang blood pressure ko tapos ang daming tanong nong nurse pero puro oo at hindi lang naman ang sagot ko kan'ya. Wala naman kasi akong nararamdamang masakit sa katawan ko. Sad'yang puyat lang talaga ako at pagod. Kaso ang lalaking 'yon, mas'yadong OA at dito talaga ako dinala.Pero nagpapasalamat pa rin naman ako kasi kung hindi ako dinala rito hindi ko malalaman na biglang bumaba ang blood pressure ko dahil lang sa matinding puyat at pagod. Kaya pinagpahinga muna ako rito ng nurse at pinainom rin ako ng gamot."Miss Athena, aalis po muna ako. May gagawin lang po ako saglit," paalam nito."O sige, Nurse Anne, aalis na rin naman ako maya-maya. Salamat sa tulong mo," sagot ko."Walang anuman, miss Athena. Kapag nahilo po kayo tumawag lang po kayo kaagad
Nandito na 'ko sa harap ng office ni boss. Pero wala akong lakas ng loob para kumatok. Kinakabahan ako baka kasi sigawan niya rin ako. Ayaw ko kasi ng gano'n, ayoko na sinisigawan ako.Bago ako pumunta rito, kinausap muna ako ng supervisor ko. Sabi niya, gawin ko raw ang lahat para ma-retrieve 'yong file na nabura ni Paula. Bigla akong na pressure nang sabihin niya 'yon. Paano kasi kung hindi ko magawa? Baka bigla rin akong tanggalin sa trabaho."Kaya mo 'to, Athena," sabi ko sa sarili at kumatok ng tatlong beses sa pinto bago pumasok.Nadatnan ko siyang nakatayo habang may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya mula sa'kin kaya hindi ko makita kung ano ang reaksiyon nito. Pero paniguradong galit pa rin ito dahil sa nagawa ng ka trabaho ko.Napabuntong hininga ako ng malalim bago lumapit sa table niya. Ayoko na muna siyang tawagin baka makaistorbo lang ako at magalit pa ito. Pero ngayon, nakaramdam na naman ako ng galit dahil sa kan'ya."Athena, 'wag ngayon," sabi ko sa sarili at mulin
Wait! Naguguluhan ako. Hindi ko inaasahan na gano'n ang sasabihin niya.So ibig sabihin niyan, 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina ay hindi 'yong na delete ni Paula?Eh, pa'no 'yong file na nahanap ko kanina? Wala lang? Walang sense gano'n?Pinagtitripan niya ba 'ko? O gusto niya lang talagang sukatin ang patience ko at kung hanggang saan ang kaya kong gawin dito sa kompanya niya?"Marriage Proposal?! Ibig sabihin ba niyan ikakasal na si Sir Zach?" Gulat na sambit ni Maurice.Bigla namang tinakpan ni Paula ang bibig niya. Napalakas kasi ang pagkakasabi nito pero buti na lang walang nakarinig kasi unti-unti na ring nagsilabasan ang mga kasama namin dito sa office para mag-lunch."Shh! Hinaan mo lang ang boses mo, baka marinig pa tayo ng kabilang department. Pero hindi naman ako sigurado kung para sa kan'ya 'yon, eh," saad ni Paula.Hindi na 'ko nakinig sa pinag-uusapan nila. Kasi iniisip ko pa rin 'yong file na pinapahanap niya sa'kin kanina.Hindi ko pa rin talaga maintindiha
Akala ko umuwi na siya pero hindi pa pala. Siguro may ginagawa pa siya sa office niya. Pero pakialam ko ba?Ngayon nagkaroon na 'ko ng dahilan para umuwi na.Ayoko na siyang makausap o makasama. Buong araw ko na siyang nakikita at nakakausap. At sobrang na iimbyerna na 'ko."Uuwi pa lang po, Sir," sagot ko at kaagad ng tumayo para ayusin ang mga gamit ko sa mesa.Akala ko aalis na siya pero hindi. Nasa labas pa rin siya ng office at nakasandal sa pinto habang nakatingin sa akin.Ano balak niya 'kong panuorin? Wala siyang balak umalis?"S-Sir, may kailangan po kayo sa'kin?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kan'ya.Hindi kasi ako maka-concentrate sa pag-aayos ng mga gamit ko dahil sa presensiya niya. Lalo pa ngayon na pinapanuod niya ang bawat galaw ko.Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang weird niya ngayong araw at nagtataka na 'ko sa mga kinikilos niya mula pa kaninang umaga."Nothing, uhm.. take care," tugon nito nang mag-angat ako ng tingin. At agad na rin siyang umalis.Take care?Hay
Napahiga ako sa table matapos kong gawin ang pinapautos sa'kin ng supervisor ko. Saktong-sakto na before lunch saka ko natapos. Ayoko kasing magmadali sa pagkain lalo na kapag may iniisip na gawain na kailangang tapusin before the deadline. Mabuti ngayon natapos ko, wala na 'kong iisipin mamaya habang kumakain.Dalawang araw na ang lumipas at gano'n pa rin naman ang ginagawa ko sa trabaho. Paggawa ng report, pag-aayos ng computer network, pagre-retrieve ng mga naburang files, at kung anu-ano pa. Nakakapagod pero kakayanin para sa pinanghahawakan kong trabaho at para sa pamilya ko.Dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Sir Zach simula no'ng ma-stuck kaming dalawa sa elevator. Siguro na busy lang din siya sa pagtatrabaho. Sabi sa'kin ni Maurice kanina, marami raw nagsidatingan na mga investors, media, at business associates kahapon. At ilang beses din siyang nagpatawag ng meeting sa finance at marketing department mula kaninang umaga.Mabuti na nga lang na naging busy siya para hin
Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin
"Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun
"I've loved you for a long time." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko. Ngunit bigla na lang pumatak ang mga luha niya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin, pero naging daan 'yon para malaman ko na nagsasabi nga nang totoo si Yael. At ngayon, nabigyan na ng kasagutan ang mga sinabi niya sa akin.Mahal niya 'ko.Mahal ako ni Zach. Pero kailan pa? Kailan nagsimula?"I met you when I was in 3rd year high school, during the school fair. You were sitting alone on a bench. I was about to approach you, but I was too shy. I wanted to introduce myself to you at that time, but I was afraid you might avoid me. I don’t know if what I felt that time was love at first sight, but since that day, when I saw your sweetest and brightest smile, I didn’t want you out of my sight," pagkuwento niya dahilan para bigla akong mapaisip.Hindi ko na maalala ang mga sinabi niya. Noong high school ako
“Okay ka lang?” Tanong ni Vanessa nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta sa penthouse. Tumango na lamang ako bilang sagot habang nakatingin sa labas ng sasakyan.“Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Yael?” Tanong ko bago tumingin sa kaniya.Ayokong maniwala sa sinabi nito pero may nag-uudyok sa’kin na maniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ito, at kung bakit pero sa tingin ko daan ‘yon para malaman ko ang totoong kasagutan sa mga nangyari noon.“If I based it doon sa kinuwento mo, yes nagsasabi siya ng totoo. Because what's the point if he’s going to lie, right? ‘Tsaka halatang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa’yo,” sagot ni Vanessa.Tama siya pero nang dahil sa galit ko ro’n sa tao, hindi ko hinayaan ang sarili ko na maniwala. Kasi mas pinandigan ko ang mga pinaniwalaan ko kaysa sa mga sinabi niya.“You should ask Zach about it, kung gusto mo talagang malaman kung totoo ba ang mga sinabi niya sa’yo. Pero paano kung totoo ‘yon, ano’ng gagawin mo?”“Hindi ko alam, hind
“Mommy, I missed you. Kailan ka po makakauwi rito sa bahay?” Malungkot na tanong ni Aaron, ngunit bakas sa mukha niya na kagagaling lang sa pag-iyak.“I missed you, too, anak. Bukas makakauwi na si mommy d’yan,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.Kausap ko siya through video call kasi hindi ko siya pinayagan na bisitahin ako rito. Ayoko lang kasi na mag-alala siya sa’kin at baka masaktan ko lang siya kapag nalaman niya na hindi kami magkaayos nang daddy niya.Hindi pa niya alam ang nangyari, pero wala akong balak na sabihin ‘yon sa kaniya.“Mommy, nand’yan po ba si daddy sa ospital? Kasama niyo po ba siya?” Tanong nito na ipinagtaka ko.“W-Wala siya rito sa ospital. Alam mo ba kung anong oras siya umalis d’yan?” Sagot ko, at napatingin sa direksyon ni Vanessa. Mukhang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating sa kaniya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.“Hindi po, mommy, eh. Paggising ko po kaninang umaga, wala na siya rito sa bahay. Pero sabi po niya sa’kin kagabi bibisita
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bigla na lamang akong natahimik dahil sa sinabi niya, pero nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko. At kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.Bakit hindi sinabi sa'kin ni Zach o ni Yael ang tungkol do'n? Bakit bigla rin silang natahimik dahil sa sinabi ni Lauren? Ibig sabihin ba niyon, totoo ang sinabi niya?Putangina. Sobrang sakit ng ginawa nila sa'kin."Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw ang inutusan ng boss mo na ihatid si Ellie? Well, in the first place hindi naman tama na ikaw ang maghatid sa kaniya since babae ka."Bakit hindi ko naisip 'yan noon? Bakit hinayaan ko ang sarili ko na ihatid siya? Bakit hindi ako humindi sa utos ng boss ko?"Because everything was already planned, Athena! You were the one Ellie’s friends fancied, so they chose you as a gift for him. At ang may pakana nang lahat ng 'yon ay walang iba kundi si Yael!" Galit na sigaw ni Lauren sabay lingon sa direksyon ni Yael.Napatingin ako sa direksyon niya at ni Zach. Wal
“Saan ka nanggaling?” Tanong ko habang nilalagyan niya ng panibagong benda ang paa ko.“Bumili lang ako ng gamot at prutas para sa’yo. I wasn't able to tell you because of what happened earlier," tugon niya bago tumingin sa akin.Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Buong akala ko kasi umalis siya dahil nagalit siya sa sinabi ko sa kaniya kanina, pero hindi naman pala. Sa kabila nang nangyari, ako pa rin ang iniisip niya. Pinagsisihan ko tuloy ang mga naging asal ko sa kaniya kanina.“I’m sorry, Athena,” aniya na ikinagulat ko.Bakit siya nag-so-sorry sa’kin? Ako ‘tong may kasalanan at hindi siya."I'm sorry for leaving you here, and I'm sorry if I’ve been too hard on you. I just want to make sure nothing bad happens to you. But please don’t ever think that I don’t care about you, because I always do, Athena,” sensirong sambit niya habang titig na titig sa mga mata ko.Hindi ako nakasagot sa halip nakipagtitigan lang din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero ang gusto
“Nahanap niyo ba siya?” Tanong ko kay Paula at Trixie na kararating lang galing sa isang bar dito sa resort. Ngunit umiling silang dalawa bilang sagot dahilan para mas lalo akong nalungkot.Napatakip ako ng mukha at napabuntong hininga nang malalim. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Mukhang halos ‘ata ng shops, bars, at sa kahit na alin mang sulok nitong resort ay napuntahan na namin. Pero hindi pa rin namin siya nahanap.“Na check niyo ba sa villa na tinutuluyan niya?” Tanong ni Maurice habang nakahawak sa baywang niya, at halatang stress na rin sa paghahanap.“Doon na ‘ko nanggaling pero wala siya ro’n,” sagot ko at tuluyan ng napaupo sa buhangin.Saan ka ba nagpunta, Zach? Kung saan-saan na kita hinanap.Balak ko siyang kausapin, at humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina. Nagpatulong na ‘ko kina Maurice na hanapin siya pero hindi pa rin namin siya nahanap. Imposible naman na umuwi ‘yon, at iwan ako rito. Sa tingin ko naman hindi niya magagawa ‘yon kahit n
“Okay ka lang ba?” Tanong ni Maurice nang makaupo siya sa tabi ko. Tumango na lamang ako bilang sagot at muling napatingin sa papalubog na araw.Nandito ako ngayon sa dalampasigan kasama siya. Pinuntahan niya ‘ko ro’n sa villa para sunduin. Ayaw niya raw kasi na hindi ko ma-enjoy ang pag-stay namin dito sa resort. Kaya sumama na lang ako sa kaniya at siya na rin ang umalalay sa akin papunta rito.“Parang hindi naman,” aniya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.“Pa’no mo nasabi? Okay lang ako, promise,” sabi ko pero tinawanan niya lang ako.Para din siyang si Vanessa, tatawanan lang ako kapag hindi ako nagsasabi nang totoo. Namiss ko na tuloy ang kaibigan ko. Balak ko sana siyang isama rito pero ang sabi ng loka busy daw siya sa trabaho niya kaya hindi ko na siya pinilit.“P’wede mo namang sabihin sa’kin. Makikinig ako at hindi ko sasabihin sa kahit na sino, promise.”Gusto ko naman talagang sabihin sa kaniya kaso nahihiya ako.“Tungkol ba ‘yan kay sir Zach?” Aniya at nanunuksong nap