All Chapters of Jojo and Coco's Unexpected Love: Chapter 221 - Chapter 230

366 Chapters

Kabanata 221 Ayaw Kong Magpigil

Niyakap ni Joseph si Chloe at siniksik ang mukha niya sa leeg nito. Saka niya sinabi, “Malalaman ko rin pagkatapos ko imbestigahan.”“Hmm.” Nahigpitan si Chloe sa yakap ni Joseph, kaya medyo nagpumiglas siya. “Bitaw na. Hindi ako makahinga.”“Hindi. Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo ako hinahalikan.”Hinawakan ni Chloe ang gwapong mukha ni Joseph at mabilis itong hinalikan sa labi bago magtanong, “Pwede mo na ba akong bitawan?”Habang ninamnam ang sensasyon sa mga labi niya, nagdilim ang mga mata ni Joseph bago yumuko at muling hinalikan si Chloe, pero sa ngayon ay mas malalim na.Makalipas ang ilang sandali, tinulak ni Chloe si Joseph palayo. “Okay, tama na. Hindi natin dapat ‘to ginagawa sa opisina.”Nagliwanag sa saya ang matalim na mga mata ni Joseph. “Okay, itutuloy natin kapag nakauwi na tayo mamaya.”Alam ni Chloe ang ibig niyang sabihin kaya naman namula siya. Nahihiya niyang tiningnan si Joseph. “Kasisimula pa lang ng relasyon natin. Hindi mo kailangan magmadali na
Read more

Kabanata 222 Baka Hindi Ganoon Kasama si Xavia

Tinanong ni Chloe si Xavia kung tungkol saan ang pag-uusapan nila at tinanong kung pwedeng sa text na lang nila pag-usapan, pero hindi sumagot si Xavia.Ang binigay na oras ni Xavia ay isang oras bago umalis sa trabaho si Chloe. Pagkatapos mag-isip, nag-desisyon siyang tumayo at sumakay ng elevator pababa.Sa baba lang naman yun at hindi siya magtatagal.Sa labas ng building, tahimik na naghihintay si Xavia habang hawak-hawak ang isang payong. Hindi maganda ang kulay niya. Nakasuot siya ng sweater para hindi makita ang suot niyang hospital gown sa loob. Malinaw na dumiretso galing sa ospital.Tumaas ang mga kilay ni Chloe. “Anong magagawa ko para sa iyo?”“Pasensya na ulit sa abala.”“Diretsuhin mo na lang ako.”“Sumasailalim ako sa chemo sa ospital, kaya wala akong oras para alagaan si Oreo. Nag-aalala ako ilagay si Oreo sa boarding, pwede niyo ba munang alagaan ni Joseph ang aso ko?”Ang unang sagot ni Chloe ay tanggihan si Xavia. Kapag hinayaan niyang tumira si Oreo sa villa
Read more

Kabanata 223 Iwanan Mo Si Joseph at Mamuhay Ka Nang Masaya

“Siyempre hindi. Manyakis lang ang gumagawa nun,” Biro niya bago siya magpaliwanag nang seryoso, “Dito nakatira ang kaibigan ko. Kumain ako sa bahay niya at lumabas ako para magpahangin. Gusto ko rin malaman kung makakasalubong kita. Well, patunay lang ‘to na nakatadhana tayong magkita.”Tumango si Chloe. Naisip niyang sapat na siguro ang paglalakad ng mga aso at nag-desisyon na siyang umuwi. Hindi niya inaasahan na may lalabas na isang pusa sa damuhan, parehong nagwala sina Oreo at Toto. Sinunggaban nila ang pusa para makipaglaro.Kasunod nito ay nahila si Chloe, nawalan ng balanse at natumba paharap.Mabilis na kumilos si Icarus at hinawakan siya bago kinakabahang nagtanong, “Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako.” Tinapik ni Chloe ang dibdib para pakalmahin ang sarili. Umalis siya sa pagkakahawak ni Icarus. “Salamat. Mapaplakda sana ako.”“Walang anuman.”Pagkatapos nito, magaang pinalo ni Chloe ang balakang nina Toto at Oreo bilang parusa. Tila naintindihan naman yun ni Oreo. Buma
Read more

Kabanata 224 Walang Interes

Nanlaki ang mga mata ni Chloe. Nang mapansin niya ang mapang-asar nitong ngiti, gumaan ang pakiramdam niya at suminghal, “Ikaw ang nakikipagkita sa ibang babae.”“Wala akong interes sa mga lalaki.”Pagkatapos nito, naalala ni Joseph ang tungkol sa tawag na natanggap niya kay Lucas kanina, naging seryoso ang boses niya. “Hindi magkakilala sina Calvin at Karen.”Napatikom ang mga labi ni Chloe. “Kung ganoon, imposibleng gusto ni Calvin si Ava dahil kay Karen. Ibig sabihin ba ay gusto niya lang talaga si Ava?”Maraming matatanda ang mag-aampon kapag wala silang anak. Kahit na hindi ganoon kahanga-hanga si Ava, magaling naman siyang umarte, at baka may hilig si Calvin sa mga tusong babae.“Dun na natatapos ang clue na yun pero may isa pa akong nalaman.”“May nahanap kang ibang clue?” Nanlaki ang charming na mga mata ni Chloe at naghihintay habang nakatitig kay Joseph.Marahang sumagot si Joseph, pinapaasa si Chloe. “Sasabihin ko sa iyo kapag ginalingan mo.”Namula nang sobra si Chl
Read more

Kabanata 225 Ang Mamamatay-tao na Si Benjamin

Sumagot si Joseph, “Ganoon na nga.”Nalaman ni Lucas na ang buwan kung kailan ipinanganak ni Karen si Ava ay ang parehong buwan na nabuntis si Luciana. Halos araw-araw na kasama ni Benjamin si Luciana.Naalala ng hospital staff na may ibang lalaki na paminsan-minsang bumisita kay Karen, at lagi silang nag-aaway. Sensitibo ang usapan nila, na ang lalaking nakabuntis kay Karen ay kasal na. Kaya naman, malalim ang impresyon ng hospital staff sa insidente. “Wow…” Nanlamig si Chloe. “Alam mo ba kung sino ang lalaking yun?”“Hindi pa, pero baka makuha natin ang sagot bukas.”Matapos malaman ang tungkol sa pagtataksil, hindi makatulog si Chloe. Abala siya sa pag-aayos ng mga clue na nakuha niya.Hindi na nakapagtataka kung bakit pinili ni Karen na makipagbalikan kay Benjamin nang taon na yun. Malaki ang posibilidad na gusto niyang maghanap ng tatay para sa anak niya. At dahil siguro kay Karen kaya kahit bata pa lang ay napakasama na ni Ava.Napaisip si Benjamin kung mababaliw ba si Ben
Read more

Kabanata 226 Sir, Phone Ko ‘Yan

Mahigpit na nakayukom ang mga kamao ni Chloe, nag-aalab sa galit ang namumula niyang mga mata. Nabalot siya ng galit habang sinasabi, “Oo, hayaan mong magdusa si Benjamin bilang kapalit ng lahat ng ginawa niya!”Gusto niyang maranasan ni Benjamin ang hirap na pinagdaanan ng nanay niya bago ito pumanaw.Tiningnan ni Lucas si Wren at nagtanong, “Sir, anong gagawin natin sa kaniya?”“Pabalikin mo na siya. Baka kailanganin pa natin siya bilang witness.”*Mabigat ang puso ni Chloe, pero sa gulat niya, kinansela lahat ni Joseph ng morning meetings niya at sinamahan siya nito buong maghapon. Nakayakap siya sa baywang nito, umiiyak at naghahanap ng kapayapaan sa presensya nito hanggang sa tuluyan na siyang mapagod. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya, basa ng luha ang mga pisngi niya.Nang magising siya, alas dos na nang hapon. Humupa na ang bigat ng nararamdaman niya. “Jojo, pasensya na at naabala ko ang trabaho mo kaninang umaga.”Pinagdikit ni Joseph ang mga daliri nila, relax
Read more

Kabanata 227 Ang Master ng Time Management

Nang dumating si Lucas sa marketing department, nag-aayos ng data at marketing copy si Chloe para sa afternoon meeting. Dinala siya ni Lucas sa isang sulok at bumulong, “Ms. Chloe, nakasalubong niyo ba si Icarus kagabi?”Natigilan si Chloe. “Paano mo nalaman?”“Pinag-uusapan yun ng buong neighborhood.”Habang nasa loob ng elevator, sinabi sa kaniya ni Lucas ang lahat ng nangyari sa homeowners’ group, binigyang diin nito ang bigat ng sitwasyon. “Galit na galit si Mr. Joseph, kaya kapag pumasok kayo, importanteng hindi niyo siya komprontahin nang direkta. Magsalita kayo nang mahinahon, at subukan niyo siyang suyuin gamit ang mabubuting salita. Naniniwala akong maaayos ang lahat.”Kinakabahang nilaro ni Chloe ang mga daliri niya, huminga siya nang malalim, at inipon ang lakas ng loob para buksan ang pinto ng opisina.“Jojo, hindi yun tulad ng iniisip mo. Nagkasalubong lang kami ni Icarus. May kaibigan siya na doon nakatira.”Habang nakaupo sa sofa, inunat ni Joseph ang mahahaba niya
Read more

Kabanata 228 Namatay Din Ang Mga Magulang Ko, Maaawa Ba Kayo?

Sabi ni Nathan, “Sa tingin ko pareho kayong may kasalanan.”Kasalanan ni Chloe na hindi niya sinabi ang totoo, at kasalanan naman ni Joseph na hindi magtiwala sa kaniya.Matalim ang tingin ni Joseph kay Nathan.Nang maramdaman yun, agad na binago ni Nathan ang opinyon niya. “Kahit na pareho kayong may mali, na kay Chloe ang main issue. Kaunti lang ang mali mo.”“Bigyan mo ako ng solusyon.”“Bilhin mo ang kasiyahan niya gamit ang pera,” Suhestiyon ni Nathan, huminto siya sandali bago magpatuloy, “Naiintindihan ko si Chloe. Masakit para sa isang dalaga na masaksihan na mawasak ang perpekto niyang pamilya dahil sa isang masamang babae, at ngayong nalaman niyang ang tatay niya ang dahilan ng pagkamatay ng nanay niya. Mabigat dalhin yun.“Pero, nawalan ng kontrol si Chloe sa emosyon niya kaninang umaga at nagawang kumalma pagdating ng hapon, nagtrabaho siya agad. Maaari man na nagpapanggap lang siyang malakas o talagang matatag siya, kailangan mo siyang maintindihan.”Wala pa rin emo
Read more

Kabanata 229 Hindi Ka Na Makakahanap Ng Lalaking Higit Pa Kay Joseph

Nagulat ang lahat, napanganga sila, nagtataka kung anong nangyayari. Nakatingin lahat kay Chloe, at napaisip sila. Reward niya ba ang perang ito?Lumapit si Lucas kay Joseph at bumulong, “Sir, 300 thousand lang ang cash na natira sa Finance. Kung kulang pa ito, pwede akong pumunta sa bangko at mag-withdraw pa.“Ibigay mo na lang sa kaniya,” Sagot ni Joseph.‘Siguradong kukunin niya lahat ng baryang makukuha niya.’Hinila ni Lucas ang maliit na trolley hanggang nasa harap na ito ni Chloe, nakangiti siya habang sinasabi. “Maliit na reward ito mula kay Mr. Joseph.”Isang malaking question mark ang dahan-dahang lumitaw sa mukha ni Chloe, hindi niya maintindihan ang gesture na ito. Hindi siya makapagsalita.Nang maramdaman ang pagkalito niya, lumapit si Lucas at mahinang bumulog, “Sinusubukan ni Mr. Joseph na suyuin kayo.”Kuminang sa luha ang mga mata ni Chloe, punong-puno ng emosyon ang dibdib niya. Kahit na arogante si Joseph, mayroong bakas ng apeksyon sa mukha nito. Nabalot ng t
Read more

Kabanata 230 Yakapin Mo Ang Role Mo at Bibigyan Kita ng Kayamanan

Natigilan si Chloe sa mga sunod-sunod na tanong. Ang nag-iisang taong nagbigay sa kaniya ng bank card bukod kay Joseph ay si Icarus. Mabilis niyang napagtanto ang nangyari—-kumalat online ang surveillance footage sa online.Tila lumamig ang buong kwarto, makapal ang hangin dahil sa kinikimkim na galit ni Joseph. Nararamdaman ni Chloe ang nag-aalab na apoy kahit an hindi niya iangat ang ulo.“Jojo, sandali, hayaan mo akong magpaliwanag…”Nanatiling walang ekspresyon si Joseph habang sinasabi, “Ibigay mo ang purse mo.”Napakapit naman si Chloe sa kaniyang bag at mahinang sinabi, “Kaya kong ipaliwanag ang lahat, o pwede nating tawagan si Icarus para tanungin siya tungkol sa nangyari…”Inobserbahan ni Joseph ang pagiging defensive ni Chloe, nagsalubong ang mga kilay niya. Nang hindi nagsasalita, pwersahan niyang kinuha ang bag nito at hinalungkat ang laman hanggang mahawakan niya ang isang hindi pamilyar na bank card. Yumuko siya para itago ang emosyon sa kaniyang mga mata. Malat ang
Read more
PREV
1
...
2122232425
...
37
DMCA.com Protection Status