Home / Romance / Jojo and Coco's Unexpected Love / Kabanata 228 Namatay Din Ang Mga Magulang Ko, Maaawa Ba Kayo?

Share

Kabanata 228 Namatay Din Ang Mga Magulang Ko, Maaawa Ba Kayo?

Author: Aurora Summers
last update Huling Na-update: 2024-02-20 16:00:00
Sabi ni Nathan, “Sa tingin ko pareho kayong may kasalanan.”

Kasalanan ni Chloe na hindi niya sinabi ang totoo, at kasalanan naman ni Joseph na hindi magtiwala sa kaniya.

Matalim ang tingin ni Joseph kay Nathan.

Nang maramdaman yun, agad na binago ni Nathan ang opinyon niya. “Kahit na pareho kayong may mali, na kay Chloe ang main issue. Kaunti lang ang mali mo.”

“Bigyan mo ako ng solusyon.”

“Bilhin mo ang kasiyahan niya gamit ang pera,” Suhestiyon ni Nathan, huminto siya sandali bago magpatuloy, “Naiintindihan ko si Chloe. Masakit para sa isang dalaga na masaksihan na mawasak ang perpekto niyang pamilya dahil sa isang masamang babae, at ngayong nalaman niyang ang tatay niya ang dahilan ng pagkamatay ng nanay niya. Mabigat dalhin yun.

“Pero, nawalan ng kontrol si Chloe sa emosyon niya kaninang umaga at nagawang kumalma pagdating ng hapon, nagtrabaho siya agad. Maaari man na nagpapanggap lang siyang malakas o talagang matatag siya, kailangan mo siyang maintindihan.”

Wala pa rin emo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 229 Hindi Ka Na Makakahanap Ng Lalaking Higit Pa Kay Joseph

    Nagulat ang lahat, napanganga sila, nagtataka kung anong nangyayari. Nakatingin lahat kay Chloe, at napaisip sila. Reward niya ba ang perang ito?Lumapit si Lucas kay Joseph at bumulong, “Sir, 300 thousand lang ang cash na natira sa Finance. Kung kulang pa ito, pwede akong pumunta sa bangko at mag-withdraw pa.“Ibigay mo na lang sa kaniya,” Sagot ni Joseph.‘Siguradong kukunin niya lahat ng baryang makukuha niya.’Hinila ni Lucas ang maliit na trolley hanggang nasa harap na ito ni Chloe, nakangiti siya habang sinasabi. “Maliit na reward ito mula kay Mr. Joseph.”Isang malaking question mark ang dahan-dahang lumitaw sa mukha ni Chloe, hindi niya maintindihan ang gesture na ito. Hindi siya makapagsalita.Nang maramdaman ang pagkalito niya, lumapit si Lucas at mahinang bumulog, “Sinusubukan ni Mr. Joseph na suyuin kayo.”Kuminang sa luha ang mga mata ni Chloe, punong-puno ng emosyon ang dibdib niya. Kahit na arogante si Joseph, mayroong bakas ng apeksyon sa mukha nito. Nabalot ng t

    Huling Na-update : 2024-02-20
  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 230 Yakapin Mo Ang Role Mo at Bibigyan Kita ng Kayamanan

    Natigilan si Chloe sa mga sunod-sunod na tanong. Ang nag-iisang taong nagbigay sa kaniya ng bank card bukod kay Joseph ay si Icarus. Mabilis niyang napagtanto ang nangyari—-kumalat online ang surveillance footage sa online.Tila lumamig ang buong kwarto, makapal ang hangin dahil sa kinikimkim na galit ni Joseph. Nararamdaman ni Chloe ang nag-aalab na apoy kahit an hindi niya iangat ang ulo.“Jojo, sandali, hayaan mo akong magpaliwanag…”Nanatiling walang ekspresyon si Joseph habang sinasabi, “Ibigay mo ang purse mo.”Napakapit naman si Chloe sa kaniyang bag at mahinang sinabi, “Kaya kong ipaliwanag ang lahat, o pwede nating tawagan si Icarus para tanungin siya tungkol sa nangyari…”Inobserbahan ni Joseph ang pagiging defensive ni Chloe, nagsalubong ang mga kilay niya. Nang hindi nagsasalita, pwersahan niyang kinuha ang bag nito at hinalungkat ang laman hanggang mahawakan niya ang isang hindi pamilyar na bank card. Yumuko siya para itago ang emosyon sa kaniyang mga mata. Malat ang

    Huling Na-update : 2024-02-20
  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 231 Ang Sakit Niya Sa Ulo

    “Nahanap ko ang kaibigan ng lalaki sa footage. Isa siya sa mga homeowners ng neighborhood. Pinuntahan ko siya, pero binura na niya ang video…”“Tsk…”Dahil nagtagumpay si Xavia sa goal niya, hindi na mahalaga kung burado na ang video. Yumuko siya, kinakabahan niyang sinabi, “Nadala ako ng emosyon ko kahapon nang mapanood ko ang video at inakusahan ko nang hindi tama si Ms. Chloe. Joe, nasa bahay ba ngayon si Ms. Chloe? Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya.”Humigpit ang panga ni Joseph, nanatiling malamig ang ekspresyon niya habang nakangisi. “Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Hindi ba’t pinalo niya ang mga aso? Hindi ba’t nagsinungaling siya? Hindi na mababawi ang nagawa na. Dahil nagkamali siya, kailangan niyang maparusahan.”Pagkatapos matigilan sandali, sumang-ayon si Xavia kay Joseph, “Tama ka. Hindi tungkol sa laki ng problema ang pagsisinungaling, kung hindi sa ugali ng isang tao.”Nang marinig yun, nagdilim ang mga mata ni Joseph, lumamig ang kaniyang aura. “Lumabas ka

    Huling Na-update : 2024-02-21
  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 232 Ikukulong Mo Ba Ako Ulit

    Nagsalubong ang mga kilay ni Joseph, puno ng inis ang boses niya habang nagtatanong, “Nagdesisyon na akong patawarin ka, kaya bakit ka na naman gumagawa ng gulo?”Nang marinig ang salitang ‘ na naman’, tumawa si Chloe. Tumalikod siya, nagniningning ang mga mata niya habang nakatitig kay Joseph. “Anong ibig mong sabihing ‘ na naman?’ Anong ginawa ko? Niloko ba kita o may ginawa ba akong napakalaking kasalanan?”Hindi nagustuhan ni Joseph ang mapang-akusang tono sa boses ni Chloe, mas lumamig ang ekspresyon niya. “Nagsinungaling ka pero iniisip mo pa rin na wala kang ginawang mali?”“Naisip mo man lang ba kung bakit ako nagsinungaling?”Natigilan si Joseph. Bago siya makapagsalita, nagpatuloy si Chloe sa sinasabi niya. “Dahil alam kong kahit na sabihin ko sa iyo na nakasalubong ko si Icarus, magdududa ka pa rin at magagalit. Sabihin ko man ang totoo o hindi, pareho lang ang kalalabasan, kaya bakit pa ako mag-aabala?”“Kahit na walang nangyari sa inyo ni Icarus ngayon, hindi mo siya

    Huling Na-update : 2024-02-21
  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 233 Mas Maganda ang Daughter-In-Law Ko Kaysa Sa Mga Artista ng Kumpanya Mo

    Nanlaki ang mga mata ng security guard, nahihirapan siyang intindihin ang sitwasyon. Samantala, inikot naman ni Joseph ang manibela at pinasok ang kotse sa parking lot.“Anong iniisip mo, Joseph? Bakit mo sinabi sa guard ang relasyon natin?” Tanong ni Chloe, mataas ang boses niya na parang galit na pusa. Hindi niya maintindihan ang dahilan sa likod ng ginawa ni Joseph.Kaswal lang na sumagot si Joseph, “Hindi ba’t ito ang gusto mong gawin ko?”“Gusto kong magmadali ka para hindi malaman ng guard ang tungkol sa relasyon natin!”Nagkibit-balikat si Joseph, nagpanggap na inosente. “Mali ata ako ng pagkakaintindi sa intensyon mo.”Alam ni Chloe na sinadya yun ni Joseph, pero wala siyang ebidensya para patunayan ang hinila niya. “Huwag ka na ulit magsalita nang ganun bigla sa susunod,” Sabi niya.Habang pinagmamasdan ang iritableng ekspresyon ni Chloe, nakaramdam ng tuwa si Joseph. “Depende sa mood ko.”*Habang naglalakad si Chloe papunta sa cubicle niya para kunin ang kaniyang lap

    Huling Na-update : 2024-02-21
  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 234 Kasal Na Ako At Nandoon Ang Misis Ko

    Nailang si Calvin, hindi niya alam kung paano haharapin ang sitwasyon. Namula sa hiya ang kaniyang mukha.Sa kabilang banda, matagal ng lumayo si Joseph sa family business, pinili niyang mag-explore sa ibang bansa. Kahit na rebelde at suplado ito, magaling ito pagdating sa strategy at leadership, wala itong anumang tipikal na panloloko na mayroon ang mga negosyante. Kinikilala ni Harold ang mga qualities na yun, kaya naman mataas ang tingin niya sa kaniyang apo.Gayunpaman, naiintindihan ni Harold na ang pagbibigay kay Joseph ng family business ay isang narrow-minded na desisyon, kaya hinayaan niya si Joseph na gumawa ng sariling landas at mag-isang patunayan ang sarili. Hindi nagustuhan ng mga core members ng mga Whitman ang desisyon na yun. Gusto nilang manatili sa ibang bansa si Joseph, natatakot sila na agawin nito ang oportunidad na mayroon sila.Sa environment na ito, natural lang na walang mag-uungkat sa family background ni Joseph. Posible din na dahil yun sa malakas na pres

    Huling Na-update : 2024-02-21
  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 235 Dalawang Palayaw, Jojo Kapag Masaya, Joseph Kapag Galit

    Sinundan ni Diego ang tingin ni Joseph at agad nabalot ng hiya. Walang-wala ang anak niya sa napakagandang babae sa harapan niya ngayon. Laging kumakain ang anak niyang babae, hindi ito mahinhin at elegante tulad ng asawa ni Joseph.Malayo sa kaseksihan ang katawan ng anak niya, at hindi maikukumpara ang itsura nito sa napakagandang babae.Hindi na nagsalita pa si Diego. Ang pangunahin niyang layunin ay makakuha ng deal at makasigurado ng investment mula kay Joseph. Pagkatapos ng lahat, dahil nasa financial industry si Joseph, kampante siya na hindi problema ang pera para kay Joseph.“Mr. Joseph, interesado ka ba sa seafood business? Mayroon akong naiisip na gusto kong i-discuss sa inyo. Siguradong malaki ang kita doon,” Alok ni Diego.“Hindi ako interesado sa seafood business,” Sagot ni Joseph, “Pero kung interesado kayo na makahanap ng makakapareha ng anak niyo sa mga Whitman, walang problema sa akin na tumulong sa matchmaking. Maraming pwedeng mga binatang hindi pa kasal sa bra

    Huling Na-update : 2024-02-21
  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 236 Magdalawang-Isip Ka Bago Magdesisyon sa Isang Lifetime Commitment

    Tiningnan siya nang matalim ni Octavia. “Ang lakas ng loob mong kausapin ako nang ganiyan. Tiyahin mo ako!”Sumali si Jonathan sa usapan, puno ng inis ang boses niya. “Joe, inaalala ka lang ng nanay ko. Bakit mo kinakampihan ang ibang tao?”“Kung ibang tao si Chloe, ibig sabihin ba ay ibang tao ang nanay mo?” Kalmadong sagot ni Joseph, naiwang hindi makaimik si Jonathan.Nang mapagtanto na walang silbi ang makipagtalo pa, huminga nang malalim si Octavia at binago ang usapan. “Tama na ang diskusyon. Dahil pinili mo siya sa kabila ng pag-aalala namin, wala ng dapat pang sabihin. May sarili kang buhay. Pero, gusto ko rin namin malaman ang basic information tungkol sa kaniya.”Nanatiling nakangiti si Joseph habang nakatayo sa tabi ni Chloe.Hindi naapektuhan si Chloe ng tensyon, magalang niyang binati si Octavia, matamis ang kaniyang boses. “Nice to meet you, Tita Tavia.”Nakahanap ng kaunting tuwa si Octavia sa pagiging magalang ni Chloe at sandaling humupa ang inis niya. “Alam mo n

    Huling Na-update : 2024-02-21

Pinakabagong kabanata

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 366 Mas Mabuti na ang Kagalitan Kaysa Makalimutan.

    Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 365 Nakapanliliit na Tingin

    Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 364 Uhaw Siya sa Dugo

    Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 363 Nagpupumilit na maging Malanding Babae

    Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 362 Ginulpi si Jonathan

    “Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 361 Sobra-sobrang Pasasalamat

    Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 360 Birthday Party

    Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 359 Nagpakamatay Ang Tatay Ko

    Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse

  • Jojo and Coco's Unexpected Love   Kabanata 358 Namula Ang Mukha Niya

    Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti

DMCA.com Protection Status