Share

Kabanata 231 Ang Sakit Niya Sa Ulo

“Nahanap ko ang kaibigan ng lalaki sa footage. Isa siya sa mga homeowners ng neighborhood. Pinuntahan ko siya, pero binura na niya ang video…”

“Tsk…”

Dahil nagtagumpay si Xavia sa goal niya, hindi na mahalaga kung burado na ang video. Yumuko siya, kinakabahan niyang sinabi, “Nadala ako ng emosyon ko kahapon nang mapanood ko ang video at inakusahan ko nang hindi tama si Ms. Chloe. Joe, nasa bahay ba ngayon si Ms. Chloe? Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya.”

Humigpit ang panga ni Joseph, nanatiling malamig ang ekspresyon niya habang nakangisi. “Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Hindi ba’t pinalo niya ang mga aso? Hindi ba’t nagsinungaling siya? Hindi na mababawi ang nagawa na. Dahil nagkamali siya, kailangan niyang maparusahan.”

Pagkatapos matigilan sandali, sumang-ayon si Xavia kay Joseph, “Tama ka. Hindi tungkol sa laki ng problema ang pagsisinungaling, kung hindi sa ugali ng isang tao.”

Nang marinig yun, nagdilim ang mga mata ni Joseph, lumamig ang kaniyang aura. “Lumabas ka
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status