Share

Kabanata 230 Yakapin Mo Ang Role Mo at Bibigyan Kita ng Kayamanan

Natigilan si Chloe sa mga sunod-sunod na tanong. Ang nag-iisang taong nagbigay sa kaniya ng bank card bukod kay Joseph ay si Icarus. Mabilis niyang napagtanto ang nangyari—-kumalat online ang surveillance footage sa online.

Tila lumamig ang buong kwarto, makapal ang hangin dahil sa kinikimkim na galit ni Joseph. Nararamdaman ni Chloe ang nag-aalab na apoy kahit an hindi niya iangat ang ulo.

“Jojo, sandali, hayaan mo akong magpaliwanag…”

Nanatiling walang ekspresyon si Joseph habang sinasabi, “Ibigay mo ang purse mo.”

Napakapit naman si Chloe sa kaniyang bag at mahinang sinabi, “Kaya kong ipaliwanag ang lahat, o pwede nating tawagan si Icarus para tanungin siya tungkol sa nangyari…”

Inobserbahan ni Joseph ang pagiging defensive ni Chloe, nagsalubong ang mga kilay niya. Nang hindi nagsasalita, pwersahan niyang kinuha ang bag nito at hinalungkat ang laman hanggang mahawakan niya ang isang hindi pamilyar na bank card. Yumuko siya para itago ang emosyon sa kaniyang mga mata. Malat ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status