Tiningnan siya nang matalim ni Octavia. “Ang lakas ng loob mong kausapin ako nang ganiyan. Tiyahin mo ako!”Sumali si Jonathan sa usapan, puno ng inis ang boses niya. “Joe, inaalala ka lang ng nanay ko. Bakit mo kinakampihan ang ibang tao?”“Kung ibang tao si Chloe, ibig sabihin ba ay ibang tao ang nanay mo?” Kalmadong sagot ni Joseph, naiwang hindi makaimik si Jonathan.Nang mapagtanto na walang silbi ang makipagtalo pa, huminga nang malalim si Octavia at binago ang usapan. “Tama na ang diskusyon. Dahil pinili mo siya sa kabila ng pag-aalala namin, wala ng dapat pang sabihin. May sarili kang buhay. Pero, gusto ko rin namin malaman ang basic information tungkol sa kaniya.”Nanatiling nakangiti si Joseph habang nakatayo sa tabi ni Chloe.Hindi naapektuhan si Chloe ng tensyon, magalang niyang binati si Octavia, matamis ang kaniyang boses. “Nice to meet you, Tita Tavia.”Nakahanap ng kaunting tuwa si Octavia sa pagiging magalang ni Chloe at sandaling humupa ang inis niya. “Alam mo n
Matapos makatanggap ng leksyon mula kay Harold. Masama ang ekspresyon ni Preston nang lumabas sa kwarto, nakatikom ang mga labi niya.Mabilis na nilapitan ni Jonathan si Preston, gustong malaman ang nangyari. “Dad, anong nangyari? Nabanggit ba ni lolo ang tungkol sa pagpapaalis sa babaeng yun?”Bakas ang tuwa sa mukha ni Octavia nang magsalita, “Tama, honey. Sa edad niya, hindi naman niya siguro makakaligtaan ang importante, tama?”“Ahem!” Bago pa makapagsalita si Preston, bumaba sa hagdanan si Harold. Malabo ang mga mata niya pero matalim ang tingin nito, may awtoridad siyang nagtanong, “May nakaligtaan ba akong importante?”Naiilang na tumawa si Octavia. “Dad, nagkakamali kayo. Wala akong sinabi….”Sa intimidating na presensya ni Harold, huminga nang malalim si Preston at sinabing, “Simula ngayon, parte na ng pamilya natin si Chloe.”Nabigla si Jonathan. Hindi niya alam kung anong klaseng magic ang ginawa ni Chloe kay Harold para protektahan siya nito. Dahil hindi niya ito mata
Dagdag pa rito, nadiskubre niyang nakasiksik siya sa kurba ng braso nito, habang nakadantay ang binti niya sa balakang nito.Relaxed ang mga kilay ni Joseph habang payapang natutulog, walang malay sa mundong nasa paligid niya. May hindi maipaliwanag na kapayapaan ang tanawing ito.Upang hindi magising si Joseph, maingat na kumawala si Chloe sa pagkakayakap nito, inalis niya ang kumot at dahan-dahang naglakad papunta sa banyo.Hindi nagtagal, nagising na si Joseph, nang madiskubre niyang wala na sa tabi niya si Chloe, nabalot siya ng lungkot, dahilan para kumunot ang noo niya. Tumayo siya sa kama at napadaan sa banyo kung saan maririnig ang pag-agos ng tubig.Hindi siya mapakali dahilan para ayusin niya ang kaniyang kwelyo.*Pagkatapos makapag-ayos ng sarili, bumaba sina Chloe at Joseph sa first floor ng bahay.Sa first floor, nakaupo si Preston at pamilya niya, abala sila sa panonood ng telebisyon. May ilan pa silang kamag-anak doon, at lahat sila ay nag-uusap-usap.Nagkusa na
Nakaramdam ng hiya si Jonathan matapos mahusgahan ng isang batang babae.‘Hindi ito posible. Bakit sasabihin ni Ginny na gusto niya si Chloe?’Sa mga kasal ng matataas na lipunan, normal lang para sa isang prestihiyong pamilya na humanap ng kapareha sa isang pamilyang kapantay din nila ng antas—isang mayaman at magandang tagapagmana, hindi tulad ni Chloe na galing sa isang simpleng background.Bakit ang matalino niyang pinsan na magaling magdesisyon ay magiging tanga pagdating sa babae?Bukod kay Ginny, nararamdaman ng lahat ang tensyon sa paligid. Iba-iba ang ekspresyon nila, pero wala ni isang nagsalita.Tinago ni Octavia ang inggit sa mga mata niya at bumulong kay Jonathan. “Huwag kang mag-alala. Hayaan mo na. Kung handa siyang piliin ang isang walang kwentang tao, oportunidad yun para sa iyo. Magpursigi ka at humanap ka agad ng girlfriend. Unahan mo sila magkaanak, at siguradong mas papaburan ka na ng lolo mo.”Kung magkakaroon ng anak na lalaki si Jonathan, may tsansa na siy
Sa oras na yon, nahihirapan si Chloe na tanggihan ang imbitasyon niya. Nakapag desisyon siya na pumayag ngayon at mag isip ng idadahilan mamaya. Kahit na wala siyang intensyon na dumalo ng birthday party niya, pumunta pa rin siya para magbigay ng regalo sa kaniya.Nang makarating sa marketing department, pinagtuunan ng pansin ni Chloe ang bagong dagdag sa team. Naka maternity leave ngayon si Wendy at natanggal si Ellie. Natambakan sila ng gawain dahil sa biglang kakulangan sa staff. Nagsimula ang recruitment ng HR department noong nakaraang linggo at ngayon ang unang araw para sa bagong empleyado.Nagpapakita ng maayos na sense sa style si Sophia Reynolds dahil sa suot niya. Sa maganda niyang mukha at kaakit-akit na katawan, sinasabi na kababalik niya lang mula sa abroad dahil sa pag-aaral.Nakikita sa kaniya ang pagiging malawak ang isipan at masigla, bumuo agad ng koneksyon si Sophia sa kaniyang mga ka-trabaho sa loob ng isang araw.Nang makita ni Sophia si Chloe, masaya siya
”Sinabi ko na sa iyong si Calvin yun. Ilang beses mo bang itatanong sa akin ‘yan?”Hindi naglakas-loob si Diego na ituro si Joseph dahil alam niyang hindi mabuting tao si Joseph.Walang-puso, malupit at hindi nagbabago ang isip ni Joseph. Maganda rin ang reputasyon niya sa business field. Kaya naman, hindi kaya ni Diego na banggain si Joseph. Lalo na at may alitan na sila ngayon ni Calvin. Hindi niya kailangan makipag-away ulit sa isa pang tao.Nagsalubong ang mga kilay ni Karen. “Alagang-alaga ni Calvin si Ava. Sigurado akong hindi niya sasabihin ang ganung bagay sa iba.”“Talaga ba?” Puno ng pangungutya ang mga mata ni Diego. “Huwag mo sabihin sa akin na anak niya si Ava.”‘Blinack-mail ba ako ni Karen para makakuha ng pera sa akin?’ Pakiramdam ni Karen ay kayang gawin yun ni Karen.“Itigil mo na ‘yan! Hindi ko nga kilala si Calvin.”“Kung ganoon, ipaliwanag mo kung bakit napakabait niya sa anak mo.”Binantaan siya ni Karen, “Wala ka ng pakialam dun. Sa madaling salita, gusto
Kinabukasan, binisita ni Chloe si Xavia sa ospital at nagdala ng ilang prutas.Sumilip si Xavia sa likuran ni Chloe. “Wala dito si Joe?”“Busy siya sa trabaho.”Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Xavia. “Oo, totoo ‘yan.”Lihim na inobserbahan ni Chloe ang ekspresyon ni Xavia.Nagkusang magbigay ng topic si Xavia at makipag-kwentuhan muna kay Chloe. Bago umalis si Chloe, nagmungkahi siyang pupunta sa villa para mabisita si Oreo ng mga isa o dalawang araw.Pumayag si Chloe. “Sure, pero may pupuntahan kaming exhibition ni ni Jojo ngayong gabi. Baka late na kami makauwi.”Nagliwanag ang mga mata ni Xavia, may tinatago itong plano. “I see. Mga anong oras kayo makakauwi?”Nag-isip si Chloe. “Siguro mga alas nuebe.” Bago umalis, tinitigan niya si Xavia at nagtanong, “Nagdala ka ba ng almusal kay Joseph nung nakaraan?”“Umm, huwag mo sana masamain… Pumunta lang ako dun para makita si Oreo at binili ko yun para kay Joe habang nasa biyahe.”Matamis na ngumiti si Chloe at tinukso si Xa
Parang naintindihan na ng mga katrabaho nila ang nangyari. Natural na inakala nila na tinanggap ni Joseph ang kape ni Sophia.Hindi, hindi lang yun pagtanggap sa kape.Tinanggap siya ni Joseph.Nang hapon na yun, pinagkumpulan siya ng mga katrabaho niya. Inenjoy niya ang feeling bago kunin ang phone niya at mag-text sa babaeng yun. [Maganda ang suggestion mo. Bad mood si Chloe ngayon.]Ang totoo ay hindi tinanggap ni Joseph ang Kape niya. Hinarang siya ng assistant nito. Pero ginawa niya ang utos ng babaeng yun, at nagpanggap siya na nabigay niya ang kape kay Joseph. Magagawa niya ang goal niya sa ganung paraan.Nag-reply ang babae kay Sophia. [Mabuti.]*Nang oras na para umuwi, nagpunta siya sa kotse ni Joseph sa parking lot. Sumakay siya sa passenger seat sa unahan at nagpamaywang, tinitingnan nang masama ang lalaking nasa tabi niya. “Masarap ba yung kape?”Naguguluhan, tumaas ang mga kilay ni Joseph. Naalala niya ang kape na tinimpla ni Lucas para sa kaniya kanina at sumago
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti