Bumugso ang selos sa puso ni Ava pero napalitan ito ng takot nang tingnan niya ang gwapo at matangkad na lalaki sa tabi ni Chloe.Sa sandaling din yun, nakita ni Joseph si Ava, walang emosyon niya itong tiningnan. Napakalamig at talim ng kaniyang tingin.Kinilabutan si Ava. Nagdesisyon siyang obserbahan muna ang speech at kilos ng iba. Nandito siya ngayon para maintindihan ang halaga ng mga alahas at paggawa nito. Hindi siya katulad ng babaeng yun na nagpunta rito para dumikit sa mga mayayamang tao.Limited sa buong bansa ang mga piece na nasa exhibition. Dagdag pa rito, bidding method ang pagbebenta sa kanila. Ang mga may pinakamataas lang na bid ang makakabili ng item.Bago pa magsimula nang opisyal ang exhibition, nagpalinga-linga si Ava na para bang may hinahanap siya. Nakita niya ang isang binata na nakasuot ng kaswal na damit. Sa tuwa, lumapit siya sa binatang ‘yun kasama ang kaniyang assistant.“Mr. Noah, nice to meet you,” Malambing na nagsalita si Ava, binati niya si Noah
Gulat na gulat si Chloe. Bumulong siya, “Gusto mo ba yung singsing?”Hindi makasagot si Joseph. ‘Lalaki ako. Bakit ako mahihilig sa diyamante?’Tumawa si Nathan. “Chloe, gustong ibigay yun ni Joe sa iyo.”Nang marinig yun, agad na kumaway si Chloe. “Huwag, huwag! Masiyadong mahal yun.”28 million na ang utang niya kay Joseph at mas lalo siyang maii-stress kung madadagdagan pa yun ng 14 million.Halos lahat ng babaeng nandoon ay gustong-gusto ang The Flawsa Love, kasama na si Ava. Sumama lalo ang loob niya nang makita niyang nag-bid si Joseph sa singsing para kay Chloe. Naging competitive siya at sumigaw, “15.5 million!”Bukod sa pagbibigay sa kaniya ng kumpanya, binigyan ni Calvin si Ava ng malaking pera. Kahit na mababawasan yun pagkatapos niyang mabili ang singsing, ituturing niya na lang itong investment.Natatanging item ang The Flawless Love kaya natural lang na mas mataas ang presyo nito kaysa sa ibang items. Pakiramdam ni Noah ay 14 million na ang limit. Hindi niya inaasa
Kumunot ang noo ni Nathan. “Bakit ko gagawin yun? Para kay Chloe ‘to.”“Huh? Chloe?”“Oo.” Tumalikod si Nathan at nilagay sa mga palad ni Chloe ang Flawless Love. Dahil opisyal na silang dalawa ni Joseph, sa tingin niya ay importanteng maging good example bilang kaibigan.Naguluhan si Chloe, hindi niya maintindihan kung bakit siya binibigyan ng ganitong kalaking regalo. Tiningnan niya ang lalaking nasa tabi niya.Walang nagbago sa tono ng boses ni Joseph. “Tanggapin mo ang regalo kapag binibigay na sa iyo.”Hininaan ni Nathan ang boses at nanukso, “Isipin mo na lang na betrothal gift mo ito.”Habang namumula ay pinasalamatan ni Chloe si Nathan. Mas masaya siya sa approval ng malapit na kaibigan ni Joseph para sa kaniya kaysa sa mamahaling regalo na ito.Samantala, si Ava naman ay naiwan sa kinatatayuan niya, huli na nang mapagtanto niya na tinutukso lang siya ni Nathan. Nalukot sa sama ng loob ang ekspresyon niya. Minaliit niya si Chloe, napakasama ng babaeng yun. Hindi lang niy
Huminga nang malalim si Joseph at marahang binuhat si Chloe, naglakad siya papunta sa kwarto.Ang pagkagulat ni Chloe ay napalitan nang mapagtanto niya ang intensyon ni Joseph, dahilan para manigas ang katawan niya. Agad siyang nagprotesta, “Hindi, Jojo! Pareho tayong pagod ngayon.”Huminto sa paglalakad si Joseph, at isang pilyong ngiti ang lumitaw sa mukha niya. “Huwag ka mag-alala,” Sabi niya.Nanlaki ang almond-shaped na mga mata ni Chloe, sandaling nablangko ang isip niya habang namumula siya sa hiya. Kahit hindi siya nagpapatalo sa asaran, nagiging mahiyain na siya na parang pagong kapag totoo na. Lalo na sa ganitong aspeto, kung saan natural na mas nagiging dominante ang lalaki.Hindi nagtagal, nanghina ang katawan niya, gumuguho ang protesta niya laban sa determinasyon ni Joseph. May parte sa kaniya na gusto niyang sumuko, pero habang naguguluhan, bumalik sa isipan niya ang mga imahe nina Jake at Ava habang magkatabi sa kama. Binalik siya nito sa realidad.“Huwag….Jojo, hi
Hinalikan ni Chloe ang pisngi ni Joseph at saka nagbihis ng kaniyang pajama. “Ilalakad ko muna yung mga aso. Pwede ka na mauna matulog,” Sabi niya.Habang may period siya, si Joseph ang naglakad sa mga aso. Ngayong maayos na ang pakiramdam niya, siya naman ang gagawa nto.“Umuulan ngayon. Bukas na lang.”Tiningnan niya ang oras at napansin ni Chloe na isang oras na lang bago maghating-gabi. Natatakpan ng madilim na mga ulap ang liwanag ng buwan na para bang kahit ang gabi ay nagtatago mula sa panganib, dahilan para maging katakot-takot ang paligid.Dahil hindi siya mapakali, tumango na lang siya bilang pagsang-ayon, “Okay.”Nasa backyard ang mga aso at may kalayaan silang gamitin yun sa pagdumi, kaya walang urgency na ilakas sila.Bago matulog, nakatanggap ng text si Chloe mula kay Xavia, sinabi nitong bibisitahin niya si Oreo buka nang umaga.*Sa labas ng courtyard, dalawang professional dog catchers ang nakabantay sa daan na madalas nilalakaran ni Chloe para ilakad ang mga
Sa loob lang ng limang minuto ay naagaw nila ang mga aso, isang patunay na sanay ang mga ito sa ganitong gawain.Namamanhid ang anit ni Chloe habang paika-ikang sumusunod sa kanila, bakas ang desperasyon sa boses niya. “Sino ang nagpadala sa inyo?! Dodoblehin ko ang bayad! Ibalik niyo lang ang mga aso ko!”Sa maikling sandaliny yun, nagdalawang-isip ang dalawa pero hindi sila nagpatinag. Binilisan nila ang paglakakad, iniwan nila si Chloe. Dahil sa matinding bugso ng damdamin, pinigilan ni Chloe ang luha niya. Dahil wala ang kaniyang phone, ang tanging magagawa niya lang ay umuwi at humingi ng tulong kay Joseph.Tiniis niya ang paghihirap, bawat hakbang niya ay may kasunod na matinding sakit. Habang nasa daan, nakasalubong niya si Xavia na mukhang naguguluhan. “Nagpunta ako sa bahay niyo para hanapin ka. Sabi ni Joe at nilakad mo daw ang mga aso,” Sabi niya, napansin niya na walang hawak si Chloe. Nabalot ng pag-aalala ang mukha niya nang magtanong, “Nasaan sina Toto at Oreo?”
Numipis ang paghinga ni Chloe habang nahihirapan siyang intindihin ang kawalan ng tiwala sa kaniya ni Joseph. Samantala, isang hindi kapansin-pansin na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Xavia.“Sige,” Determinaso niyang sinabi, “Kung hindi kayo naniniwala sa akin, papatunayan ko sa inyo. Nakaiwas man ang mga lalaking yun sa surveillance camera ng community, hindi nila matatakasan lahat. Sa oras na mareview natin ang footage, mayroon ng matibay na ebidensya.”Umikot si Chloe at nagsimulang maglakad palayo, determinasong hanapin ang anumang bakas ng dalawang lalaki sa labas. Kitang-kita ang senyales ng pamumula at pamamaga ng paa niya. Bawat hakbang ay mahirap, dahilan para magpaika-ika siya at kaawa-awang tingnan. Pero, hindi nawala ang determinasyon niya, hindi nawawala ang kaniyang lakas.Nagsalubong ang mga kilay ni Joseph, nakatikom ang kaniyang mga labi.Mabilis na hinawakan ni Xavia ang braso niya, may diin ang kaniyang boses. “Maghanap muna tayo sa neighborhood. Kung totoo
Gayunpaman, agad niyang winaksi ang ideyang yun. Lalo at parang imposible yun. Kahit na ayaw ni Xavia kay Toto, pinalaki naman nito si Oreo. Hindi lang niya alaga si Oreo pero kasama niya rin ito.Mabigat ang puso ni Chloe nang bumalik sa villa, gusto niyang magtanong sa progress na nagawa nila. Pero bago pa siya makapagsalita, natusok na siya ng matalim na tingin ni Joseph. “Bakit napaka walang-puso mo, Chloe?”Naguguluhan si Chloe at hindi maintindihan ang nangyari.Lumapit si Lucas at nilapag ang isang litrato sa mesa. Hindi siya makapaniwala habang sinasabu, “Ms. Chloe, nakuhanan ito ng isang taong dumadaan lang.”Sa litrato, makikita sina Toto at Oreo na naglalakad sa gitna ng abalang kalsada. Umikot ang isip ni Chloe, hindi siya makapaniwala, “Imposible. Nakita ko mismo na tinurukan sila ng anaesthesia.”Tinitigan siya ni Joseph, bakas sa boses niya ang inis, “Nakita mo mismo? Hindi ako makapaniwala na hindi ka pa rin umaamin sa amin hanggang ngayon.”“Hindi…hindi ka