Kumunot ang noo ni Nathan. “Bakit ko gagawin yun? Para kay Chloe ‘to.”“Huh? Chloe?”“Oo.” Tumalikod si Nathan at nilagay sa mga palad ni Chloe ang Flawless Love. Dahil opisyal na silang dalawa ni Joseph, sa tingin niya ay importanteng maging good example bilang kaibigan.Naguluhan si Chloe, hindi niya maintindihan kung bakit siya binibigyan ng ganitong kalaking regalo. Tiningnan niya ang lalaking nasa tabi niya.Walang nagbago sa tono ng boses ni Joseph. “Tanggapin mo ang regalo kapag binibigay na sa iyo.”Hininaan ni Nathan ang boses at nanukso, “Isipin mo na lang na betrothal gift mo ito.”Habang namumula ay pinasalamatan ni Chloe si Nathan. Mas masaya siya sa approval ng malapit na kaibigan ni Joseph para sa kaniya kaysa sa mamahaling regalo na ito.Samantala, si Ava naman ay naiwan sa kinatatayuan niya, huli na nang mapagtanto niya na tinutukso lang siya ni Nathan. Nalukot sa sama ng loob ang ekspresyon niya. Minaliit niya si Chloe, napakasama ng babaeng yun. Hindi lang niy
Huminga nang malalim si Joseph at marahang binuhat si Chloe, naglakad siya papunta sa kwarto.Ang pagkagulat ni Chloe ay napalitan nang mapagtanto niya ang intensyon ni Joseph, dahilan para manigas ang katawan niya. Agad siyang nagprotesta, “Hindi, Jojo! Pareho tayong pagod ngayon.”Huminto sa paglalakad si Joseph, at isang pilyong ngiti ang lumitaw sa mukha niya. “Huwag ka mag-alala,” Sabi niya.Nanlaki ang almond-shaped na mga mata ni Chloe, sandaling nablangko ang isip niya habang namumula siya sa hiya. Kahit hindi siya nagpapatalo sa asaran, nagiging mahiyain na siya na parang pagong kapag totoo na. Lalo na sa ganitong aspeto, kung saan natural na mas nagiging dominante ang lalaki.Hindi nagtagal, nanghina ang katawan niya, gumuguho ang protesta niya laban sa determinasyon ni Joseph. May parte sa kaniya na gusto niyang sumuko, pero habang naguguluhan, bumalik sa isipan niya ang mga imahe nina Jake at Ava habang magkatabi sa kama. Binalik siya nito sa realidad.“Huwag….Jojo, hi
Hinalikan ni Chloe ang pisngi ni Joseph at saka nagbihis ng kaniyang pajama. “Ilalakad ko muna yung mga aso. Pwede ka na mauna matulog,” Sabi niya.Habang may period siya, si Joseph ang naglakad sa mga aso. Ngayong maayos na ang pakiramdam niya, siya naman ang gagawa nto.“Umuulan ngayon. Bukas na lang.”Tiningnan niya ang oras at napansin ni Chloe na isang oras na lang bago maghating-gabi. Natatakpan ng madilim na mga ulap ang liwanag ng buwan na para bang kahit ang gabi ay nagtatago mula sa panganib, dahilan para maging katakot-takot ang paligid.Dahil hindi siya mapakali, tumango na lang siya bilang pagsang-ayon, “Okay.”Nasa backyard ang mga aso at may kalayaan silang gamitin yun sa pagdumi, kaya walang urgency na ilakas sila.Bago matulog, nakatanggap ng text si Chloe mula kay Xavia, sinabi nitong bibisitahin niya si Oreo buka nang umaga.*Sa labas ng courtyard, dalawang professional dog catchers ang nakabantay sa daan na madalas nilalakaran ni Chloe para ilakad ang mga
Sa loob lang ng limang minuto ay naagaw nila ang mga aso, isang patunay na sanay ang mga ito sa ganitong gawain.Namamanhid ang anit ni Chloe habang paika-ikang sumusunod sa kanila, bakas ang desperasyon sa boses niya. “Sino ang nagpadala sa inyo?! Dodoblehin ko ang bayad! Ibalik niyo lang ang mga aso ko!”Sa maikling sandaliny yun, nagdalawang-isip ang dalawa pero hindi sila nagpatinag. Binilisan nila ang paglakakad, iniwan nila si Chloe. Dahil sa matinding bugso ng damdamin, pinigilan ni Chloe ang luha niya. Dahil wala ang kaniyang phone, ang tanging magagawa niya lang ay umuwi at humingi ng tulong kay Joseph.Tiniis niya ang paghihirap, bawat hakbang niya ay may kasunod na matinding sakit. Habang nasa daan, nakasalubong niya si Xavia na mukhang naguguluhan. “Nagpunta ako sa bahay niyo para hanapin ka. Sabi ni Joe at nilakad mo daw ang mga aso,” Sabi niya, napansin niya na walang hawak si Chloe. Nabalot ng pag-aalala ang mukha niya nang magtanong, “Nasaan sina Toto at Oreo?”
Numipis ang paghinga ni Chloe habang nahihirapan siyang intindihin ang kawalan ng tiwala sa kaniya ni Joseph. Samantala, isang hindi kapansin-pansin na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Xavia.“Sige,” Determinaso niyang sinabi, “Kung hindi kayo naniniwala sa akin, papatunayan ko sa inyo. Nakaiwas man ang mga lalaking yun sa surveillance camera ng community, hindi nila matatakasan lahat. Sa oras na mareview natin ang footage, mayroon ng matibay na ebidensya.”Umikot si Chloe at nagsimulang maglakad palayo, determinasong hanapin ang anumang bakas ng dalawang lalaki sa labas. Kitang-kita ang senyales ng pamumula at pamamaga ng paa niya. Bawat hakbang ay mahirap, dahilan para magpaika-ika siya at kaawa-awang tingnan. Pero, hindi nawala ang determinasyon niya, hindi nawawala ang kaniyang lakas.Nagsalubong ang mga kilay ni Joseph, nakatikom ang kaniyang mga labi.Mabilis na hinawakan ni Xavia ang braso niya, may diin ang kaniyang boses. “Maghanap muna tayo sa neighborhood. Kung totoo
Gayunpaman, agad niyang winaksi ang ideyang yun. Lalo at parang imposible yun. Kahit na ayaw ni Xavia kay Toto, pinalaki naman nito si Oreo. Hindi lang niya alaga si Oreo pero kasama niya rin ito.Mabigat ang puso ni Chloe nang bumalik sa villa, gusto niyang magtanong sa progress na nagawa nila. Pero bago pa siya makapagsalita, natusok na siya ng matalim na tingin ni Joseph. “Bakit napaka walang-puso mo, Chloe?”Naguguluhan si Chloe at hindi maintindihan ang nangyari.Lumapit si Lucas at nilapag ang isang litrato sa mesa. Hindi siya makapaniwala habang sinasabu, “Ms. Chloe, nakuhanan ito ng isang taong dumadaan lang.”Sa litrato, makikita sina Toto at Oreo na naglalakad sa gitna ng abalang kalsada. Umikot ang isip ni Chloe, hindi siya makapaniwala, “Imposible. Nakita ko mismo na tinurukan sila ng anaesthesia.”Tinitigan siya ni Joseph, bakas sa boses niya ang inis, “Nakita mo mismo? Hindi ako makapaniwala na hindi ka pa rin umaamin sa amin hanggang ngayon.”“Hindi…hindi ka
Nang makita ni Chloe si Sophia, bumugso ang galit niya, “Bakit ka nagpakalat ng false information sa work chat?”Ngumisi si Sophia. “Hindi ko yun ginawa. Paano mo mapapatunayan na gawa-gawa ko lang yun? May recordings ka ba?”Tinitigan siya ni Chloe, malamig ang boses niya habang nagtatanong, “Anong motibo mo sa ginagawa mo? Sinong nag-alok sa iyo ng benefits, o ginagawa mo lang ang lahat para makuha ang atensyon ni Joseph?”May bakas ng pagkataranta sa mga mata ni Sophia, pero agad yun naglaho. “Sinasabi ko lang ang totoo. Wala akong motibo. At saka, hindi mo dapat tinatawag nang ganiyan lang si Mr. Joseph. Wala kang respeto.”“Pwede kong sabihin ang gusto ko. Sino ka para utusan ako? Huwag mong kalimutan na superior mo ako. Ako lang ang pwedeng magalit sa iyo.”“Hindi…hindi mo ako pwedeng-ibully nang ganito.”Tumawa si Chloe dahil sa inis. Sino ba talaga ang bully sa sitwasyon na ‘to? Hindi siya makapaniwala na masasabi ni Sophia ang mga kasinungalingan na yun habang nagpapangg
“Kahit na sinasabi mong mahalaga ka kay Mr. Joseph, hindi mo ako pwedeng i-bully nang ganito. Baguhan lang ako at walang alam. Kasalanan ko ang nangyari kaninang umaga, pero kinausap mo na lang sana ako imbes na gumamit ka ng dahas.” Pagmamakaawa ni Sophia.Nakita ni Chloe ang intensyon ni Sophia at hindi niya ito tinulungang tumayo. “Ano na namang binabalak mo ngayon?”“Wala akong ibang motibo. Gusto ko lang na lubayan mo ako!” Umiyak si Sophia, walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya. Habang umiiyak siya, gumapang siya sa direksyon kung saan nakatayo si Joseph. “Mr. Joseph, kailangan niyo akong tulungan.”Habang pinagmamasdan ang kalmado at walang emosyon na babae sa harapan niya, malamig na nagsalita si Joseph. “Kapag natumba ang isang colleague sa harapan mo, hindi mo ba naiisip na kailangan mo silang tulungan?”Nang marinig ang boses niya, napalingon agad si Chloe. Pagkatapos, nakita niya si Joseph na inuutusan si Lucas na tulungang makatayo si Sophia. Marahan niyang tin
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti