Share

Kabanata 242 Magiging Akin Ang Pagkain ni Jojo

Kinabukasan, binisita ni Chloe si Xavia sa ospital at nagdala ng ilang prutas.

Sumilip si Xavia sa likuran ni Chloe. “Wala dito si Joe?”

“Busy siya sa trabaho.”

Halata ang pagkadismaya sa mukha ni Xavia. “Oo, totoo ‘yan.”

Lihim na inobserbahan ni Chloe ang ekspresyon ni Xavia.

Nagkusang magbigay ng topic si Xavia at makipag-kwentuhan muna kay Chloe. Bago umalis si Chloe, nagmungkahi siyang pupunta sa villa para mabisita si Oreo ng mga isa o dalawang araw.

Pumayag si Chloe. “Sure, pero may pupuntahan kaming exhibition ni ni Jojo ngayong gabi. Baka late na kami makauwi.”

Nagliwanag ang mga mata ni Xavia, may tinatago itong plano. “I see. Mga anong oras kayo makakauwi?”

Nag-isip si Chloe. “Siguro mga alas nuebe.” Bago umalis, tinitigan niya si Xavia at nagtanong, “Nagdala ka ba ng almusal kay Joseph nung nakaraan?”

“Umm, huwag mo sana masamain… Pumunta lang ako dun para makita si Oreo at binili ko yun para kay Joe habang nasa biyahe.”

Matamis na ngumiti si Chloe at tinukso si Xa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status