All Chapters of Jojo and Coco's Unexpected Love: Chapter 211 - Chapter 220

366 Chapters

Kabanata 211 Ang Cheap ng Pag-ibig Mo

“Gusto ni Xavia na mas makasama ka habang nasa chemotherapy siya,” Kalmadong sabi ni Chloe, binanggit niya ang mga salitang buong maghapon na nasa isip niya. “Didistansya na ako sa iyo simula ngayon. Pero huwag kang mag-alala, magpapanggap pa rin akong misis mo sa harap ng lolo mo at kung kailangan, pwede rin akong umalis sa bahay mo. Pero kung nagmamadali ka, baka kailanganin ko ng tulong mo para makahanap ng malilipatan.”Naintindihan agad ni Joseph ang mensahe ni Chloe, magkasalubong ang mga kilay niya. “So, basta kailangan ni Xavia, handa kang tumabi at iwanan ako nang hindi lumalaban?”“Hindi ba’t mahal na mahal mo ako?’Bumuntong-hininga si Chloe at sinabi ang totoo, “Gusto kong magkaroon pa rin ng dignidad.”Ayaw na niyang kumapit sa isang taong hindi naman sinusuklian ang nararamdaman niya. Minsan na siyang nalunod sa matindi niyang pagnanais na makaganti kay Jake, pero ngayon, hindi na niya yun kailangan.Natahimik ang buong kotse, nabalot ng lamig ang buo nilang ka
Read more

Kabanata 212 Tama Na

Habang mas dumidilim ang gabi, hindi nagpakita ng senyales nang pagtigil ang ulan. Dalawang oras na nakatayo sa gitna ng malamig na hangin si Chloe, namumutla na ang mukha niya sa lamig. Alam niyang wala na talaga siyang masasakyan kaya nagsimula na siyang maglakad, dahan-dahan niyang nilabanan ang ulan at hangin.“Sir, mukhang balak maglakad pauwi ni Ms. Chloe,” Report ni Lucas.Nagdilim ang mukha ni Joseph. ‘Mas gusto niya pang maglakad pauwi kaysa bumalik sa akin?’“Sundan mo siya,” Utos niya.Bumuntong-hininga si Lucas. Malinaw na may nararamdaman sa isa’t-isa sina Joseph at Chloe, pero wala sa kanila ang gustong isantabi ang kanilang mga pride.Habang lumalawak ang highway papunta sa Docwood, sunod-sunod na ang pagdaan ng mga sasakyan na dahilan para tumalsik ang tubig sa kalsada. Sa gitna ng kaguluhang ito, isang puting sedan ang dahan-dahang bumagal sa kalsada, magalang nitong nilapitan si Chloe.Hindi naramdaman ni Chloe ang presensya ng kotse. Hindi niya makontrol
Read more

Kabanata 213 Gusto Mo Makita Kung Ano Ang Itsura Niya

Mahapdi ang nanunuyong lalamunan ni Chloe. Matagal na siyang hindi nakaka-inom ng tubig, dahilan para maging malat at mahina ang boses niya.“Tubig,” Sambit niya.Agad naman binitawan ni Joseph ang kamay niya at nagsalin ng tubig sa isang baso para sa kaniya. Tinungga naman yun ni Chloe, napawi ang uhaw sa kaniyang mahapding lalamunan. Pagkatapos nito, natahimik siya ulit.Pinisil ni Joseph ang baba ni Chloe, pinilit niya itong humarap sa kaniya. Nakaka-intimidate ang kaniyang presensya. “Anong iniisip mo?” Tanong niya.“Iniisip ko kung anong iniisip mo,” Sagot ni Chloe.“Alam mo na ba?” “May mga hula ako,” Sagot niya. “Kasal ka na pero nakikipagkita ka sa ibang babae. Habang gusto mo si Xavia, gusto mo rin ako.”Nakatitig si Chloe sa mga mata ni Joseph, tinatago niya ang matinding sama ng loob. Si Joseph ang nagpababa sa kaniya sa kotse, pero ngayon ay nagpapanggap itong nag-aalala sa kaniya. Napakasama talaga nitong lalaki.Ngumisi si Joseph. “Nagseselos ka ba?”Pagkatapos
Read more

Kabanata 214 Anong Relasyon Natin Ngayon

Tinitigan ni Emily ang impormasyon tungkol kay Xavia sa Wikipedia, natulala siya. “Maganda siya, pero parang maldita ang dating niya. Mukhang hindi siya madaling makasundo, hindi tulad mo.”Ngiti na lang ang isinagot ni Chloe, sa tingin niya ay pinapagaan lang ni Emily ang loob niya. “Well, kilala siyang violinist. Natural lang na iba ang dating niya sa atin.”“Hah, mapagpanggap lang siya.”Sa sandaling yun, tumunog ang phone ni Chloe, at narinig niya ang boses ni Joseph, sinabi nito na dumating na siya.Nakaparada ang kotse ni Joseph sa hospital entrance. Habang lumalapit sina Chloe at Emily, masaya silang nag-uusap at tumatawa pa, hindi maiwasan ni Joseph na hindi mapansin ang magandang kulay at masiglang enerhiya ni Chloe. Makinang ang aura nito na para bang tuluyan na nga itong gumaling.Napangiti siya. Sa tingin niya ay magaling na nga ito at hindi nito maaapektuhan ang kakayahan nitong magbuntis balang-araw.“Ihahatid na kita pauwi, Emily,” Alok niya.Binuksan ni Chloe ang
Read more

Kabanata 215 May Mga Taong Dapat Natin Iwasang Banggain

Hinaplos ni Joseph ang buhok ni Chloe na para bang hinihimas niya si Toto. “Kasal na tayo. Ano pang klaseng relasyon ang mayroon tayo?”“Pumirma tayo ng kontrata, three-year term. Pagkatapos nun, magdi-divorce na tayo.”“Hindi natin kailangan mag-divorce.”“Hindi yun ang ibig kong sabihin.”“Gusto mong makipag-divorce?” Tanong ni Joseph, bakas sa boses niya ang galit.Umiling si Chloe at mariin na nagsalita, “Pwede tayong maghiwalay. Ang pag-ibig ay pag-ibig, at ang kontrata ay isang kontrata. Sa oras na pareho na natin naramdaman na handa ng umusad ang relasyon natin, hindi na natin kailangan pa ng kontrata.”Gayunpaman, kailangan niya pa rin bayaran ang perang utang niya kay Joseph.“Hindi ka naniniwala na magtatagal ang relasyon natin?”Gustong tumango ni Chloe dahil malaki ang pagkakaiba nila sa family background at social status, at natatakot siya na baka gusto lang ni Joseph ang relasyon dahil sa novelty nito.Gayunpaman, hindi niya yun masabi nang diretso. Umiling na la
Read more

Kabanata 216 Mayroong Sumusuporta Nang Lihim Kay Ava

Hindi napakali si Chloe sa mga sinabi ni Wyatt, nakaramdam siya ng kaba. Hindi niya maalis ang kutob na mayroong maimpluwensyang tao na lihim na sumusuporta kay Ava. Gayunpaman, masiyadong malaki ang perang alok ni Wyatt para hindi niya ito pansinin.At saka, dahil sira na rin naman ang relasyon niya sa mga Johnson, naniniwala si Chloe na walang mawawala sa kaniya kung tutulungan niya si Wyatt. Kaya naman, nagdesisyong tulungan nga si Wyatt. Bilang pagpapakita ng sincerity, nag-transfer ng 50 thousand dollars si Wyatt bilang deposit pagkatapos mismo ng pag-uusap nila sa phone.Mukhang hindi lang si Chloe ang may ayaw kay Ava.Gamit ang 100 thousand dollars, kasama ang perang iniwan sa kaniya ng nanay niya, malapit na niyang maabot ang goal niya na makalikom ng 280 million.Samantala, napadala na rin ni Emily ang mga alahas na iniwan ng nanay niya sa kaniya, pero hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon si Chloe na ayusin yun.“Well, sa tingin ko kailangan ko silang dalhin sa isang spec
Read more

Kabanata 217 Mr. Joseph, Pakiusap, Payuhan Niyo Ang Kapatid Ko

Medyo nabawasan ang malaking ego ni Ava, pero nanatili siyang nakangiti. “Nagseselos ka ba sa akin, Coco?”“Bakit ako magseselos sa iyo?” Sagot ni Chloe.Isa sa mga katrabaho niya ang humila sa kaniyang manggas at sinabing, “Chloe, isa ka ba sa mga hater ni Wyatt?”Inosente lang na ngumiti si Chloe, “Pag-aaksaya lang sa oras ang pagiging hater ni Wyatt.”Natahimik ang lahat.“Naging director ka sa isang entertainment company, Ava, kaya bakit ka magtatiyaga sa isang low status? Dapat humanap ka ng nasa level na ng ‘Best Actor.”Kumibot ang mga mata ni Ava, may katotohanan sa mga sinabi ni Chloe. Hindi maituturing na kahanga-hanga si Wyatt sa entertainment industry, at sa kasalukuyang posisyon at status ni Ava, dapat ay naghanap siya ng mas higit pa kay Wyatt.Tiningnan niya ang lalaking hindi man lamang makapagsalita kahit na iniinsulto na.Dahil nagawa na niya ang goal niya, hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Chloe na makapagsalita pa si Ava. Hinawakan niya na ang braso ng
Read more

Kabanata 218 Arranged Marriage

Kinilabutan si Aa sa komento ni Joseph, humigpit ang kaniyang panga. Sumagot siya nang mariin, “Ganito niyo ba i-train ang mga empleyado niyo?”Ni hindi siya tinapuan ng tingin ni Joseph. Tiningnan niya ang lobby at nagtanong, “Anong nangyayari dito?”Lumingon si Lucas at tahimik na pinaliwanag ang sitwasyon.“Paalisin sila sa premises,” Utos ni Joseph.“Pero nabayaran na nila ang location, at tatlong beses ang laki ng babayaran sa hindi pagsunod sa kontrata…”“Wala ba tayong pera para bayaran yun?” Tanong ni Joseph, walang sigla ang boses niya.“Naiintindihan ko po, Mr. Joseph.”Pagkatapos ibigay ang utos, sabay na pumasok sina Joseph at Alexander sa elevator.Pinatawag ni Lucas ang security guards para paalisin ang crew.“Binayaran na namin ang location. Hindi niyo ito pwedeng gawin sa amin. Bawal ito,” Umangal ang producer.Habang nakangiti, sumagot si Lucas, “Babayaran ng kumpanya namin ang location fee ayon sa nakasulat na penalty sa kontrata.”“Pero hindi pa tapos ang
Read more

Kabanata 219 Nandito Siya Para Guluhin Ka, Hindi Si Joseph

Natahimik si Calvin. “So, dapat kong pangaralan nang maayos si Ava bago siya ipakilala sa mga magulang niya?”Sa sitwasyon ngayon, hindi mabuting bigyan pa ng problema ang matandang mag-asawa.“Pasensya na sa abala, Tito Calvin,” Sabi ni Noah bago tumayo sa upuan at ayusin ang gusot sa puti niyang shirt bilang paghahanda sa kaniyang pag-alis.Habang palapit sa pinto, biglang huminto si Noah at lumingon kay Calvin. “Nung papunta ako sa Aesper, may nakita akong babae na may hawig kay Tita Luciana.”“Maraming tao ang magkakamukha,” Sabi ni Calvin, hindi yun pinansin.“Well, tama kayo.” Huminto sandali si Noah bago magpatuloy, “Hindi ko tatanggapin ang arrange marriage namin. Twenty pa lang ako ngayong taon at mas matanda nang tatlong taon sa akin si Ava. At saka, mukhang may boyfriend siya.”Naisip ni Calvin si Wyatt at nakaramdam ng sakit ng ulo. “Sige, sige. Siguraduhin mo lang na linawin mo ang sitwasyon kay Mr. Desmond.”Nasanay lang siyang banggitin yun, wala talaga siyang int
Read more

Kabanata 220 Obsession Dahil sa Pag-ibig Na Walang Hinihinging Kapalit

Nag-alinlangan si Lucas bago iabot ang dala niyang tray. “Nagtimpla ako ng dalawang tasa ng chamomile. Maganda ito na pampakalma.”Tumango si Chloe, huminga nang malalim at kumatok sa pinto.“Pasok.”Narinig ang boses ni Joseph mula sa loob dahilan para makaramdam siya ng security, Dahil nandito si Joseph, hindi niya kailangan matakot.Binuksan ni Chloe ang pinto at pumasok sa kwarto, nakaupo si Joseph sa likod ng desk niya, nakasuot ng sky-blue tie na bumabagay sa bata at gwapo niyang mukha. Nang makita niya si Chloe, napataas ang kilay niya sa gulat.Napansin din ni Calvin si Chloe at agad na napatuwid ng upo, napatitig siya at napabulong sa sarili, “Ka…may hawig ka sa kaiya.”‘Pagdating sa itsura, may pagkakahawig nga sila, pero mas pareho sila ng kilos at presensya.Nang pumanaw si Luciana ay mas matanda lang siya nang kaunti kay Chloe ngayon. Sa puso ni Calvin, hindi nawala ang bata at charming na itsura ng pinakamamahal niya, katulad ng babaeng nasa harapan niya ngayon.“
Read more
PREV
1
...
2021222324
...
37
DMCA.com Protection Status