Share

Kabanata 213 Gusto Mo Makita Kung Ano Ang Itsura Niya

Mahapdi ang nanunuyong lalamunan ni Chloe. Matagal na siyang hindi nakaka-inom ng tubig, dahilan para maging malat at mahina ang boses niya.

“Tubig,” Sambit niya.

Agad naman binitawan ni Joseph ang kamay niya at nagsalin ng tubig sa isang baso para sa kaniya. Tinungga naman yun ni Chloe, napawi ang uhaw sa kaniyang mahapding lalamunan. Pagkatapos nito, natahimik siya ulit.

Pinisil ni Joseph ang baba ni Chloe, pinilit niya itong humarap sa kaniya. Nakaka-intimidate ang kaniyang presensya. “Anong iniisip mo?” Tanong niya.

“Iniisip ko kung anong iniisip mo,” Sagot ni Chloe.

“Alam mo na ba?”

“May mga hula ako,” Sagot niya. “Kasal ka na pero nakikipagkita ka sa ibang babae. Habang gusto mo si Xavia, gusto mo rin ako.”

Nakatitig si Chloe sa mga mata ni Joseph, tinatago niya ang matinding sama ng loob. Si Joseph ang nagpababa sa kaniya sa kotse, pero ngayon ay nagpapanggap itong nag-aalala sa kaniya. Napakasama talaga nitong lalaki.

Ngumisi si Joseph. “Nagseselos ka ba?”

Pagkatapos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status