Share

Kabanata 218 Arranged Marriage

Kinilabutan si Aa sa komento ni Joseph, humigpit ang kaniyang panga. Sumagot siya nang mariin, “Ganito niyo ba i-train ang mga empleyado niyo?”

Ni hindi siya tinapuan ng tingin ni Joseph. Tiningnan niya ang lobby at nagtanong, “Anong nangyayari dito?”

Lumingon si Lucas at tahimik na pinaliwanag ang sitwasyon.

“Paalisin sila sa premises,” Utos ni Joseph.

“Pero nabayaran na nila ang location, at tatlong beses ang laki ng babayaran sa hindi pagsunod sa kontrata…”

“Wala ba tayong pera para bayaran yun?” Tanong ni Joseph, walang sigla ang boses niya.

“Naiintindihan ko po, Mr. Joseph.”

Pagkatapos ibigay ang utos, sabay na pumasok sina Joseph at Alexander sa elevator.

Pinatawag ni Lucas ang security guards para paalisin ang crew.

“Binayaran na namin ang location. Hindi niyo ito pwedeng gawin sa amin. Bawal ito,” Umangal ang producer.

Habang nakangiti, sumagot si Lucas, “Babayaran ng kumpanya namin ang location fee ayon sa nakasulat na penalty sa kontrata.”

“Pero hindi pa tapos ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status