Niyakap ni Joseph si Chloe at siniksik ang mukha niya sa leeg nito. Saka niya sinabi, “Malalaman ko rin pagkatapos ko imbestigahan.”“Hmm.” Nahigpitan si Chloe sa yakap ni Joseph, kaya medyo nagpumiglas siya. “Bitaw na. Hindi ako makahinga.”“Hindi. Hindi kita bibitawan hangga’t hindi mo ako hinahalikan.”Hinawakan ni Chloe ang gwapong mukha ni Joseph at mabilis itong hinalikan sa labi bago magtanong, “Pwede mo na ba akong bitawan?”Habang ninamnam ang sensasyon sa mga labi niya, nagdilim ang mga mata ni Joseph bago yumuko at muling hinalikan si Chloe, pero sa ngayon ay mas malalim na.Makalipas ang ilang sandali, tinulak ni Chloe si Joseph palayo. “Okay, tama na. Hindi natin dapat ‘to ginagawa sa opisina.”Nagliwanag sa saya ang matalim na mga mata ni Joseph. “Okay, itutuloy natin kapag nakauwi na tayo mamaya.”Alam ni Chloe ang ibig niyang sabihin kaya naman namula siya. Nahihiya niyang tiningnan si Joseph. “Kasisimula pa lang ng relasyon natin. Hindi mo kailangan magmadali na
Tinanong ni Chloe si Xavia kung tungkol saan ang pag-uusapan nila at tinanong kung pwedeng sa text na lang nila pag-usapan, pero hindi sumagot si Xavia.Ang binigay na oras ni Xavia ay isang oras bago umalis sa trabaho si Chloe. Pagkatapos mag-isip, nag-desisyon siyang tumayo at sumakay ng elevator pababa.Sa baba lang naman yun at hindi siya magtatagal.Sa labas ng building, tahimik na naghihintay si Xavia habang hawak-hawak ang isang payong. Hindi maganda ang kulay niya. Nakasuot siya ng sweater para hindi makita ang suot niyang hospital gown sa loob. Malinaw na dumiretso galing sa ospital.Tumaas ang mga kilay ni Chloe. “Anong magagawa ko para sa iyo?”“Pasensya na ulit sa abala.”“Diretsuhin mo na lang ako.”“Sumasailalim ako sa chemo sa ospital, kaya wala akong oras para alagaan si Oreo. Nag-aalala ako ilagay si Oreo sa boarding, pwede niyo ba munang alagaan ni Joseph ang aso ko?”Ang unang sagot ni Chloe ay tanggihan si Xavia. Kapag hinayaan niyang tumira si Oreo sa villa
“Siyempre hindi. Manyakis lang ang gumagawa nun,” Biro niya bago siya magpaliwanag nang seryoso, “Dito nakatira ang kaibigan ko. Kumain ako sa bahay niya at lumabas ako para magpahangin. Gusto ko rin malaman kung makakasalubong kita. Well, patunay lang ‘to na nakatadhana tayong magkita.”Tumango si Chloe. Naisip niyang sapat na siguro ang paglalakad ng mga aso at nag-desisyon na siyang umuwi. Hindi niya inaasahan na may lalabas na isang pusa sa damuhan, parehong nagwala sina Oreo at Toto. Sinunggaban nila ang pusa para makipaglaro.Kasunod nito ay nahila si Chloe, nawalan ng balanse at natumba paharap.Mabilis na kumilos si Icarus at hinawakan siya bago kinakabahang nagtanong, “Ayos ka lang ba?”“Ayos lang ako.” Tinapik ni Chloe ang dibdib para pakalmahin ang sarili. Umalis siya sa pagkakahawak ni Icarus. “Salamat. Mapaplakda sana ako.”“Walang anuman.”Pagkatapos nito, magaang pinalo ni Chloe ang balakang nina Toto at Oreo bilang parusa. Tila naintindihan naman yun ni Oreo. Buma
Nanlaki ang mga mata ni Chloe. Nang mapansin niya ang mapang-asar nitong ngiti, gumaan ang pakiramdam niya at suminghal, “Ikaw ang nakikipagkita sa ibang babae.”“Wala akong interes sa mga lalaki.”Pagkatapos nito, naalala ni Joseph ang tungkol sa tawag na natanggap niya kay Lucas kanina, naging seryoso ang boses niya. “Hindi magkakilala sina Calvin at Karen.”Napatikom ang mga labi ni Chloe. “Kung ganoon, imposibleng gusto ni Calvin si Ava dahil kay Karen. Ibig sabihin ba ay gusto niya lang talaga si Ava?”Maraming matatanda ang mag-aampon kapag wala silang anak. Kahit na hindi ganoon kahanga-hanga si Ava, magaling naman siyang umarte, at baka may hilig si Calvin sa mga tusong babae.“Dun na natatapos ang clue na yun pero may isa pa akong nalaman.”“May nahanap kang ibang clue?” Nanlaki ang charming na mga mata ni Chloe at naghihintay habang nakatitig kay Joseph.Marahang sumagot si Joseph, pinapaasa si Chloe. “Sasabihin ko sa iyo kapag ginalingan mo.”Namula nang sobra si Chl
Sumagot si Joseph, “Ganoon na nga.”Nalaman ni Lucas na ang buwan kung kailan ipinanganak ni Karen si Ava ay ang parehong buwan na nabuntis si Luciana. Halos araw-araw na kasama ni Benjamin si Luciana.Naalala ng hospital staff na may ibang lalaki na paminsan-minsang bumisita kay Karen, at lagi silang nag-aaway. Sensitibo ang usapan nila, na ang lalaking nakabuntis kay Karen ay kasal na. Kaya naman, malalim ang impresyon ng hospital staff sa insidente. “Wow…” Nanlamig si Chloe. “Alam mo ba kung sino ang lalaking yun?”“Hindi pa, pero baka makuha natin ang sagot bukas.”Matapos malaman ang tungkol sa pagtataksil, hindi makatulog si Chloe. Abala siya sa pag-aayos ng mga clue na nakuha niya.Hindi na nakapagtataka kung bakit pinili ni Karen na makipagbalikan kay Benjamin nang taon na yun. Malaki ang posibilidad na gusto niyang maghanap ng tatay para sa anak niya. At dahil siguro kay Karen kaya kahit bata pa lang ay napakasama na ni Ava.Napaisip si Benjamin kung mababaliw ba si Ben
Mahigpit na nakayukom ang mga kamao ni Chloe, nag-aalab sa galit ang namumula niyang mga mata. Nabalot siya ng galit habang sinasabi, “Oo, hayaan mong magdusa si Benjamin bilang kapalit ng lahat ng ginawa niya!”Gusto niyang maranasan ni Benjamin ang hirap na pinagdaanan ng nanay niya bago ito pumanaw.Tiningnan ni Lucas si Wren at nagtanong, “Sir, anong gagawin natin sa kaniya?”“Pabalikin mo na siya. Baka kailanganin pa natin siya bilang witness.”*Mabigat ang puso ni Chloe, pero sa gulat niya, kinansela lahat ni Joseph ng morning meetings niya at sinamahan siya nito buong maghapon. Nakayakap siya sa baywang nito, umiiyak at naghahanap ng kapayapaan sa presensya nito hanggang sa tuluyan na siyang mapagod. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya, basa ng luha ang mga pisngi niya.Nang magising siya, alas dos na nang hapon. Humupa na ang bigat ng nararamdaman niya. “Jojo, pasensya na at naabala ko ang trabaho mo kaninang umaga.”Pinagdikit ni Joseph ang mga daliri nila, relax
Nang dumating si Lucas sa marketing department, nag-aayos ng data at marketing copy si Chloe para sa afternoon meeting. Dinala siya ni Lucas sa isang sulok at bumulong, “Ms. Chloe, nakasalubong niyo ba si Icarus kagabi?”Natigilan si Chloe. “Paano mo nalaman?”“Pinag-uusapan yun ng buong neighborhood.”Habang nasa loob ng elevator, sinabi sa kaniya ni Lucas ang lahat ng nangyari sa homeowners’ group, binigyang diin nito ang bigat ng sitwasyon. “Galit na galit si Mr. Joseph, kaya kapag pumasok kayo, importanteng hindi niyo siya komprontahin nang direkta. Magsalita kayo nang mahinahon, at subukan niyo siyang suyuin gamit ang mabubuting salita. Naniniwala akong maaayos ang lahat.”Kinakabahang nilaro ni Chloe ang mga daliri niya, huminga siya nang malalim, at inipon ang lakas ng loob para buksan ang pinto ng opisina.“Jojo, hindi yun tulad ng iniisip mo. Nagkasalubong lang kami ni Icarus. May kaibigan siya na doon nakatira.”Habang nakaupo sa sofa, inunat ni Joseph ang mahahaba niya
Sabi ni Nathan, “Sa tingin ko pareho kayong may kasalanan.”Kasalanan ni Chloe na hindi niya sinabi ang totoo, at kasalanan naman ni Joseph na hindi magtiwala sa kaniya.Matalim ang tingin ni Joseph kay Nathan.Nang maramdaman yun, agad na binago ni Nathan ang opinyon niya. “Kahit na pareho kayong may mali, na kay Chloe ang main issue. Kaunti lang ang mali mo.”“Bigyan mo ako ng solusyon.”“Bilhin mo ang kasiyahan niya gamit ang pera,” Suhestiyon ni Nathan, huminto siya sandali bago magpatuloy, “Naiintindihan ko si Chloe. Masakit para sa isang dalaga na masaksihan na mawasak ang perpekto niyang pamilya dahil sa isang masamang babae, at ngayong nalaman niyang ang tatay niya ang dahilan ng pagkamatay ng nanay niya. Mabigat dalhin yun.“Pero, nawalan ng kontrol si Chloe sa emosyon niya kaninang umaga at nagawang kumalma pagdating ng hapon, nagtrabaho siya agad. Maaari man na nagpapanggap lang siyang malakas o talagang matatag siya, kailangan mo siyang maintindihan.”Wala pa rin emo
Nagliliyab sa galita ng dibdib ni Joseph, isang emosyon na kailangan niyang ilabas. Kakaiba ang alak na ininom niya ngayong gabi, siguradong hinaluan ito ng matandang yun. Pero, sa sandaling ito, hindi niya na yun iniisip. Puno ang isipan niya ng mga imahe nina Chloe at Noah habang magkahawak ang mga kamay nila.‘Bakit lagi siyang nagmamatigas? Nangako siya sa akin na makikipaghiwalay siya kay Icarus, pero lumalapit naman siya ngayon kay Noah. Sa tingin niya ba talaga ay hindi siya mabubuhay nang walang kasamang lalaki?’Gumuho na ang huling linya niya ng depensa dahil sa selos, tinitigan ni Joseph si Chloe bago niya ito pilit na hinalikan. Si Chloe na hindi nagpapaapi ay parang isang kuneho na handang lumaban anumang oras.Pak!Binigyan niya ng umaalingawngaw na sampal sa mukha si Joseph, hindi niya ito kinaawaan. Napalingon si Joseph sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal, sandali siyang natigilan. Tila tumigil ang oras pagkatapos ng ginawa niya. Bakas sa gwapo niyang muk
Agad na kumaway si Chloe. “Hindi na, makakahanap din ako ng masasakyan.”Dinoble niya ulit ang bayad. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, ganon pa rin ang resulta. Gumamit siya ng ibang platform, pero ganoon pa rin.Nagkunwari si Harold. “Sobrang late na ngayon at malayo itong bahay. Normal lang na hindi ka makahanap ng masasakyan. Kahit na may mahanap ka, baka masamang driver pa ang masakyan mo. Baka nakawan ka pa at pagsamantalahan. Napakadelikado nun!”Kinilabutan si Chloe bago niya maalala ang balita tungkol sa mga babaeng napapahamak sa pagsakay nang mag-isa sa mga taxi sa gabi… Sa huli, nagdesisyon siyang magpalipas nang gabi sa bahay. Nakahiwalay siya ng kwarto pero nasa iisang palapag lang sila ni Joseph.Nagkulong siya sa kwarto. Pagkatapos maghilamos, nahiga siya sa kama at tinext si Icarus. Akala niya ay natutulog na ito ngayon pero tinawagan siya nito.“Chloe, bakit hindi mo sinagot ang video call? Busy ka pa ba sa office?”“Hindi…Pumunta ako sa birthday celebrati
Namangha si Patrick. ‘Lumabas lang ako dito para magpahangin, at guard na ang tingin niya sa akin. Ganun na ba kababa ang security guards ngayon?’“Hindi na yun kailangan. Sapat na ako para mag-desisyon tungkol dito. Kung hindi ka nagtitiwala sa akin at magpupumilit ka pa, papayuhan na kita. Whitman family home ito. Pwede kang pumasok pero hindi ibig sabihin ay pwede kang lumabas.” Mapagbantang sabi ni Patrick bago siya tumalikod at hindi na muling lumingon pa.Hindi tanga si Ronald. Alam niyang hindi biro ang pumasok sa bahay na ito. Kaya naman, hindi na sila naglakas ng loob na pumasok pa sa loob.Pagkatapos mahusgahan ni Patrick, nagdilim ang mukha ni Ronald. Nalaman niyang hindi sineseryoso ng Whitman family si Xavia at hindi siya dapat nangako na pupunta.Pumasok si Patrick sa hall at bumulong kay Harold. Ngumisi ang huli. Mas may experience siya kaysa kay Xavia. Ang lakas ng loob nitong isahan siya? Walang galang!Nasa hall si Chloe, kaya hindi niya alam ang nangyari sa laba
Kaswal lang ang outfit ni Chloe. Nakasuot siya ng maikling sweater, may beret and isang pares ng jeans, kitang-kita ang payat niyang bayawang. Mukha siyang masiglang dalaga. Parang isa silang couple ni Noah.Hinawakan ni Joseph ang kurbata niya at nanatiling kalmado, pero nakakatakot ang itsura niya para sa iba.Si Octavia na balak siyang lapitan sana ay hindi na naglakas-loob pa.Nakita ni Chloe si Chloe, bahagya siyang kinabahan habang sinusubukang dumikit kay Harold.Nakita ni Joseph ang pagbabago sa ekspresyon ni Chloe, nabalot ng lungkot at kadiliman ang kaluluwa niya.Nang magsimula ang birthday party, nakita ni Harold ang cake na niregalo ni Chloe sa kaniya. Nang malaman niyang siya mismo ang nag-bake nun, abot tainga ang ngiti niya. Pinagmalaki niya ito. “Tingnan niyo. Siya mismo ang nag-bake nito. Ang pinakamagandang regalo ay ang mga bagay na pinaglalaanan ng oras.”“Mahihirap lang ang gumagawa ng regalo para magpanggap na attentive,” Mahinang bulong ni Octavia.Matand
“Pero Whitman din si Jon. Unti-unti rin siyang magma-mature.” Naiinis si Preston. “Dad, ibalik mo siya sa board.”“Hindi na ako pwedeng mangialam simula nang ibigay ko ang pangangalaga sa Whitman Group sa batang yun. Sa kaniya niyo sabihin ang mga hinaing niyo.” Umiwas sa responsibilidad si Harold dahil ayaw niyang mangialam.“Dad, alam niyong hindi papayag si Joe. Kaya kami pumunta sa inyo,” Ayaw sumuko ni Octavia. “Hindi pwedeng paborito niyo lang ang masusunod. Namamaga ang balakang ni Jon dahil sa pagkakasipa sa kaniya.”“Magkaroon ka muna ng achievements bago ka makiusap. Pwede tayong gumamit ng pera para tulungang tumanda si Jon, pero kailangan may ipakita siya.”Umusok ang ilong ni Octavia sa galit. ‘Fine, magkakaroon kami ng achievements! Ang anak ko ang pinakamagaling. Magkakaroon din siya ng achievement at matatalo si Joseph!’Dala-dala ni Chloe ang birthday cake na ginawa niya at isang regalong binili niya habang naglalakad papasok sa Whitman family home. Nang makita ni
Nararamdaman ni Toto ang takot ng kasama niya kaya tinahulan niya si Xavia. Malakas ito kaya napalabas si Joseph.Nabalot ng pagsisisi ang mukha ni Xavia. “Aksidente kong natakpan ang buntot ni Oreo, akala ni Toto binubully ko si Oreo.”Hindi yun sineryoso ni Joseph. Lalo na at laging tumatahol nang malakas si Toto. Malaya ito at walang ginagawa. Kailangan lang nitong mapalo.Ang trip papunta sa Docwood ay para asikasuhin ang trivial affairs ng Whitman Group. Alam ni Jonathan na darating si Joseph ngayong araw kaya hindi siya mapakali habang naghihintay. Pagpatak ng alas onse nang umaga, dumating si Joseph sa Docwood. Lahat ng executives ay lumabas para batiin siya.Lumapit si Jonathan. “Joe, nandito ka na rin.”Tiningnan lang ni Joseph si Jonathan sa sulok ng mga mata niya pero hindi niya ito pinansin. Dahil hindi pinansin sa harap ng maraming tao, magsasalita sana si Jonathan para bawiin ang dignidad niya pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Joseph, inutusan nito si Lucas
Kinabukasan, sinimulan ni Chloe ang araw niya sa paghahanda ng isang healthy breakfast. Napuno ang kusina ng nakakatakam na aroma ng brewed coffee at sizzling bacon. Pagka-upo niya para kumain, ang combination ng mga flavors at texture ay nagbigay sa kaniya ng matinding saya.Kumakain siya habang nag-rereview ng study materials. Straightforward ang mga tanong para sa driving test, kailangan ng kaalaman sa theory imbes na practical application. Pagdating ng nine o’clock, dumating na siya sa opisina.Sa lobby sa ground floor, isang middle-aged na lalaki na nasa fifties ang nagpapalinga-linga, halatang may hinihintay. Paglapit ni Chloe, hindi niya mapigilang masurpresa.“Patrick?”Tumalikod si Patrick at ngumiti. “Ms. Chloe, napadaan lang ako at naisipan kong pumunta dito.”Hindi naniwala si Chloe dahil pamilyar na siya kay Patrick. Pabiro siyang nanukso, “Napadaan lang, huh?”“Ms. Chloe, matalino ka talaga. Walang nakakalagpas sa iyo,” Sabi ni Patrick, nilabas niya ang isang invita
Habang nagsisimulang pumatak ang ulan sa labas, natakpan ng mga itim na ulap ang buwan.Nakatayo si Chloe sa labas nang walang payong, naghihintay ng isang ride-hailing car.Paglipas ng limang minuto, lumabas si Joseph mula sa underground parking lot. Binaba niya ang bintana ng kotse para ipakita ang kaniyang mukha. “Sumakay ka. Maulan ngayong gabi, at hindi ka makakakuha ng taxi.”Tiningnan ni Chloe ang ride-hailing order sa phone niya, kahit na mataas na ang presyo, walang driver na tumatanggap nito. Dahil lumalakas ang ulan, alam niyang mas magiging mahirap pa ang maghanap ng masasakyan. Hindi na siya nag-alinlangan at sumakay na sa kotse ni Joseph at sinabi niya ang kaniyang destinasyon.Dahil dalawang beses nang nakapunta sa bahay ni Chloe noon, natatandaan pa n Joseph ang ruta at hindi na kailangan gumamit ng navigation. Noong una ay walang nagsasalita sa kanila habang si Chloe ay nakatingin sa labas. Lumakas lalo ang ulan, at natakpan ng malalaking patak ang bintana ng kotse
Nararamdaman niyang matagal na nitong pinipigilan ang galit niya. Dahil ba sila na ni Icarus?Hindi niya alam kung gaano katagal siya nitong hinalikan, at sa tuwing sinusubukan niyang kumawala, kakagatin lang siya ni Joseph. Dahil sa takot sa sakit, hindi siya gumalaw, namumula ang malinaw niyang mga mata, parang isang kunehong galit pero hindi makapagsalita, hinayaan niyang kunin nito ang gusto.Matapos ang tila walang hanggan, binitawan na rin ni Joseph si Chloe. Gayunpaman, ang mga labi lang nito ang iniwan niya, hawak niya pa rin ito sa baywang. Huminga nang malalim si Chloe, namamanhid ang kaniyang mga labi. Kahit hindi niya tingnan, alam niyang namamaga ang mga ito.Nilaro ni Joseph ang mga hibla ng buhok ni Chloe, malalim at katakot-takot ang boses niya habang sinasabi, “Uulitin ko sa huling pagkakataon. Makipaghiwalay ka kay Icarus o hindi lang simpleng bankrupt ang mangyayari sa kaniya. Lalo na at si Icarus lang ang nag-iisang anak na lalaki sa pamilya niya.”Mababa ang ti