“Aba, ayos ha. Sipag mo ngayon ha,” wika ni ate pagkakita sa mga almusal na niluto ko.“Nagluto lang. Tagal mong magising eh, gutom na 'ko,” biro ko.“Kumusta nga pala lakad mo kagabi? Saan ka ba galing ha?” usisa niya.“Kapag umaalis ka dati, tinatanong ba kita ha?”“Syempre hindi. Eh sa lahat ng lakad ko dati, sinasama kita,” sumbat niya na ikinatawa ko.“May pa-surprise party lang ‘yung mga friends ko,” pagsisinungaling ko.“Humaba sana ‘yang ilong mo,” sagot niya.Pagkatapos kumain, nakipaglaro muna ako sa pamangkin ko, habang si ate naman ay nag-volunteer na maghugas ng pinggan. Sila lola, nanonood ng TV.“Ate, gusto mo bang sumama sa café na pinag-part-time job ko dati?” tanong ko sa kanya habang nilapitan siya sa kusina. Karga ko si Tres.“May part-time ka ba mamaya?”“Wala,” ngiting sagot ko. “Magpapasa ako ng resignation letter.”“Parang ang saya mo pa na aalis ka ha,”“Hindi naman, nakatanggap kasi ako ng email from BMC na natanggap na ‘ko,” pagyayabang ko.“Talaga ba?!?!” t
Last Updated : 2024-09-11 Read more