Lumaki ako na wala ng mga magulang dahil lang sa mas pinili ni mama na pakasalan si papa kaysa tanggapin iyong promotion niya. Sabi nila lola, ang ganda na raw ng buhay ni mama noon, nagtatrabaho siya sa isang company na hindi nila kailanman nalaman kung saan, pero simpleng employee raw doon si mama, hanggang sa makitaan ng potential at ipo-promote na dapat na secretary ng CEO. Kung tinanggap niya ‘yon, hindi lang sana magiging double ang sweldo niya, kundi magiging triple pa. Magkasintahan na sila ni papa noon, walang trabaho si papa noong mga oras na iyon. Noong nalaman niya ang tungkol sa possible promotion ni mama, nanliit siya sa sarili niya, nagalit siya, pinairal niya ang ego at pride niya. Bakit pa raw naghahangad si mama ng mataas na posisyon eh nabubuhay naman daw sila sa position nito ngayon bilang simpleng empleyado.Matalino si mama, sa kanya nga raw ako nagmana. Malaki ang potensyal niya, pero hindi ko alam bakit ang tanga niya pagdating sa pag-ibig. Si papa, tambay,
Last Updated : 2024-09-03 Read more