Tahimik akong nakaupo sa sofa at tinitingnan ang mga ebidensyang ibinigay ni Ms. Jas, pati na rin iyong galing kay Enzo kanina.Sa lahat ng tao, bakit ang ama pa ni Madeline? Anong rason niya? Ikakasal naman na ang anak niya kay Samuel, pero bakit kailangan niya ‘tong gawin? Alam rin ba ni Samuel ang tungkol rito, at nagbubulag-bulagan lang siya para kay Madeline? At mas lalong, may alam kaya si Madeline tungkol dito?Ang daming tanong sa isip ko, pero hindi ko alam kung paano makakakuha ng sagot sa mga iyon, maliban na lang kung tatanungin ko nang direkta ang mga taong kasangkot dito.May isa pang tanong sa isip ko, sino ang nagpadala ng mga ebidensyang ito kay Ms. Jas?Kinuha ko ang cellphone para tawagan si Enzo. Baka nakahanap ng impormasyon ang tumulong sa kanya.“Hello, sorry sa pagtawag ng late, Enzo. Gusto ko lang malaman kung may nahanap pang impormasyon ‘yung tumulong sa’yo tungkol sa nagpadala ng mga ebidensyang hawak ni Ms
Last Updated : 2024-11-02 Read more