“Samuel, nasisiraan ka na ba ng bait?” halos magdabog na ako. Kanina ko pa sinasabihan ang lalaking ito na bumangon na at mag-ayos para bumalik sa Manila pero nagtutulog-tulugan pa rin.Ilang araw na siyang andito. Noong una hinayaan ko pa kasi may bagyo pa pero ngayong gumaganda na ang panahon pwede na siya makauwi. Marami na rin silang nagawa ni tito rito, ang maglaro ng basketball tuwing hapon, maligo sa ilog, umakyat ng bundok at mag-camping at kung ano pang mga adventure na hindi kakayanin ng katawan ko kaya hindi ako sumasama. Masyado na siyang nakikipamilya!Bumangon ito at naupo. “No, ikaw ang nasisiraan ng bait kasi bigla ka na lang pumapasok dito sa kwarto ko without my permission.” bahagya pa nitong itinuro ang pinto na para bang pinagsasabihan ako na lumabas.Napasinghap ako sa naging sagot niya. Sa loob ng ilang araw na narito siya naging ganyan na siya ka walang hiya. Parang nakalimutan at ibinaba niya na ang lahat ng walls na mayroon siya. Ibang-iba siya sa Samuel na n
Last Updated : 2024-08-08 Read more