“Samuel, nasisiraan ka na ba ng bait?” halos magdabog na ako. Kanina ko pa sinasabihan ang lalaking ito na bumangon na at mag-ayos para bumalik sa Manila pero nagtutulog-tulugan pa rin.Ilang araw na siyang andito. Noong una hinayaan ko pa kasi may bagyo pa pero ngayong gumaganda na ang panahon pwede na siya makauwi. Marami na rin silang nagawa ni tito rito, ang maglaro ng basketball tuwing hapon, maligo sa ilog, umakyat ng bundok at mag-camping at kung ano pang mga adventure na hindi kakayanin ng katawan ko kaya hindi ako sumasama. Masyado na siyang nakikipamilya!Bumangon ito at naupo. “No, ikaw ang nasisiraan ng bait kasi bigla ka na lang pumapasok dito sa kwarto ko without my permission.” bahagya pa nitong itinuro ang pinto na para bang pinagsasabihan ako na lumabas.Napasinghap ako sa naging sagot niya. Sa loob ng ilang araw na narito siya naging ganyan na siya ka walang hiya. Parang nakalimutan at ibinaba niya na ang lahat ng walls na mayroon siya. Ibang-iba siya sa Samuel na n
“Sinong ikakasal?” tanong ni tito na kararating lang. “Ikaw?” gulat na tanong pa nito sa akin. “Hindi po ha.”“Eh sino?” tanong niya ulit “ikaw?” tanong niya kay Samuel.“Hindi po.” Umiiling naman na sagot ng isa.Napakasinungaling talaga.Tumama ang paningin nito sa akin at pinandilatan ko ito ng mata. “Oh hindi naman pala eh.” Sagot ni ate.“Bakit po?” tanong ni Samuel.“Kasi nag-uusap kami ni Thea tungkol sa-““Ate, yung anak mo ata umiiyak” putol ko rito at tinulak-tulak siya papunta sa kwarto niya.“Hindi naman ha.” Pagkontra niya pa pero hinila ko na siya sa kwarto niya at iniwan.Paglabas ko ay wala na rin si tito. “Ano yan?” tanong ko kay Samuel na andon pa rin sa pwesto niya. Ngayon ko lang napansin ang plastic na hawak niya.“Mangga at saka bagoong” simpleng sagot niya na nagpabuhay sa kaluluwa ko. Ang tagal ko na gusto kumain ng mangga lalo na yung maraming bagoong! Nanlaki ang mata ko sa excitement at nginitian ito. Lumapit ako at inabot iyon sa kamay niya pero agad
Pinagmasdan ko ang pamilya kong nakakatuwaan. Kumakanta si tito habang ang iba naman ay sumasayaw kasali na rin diyan si ate na karga si Tres. Nasa tabi ko lang si Samuel na aliw na aliw na pinapanuod sila. “You really love them?” tanong nito habang nakatingin sa akin. Ngumingiti ang mga mata niya. Siguro dahil tulad ko, busog at masaya rin siya ngayong gabi. Tinanguan ko siya. “They’re lucky to have you.” “Swerte rin naman sila sa akin ha.” Biro ko. Natawa ito. “Sure” “Pero totoo, mahal ko ang pamilya ko.” Sagot ko habang ina-admire sila “Halata naman. Hindi mo naman ako susugurin kung hindi mo sila mahal.” Wika niya na nagpaubo sa akin. Parang bigla akong nabulunan sa sarili kong laway. Nagpeace sign ako rito at nginitian siya. “Sorry na.” “Nasabi ko na ba na mahapdi sa mata yung wine na ‘yon?” “Nadala lang ako ng emosyon ko.” Paliwanag ko “kinakawawa mo rin kasi si Miss Mad.” Sumama ang tingin nito sa akin. “Ano bang ginawa ko?” "Nakapoker face ka lang kaya haba
Hindi talaga mahahalata sa ingay ng mga kasama ko na miss nila ang isa’t-isa. “Kumusta bakasyon niyo?” “Grabe ang saya ng pasko at new year sa amin!” “May grahams kayo?” Hindi ko na alam kung kanino makikinig at sasagot dahil nagsabay-sabay na sila. “Nakalimutan ko ibigay noong nakaraan.” wika ni Enzo at may iniabot na isang maliit na box. “Ano ‘to? Nag-abala ka na naman.” Panenermon ko rito. “Hindi ka nga kasi-” “Abala, oo na. Alam ko na ‘yan.” Biro ko rito kasi iyan naman palagi ang line niya sa tuwing sasabihin ko na huwag na siya mag-abala. “Buksan mo.” Wika nito at tinulungan ako buksan ang box. Kumislap ang mga mata ko pagkakita sa laman nito. Isa iyong braided bracelet na may butterfly pendant. “Paano mo nalaman na mahilig ako sa butterfly?” “Nakita ko lang sa shared post mo.” Ngiting sagot nito. “Stalker ka ha.” Wika ko at natawa. “Puro kaya butterfly nasa feed mo.” Panunukso niya. “Gusto mong isuot na ngayon?” tanong nito, natawa naman ako kasi iyong mga mat
Iritable kong inilipat sa kanang kamay ko ang isang plastic na hawak ko. Kailangan ko kasi kunin sa bulsa ko ang telepono ko para magbook ng masasakyan pauwi. Ang hirap talaga kapag feeling independent ka kasi mahihirapan ka lang. “Althea?” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.“Miss Mad.” Ngiting pagbati ko rito.Lumapit ito para yumakap at bumeso sa akin. “Oh my gosh! long time no see.” Excited na wika niya.Napangiti ako, sinong mag-aakala na ang isang katulad niya ay makakamiss sa tulad ko.Sabihin ko kaya ano atraso ko sa kanya para imbes na yakap eh sakal ang matanggap ko?“Kumusta po?” tanong ko rito.“I have lots of chika to tell! Sobra!” tila kinikilig pa ito.Nginitian ko ito, hindi ko alam kung bakit sa akin niya tila gusto sabihin iyong mga ‘yon, panigurado naman ako na marami siyang pwedeng makwentuhan.“So, saan po ba tayo magsisimula?” biro ko rito at bahagya pang itinaas ang mga dala ko.“Oh no, not now.” Natawa ito. “Let’s meet later. May alam akong bago
“Samuel? Althea?” wika ng isang pamilyar na boses.Parehas kaming napalingon ni Samuel sa nagsalita.Agad akong nagmadali na kumawala sa pagkakayakap niya. Ngunit bago ko pa man magawa iyon, naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa baywang ko.“Where have you been, Madeline? Bakit iniiwan mo ang kaibigan mo rito? Aren’t you aware that there are some perverts in this club?” nahihimigan ang labis na pagkainis sa boses ni Samuel.Ang mga kilay nito ay magkasalubong at halos makita na ang ugat nito sa leeg sa panggagalaiti.Pilit akong kumalas sa pagkakayakap nito. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kay Miss Madeline, parang nakakalimutan niya na kung sino ito sa buhay niya. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling iyong idea sa isip niya na magkaibigan kami ni Miss Madeline dahil wala akong naaalala na sinabi ko sa kanyang magkakilala kami.“Sir Ben…” pinilit kong agawin ang aten
Nawala ang ingay sa paligid. Ang sumunod kong narinig ay ang pagsara ng pinto.Umalis na ba sila? Silipin ko ba? Nagtatalo ang isip ko pero sa huli ay naisipan ko pa rin na buksan ang pinto.Napapikit ako nang madiin bago ipinihit ang doorknob. Napamulat ako ng hindi ko iyon mabuksan, para kasing may taong pumipihit sa labas.Sinubukan ko ulit pero gano’n pa rin. Pagpihit ko ay parang may pumihit sa kabila. Sigurado ako na kung sino man ang nasa likod ng pinto na ito ay nakakunot na ang noo.Binitawan ko iyon at tigil hininga na naghintay sa kung sinong papasok.“Althea?” nakakunot ang noo na wika ni Samuel.“Hi,” awkward na wika ko “I can explain” or siguro hindi.Bahagya itong napapikit at napabuntong-hininga bago muling tumingin sa akin.“No need.” Wika niya at pumasok.Sinundan ko ito ng tingin at isa-isa niyang tinatanggal ang butones na suot niya.“Yo
“Pst, kumusta masakay sa car ni Enzo?” tanong ni Lyka.Kumunot ang noo ko. Anong car?“Ang daya talaga non. Sabi namin isabay na lang kami eh. Pero ayaw niya talaga.” Pabirong nagtatampo ito. “Alam mo ba na binalikan ka non pagkakita niya na uulan na?” Ngayon naman ay parang kinikilig ito.Binigyan ko siya ng isang weird look.“Ikaw, kung ano na lang mga iniisip mo.” Wika ko rito at sinundot pa ang noo niya.“Bakit? Sinabi ko lang naman ‘yung ginawa niya kahapon ha.” Painosenteng wika nito pero halatang nanunukso. “Good morning, Enzo!” bati niya sa isa pagkapasok.Tinapunan siya ng tingin nito at malapad na nginitian. Habang tipid na ngiti naman ang ibinigay niya sa akin.Pagbalik ko ng tingin kay Lyka ay naniningkit na ito.“LQ?” mahinang tanong niya.Mahinang hampas sa braso ang isinagot ko sa kanya. Pinu-push niya tal
Third Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted
“Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang
“Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak
Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”
Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili
Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang
Samuel’s POV“Ito po yung report na pinapagawa niyo,” wika ni Althea at ibinigay ang project na pinapagawa ko sa kanya.Bakit ang aga naman nito magpasa?“Bakit nagmamadali ka? I told you, you have until next week,” kunot-noong tanong ko.Ayokong tanggapin iyon dahil ang project na iyon na lang ang nagiging excuse ko para makita siya. Kaya nga pina-extend ko pa hanggang next week.“Para iyong engagement niyo na lang po ang mapagtuunan ko ng pansin.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon.Mukhang gusto niya na rin akong iwasan kaya naman kinuha ko na iyon at walang salitang iniwan siya.***Malapit na ang araw ng proposal.Badtrip ako nitong mga nagdaang araw dahil palagi kong nakikita ‘yung kaibigan ni Althea na dikit nang dikit sa kanya. Nagseselos ba ako? Dumagdag din sa inis ko ang pag-iwas sa akin ni Althea. Hindi ako natutuwa dahil doon.Para matanggal ang inis, pumunta ako sa bar para mag-inom pero mukhang sumobra ata ang pag-inom ko dahil halos makatulog na ako rito sa bar.
Samuel’s POV“We would like to congratulate the soon-to-be Mr. & Mrs. Bennett.”Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.Ang babaeng nasa harap ko ay may malapad na ngiti sa labi.“Samuel, I can’t wait for our wedding. I’m so excited!”“Yeah, me too,” walang ganang sagot ko. “Let’s eat.”Abala ang lahat sa pagkain.“Excuse me, give me more wine, please,” utos ko sa waiter na dumaan sa harap ko.“You’re drinking too much.”“It’s just wine, Madeline.”Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang waiter kaya medyo nawala ako sa mood dahil sa paghihintay. Kaya nang bumalik siya, wala na akong sinabing anuman at hinayaan na lang siyang magsalin sa baso ko.Pero napaangat ako ng tingin nang makita kong may tumayo sa tabi ng waiter. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Madeline kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ang babaeng nakatayo sa tabi ng waiter na halatang nagulat din sa babaeng nasa tabi niya.Masama ang tingin sa akin ng babaeng iyon. Kinuha niya ang wine glass mula sa waiter
Isang taon na ang lumipas simula nang umalis ako sa BMC. Kinabukasan noong araw na iyon, umalis din ako sa condo ko at hindi ako nagsabi sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. At ang alam naman nila ate ay nasa BMC pa rin ako.Pinili ko munang lumayo mula sa mga kaibigan ko kasi gusto kong magmukmok. Gusto kong namnamin ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa totoong makalimutan ko na iyon.Andito ako ngayon sa bar, mag-isang umiinom. Pero kaunti na lang ang iniinom ko. Baka kasi mamaya, sa sobrang kakainom ko, mauna pa akong mawala kaysa sa maka-move on.“Tim?” takang tawag ko sa pigurang nakita ko sa isang lamesa.Anong ginagawa nito rito? Paano ito nakaabot dito?Halata ang pagkakaroon nito ng tama dahil halos natatapon na ang mga alak na sinasalin niya.Nilapitan ko ito at inagaw ang iniinom niya.“Tama na. Lasing ka na,” wika ko rito.Tingnan mo nga naman, dati siya ang pumipigil sa akin na uminom. Tapos ngayon, siya naman ang nasa ganitong sitwasyon.Tiningnan niya ako at pilit in