‘Go to my office. Let’s have lunch together. Please?’ Napangiti ako nang mabasa ang text ni Samuel.“Lyka, hindi na pala ako makakasabay kumain.”Nakita kong napalingon si Enzo sa pwesto namin pero agad ding umiwas ng tingin.After ng nangyari kahapon, wala pa rin kaming pansinan. This time, hindi na ako ang mauunang sumuyo sa kanya. Masyado pa rin akong apektado sa mga sinabi niya kahapon.“Gano’n ba? Sige, anong oras ka makakabalik?” tanong niya.“After lunch, andito na rin agad ako.” Nginitian ko siya at gano’n din siya sa akin.Kinuha ko na ang bag ko at palabas na sana ako.“Teka, kay Enzo, hindi ka magpapaalam?”Tinapunan ko ng tingin si Enzo, abala siya sa pakikipag-usap sa ibang kasama namin.“Ikaw na lang magsabi, busy pa siya eh. Nagmamadali rin ako.” Papagpaliwanag ko at nginitian siya ulit para convincing.Hindi na ako naghintay ng sagot niya, agad na akong lumabas.“Ang bango, ha,” wika ko nang maamoy ang sinigang.“Niluto ko para sa’yo,” proud na wika ni Samuel.Inilagay
Nadatnan ko si Tim na abala sa cellphone niya. Breaktime niya pa naman kaya okay lang. Umaabot hanggang sa mata niya ang ngiti niya. Sigurado ako na masaya ang puso niya kasi iyon ang aura na inilalabas niya ngayon. Pero hindi ako sigurado kung matutuwa ako para sa kanya. Mabuting tao si Miss Madeline, iyon ang pagkakaalam ko. Pero parang may parte sa akin na hindi pa rin talaga makapaniwala na may something sa kanila ni Tim.“Tim, mauna na ko ha. Ingat ka.” Lumabas ako matapos ko magpaalam sa kanya. Paglabas ko ay may naka-park na itim na sasakyan sa labas. Pareho iyon sa model ng car ni Samuel, matutuwa na sana ako pero naalala ko na busy siya ngayon.Hindi ko pinansin iyon at nagdiretso lang ako sa paglalakad pero laking gulat ko ng makalapit ako rito ay biglang nagbaba ng bintana ang driver non.“Hey,” ngiting bati ni Miss Madeline. Pilit kong itinago ang gulat ko sa likod ng mga ngiti ko. Anong ginagawa niya rito? Si Tim ba o Sir Seb ang pinuntahan niya? Hindi ko rin naman pw
Ang sakit ng ulo ko. Anong nangyari?Kinapa ko ang cellphone ko. Pagbukas ko nito at pagtingin sa oras, alas nueve na ng umaga. Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumangon. Late na ako!Nakatayo na ako sa higaan nang maalala kong Linggo nga pala ngayon! Napasampal ako sa noo at muling ibinagsak ang katawan ko sa kama at napatitig sa kisame.Tulala akong napatitig doon, nag-iisip kung anong nangyari kagabi at bakit wala akong maalala.Ilang sandali pa, naalala ko na nakita ko si Madeline sa harap ng workplace ko. Nanlaki ang mga mata ko sa alaalang iyon, at nakaramdam ako ng kaba, pero agad ding nawala nang bumalik sa isip ko na niyaya niya akong pumunta sa bar at nakaalis kami nang hindi kami nakita nila Sir Sen at Tim.Speaking of bar, ano nga ulit ang nangyari roon?Mariin kong ipinikit ang mga mata at nag-isip. Think, Althea.Unti-unting bumalik sa alaala ko ang pagpasok namin sa bar. Naaalala ko na rin ang ingay ng paligid, at ang sunod-sunod kong pag-inom ng alak. Grabe, kaya pal
Dumaan ang mga araw na pareho kaming naging abala ni Samuel. Naghahanda siya para sa darating na meeting ng kumpanya nila kung saan dadalo ang lahat ng investors, pati na rin ang ama niya.Ako naman ay nag-focus sa internship ko habang abala sa pagtatapos ng academic paper na kailangan naming ipasa. Kasabay nito ang part-time job ko.Minsan na lang din kami magkita ni Samuel sa office, pero sinisigurado niyang nakakapag-usap kami sa text. Minsan, kapag libre siya, pinupuntahan niya ako sa umaga para sabay kaming mag-breakfast, o hindi kaya ay susunduin niya ako after ng part-time ko.Pinapunta kami sa school para sa evaluation namin.“Congrats, Althea. Maintain this excellent grade of yours and for sure, you will be this batch’s Magna Cum Laude,” wika ng dean ng department namin.Malapad akong ngumiti sa kanya.“Thank you po.”Paglabas ko ng office, hindi ko mapigilang ngumiti.Isa ito sa mga hakbang na makakatulong sa akin para makapasok talaga sa BMC. Puro may honors lang din kasi a
“You need help?” tanong ni Samuel at tinabihan ako.Nanunood siya kanina ng balita sa sala.“Kaya ko na ‘to. Tapos naman na ako, proofreading na lang ginagawa ko,” nginitian ko siya.After weeks ng pagiging sobrang busy, finally, ngayon lang ulit kami nagkasama ng matagal.Linggo kasi ngayon at sinigurado niya na malilibre ang schedule niya. Pero ngayong free na siya, ako naman ang abala sa mga papers na tinatapos ko.“You’re finally graduating next week,” nakangiting hinaplos niya ang buhok ko.Nakikita ko na naman sa mga mata niya kung gaano siya ka-proud sa akin.“Pupunta rito sila Ate Ellaine,” ngiting balita niya.“Great. Ako na bahala sa pagpapasundo sa kanila. Kakausapin ko ‘yung isa sa mga driver ko.”Agad akong napailing.“Huwag na.”Hindi ko pa kasi nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa amin. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Samuel iyon, baka sumama ang loob niya. “Let me guess? Hindi mo pa nasasabi sa kanila ‘yung tungkol sa atin?” tanong niya, pero kalmado ang
“Altheaaaaa!”“Ate Ellaineee!” Sinalubong ko ang yakap niya. Pagkatapos ay nilapitan ko sila lola, tito, at tita na karga si Tres, para yakapin din.“Na miss ko po kayo!” wika ko sa kanila.“Congrats, apo,” naiiyak na wika ni lola.“Finally lola, ito na ‘yon,” nagpipigil ng iyak na wika ko habang mahigpit na nakayakap kay lola. Kumalas ako sa pagkakayakap ni lola at nakita ko sila Ate na nagpupunas na ng luha.Pare-pareho na lang din kami natawa sa kadramahan namin. Sumakay kami sa van na magiging service namin papunta sa apartment. Si Samuel ang nag-asikaso ng masasakyan namin kahit na sinabihan ko na siya na huwag na mag-abala. Isa sa mga driver niya na rin ang nag-drive pero hindi ko na iyon sinabi sa pamilya ko kasi baka marami pa silang maging tanong. Sinabi ko na lang na nirentahan ko itong van.Si Samuel naman ay nasa out of town pa rin.“Nakarating na kayo sa apartment mo?” tanong ni Samuel sa kabilang linya.“Oo, salamat nga pala sa pag-asikaso ng service namin. Kumusta k
“Aba, ayos ha. Sipag mo ngayon ha,” wika ni ate pagkakita sa mga almusal na niluto ko.“Nagluto lang. Tagal mong magising eh, gutom na 'ko,” biro ko.“Kumusta nga pala lakad mo kagabi? Saan ka ba galing ha?” usisa niya.“Kapag umaalis ka dati, tinatanong ba kita ha?”“Syempre hindi. Eh sa lahat ng lakad ko dati, sinasama kita,” sumbat niya na ikinatawa ko.“May pa-surprise party lang ‘yung mga friends ko,” pagsisinungaling ko.“Humaba sana ‘yang ilong mo,” sagot niya.Pagkatapos kumain, nakipaglaro muna ako sa pamangkin ko, habang si ate naman ay nag-volunteer na maghugas ng pinggan. Sila lola, nanonood ng TV.“Ate, gusto mo bang sumama sa café na pinag-part-time job ko dati?” tanong ko sa kanya habang nilapitan siya sa kusina. Karga ko si Tres.“May part-time ka ba mamaya?”“Wala,” ngiting sagot ko. “Magpapasa ako ng resignation letter.”“Parang ang saya mo pa na aalis ka ha,”“Hindi naman, nakatanggap kasi ako ng email from BMC na natanggap na ‘ko,” pagyayabang ko.“Talaga ba?!?!” t
“Sino kaya 'yung girl na 'yon?”One week after sabihin ni Sir Erwin na dito nagtatrabaho 'yung bagong dine-date ni Samuel, pero hanggang ngayon, iyon pa rin ang topic nila.“Ang swerte niya, no? Nakaka-date niya si Sir. Ang gwapo pa naman nun.”Ngayon ko lang din napagtanto na grabe pala magchismisan ang mga tao rito. Siguro kasi noong intern pa kami, hindi kami ganon kasi wala naman kaming alam sa mga issue rito sa office. At wala rin kaming pakialam tungkol doon.“Kung dito nagtatrabaho 'yon, malamang mataas ang position nun.”“Malamang. Alangan naman papatol si Sir sa lowkey employee lang,” wika ng isa, at natawa pa sila.“Sino sa tingin niyo? Magpustahan tayo?” wika ng isa na kina-excite nilang lahat.“Basta ako, sure ako na hindi si Miss Jas 'yan. Tanda na nun eh,” sagot ng isa, na ikinatawa nila.Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang tinatapos ang trabaho kahit na alam kong break time pa.“Baka si Miss Sophia? 'Yung sa creative department? Bagay sila ni Sir. Maganda na,
Third Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted
“Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang
“Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak
Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”
Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili
Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang
Samuel’s POV“Ito po yung report na pinapagawa niyo,” wika ni Althea at ibinigay ang project na pinapagawa ko sa kanya.Bakit ang aga naman nito magpasa?“Bakit nagmamadali ka? I told you, you have until next week,” kunot-noong tanong ko.Ayokong tanggapin iyon dahil ang project na iyon na lang ang nagiging excuse ko para makita siya. Kaya nga pina-extend ko pa hanggang next week.“Para iyong engagement niyo na lang po ang mapagtuunan ko ng pansin.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon.Mukhang gusto niya na rin akong iwasan kaya naman kinuha ko na iyon at walang salitang iniwan siya.***Malapit na ang araw ng proposal.Badtrip ako nitong mga nagdaang araw dahil palagi kong nakikita ‘yung kaibigan ni Althea na dikit nang dikit sa kanya. Nagseselos ba ako? Dumagdag din sa inis ko ang pag-iwas sa akin ni Althea. Hindi ako natutuwa dahil doon.Para matanggal ang inis, pumunta ako sa bar para mag-inom pero mukhang sumobra ata ang pag-inom ko dahil halos makatulog na ako rito sa bar.
Samuel’s POV“We would like to congratulate the soon-to-be Mr. & Mrs. Bennett.”Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.Ang babaeng nasa harap ko ay may malapad na ngiti sa labi.“Samuel, I can’t wait for our wedding. I’m so excited!”“Yeah, me too,” walang ganang sagot ko. “Let’s eat.”Abala ang lahat sa pagkain.“Excuse me, give me more wine, please,” utos ko sa waiter na dumaan sa harap ko.“You’re drinking too much.”“It’s just wine, Madeline.”Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang waiter kaya medyo nawala ako sa mood dahil sa paghihintay. Kaya nang bumalik siya, wala na akong sinabing anuman at hinayaan na lang siyang magsalin sa baso ko.Pero napaangat ako ng tingin nang makita kong may tumayo sa tabi ng waiter. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Madeline kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ang babaeng nakatayo sa tabi ng waiter na halatang nagulat din sa babaeng nasa tabi niya.Masama ang tingin sa akin ng babaeng iyon. Kinuha niya ang wine glass mula sa waiter
Isang taon na ang lumipas simula nang umalis ako sa BMC. Kinabukasan noong araw na iyon, umalis din ako sa condo ko at hindi ako nagsabi sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. At ang alam naman nila ate ay nasa BMC pa rin ako.Pinili ko munang lumayo mula sa mga kaibigan ko kasi gusto kong magmukmok. Gusto kong namnamin ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa totoong makalimutan ko na iyon.Andito ako ngayon sa bar, mag-isang umiinom. Pero kaunti na lang ang iniinom ko. Baka kasi mamaya, sa sobrang kakainom ko, mauna pa akong mawala kaysa sa maka-move on.“Tim?” takang tawag ko sa pigurang nakita ko sa isang lamesa.Anong ginagawa nito rito? Paano ito nakaabot dito?Halata ang pagkakaroon nito ng tama dahil halos natatapon na ang mga alak na sinasalin niya.Nilapitan ko ito at inagaw ang iniinom niya.“Tama na. Lasing ka na,” wika ko rito.Tingnan mo nga naman, dati siya ang pumipigil sa akin na uminom. Tapos ngayon, siya naman ang nasa ganitong sitwasyon.Tiningnan niya ako at pilit in