“Altheaaaaa!”“Ate Ellaineee!” Sinalubong ko ang yakap niya. Pagkatapos ay nilapitan ko sila lola, tito, at tita na karga si Tres, para yakapin din.“Na miss ko po kayo!” wika ko sa kanila.“Congrats, apo,” naiiyak na wika ni lola.“Finally lola, ito na ‘yon,” nagpipigil ng iyak na wika ko habang mahigpit na nakayakap kay lola. Kumalas ako sa pagkakayakap ni lola at nakita ko sila Ate na nagpupunas na ng luha.Pare-pareho na lang din kami natawa sa kadramahan namin. Sumakay kami sa van na magiging service namin papunta sa apartment. Si Samuel ang nag-asikaso ng masasakyan namin kahit na sinabihan ko na siya na huwag na mag-abala. Isa sa mga driver niya na rin ang nag-drive pero hindi ko na iyon sinabi sa pamilya ko kasi baka marami pa silang maging tanong. Sinabi ko na lang na nirentahan ko itong van.Si Samuel naman ay nasa out of town pa rin.“Nakarating na kayo sa apartment mo?” tanong ni Samuel sa kabilang linya.“Oo, salamat nga pala sa pag-asikaso ng service namin. Kumusta k
“Aba, ayos ha. Sipag mo ngayon ha,” wika ni ate pagkakita sa mga almusal na niluto ko.“Nagluto lang. Tagal mong magising eh, gutom na 'ko,” biro ko.“Kumusta nga pala lakad mo kagabi? Saan ka ba galing ha?” usisa niya.“Kapag umaalis ka dati, tinatanong ba kita ha?”“Syempre hindi. Eh sa lahat ng lakad ko dati, sinasama kita,” sumbat niya na ikinatawa ko.“May pa-surprise party lang ‘yung mga friends ko,” pagsisinungaling ko.“Humaba sana ‘yang ilong mo,” sagot niya.Pagkatapos kumain, nakipaglaro muna ako sa pamangkin ko, habang si ate naman ay nag-volunteer na maghugas ng pinggan. Sila lola, nanonood ng TV.“Ate, gusto mo bang sumama sa café na pinag-part-time job ko dati?” tanong ko sa kanya habang nilapitan siya sa kusina. Karga ko si Tres.“May part-time ka ba mamaya?”“Wala,” ngiting sagot ko. “Magpapasa ako ng resignation letter.”“Parang ang saya mo pa na aalis ka ha,”“Hindi naman, nakatanggap kasi ako ng email from BMC na natanggap na ‘ko,” pagyayabang ko.“Talaga ba?!?!” t
“Sino kaya 'yung girl na 'yon?”One week after sabihin ni Sir Erwin na dito nagtatrabaho 'yung bagong dine-date ni Samuel, pero hanggang ngayon, iyon pa rin ang topic nila.“Ang swerte niya, no? Nakaka-date niya si Sir. Ang gwapo pa naman nun.”Ngayon ko lang din napagtanto na grabe pala magchismisan ang mga tao rito. Siguro kasi noong intern pa kami, hindi kami ganon kasi wala naman kaming alam sa mga issue rito sa office. At wala rin kaming pakialam tungkol doon.“Kung dito nagtatrabaho 'yon, malamang mataas ang position nun.”“Malamang. Alangan naman papatol si Sir sa lowkey employee lang,” wika ng isa, at natawa pa sila.“Sino sa tingin niyo? Magpustahan tayo?” wika ng isa na kina-excite nilang lahat.“Basta ako, sure ako na hindi si Miss Jas 'yan. Tanda na nun eh,” sagot ng isa, na ikinatawa nila.Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang tinatapos ang trabaho kahit na alam kong break time pa.“Baka si Miss Sophia? 'Yung sa creative department? Bagay sila ni Sir. Maganda na,
“Sorry, Althea,” wika ng isa sa mga kasama ko matapos akong mabangga.“Okay lang,” sabi ko at agad siyang umalis.Bakit nagkakagulo lahat dito sa office?“Sorry!” sigaw ng isa pang kasama ko nang muntik na niya akong mabangga. Mabuti na lang nakaiwas ako.7:45 pa lang naman, ha? Hindi pa nga oras ng trabaho pero nagmamadali at natataranta na silang lahat.“Althea, good thing you’re here,” hinihingal na wika ni Miss Jasmine. May inabot siya sa table niya at bumalik sa akin. “Here. At exactly 8 a.m., bring this to the secretary of Sir Ben. May follow-up instructions pa siya. You stay there for the meantime. He will be needing your help.” Tatlong folder ang binigay niya sa akin.Akma na siyang aalis.“Teka, Miss Jasmine, ano pong nangyayari at parang nagmamadali kayong lahat?”“Oh yeah, last month may proposal project na ginawa ang department natin. Next week pa dapat ang deadline, Friday, pero hindi pa iyon tapos. But then Sir Ben’s secretary called me last night and said na kailangan n
“You’re crazy, Thea.”Inirapan ko siya.“Akala ko ba hindi mo ako huhusgahan?”“Hindi nga. Hindi naman eh. Nagulat lang ako,” wika niya, halatang-halata naman iyon sa mukha niya.Maya-maya pa, isang mapanuksong ngiti ang pinakawalan niya.“Girlllll, ang swerte mo!” pigil-tili niyang wika.“Manahimik ka nga, baka mamaya may makarinig sa’yo,” saway ko sa kanya.“Since when pa ha?” tanong niya habang tinutusok-tusok pa ang baywang ko.“Ikukwento ko sa’yo kapag may time tayo,” pigil-kilig kong sagot.“I’m so happy for you!” mahigpit niya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya pabalik. Siya na rin ang unang kumalas. “Hayaan mo ‘yang mga bashers mo, ha? Huwag mo silang pansinin. Mga inggit lang ‘yan.”Bumalik ang kaba sa dibdib ko.“Hindi ko lang talaga maiwasang matakot sa magiging reaksyon nila,” pag-amin ko habang bagsak ang balikat.“Sus, protektado ka naman ni Sir Ben. Kaya hayaan mo sila.”“Lyka, kahit na. Hindi ko inaabuso ‘yung kapangyarihan ni Samuel. Hindi ko nga rin hiningi tulon
“How’s work? Marami bang pinagawa sa’yo?” nakangiting tanong ni Samuel habang nakahawak sa baywang ko. Sa tuwing nginingitian niya ako, hindi ko maiwasang mahawa, kaya napapangiti na rin ako pabalik.Pinuntahan niya ako sa apartment ko.“I’m tired, pero normal lang naman ‘yon,” niyakap ko siya. Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa ulo.“Let’s have dinner,” wika niya at niyaya ako papunta sa kusina kung saan siya raw ang magluluto ng dinner namin.Tinulungan ko siya sa paghihiwa ng ibang ingredients.Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pinto.May bisita pa ba ako?“It must be my secretary,” wika niya.“Ako na,” sagot ko at binuksan ang pinto.Ang secretary nga niya ang bumungad sa akin, may dala siyang mga folder.“Good evening, Ms. Cruz,” wika niya at bahagya pang yumuko. Gano’n din ang ginawa ko.Pinapasok ko siya.Pinakita niya kay Samuel ang mga folder na dala niya, at sinabihan siya nito na itungtong iyon sa lamesa.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang awkward kasi, t
Lumabas ako at nagpunta kung nasaan ang father ni Samuel.Ang tagal magbukas ng elevator, kaya wala akong nagawa kundi magpanggap na hindi naririnig ang bulungan ng mga empleyadong nasa paligid ko.“Ayan ba ‘yung bago ni Sir Ben?”“Siguro. Kamukha niya ‘yung nasa video eh. Pero alam mo ba, nakita ko kanina si Miss Madeline na bumaba sa kotse ni Sir Ben.”“Alam mo bang nakita ko rin kanina na galing si sir sa opisina ni Miss Madeline? Nagyakapan pa nga sila bago lumabas.”“Sabi ko na nga ba, hindi seryoso si sir diyan sa empleyadong ‘yan eh. No way na ipagpapalit niya si Miss Madeline sa babae na ‘yan.”Biglang bumukas ang elevator. Napansin kong tumahimik ang lahat ng sakay non, halatang ako ang pinag-uusapan nila. Agad akong nagmadali na pumasok. Gusto ko na lang matapos ang araw na ‘to.Mahinang kumatok ako sa pinto ng office ni Samuel. Bahagya itong nakabukas at nakita ko ang lalaking nakatalikod sa akin.Nasa bulsa ang kaliwang kamay niya habang ang isa ay may hawak na wine na kas
Malamig na hangin mula sa dagat ang yumakap sa akin, at nakangiti ko iyong sinalubong."Do you like it here?" tanong ni Samuel, sabay yakap mula sa likod ko."I like it here with you," sagot ko, sabay halik sa pisngi niya.Pinagmasdan namin ang tanawin."Bagay na bagay sa'yo," bigla niyang sabi, habang nakatingin sa necklace na bigay niya noon. Naisipan kong isuot ito ngayon kasi ito ang unang trip namin na magkasama.Hinawakan ko ang necklace na suot ko habang nakatingin sa kanya."Alam mo bang may ganito rin si Mommy dati? Hindi ko na nga lang maalala ngayon kung nasaan na 'yon," wika ko pagkaalala sa kuwintas ni Mommy na palagi niyang suot noong bata pa ako."No wonder nahatak ako ng necklace na 'yan noong unang beses kong makita sa jewelry store. It really was meant for you," nakangiti niyang sabi habang nakapulupot ang mga kamay niya sa baywang ko.Napunta ang tingin niya sa labi ko, dahilan para mapalunok ako nang wala sa oras.Naramdaman ko ang unti-unting paglapit ng mukha niy
Third Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted
“Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang
“Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak
Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”
Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili
Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang
Samuel’s POV“Ito po yung report na pinapagawa niyo,” wika ni Althea at ibinigay ang project na pinapagawa ko sa kanya.Bakit ang aga naman nito magpasa?“Bakit nagmamadali ka? I told you, you have until next week,” kunot-noong tanong ko.Ayokong tanggapin iyon dahil ang project na iyon na lang ang nagiging excuse ko para makita siya. Kaya nga pina-extend ko pa hanggang next week.“Para iyong engagement niyo na lang po ang mapagtuunan ko ng pansin.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon.Mukhang gusto niya na rin akong iwasan kaya naman kinuha ko na iyon at walang salitang iniwan siya.***Malapit na ang araw ng proposal.Badtrip ako nitong mga nagdaang araw dahil palagi kong nakikita ‘yung kaibigan ni Althea na dikit nang dikit sa kanya. Nagseselos ba ako? Dumagdag din sa inis ko ang pag-iwas sa akin ni Althea. Hindi ako natutuwa dahil doon.Para matanggal ang inis, pumunta ako sa bar para mag-inom pero mukhang sumobra ata ang pag-inom ko dahil halos makatulog na ako rito sa bar.
Samuel’s POV“We would like to congratulate the soon-to-be Mr. & Mrs. Bennett.”Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.Ang babaeng nasa harap ko ay may malapad na ngiti sa labi.“Samuel, I can’t wait for our wedding. I’m so excited!”“Yeah, me too,” walang ganang sagot ko. “Let’s eat.”Abala ang lahat sa pagkain.“Excuse me, give me more wine, please,” utos ko sa waiter na dumaan sa harap ko.“You’re drinking too much.”“It’s just wine, Madeline.”Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang waiter kaya medyo nawala ako sa mood dahil sa paghihintay. Kaya nang bumalik siya, wala na akong sinabing anuman at hinayaan na lang siyang magsalin sa baso ko.Pero napaangat ako ng tingin nang makita kong may tumayo sa tabi ng waiter. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Madeline kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ang babaeng nakatayo sa tabi ng waiter na halatang nagulat din sa babaeng nasa tabi niya.Masama ang tingin sa akin ng babaeng iyon. Kinuha niya ang wine glass mula sa waiter
Isang taon na ang lumipas simula nang umalis ako sa BMC. Kinabukasan noong araw na iyon, umalis din ako sa condo ko at hindi ako nagsabi sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. At ang alam naman nila ate ay nasa BMC pa rin ako.Pinili ko munang lumayo mula sa mga kaibigan ko kasi gusto kong magmukmok. Gusto kong namnamin ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa totoong makalimutan ko na iyon.Andito ako ngayon sa bar, mag-isang umiinom. Pero kaunti na lang ang iniinom ko. Baka kasi mamaya, sa sobrang kakainom ko, mauna pa akong mawala kaysa sa maka-move on.“Tim?” takang tawag ko sa pigurang nakita ko sa isang lamesa.Anong ginagawa nito rito? Paano ito nakaabot dito?Halata ang pagkakaroon nito ng tama dahil halos natatapon na ang mga alak na sinasalin niya.Nilapitan ko ito at inagaw ang iniinom niya.“Tama na. Lasing ka na,” wika ko rito.Tingnan mo nga naman, dati siya ang pumipigil sa akin na uminom. Tapos ngayon, siya naman ang nasa ganitong sitwasyon.Tiningnan niya ako at pilit in