/ Romance / Ramona's Obsession (Tagalog) / 챕터 1 - 챕터 10

Ramona's Obsession (Tagalog)의 모든 챕터: 챕터 1 - 챕터 10

116 챕터

1

RAMONA Bigla akong napatigil nang biglang may mga naglalagang petals mula sa itaas. Kalalabas ko lang ng hallway ng building ng classroom namin. Gutom na ako kaya nagmamadali akong maglakad pero para akong nasa Japan ngayon dahil daig pa ang may cherry bloosom ngayon dahil sa dami ng petals na nanlalaglag. Napatingin ako sa itaas at nakita ko ang ilang lalaking nagtatapon ng mga petals mula sa third floor. Anong trip nila? Kumunot ang noo ko nang biglang may mga estudyanteng pumalibot sa akin na may dalang mga illustration board. Sabay sabay nilang binaliktad ang hawak nila hanggang lumantad sa harapan ko ang mga letrang nakasulat doon. "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" iyan ang buong salita. Tumaas ang kilay ko dahil sa nabasa. Kanino naman kayang pakulo ito? Alam ko na may confession na magaganap dahil sa mga pakulo nila pero hindi ko inaasahan na para sa akin pala iyon. Gasgas na ganitong style. Marami ng gumawa nito at hindi lahat nagtagumpay na makatanggap ng oo. Hindi na naka
last update최신 업데이트 : 2023-09-12
더 보기

2

"Are you dating him?"Napalingon ako kay Nero dahil sa tanong niya. Nauna nang bumaba si ate Rob ng sasakyan at pumasok ng bahay. Papasok na rin sana ako pero napahinto ako dahil sa tanong niya.Tiningnan ko siya.Nakasandal ito sa kotse niya habang matamang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.Mataray ko siyang tiningnan, malayo sa tinging ipinupukol ko sa kanya noon. Dati kulang na lang magpuso-puso ang mga mata ko kapag nakatingin sa kanya."So?""You are still young, kiddo."Tiningnan ko siya ng masama. Tuwing tatawagin niya akong kiddo tumataas ang blood pressure ko. "Stop calling me, kiddo.""But you are still a kid.""Seventeen na ako!" mariing saad ko sa kanya.Seventeen na ako pero ang lahat bata pa rin ang tingin sa akin. Alam ko minor pa rin ako pero hindi na ako bata. Teens and kids are different."Seventeen ka pa lang."Pakiramdam ko sasabog ako sa inis dahil sa kanya. Bakit ba kung kailan gusto ko na siyang i-ignore saka naman niya ako kinakausap? Dati naman pa
last update최신 업데이트 : 2023-09-12
더 보기

3

Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko. Nagawa na rin namin ni Gael na kumain sa labas kahit na patago lang. I am not yet ready to introduce him to my sisters.Hindi ko alam pero pakiramdam ko one na ipakilala ko siya sa mga kapatid ko iyon na rin ang oras na dapat maghiwalay na kami. Gael is a nice person. Masyado siyang mabait sa akin at nakakapanghinayang kapag pinakawalan ko siya."A lunch for the queen." Napangiti ako kay Gael ng ilagapag niya ang tray na may pagkain sa harapan ko."Thanks, slave," biro ko sa kanya.Madrama itong humawak sa dibdib na para bang nasasaktan habang umuupo sa tapat ng ko. Kaya natawa ako.Tinaasan ko siya ng kilay ng makita ko siyang nakatitig sa akin. "Gandang-ganda kana naman sa'kin.""Bakit nga ba masyado kang maganda? Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Paano kung bigla ka na lang agawin sa akin? Kaya pwede bang huwag kang lumapit sa ibang lalaki?" seryosong saad nito habang patuloy pa rin ang pagtitig sa akin. Hindi man lang nito nagawan
last update최신 업데이트 : 2023-09-12
더 보기

4

Malapad ang ngiti ko habang nakatingin sa full body mirror. Umikot pa ako para makita kung maayos na ba ang hitsura ko. Maganda pa rin walang pagbabago. Bakit nga ba napakaganda kong nilalang? Love na love talaga ako ni Papa God dahil biniyayaan niya ako ng husto. Ganda pa lang umaapaw na. Hays.Kinuha ko ang mini bag ko at isinabit sa balikat ko bago nakangiting humakbang palabas ng kwarto ko. Mataas masyado ang takong ng sandals na suot ko pero keri lang, sanay na ako. Saka minsan dapat tiis ganda tayo. Hindi kasi ako biniyayaan ng tangkad kaya madalas nagsusuot ako ng mataas na takong para naman kahit papaano ay madagdagan ang height ko.Paglabas ko ng kwarto ko ay siya ring paglabas ng kwarto ni Ate Rob. Magkatapat lang ang kwarto naming dalawa habang katabi ko naman sa bandang kaliwa si ate Raf at katapat naman ni ate Raf ay ang kwarto ni Ate Ren.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago muling bumalik ang tingin sa mukha ko na nakangiti sa kan'ya."Anong meron? Saan ang lak
last update최신 업데이트 : 2023-09-12
더 보기

5

Muli akong ngumiti kay Gelay. Hindi ko na pinansin pang muli si Nero. Mukha namang nakaramdan ito na ayoko sa presensya niya kaya kusang umalis sa tabi ko. I ordered a small flourless chocolate cake, isang capuccino at isang black coffee. Pagkalabas ko ng Mariano's ay naglakad na lang ako papunta sa building kung saan nakatira ang pakay ko. Malapad pa rin ang ngiti ko habang naglalakad at dala-dala ang mga inorder ko. Sa sobrang saya ko pakiramdam ko mahalimuyak ang paligid kahit na alikabok lang naman ang nalalanghap ko. Para ngang gusto ko pang batiin lahat ng nakakasalubong ko ng good morning. Nang makarating ako sa gusali ay hindi na ako hinarang pa ng mga gwardiya. This is not my first time to be here. Kaya siguro kahit papaano ay kilala na nila ako. Mabilis akong nagtungo sa elevator. Nginitian ko muna ang may edad na babaeng nasa loob bago ko pinindot ang close button at numero kung saan akong floor pupunta. Nang makarating ako sa seventh floor ay mabilis ako lumabas ng e
last update최신 업데이트 : 2023-09-14
더 보기

6

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa pantry at kumuha ng mga malalaking sitserya na naka-stock at mga inumin bago umupo sa sofa sa sala at binuksan ang tv. I am too beautiful para magmukmok sa kwarto ko at umiyak dahil lang nahuli ko ang magaling kong ex na may ibang babae. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang gaya niya. Mas mabuti pang magpakabusog kesa umiyak dahil sa love story kong maagang nausog. Isa pa bakit ako iiyak dahil sa kanya? Hindi siya kawalan, kayang-kaya ko siyang palitan. Para ngang nagkatotoo ang sinabi ni ate Ren na sa una lang masaya. Feeling ko tuloy talagang sinumpa niya ako kanina. Nagkatotoo agad ang sinabi niya, baka nga witch talaga siya. Ang lakas pa ng loob ko na ipangako sa sarili ko na magtatagal kami iyon pala ending na agad. Gael is not worth it. Sinayang niya ang oras ko. Kung hindi pala niya kayang maging tapat dapat hindi na lang siya nanligaw sa akin una pa lang. Kung hindi pala siya seryoso, dapat hindi na lang siya nangakong ako lang a
last update최신 업데이트 : 2023-09-14
더 보기

7

Daig ko pa ang tinakasan ng dugo nang makita ko si Nero na malapad ang ngiti.Hindi ko alam pero biglang kumabog ang puso ko nang magtama ang mata naming dalawa. Gusto kong ibuka ang aking bibig pero hindi ko alam ang aking sasabihin. Kung pwede lang bumuka ang kinatatayuan ko ngayon at lamunin ako ng buhay ay magpapasalamat pa ako."Hi, Nero. Why you look good today?" bati ni ate Ren dito. Kahit naka-casual attire lang naman si Kuya Nero. Ganyan lang talaga si ate Ren, minsan matalas ang dila, minsan naman mabulaklak na daig pa ang budol-budol na nang-uuto."I always look good, Ms. Renata Escalante." Namuti ang mata ni ate sa sagot ni Kuya Nero. Maliban kay ate Rob na bestfriend ni Kuya Nero, close din siya kay ate Ren at ate raf. Sa akin lang talaga hindi kasi iniiwasan nya ako madalas. Saklap di ba?"Oh, anong nangyari sayo? Nakita mo lang si Kuya Nero mo, nanahimik kana," puna ni ate Ren para bang wala itong alam.Kung malapit lang siya sa pwesto baka nahila ko na ang buhok niya d
last update최신 업데이트 : 2023-09-24
더 보기

8

Biglang napaangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa kama ng makarinig ako ng katok mula sa labas. Pinahid ko ang luha ko bago ako tumayo. Alam kong namumula na ang mga mata ko at hindi ko na maitatago pa na umiyak ako pero kung sino man ang nasa labas ng pinto ay mukhang walang balak na umalis hangga't hindi ko ito pinagbubuksan. "Are you okay?" nag-aalalang bungad ni ate Raf nang pagbuksan ko siya ng pinto. Tumango lang ako at hinayaang bukas ang pinto para makapasok siya. Sumunod naman siya sa akin nang maupo ako sa kama. "What's wrong?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Nothing," sagot ko bago umiwas ng tingin sa kanya pero hinawakan niya ang mukha ko para hindi ako makaiwas. "Come on, Ram. I know there is something wrong. Ate Rob, texted me to watch over you, while ate Ren called me to accompany you." Tuluyan ng bumuhos aang luha ko dahil sa sinabi niya. Mabilis akong yumakap sa kanya saka ko binuhos lahat ng iyak ko. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakayakap sa kany
last update최신 업데이트 : 2023-09-25
더 보기

9

Monday morning came. Kung ng nakaraang buong isang buwan masaya ako palaging pumasok dahil excited akong makita si Gael ngayon hindi na. Excited pa rin naman akng pumasok pero hindi na ako excited na makta siya. Tama si ate Raf, aral muna bago landi. Sa Ganda kong ito impossibleng tatanda ako mag-isa kaya pangarap ko muna uunahin ko. Napatigil ako sa paglalakad ng biglang may mabigat na kamay na umakbay sa akin. "Why are you alone?" nagtatakang tanong ni Stella nang lingunin ko siya. "What do you mean?" "Well, every morning mula ng i-deklara ni Gael na boyfriend mo siya palagi ka na niyang hinahatid sa classroom natin pero ngayon bakit parang mag-isa ka lang? Nag-away ba kayo? Ikaw ba sumapak sa kanya? Hindi ko naman alam na ganoon ka kabayolente." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Yes, I punched him pero grabe ba ang suntok ko at nag-iwan ng pasa sa mukha niya para malaman pa ni Stella? "Wala na kami," balewalang saad ko. "Weee?" hindi naniniwalang saad nito habang nagt
last update최신 업데이트 : 2023-09-26
더 보기

10

Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay mabilis akong bumaba ng kotse ni Kuya Nero. Pero mabilis din siyang nakababa at nahawakan ang kamay ko para pigilan akong pumasok sa gate. "He does not deserve you," wika nito. "Alam ko. You don't have to remind me that and we already broke up, what's the fuss?" diretsang tanong ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang mairita sa kaniya. Hindi ko kasi maiwasang umasa kapag nagpapakita siya ng concern sa akin. Assuming pa naman ako minsan. "Nothing. I am just concern that he might still pester you. Just tell me, I can handle that guy." Natawa ako sa sinabi niya dahil sa inis. Why is he acting concern now? Dati naman wala siyang pakialam kahit na anong gawin ko. Kahit parang tanga na akong nagpapapansin sa kaniya ay balewala lang sa kaniya tapos ngayon nakikialam na siya. "Thanks but no thanks. I can handle him, I can handle my life. I have my sisters to back me up. I don't need you," magaspang na saad ko sa kaniya. Ayokong umasa na naman d
last update최신 업데이트 : 2024-01-25
더 보기
이전
123456
...
12
DMCA.com Protection Status