Home / Romance / Ramona's Obsession (Tagalog) / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Ramona's Obsession (Tagalog): Chapter 11 - Chapter 20

116 Chapters

11

Naging abala na ako sa pag-aaral ko. Talagang itinuon ko ang pansin sa pag-aaral para hindi na ako mag-isip pa tungkol sa sugatan kong puso.Nakikita ko pa rin si Gael dito sa school pero hindi na kami nagpapansinang dalawa. Noong nakaraan ay nabalitaan ko na may iba na siyang girlfriend. Wala naman akong pakialam."Malapit na ng christmas break pero si Ma'am, wala yata tayong balak na pagpahingahin tayo," reklamo ni Stella sa tabi ko habang bumubuntong hininga."Alam mo, gumawa ka na lang. Wala naman tayong choice," wika ko sa kaniya habang abasa sa ginagawa kong essay.Totoo naman ang sinasabi niya. Bukas ay bakasyon na namin pero nandito pa rin kami sa library dahil may kailangan pa kaming ipasa today.Sa isang araw naman ay christmas party na namin pero syempre hindi kami pwedeng pumarty na may naka-pending kaming mga activities kaya tinatapos na namin lahat para naman ma-enjoy namin ang buong bakasyon.Ilang oras din kaming tumambay ni Stella sa library bago kami natapos. "Sa wak
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

12

Mugto ang mata ko matapos naming manood ng isang nakakaiyak na pilekula. Matapos namin manggaling sa mall ay dumiretso kami sa bahay nila. Dahil kilala naman na ako ng pamilya nila at madalas ay pumupunta na talaga ako dito sa kanila kaya sanay na silang makita ako. Close nga kami ng mama niya. Hindi lang ng mama niya kundi buong pamilya niya. Kilalang-kilala na ako dito sa bahay nila.Kung si Kuya Nero sa amin palaging tambay, ako naman ay dito sa bahay nina Stella.Kumuha akong muli ng tissue at malakas na suminga doon." Bakit sa dami ng panonoorin natin iyon pa napili mo? Tulo tuloy sipon ko," asar na saad ko kay Stella."Bruha ka, wala namang nakakaiyak sa pinanood natin. Ang drama mo sinisi mo pa iyong movie, alam ko naman na hindi iyon ang iniiyakan mo," mataray na sagot nito at inabot na mismo sa akin ang lalagyan ng tissue na nakapatong kanina sa ibabaw ng foldable table na nasa harapan namin. "Ito pa tissue, iiyak mo lang iyan hanggang sa maging muta."Asar na binato ko siy
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

13

Magsasalita pa sana si Kuya Nero pero bigla nitong itinikom ang bibig nang may dumating na kotse. Bumaba buhat doon si Ate Ren. Hindi ko alam pero palagi na lang saktong dumarating si Ate Ren kapag may kausap ako sa harap ng gate. "Ram," napatingin naman kami kay Ate Ren na bagong dating. "Hey, Sandro," bati nito kay Kuya Sandro. "Anong ginagawa ninyo dito? Bakit hindi kayo pumasok?" Umayos ng tayo si Kuya Sandro at binitawan ang kamay ko. "Hindi na, hinatid ko lang si Ramona." Nakangiting itinaas ni ate ang kilay niya pero wala naman itong sinabing kakaiba. "Ganoon ba? Thanks for driving her home." Tumango si Kuya Sandro bago nagpaalam, "Sige, mauna na ako. Ram, Ate Ren." Tumingin lang ito kay Kuya Nero at simpleng tinanguan ang huli bago bumalik sa sasakyan niya. Kumaway pa ako sa kaniya bago siya tuluyang makaalis. Wala na Kuya Nero sa may gate nang pumasok kami ni Ate Ren siguro ay nasa loob na siya ng bahay. "He is cute," saad ni Ate sa akin habang binubuksan niya ang pinto
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

14

Araw ng christmas party namin ngayon. Nagsasaya ang lahat sa mga pa-games pero nakaupo lang ako sa isang gilid. Wala ako sa mood makipaglaro sa mga kaklase ko tapos kendi lang naman ang prize sayang sa energy. Pero syempre iyong experience naman ang mahalaga hindi iyong premyo pero hindi lang talaga ako mahilig sa mga pa-games kaya nga nagbigay na lang ako ng mga pampa-prize kanina paka okay lang kahit hindi ako makisali sa kanila. "Ano? Magmumokmok ka na lang diyan? Walang energy?" ani ni Stella nang maupo siya sa tabi ko. Pawisan na ito dahil kanina pa ito nakikipag-rambulan sa mga kaklase ko para lang manalo sa games. Masyado itong competitive na kahit isang candy lang prize mahalaga manalo siya. Grabe nga siyang makatulak sa trip to Jerusalem na kahit lalaki naming kaklase tatalsik sa kaniya. "Camera man mo ako," saad ko at pinakita ang hawak kong camera sa kaniya. "Uy, thanks ha." Kinuha nito ang camerang hawak ko at tiningnan ang mga shots ko sa kaniya. Tumayo naman ako at
last updateLast Updated : 2024-02-24
Read more

15

Ngayon ang uwi namin pabalik ng Quezon. Tanging si Ate Rob at Ate Raf lang ang kasama ko dahil susunod na lang raw sa amin si Ate Ren. May inaasikaso pa raw kasi ito. Hindi naman niya nabanggit kung ano pero madalas talaga siyang may ginagawa na hindi namin alam.Naghahanda na ako nang mga dadalhin ko pauwi. Wala naman akong masyadong dadalahin dahil may mga gamit naman ako sa probinsya. Mga personal na gamit ko lang ang inihahanda ko.Napatayo ako sa kinauupuan ko nang biglang may nag-doorbell. Nagtungo ako sa bintana ng kwarto ko upang silipin kong sino iyon. Nakita ko ang kotse ni Kuya Nero. Nagtago ako sa likod ng kurtina habang nakatingin sa baba.Nakita kong may binigay itong paper bag kay Ate Rob. Pero ang nakaagaw nang pansin sa akin ay ang babaeng sakay nito sa passenger seat. Ibinaba kasi nito ang bintana at dumungaw bago kumaway sa kapatid ko. Bigla kong nahigit ang hininga ko nang makilala ko kung sino ito. Hindi ko alam kung anong sinabi nito pero kahit malayo ay kilala
last updateLast Updated : 2024-02-25
Read more

16

Matapos ang holiday ay bumalik na rin kami ng Maynila. Naging abala na rin kaming muli. Kahit may holiday hangover pa ako ay kailangan ko na ulit gumising ng maaga para pumasok. "Nakakapagod makinig ng lecture buong araw gayong nakaupo lang naman tayo," reklamo ni Stella nang matapos ang huling klase namin. Kaya pala kanina malapit na bumagsak ang ulo niya. Para siyang manok na tutuka-tuka. "Sumakit pigi ko," saad ko naman na ikinatawa namin. Sabay na kaming lumabas ng classroom. Gaya ng dati ay naghiwalay kami sa sakayan pauwi. Pagod na naupo ako sa sofa nang makarating ako sa bahay. Pero muli akong napatayo nang my mag-doorbell. Tinatamad na lumakad ako palabas ng gate upang tingan kung sino iyon. "Ma'am, delivery po," ani ng lalaking nakasuot pa ng uniforme ng isang delivering company. "Wala naman po akong order," sagot ko. Tiningnan nito muli ang parcel na hawak at ang address namin na nakadikit sa gilid, "Tama naman po. Lot 22 Block 3 Phase 1, Ramona Escalante, hindi po b
last updateLast Updated : 2024-02-26
Read more

17

Today is January 23, my birthday. It's Saturday kaya tinatamad akong bumangon. Walang pasok at wala rin akong party dahil nga tumanggi ako.Tinatamad na kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung may mensahe ba akong natanggap pero wala kaya muli ko iyong hinagis sa paanan ko at nagtaklob ng kumot. Wala man lang bang nakaalala ng birthday ko? Dati naman kapag nagising ako tadtad na ako ng mga pagbati. Maging si Stella na palaging may pa long messages pa kapag binapati ako wala.Mabilis na inalis ko ang kumot na nakatakip mukha ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Gumapang ako para kunin iyon sa may paanan ko. Excited na tiningnan ko iyon habang nakadapa ako sa kama.Npakunot ako nang makita ko ang numero. Pamilyar na ako sa numerong ito dahil dalawang beses na akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya.Agad na binuksan ko ang laman ng mensahe.'Happy Birthday.'Hindi ko maiwasang mapangiti. Mabuti pa siya naalala ang birthday ko.This person is making me more curious about h
last updateLast Updated : 2024-02-26
Read more

18

Nakapwesto ako sa pagitan nina ate Raf at Ate Rob, diretso lang ang tingin ko sa unahan hindi gaya ng dalawang kapatid ko na tila tuwang-tuwa pa na nasa himpapawid kami. "Ram, look!" Kinublit ako ni Ate Raf at may itinuro ito mula sa ibaba ng bintana. Napilitan akong siipin iyon at tila gusto kong maiyak sa nakita ko.Napatakip ako ng bibig ko habang hindi makapaniwala. Nasa ere kami ngayon sa mismong tapat ng farm na pagmamay-ari ng mga magulang ko. May mga taong nakataas ang kamay sa kanilang ulo at may hawak na cardboard na may nakasulat na, 'HAPPY 18TH BIRTHDAY, RAMONA!'Hindi ko na pigilang tumulo ang luha ko hanggang sa maglanding ang sinasakyan namin sa malawak na kaparangan at tumakbo ako sa mga magulang ko na naghihintay sa akin doon.Akala ko nakalimutan na nila ang birthday ko dahil wala kahit isa sa kanila ang nagawa akong batiin kahit sa text man ang pero mali pala ako. Malaking sorpresa pala ang naghihintay sa akin.Mabilis na yumakap ako sa mga magulang ko. "Stop cry
last updateLast Updated : 2024-02-27
Read more

19

"Happy birthday." Napatingala ako sa kaniya nang bigla niya akong batiin. "Thanks?" hindi siguradong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong hilahin para lang batiin. Saka kung kailan tapos na ang kasiyahan saka lang siya babati. Masaya ako na binati niya ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. 'Kalma, Ramona. Kalma, huwag marupok.' Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko upang hindi ako mapangiti dahil sa sinabi niya. Simpleng pagbati lang naman iyon pero bakit paggaling sa kaniya iba ang dating? Bakit parang kinikiliti ako? Hindi ko mapigilang maasar sa sarii ko. Paano ko siya makakalimutan kong simpleng pagbati niya hindi ko na mapigilang kiligin. Hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot sa isipang iyon. Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang may iabot sa aking maliit na box. Ikiniling ko ang ulo ko habang matamang nakatingin sa kaniya? "Ano iyan?" tikwas ang kilay na tanong ko habang mataray na nakatingin sa kaniya. "Gift? What do
last updateLast Updated : 2024-02-28
Read more

20

"Why are you like this?" Nagsalubong ang mga kilay nito sa naging tanong ko. Umayos ako ng tayo at tumingin sa kaniya ng diretso. Hindi ba talaga niya alam ang ibig kong sabihin? Matalino siya hindi ba? Dapat gets na agad niya. " Why are you acting like this? Like you don't want me to avoid you, like you like me? You are confusing me!" hindi ko maiwasang maibulalas. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko nag-uurong sulong ang nararamdaman ko sa kaniya dahil minsan pakiramdam ko gusto rin niya ako kahit alam ko naman na hindi iyon totoo. Hindi ko maiwasang umasa dahil sa mga kilos niya nitong mga nakaraan. "Ramona..." "Dati noong gusto kita iniiwasan mo ako ngayong ayoko na sa iyo, ikaw naman ang kusang lumalapit sa akin na para bang ayaw mong iniiwasan kita? Ano ba talaga ang gusto mo? Natutuwa ka ba tuwing naghahabol ako sayo?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ayokong ginugulo niya ang nararamdaman ko. Nagsisimula na nga akong mag-move on kahit hindi kami, e. Tapos ganito naman siya. S
last updateLast Updated : 2024-02-29
Read more
PREV
123456
...
12
DMCA.com Protection Status