Nakapwesto ako sa pagitan nina ate Raf at Ate Rob, diretso lang ang tingin ko sa unahan hindi gaya ng dalawang kapatid ko na tila tuwang-tuwa pa na nasa himpapawid kami. "Ram, look!" Kinublit ako ni Ate Raf at may itinuro ito mula sa ibaba ng bintana. Napilitan akong siipin iyon at tila gusto kong maiyak sa nakita ko.Napatakip ako ng bibig ko habang hindi makapaniwala. Nasa ere kami ngayon sa mismong tapat ng farm na pagmamay-ari ng mga magulang ko. May mga taong nakataas ang kamay sa kanilang ulo at may hawak na cardboard na may nakasulat na, 'HAPPY 18TH BIRTHDAY, RAMONA!'Hindi ko na pigilang tumulo ang luha ko hanggang sa maglanding ang sinasakyan namin sa malawak na kaparangan at tumakbo ako sa mga magulang ko na naghihintay sa akin doon.Akala ko nakalimutan na nila ang birthday ko dahil wala kahit isa sa kanila ang nagawa akong batiin kahit sa text man ang pero mali pala ako. Malaking sorpresa pala ang naghihintay sa akin.Mabilis na yumakap ako sa mga magulang ko. "Stop cry
"Happy birthday." Napatingala ako sa kaniya nang bigla niya akong batiin. "Thanks?" hindi siguradong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong hilahin para lang batiin. Saka kung kailan tapos na ang kasiyahan saka lang siya babati. Masaya ako na binati niya ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. 'Kalma, Ramona. Kalma, huwag marupok.' Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko upang hindi ako mapangiti dahil sa sinabi niya. Simpleng pagbati lang naman iyon pero bakit paggaling sa kaniya iba ang dating? Bakit parang kinikiliti ako? Hindi ko mapigilang maasar sa sarii ko. Paano ko siya makakalimutan kong simpleng pagbati niya hindi ko na mapigilang kiligin. Hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot sa isipang iyon. Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang may iabot sa aking maliit na box. Ikiniling ko ang ulo ko habang matamang nakatingin sa kaniya? "Ano iyan?" tikwas ang kilay na tanong ko habang mataray na nakatingin sa kaniya. "Gift? What do
"Why are you like this?" Nagsalubong ang mga kilay nito sa naging tanong ko. Umayos ako ng tayo at tumingin sa kaniya ng diretso. Hindi ba talaga niya alam ang ibig kong sabihin? Matalino siya hindi ba? Dapat gets na agad niya. " Why are you acting like this? Like you don't want me to avoid you, like you like me? You are confusing me!" hindi ko maiwasang maibulalas. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko nag-uurong sulong ang nararamdaman ko sa kaniya dahil minsan pakiramdam ko gusto rin niya ako kahit alam ko naman na hindi iyon totoo. Hindi ko maiwasang umasa dahil sa mga kilos niya nitong mga nakaraan. "Ramona..." "Dati noong gusto kita iniiwasan mo ako ngayong ayoko na sa iyo, ikaw naman ang kusang lumalapit sa akin na para bang ayaw mong iniiwasan kita? Ano ba talaga ang gusto mo? Natutuwa ka ba tuwing naghahabol ako sayo?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Ayokong ginugulo niya ang nararamdaman ko. Nagsisimula na nga akong mag-move on kahit hindi kami, e. Tapos ganito naman siya. S
Nakahawak ako sa labi ko habang nakangiting mag-isa. Hindi ko mapigilang mapatili nang walang boses at mapayakap sa pillow hotdog na hawak ko. Pinaghahampas ko pa iyon gamit ang kamay ko dahil sa nararamdaman ko. Iyong ayaw ko na kiligin pero hindi ko talaga mapigilan. "What is happening to you?" bigla akong napalingon sa pintuan ng kwarto ko at nagulat ako nang makita kong nandoon ang tatlo kong kapatid na parang nagtataka habang nakatingin sa akin. Nakahalukipkip nag mga braso ni Ate Ren habang nakatingin sa akin, salubong naman ang kilay ni Ate Rob habang malaki naman ang ngiti ni Ate Raf. "Bakit hindi kayo kumakatok?" tanong ko sa kanila at binitawan ang hawak kong mahabang unan. "Kung kumatok kami, hindi sana namin makikita ang kabaliwan mo. BAkit daig mo pa ang kinikili? Kinikilig ka ba?" Mariin akong umiling habang tikom na tikom ang bibig ko. "Then why are you smiling alone?" tanong naman ni Ate Ram na daig pa ang nag-uusig. "Masama bang maging masaya?" painosenteng ta
Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay naming sinugod si Ate Ren. Hinila namin ito sa kama bago dinaganan. "GET OFF ME! YOU GUYS ARE HEAVY!!!" Pero walang nakikinig sa kaniya. Natatawa pa nga ako habang nasa pinkaibabaw ng mga kapatid ko. Napaayos ako ng upo nang biglang pumasok si Mama na tila nagmamadali. "What's happening? Dinig hanggang baba ang sigaw," hinihingal na tanong nito. SUmulpot din si Dad na tila sumunod sa ama namin. Nasa mukha nito ang pag-aalala. Umalis na ang dalawa kong Ate pagkakadagan kay Ate Ren pero nanatili pa rin itong nakadapa sa kama na para bang wala ng lakas. "Ate Ren gave Ramona's a gift," Ate Raf said habang inaayos ang buhok niya gamit ang kamay. "Oh, anong problema?" takang tanong ng ina namin. "It's a premium account for dating app," sagot ko at ipinakita ang card na hawak ko. Lumapit naman sa akin si Mama at tiningnan iyon. Nang makita niya iyon ay bigla siyang lumapit kay Ate at pinalo ito sa likod ng binti dahil nakadapa pa rin ito. Big
Napa-irap ako sa ere nang makita ko si Kuya Nero kasama si Ate Roberta sa sala. Three weeks ko na siyang iniiwasan mula nang bumalik kami sa Manila.Kapag nandito siya sa bahay ay hindi talaga ako lumalabas. Hindi na rin ako sumasabay kay Ate Rob kapag uuwi dahil minsan ay magkasama sila. Daig pa niya ang virus na ayaw kong makita.Sino ba naman ang gugustuhing makita siya? He freaking stole my first kiss. Okay na sana, e. Wala na sana akong reklamo pero may girlfriend siya at iniwan niya ako bigla dahil tumawag ito. Alam kong wala akong karapatan sa kaniya pero may karapatan akong magalit dahil sa ginawa niya. Parang gusto pa yata niya akong paasahin kahit alam naman niya na wala talagang pag-asa na maging kami. Kahit na hindi naman talaga niya ako gusto.Pinagtaasan ko siya nang kilay nang tumingin siya sa akin. Kung wala lang siguro ang kapatid ko ngayon baka ipinagtabuyan ko na siya. Ayaw ko na makita ang pagmumukha niya. Naiinis ako sa kaniya.Inagaahan ko nga ang uwi ko para hin
Mula nang huling magkausap kami ni Kuya Nero ay talagang tinodo ko na a ng pag-iwas ko sa kaniya.Dahil graduating na ako ay naging abala na rin ako sa senior high ay naging abala na ako sa pag-aaral ko. Madami akong kailangang ipasang requirements at naging diversion ko iyon para hindi isipin si Kuya Nero at makaiwas na rin sa kaniya.Nagpapasalamat din ako na hindi na siya masyadong nagagawi sa bahay namin. Pumupunta lang siya kung sakaling may kailangan siya kay Ate Rob o hinahatid niya ito kapag nakikisakay sa kaniya ang kapatid ko pero hindi na gaya ng dati na tumatambay pa siya. Mas mabuti rin iyon para hindi ako mahihirapang iwasan siya.Nag-inat ako ng mga braso ko bago ko sinumulang ayusin ang mga gamit ko. Napatingin naman ako kay Stella na naghihikap na naman sa tabi ko. Tila antok na antok na naman ito. Madalas kasi itong magpuyat para maglaro ng online games, nahahawa na siya kay Kuya Sandro kaya pagnasa klase kulang na lang ay lumaglag ang ulo niya sa lamesa niya."Let's
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Stella nang makasakay na kami sa kotse.Tumango ako sa kaniya habang malungkot na nakangiti. I want to say I am okay. Na wala lang sa akin ang nakita ko pero alam kong hindi iyon totoo. Alam kong nasasaktan ako at wala akong magagawa doon.Hinawakan nito ang ulo ko at hinila para ipatong sa balikat niya. "Hindi naman siya maganda, mas maganda ka pa," wika nito na pinapagaan ang loob ko. Hindi ko maiwasang matawa sa kaniya. Alam kong gusto lang niya akong i-comfort pero hindi naman na niya kailangan sabihin iyon. Maganda naman talaga ang girlfriend ni Kuya Nero tapos mukha pang mabait kaya hindi an niya kailangang magsinungaling sa akin."Okay lang ako. Malayo ito sa bituka," paniniguro ko sa kaniya."Malayo sa bituka pero sakto sa puso," saad nito na ikinalabi ko at yumakap sa kaniya.Nakita ko naman si Kuya Sandro na naiiling sa aming dalawa. "Bakit kasi ang hirap niyang i-uncrush?" pagdadrama ko kay Stella."Bulag ka, e," patutsada nito.Muli a
Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na
THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya
Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s
NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu
Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak
NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah
Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,
RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N
RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a