Nakatambay ako ngayon sa hallway habang hinihintay si Stella. Katatapos lang namin mag-praktis para sa graduation.Isang Linggo na lang ay ga-graduate na kami kaya todo practice na kami ngayon. Pinagpawisan kasi siya ng husto kaya sabi niya ay magpapalit siya. Hindi naman na ako nagpalit dahil may dala akong towel at nakapam-P. E ako kaya t-shirt lang ang pinalitan ko. Unlike here na naka-uniform ng A1 kaya need pa niyang magpalit pati ng sapatos.Kinuha ko ang selpon ko at tenext siya na sa may bench ko na lang siya hihinatayin. May mga benches kasi sa ilalim ng mga puno rito sa loob ng campus na madalas ay tambayan ng mga estudyante.Napangiti ako nang makita ko si Kuya Sandro. Nag-iisa ito at tutok na tutok ang mga mata sa cellphone na hawak nito. Halata ang panggigil nito dahil sa diin nang pindot nito at kunot ng noo.Dahan-dahan akong nagtungo sa likuran niya at tiningnan kung ano ang ginagawa niya. Naglalaro siya ng mobile games, kaya pala daig pa niya ang parang papatay."Adik
Naglalakad ako sa hallway habang dala-dala ang cap and gown na susuutin ko para sa graduation. Sa isang araw na ang graduation namin, kaya abala na ang lahat ng graduating students. Tanging kami na rin lang ang makikitang pagala-gala sa loob ng campus dahil bakasyon na ang mga undergrad. Nag-iisa lang ako ngayon dahil nagmamadaling umuwi si Stella. Magpapa-rebond pa raw kasi siya. Hindi naman na ako magpapaayos ng buhok ko dahil tuwid na tuwid naman na iyon hindi gaya ni Stella na curly hair. Lumabas na ako nang gate para maghanap nang taxi na masasakyan ko. Dahil may dala ako ngayon ay magtataxi na lang ako. Ang hirap kasi kapag makikipagsiksikan ako sa jeep. Napatingala ako nang biglang may humawak sa ulo ko. "Kuya Sandro," nakangiting saad ko sa pangalan niya nang makita ko ang mukha niya. Nginitian din niya ako at hinubad nito ang sombrerong suot at isinuot sa akin. "Masyadong mainit," anito. Tirik na tirik na talaga ang araw dahil tanghali na. "Thanks," saad ko at inayos an
Graduation day. Nagpa-picture kaming buong pamilya. May isa pang kuha na kasama ko si Stella. Dumating ang mga magulang ko mula sa probinsya para samahan akong umakyat sa entablado at tanggapin ang diploma ko. Maraming pamilya ang nandito at napi-picture-picture. Nakita ko si Kuya Sandro na pini-picturan si Stella na todo pose pa. Dahil dala ko ang camera na niregalo sa akin ay kinunan ko rin silang dalawa. Lumapit ako sa kanila at nakigulo ako kay Stella. Meron din kaming kuha na kasama na namin si Kuya Sandro. "Let me take a picture to the two of you," ani ni Stella at kinuha ang hawak kong camera. Ibinigay ko naman iyon sa kaniya. "Smile!" sigaw ni Stella nang itutok niya sa amin ang camera. May iba't-ibang angulo kaming kuha. May nakahawak ako sa braso niya meron namang pabirong nakahawak siya sa ulo ko na para bang naasar sa akin at merong pareho kaming nakangiti sa camera. Matapos ang graduation ceremony ay dumiretso ang pamilya namin sa isang restaurant na pina-reserve ni
Pagkatapos ng graduation ko ay umuwi na si Mama at papa sa probinsya kinabukasan pero hindi muna ako sumama sa kanila dahil ibinigay na nila sa akin ang ticket ko para sa free one week vacation ko abroad.Dahil ito ang unang beses kong pupunta sa ibang bansa at ang malala ay mag-isa lang ako kaya talagang pinagtuunan ko ang itenerary ko. Hindi ko nga akalain na papayagan ako ng mga magulang ko na umalis mag-isa, but dad said that it is one of the ways para mas maging independent ako. I need to travel alone. Excited na rin ako. One week from now on na ang alis ko. Pagkatapos nito ay uuwi na ako sa probinsya para doon magbakasyon. Ganoon naman talaga ang tradisyon naming magkakapatid tuwing bakasyon. Kailangan naming umuwi sa probinsya kapag bakasyon lalo na si Ate Rob na siyang papalit sa mga magulang ko para mamahala ng farm. Nate-training na ito tungkol sa negosyo nang mga magulang namin.While parents are giving me time to think if dito ba talaga ako sa Manila mag-aaral o sa probin
Bigla akong napatingin sa entrance nang may pumasok doon pero sana hindi ko na lang ginawa. I saw Ellen entering the place with a big smile. Lihim akong napairap sa ere. Biglang nasira ang mood ko. Bakit nandito rin ito?Okay na pagiging delusional ko kanina, e. Tapos makikita ko pa siya, bigla tuloy akong bumalik sa katotohanan. Hindi pa sinagad ngayong araw. Nagsalubong pa a ng kilay ko nang biglang lumabas si Kuya Nero mula sa loob at sinalubong ito. Wow, lumabas talaga siya. Napansin ko pang sumulyap ito sa gawi ko kaya nagpanggap ako na hindi nakatingin.Ang laki nang ngiti ni Ellen nang lumapit na nang tuluyan si Kuya Nero sa kaniya. Asar na ibinaba ko ang hawak kong dessert spoon. Nawalan na ako nang gana. Sa dami ng pwede nilang maging meeting place sa lugar pa talaga kung nasaan ako. Inis na tumayo ako sa bangko ko."Padaan, nakaharang," masungit na saad ko nang dumaan ako sa pagitan nila kahit malaki naman ang space at pwede ko silang iwasan. Naglayo naman sila para padaa
Malakas na tugtog, mga nagkikislapang ilaw. Maraming nagsasayaw sa dance floor habang meron namang mga abalang uminom. Amoy pa lang ng mga pinaghalo-halong amoy ng pabango at alak sa paligid ay parang maduduwal na ako. Hindi talaga ako sanay sa iba't-ibang amoy, meron pang mga nabe-vape kaya tila mausok na rin ang lugar.Inilibot ko ang mata ko sa bawat sulo ng bar. May mga sikat na personalidad din akong nakita. Mga anak ng politician at mga artista na dati ay sa tv ko lang nakikita pero sana itaas sila na may glass wall. Siguro iyon ang vip area.Hinila ako ni Stella papalapit sa bar counter at ito na mismo ang umorder nang iinumin namin. Long island ice tea, kahit cocktail lang iyon ay napangiwi pa rin ako nang tikman ko. Hindi ako sanay uminom ng kahit na anong alcoholic beverages."Look!" excited na saad ni Stella habang kinukublit ako sa braso ng paulit-ulit. Napatingin naman ako sa tinitingnan niya. "That's freaking Nicholas Hidalgo!" kulang na lang ay tumili si Stella habang n
NERO'S POV "Are we going home now?" she asked trying to open her sleepy eyes while I am driving. "Yes." She moved to face me, but her seatbelt stop her so she removed it. "Ramona, put your seatbelt back," utos ko sa kaniya. "Don't send me home. My sister will freak out if they saw me at this state," she said, more of begging. I am glad that she still have a straight tongue even she is drunk. Some people can't talk properly when they are drunk. "You should thought that before you get drunk," I said trying to concentrate in driving, but I can't help not to look at her. She is pouting her lips while looking at me. Her cheeks are red that made her looked flush. "Kuya Nero..." I really hate it when she is calling me like that. "You are not my sister." "I know, but I need to call you Kuya so that it will remind me that you can't like me," she said while looking at me with her sad eyes. She smiled, but it did not reach her eyes. "Sleep, I'll wake you up, once we are at your home
RAMONANapasapo ako sa ulo ko nang magising ako. Pakiramdam ko pinupokpok iyon sa sobrang sakit. Hindi ko mapigilang mapangiwi habang pilit na tumatayo. Ipinilig-pilig ko ang ulo ko para mawala ang hilo na nararamdaman ko pero walang nangyari. Maging ang sikmura ko ay parang gustong lumabas lahat ng kinain ko nang nagdaang gabi.Patakbo akong nagtungo sa banyo at sumubsob sa sink. Sumuka ako nang sumuka hanggang sa wala nang mailabas ang simura ko. Nanghihinang napahawak ako sa magkabilang gilid ng sink upang hindi ako matumba.Tumingin ako sa salamin at hindi ko maiwasang malukot ang mukha ko dahil sa hitsura ko. Magulo ang buhok ko na para bang walis na lang ang kulang at lilipad na ako. Napatingin ako sa damit na suot ko. Nakapantulog naman ako ng maayos pero hindi ko masyadong maala-ala ang lahat ng nangyari. Naghilamos ako ng mukha para medyo matauhan ako dahil pakiramdam ko groggy pa ako. Naparami ba ng husto ang naiinom ko?Kahit nanghihina pa ako ay agad akong tumapat sa ila
Dumating ang sabado. Ito ang araw ng fashion show. Napatingin ako sa paligid nang mapansin ko na ako lang ang inaayusan. “Nasaan po ang mga kasama ko? ”Tanong ko sa make-up artist na nag-aayos sa akin. “Nasa ibang room po sila ma'am, magkakabukod po talagang inaayusan ang mga model para po hindi magkagulo sa isang room at hindi masagi ang susuutin ninyong gown,” paliwanag nito. Napatingin ako sa gown na susuutin ko. This is not my wedding yet, and I am very excited. Hindi rin lang isa ang nag-aayos sa akin, lima silang nandito sa loob na kasama ako. May nag-aayos ng buhok ko, ng make-up ko, at ng mga susuutin ko. Daig ko pa ang ikakasal talaga. Hindi ko rin makita si Ate Ren, pagkahatid kasi niya sa akin ay umalis na rin siya, sabi nga niya may appointment siyang pupuntahan. Kaya nga ako ang pumalit dito sa kaniya. Napatingin ako sa paligid, ilang minuto na lang at magsisimula na ang show, pero wala pa akong nakikitang ibang modelo na kasama ko. Hindi gaya sa mga napapanood ko na
THREE YEARS AFTER... Ramona's POV "Three years na kayong engage, wala pa ba kayong balak magpakasal?" napatingin ako kay Ate Ren. "Naunahan ka pa ni Rob." Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang dalawang paa at kumakain ng cereals. Saturday afternoon ngayon at nakatambay lang kaming dalawa sa bahay. Dito na ulit siya nakatira, hindi ko alam kung ano ang nangyari, but she said that she is planning to divorce Kuya Lukas. "Magpapakasal naman kami, sure naman na iyon, pero sa ngayon, hindi ba pwedeng mag-enjoy lang muna kami bilang boyfriend-girlfriend?" sagot sa kaniya. Isa pa busy si Nero sa negosyo niya at ako naman ay sa trabaho ko bilang bagong Marketing Director ng Hidalgo's Hotel. One year after ni Nero mag-propose sa akin ay nag-resign siya sa trabaho, saka ko lang nalaman na may sarili pala siyang negosyo. He owns three luxurious resto bars and a resort kaya masyado siyang busy. Tapos balak pa niyang magpatayo ng bagong branch, kaya mas abala siya. "Pero kapag inaya ka niya
Bumalik ako ng Maynila kasama si Noel at gaya ng inaasahan ko hindi papayag si Ellen na hindi siya kasama. Pero wala na itong nagawa nang bumukod na ako, hindi gaya sa America na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay. I also contacted my best friend, Rob, to inform her that I was back. Kahit na alam ko na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Gaya ng inasahan ko maraming maaanghang na salitang binitwan sa akin si Rob, pero sa huli ay nakausap ko rin siya ng maayos. Kasunod kong kinausap ay ang nakakatanda sa magkakapatid na Escalante. "So, you finally back?" bored na saad nito habang magkausap kami. Nakasandal ito sa isang mamahaling kotse. NDH race track kami ngayon. Nalaman kong palagi siyang tumambay dito dahil asawa niya ang may-ari ng lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na why she can boss people around her; she's a real boss. Tumango ako sa kaniya. "Yes." "Why just now?" "What do you mean?" "Why did you come back?" "He is not mine." "I know," s
NERO'S POV The trip to Japan became a memorable one. Ang pangako ko kung babantayan ko lang siya ay hindi ko natupad, nagawa kong umamin sa kaniya. Nalaman niya na hindi coincidence lang na nasa Japan ako dahil nga nadoon ako kung nasaan siya. Sinadya ko namang iparamdam ang presesnsya ko sa kaniya, hindi ko lang inaasahan na magagalit siya sa akin. I really have no plan to confess yet, but seeing her angry with me made me feel devastated, so without a plan, I told her what I felt for her. That day, I said the magic words and promised her that I would wait until she was ready. Magkasama naming nilibot ang buong Kyoto, we may not be officially lovers, but we are both already aware of what we feel. Minsan kasi kahit gaano pa natin kagusto ang isang tao, hindi muna natin gugustuhin na pumasok sa relasyon kasama siya. Hahayaan muna nating siyang abutin ang pangarap niya, habang tayo ay nakasuporta lang sa kaniya. At ganoon ang gusto kong gawin kay Ramona. Hayaan siyang malayang abutin mu
Kung kailan amindo na akong gusto ko rin siya saka naman siya nagsimulang iwasan ako. Tapos nagsimula pangsumingit ang Sandro na iyon, kaya mas lalo akong nahirapang lapitan si Ramona. Gumawa na lang ako ng paraan para hindi ako malamang ni Sandro. Binigyan ko siya ng regalo. Una ay binigyan ko langs iay ng electric shocker dahil nalaman ko na nag-iisa lang siya sa bahay. Kailangan niya ng pang-self-defense. Nang dumating ang pasko at bagong taon ay nasa probinsya siya. Palagi talaga silang umuuwi kapag bakasyon, kaya binili ko ng regalo ang lahat ng naipon ko. Mahilig siyang kumuha ng larawan, kaya dlsr ang binili ko sa kaniya. Medyo may kamahalan kaya nabutas ang bulsa ko, pero nang makita ko ang mga ngiti niya sa iniregalo ko, sulit ang gastos ko. Binili ko talaga ang isa sa pinakamahal na camera para sa kaniya. Hanggang sa dumating ang eighteen birthday niya. Wala na akong pera ako ng isang silver infinity ring. Mura lang iyon, pero gusto ko ang simbolo noon. Kapag nagpropose ak
NERO'S POINT OF VIEWSumama ako ngayon kay Rob papunta sa bahay nila. Katatapos lang naming mag-enroll at sa bahay nila kami dumiretso ng uwi. Sanay na akong tumambay sa kanila dahil madalas ay siya at si Raf lang naman ang tao doon, pero hindi ko inaasahang pagdating namin ay naroon na rin ang bunsong Escalante. Sa larawan ko lang siya nakikita dati, pero hindi ko mapigilang mapahigit ng hininga nang makita ko siya at ngumiti sa amin ni Rob.Mas maganda siya sa personal."Who is he?" tanong nito kay Rob, pero nasa akin ang tingin niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa harap ng teenager na nasa harapan ko.Kailan pa ako kinabahan dahil sa bata?"My friend, Nero," simpleng pagpapakilala sa akin ni Rob sa kaniya. "She's my youngest sister, Ramona. Dito na rin siya mag-aaral."Inilahad nito ang kamay niya, tantanggapin ko na sana iyon nang bigla itong magsalita. "Ramona Escalante, your future wife," malaking ngiti na saad nito dah
Napatingin kami kay Papa at Nero nang sabay na pumasok ang mga ito sa dining room. Halatang may hangover sila pareho, pero pinipilit nilang hindi ipahalata. Ayan kasi ang lalakas uminom, pero bagsak naman. Sabay silang naupo. Si papa ay sa kabisera ng lamesa, habang si Nero naman ay sa kalapit ko. Nginitian ako siya at inabot ang kape para mawala ang sakit ng ulo niya kahit papaano, pero bigla nitong hinawakan ang kamay ko habang nakakunot ang noo. “How? You already saw it?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa daliri kong may suot na singsisng. “Yeah, you gave it to me last night,” nakangiting saad ko sa kaniya. Huwag niyang sabihin na hindi niya naalala? “Kung ganoon nilasing mo ako para makapag-propose ka sa anak ko?” sabay-sabay kamig napatingin kay papa habang matalim ang mga mata nito na nakatingin kay Nero. Bigla itong napayuko nang bigla itong batukan ni Mama. “Ikaw ang nagsabi sa kaniya na lumuhod kaya huwag ka nang tumutol pa. Hayaan mo na ang anak natin,
RAMONA'S POV Napabangon ako sa kama ko nang marinig kong may nagtatawanan sa ibaba. Nahihirapan man ay pinilit kong sumakay sa wheelchair ko bago ako lumabas ng kwarto ko. Nakasalubong ko si Ate Roberta na nagtatakang tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" "Sa labas narinig ko kasi ang boses ni Nero parang may kaaway yata," sagot ko sa kaniya. Boses kasi ni Nero ang narinig ko. Hindi naman iyong palaging malakas ang boses maliban na lang kapag mainit ang ulo sa opisina, pero ngayon ay rinig ko ang boses niya hanggang kwarto ko na tila ba may kausap. Napatingin ako kay Ate Rob nang itulak niya ang wheelchair ko. Napakunot ako nang makita ko si Mama na nasa may Garden at hawak-hawak ang camera na para bang may vini-video ito. Napatingin ako kung saan nakatutok ang hawak niya at nakita ko si Papa at Nero na nakaupo sa may papag na nasa may hardin. Ang daming bote ng alak na nakapalibot sa kanila. "Ma, nilalasing ba ni Papa si Nero?" nag-aalalang tanong ko kay mama nang makita ko si N
RAMONA'S POVIt's been two weeks mula nang makalabas ako sa ospital, pero naka-wheel chair pa rin ako dahil sa binti ko. Hindi pa kasi magaling at hindi ko naman pwedeng pwersahin. Pero sabi naman ng doctor ay makakalad din ako kapag magaling na ang binti ko.Nasa balcony ako sa second floor at napakunot ang noo ko nang makita ko si Nero na nagsisibak ng mga kahoy sa ibaba kasama ang ilan sa mga tauhan ni Papa.Hindi ko mapigilang mapailing, sigurado akong ang ama ko ang may pakana noon.Marami nang nangyari sa nakalipas na tatlong linggo.Matapos kong makalabas sa ospital ay isinama ako pauwi ng mga magulang ko sa probinsya. At kahapon ay dumating si Nero para sundan ako. Sabi niya ay inayos lang niya ang mga problemang naiwan sa Maynila.Mabuti na lang at may cctv sa parking lot ng hospital, kaya nakunan nila ang ginawa ni Ellen. Hindi rin tumigil si Ate Ren upang malinis ang pangalan ko at hindi madawit sa pagkamatay ni Ellen at sa karambolang nangyari.Hindi ko lang inaasahan na a