I was playing with Antonia when my phone rang. Kinuha ko iyon at naupo sa kalapit ng pamangkin ko na naglalaro. Nandito kami ngayon sa crib niya, mabuti na lang at malaki ito, kaya kahit ako pwedeng mahiga rito."Hello?""Hello, do you still know me?"Natawa ako sa tanong niya. "Of course, how could I forget my best friend?""Oh, best friend mo pa pala ako, akala ko hindi na dahil kung hindi kita tatawagan hindi ka nagpaparamdam. Hoy babae, may balak ka pa bang magpakita sa akin? Mahigit isang taon na tayong graduate pareho, pero ni anino mo hindi pa rin nagpapakita sa akin," walang prenong reklamo nito."Sorry, I was just a little bit busy," hingi ko ng paumanhin sa kaniya o mas tamang sabihing pagdadahilan ko."Lagi ka namang busy, kahit anong pagpapayaman gawin mo hindi mo na malalampasan ang yaman ni Ate Ren," pagtatalak nito.Napaikot ang mata ko sa sinabi nito. "Should I find my own sugar daddy?" pagbibiro ko sa kaniya."Ay, sama ako," anito at humalakhak kaya natawa na rin ako.
Last Updated : 2024-03-25 Read more